webnovel

Death Kill Academy

Death Kill Academy School of Death Is a school full of game. Larong pwede at Hinding pwede pangbata Larong puno ng mystery Larong puno ng dugo. Dadaganak ang dugo sa panibagong yugto ng buhay sa pagpasok ng mga students sa Death Kill Academy. Let's the game begin.

MissHYchii · History
Not enough ratings
33 Chs

Kabanata 3

Kabanata 3: Welcome to Death Kill Academy

#Death Kill Academy

***

(Hayden Zyrienne Pov)

Lumabas kami ng Classroom at lumapit sa Gate. Napansin ko na parang kami lang ang tao. Saka medyo madilim pa. Siguro umuwi na sila.

Nakarating kami doon ay nakita namin ang nga wire na nakakabit sa gate. Yung parang nasa kulungan ka. Anong akala nila sa amin may kasalanan psh?

Nakatingin lang kami sa gate na napapalibutan ng wire.

"Wala yan nung kanina" Sabi ni Crissa. Umiling-iling pa. Mabuti naman at hindi siya magkaroon ng bali sa leeg.

May point naman siya kaso nga lang hindi ko napansin kasi nga nagmamadali ako no.

"Tama si Crissa wala yan kanina" nagtatakha sabi ni Kathleen. Himala nakisali na si Kathleen. Ang tahimik kaya nito.

Agad naman sang ayon ang iba. Napatingin ako sa watch ko na parang matagal na. 2 AM na pala ang bilis ng oras. Feeling ko may hindi maganda sa school na ito. Parang may something.

Wala kaming nagawa kundi bumalik. Hindi namin kayang akyatin ang ganyang kataas na gate.

Bumalik kami sa room at natulala. Wala akong alam kung ano ang sunod na mangyayari. Hindi lang ako pati na rin ang iba ko pang kasama. Mukhang pinaglalaruan kami dito. Tapos hindi pa namin mahanap ang cellphone ang mahal pa naman ng cellphone ko. Brand new pa naman yun.

Gutom na ako. Pero hindi ko alam kung paano sabihin at walang makakain dito. Walang ngang mga paninda dito. Saka nawala rin ang wallet namin. Kasama ng bag namin.

Alam niyo ba ang napansin ko kanina. Nung nasa gate kami wala doon ang guard na nagbabantay. Umuwi na kaya siya? O baka may nangyari. Malamang uuwi yun sino namang matinong tao ang tatambay sa isang paaralan na ganito.

"Guys Cr lang kami" Paalam ni Allison yata. Okay fine? Wala naman akong pake kung magbanyo kayo.

Saka hindi ko maalala ang pangalan niya. Mahina ako sa mga pangalan. Kaya kapag nanonood ako ng palabas gagawa nalang ako ng katawagan sa kanila.

"Sige. Balik lang kayo" Sabi ni Charice yata. Tsk babalik naman talaga yan tss. Ang taray ko naman.

Tumahimik nalang ako at napatingin kay Alden. Nakakakunot noo siya. Ano naman kaya ang iniisip ni Manyak? Feeling siguro niya badboy siyang tingnan. Tss malabo. Tsk bakit ba ako nakatingin sakanya? Pero gago talaga siyang tingnan.

Nang tumingin naman ako sa kanya.

nakatingin siya sa akin. Problema ng gago na ito? Ang rami ko namang tawag sa kanya.  Agad ko naman iniwas ang tingin. Baka sabihin pa nito type ko siya may standard at wala sa vocabulary ko ang ma-inlove nakakasuka ang bagay na iyan. Mayabang naman yan! Eh akala mo lahat ay ma-iinlove sakanya tss.

Nabigla ako nang pumasok si Alyssa yata na nagmamadali. Excited makichika?

"Guys. May sasabihin kami sayo" panimula ni Alyssa saka umupo.

Tumingin ako sa kanila na naghihintay kung ano ang sasabihin nila. Malay mo magandang storya.

"Ano?" Tanong ni Jeseryll. Himala at naging seryoso si Playgirl naramdaman ko na kumapit sa kamay ko si Crissa. Takot yata ang isang to?

Tumingin sa amin si Alyssa. Ang tagal naman magkuwento ng isang to. Pasuspense pa tss

"Alam niyo ba nung pumasok kami sa Cr narinig namin may humihingi ng tulong sa amin, Pero wala naman kaming makita na tao" Ganun? Akala ko naman nakaka-excite ang kuwento.

Hayst. Nasayang lang ang oras ko dito.

"Ang creepy" komento ni Tiffany may kasama pang maarte na boses. Tss akala siguro niya ang ganda ng pagkasabi niya. Ang sarap ngang itapon palabas. Kanina pa ganyan ang sinasabi niya. Tsk! Paulit-ulit na ganyan ang line niya.

Wala akong balak na magsalita. Sila na ang bahala dyan.

"Sa tingin niyo may mangyayari kaya na hindi maganda sa atin?" Seryosong tanong ni Crissa. Halata sa boses niya ang takot? Sabagay mula pagkabata ay takot na siya sa mga multo.

Nawala ang Timpla ng mukha nila. Okay? Ang sarap tumawa pero huwag na.

"Huwag naman sana" sabi ni John Axe yata. May kamukha ang isang to at panay ang tingin nito kay Jeseryll. Tss i smell something fishy.

Napatingin ako sa relo 4 AM na pala, Ang bilis ng oras. Hindi ko pala namalayan. Saka sana hindi nalang ako sumama sakanila na maglibot bitin tuloy ako sa pinanood ko na Vampire Knight Anime. Ang cool nga doon ni Kaname Kuran.

Lumabas ang ilan sa mga classmate ko dahil maghahanap daw sila ng makakain. Mabuti pa nga para naman makakain na kami no. Naiwan naman kaming 10 dito.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Arth yata. Isa rin to kanina pa tingin ng tingin kay Kathleen. Nababaliw na yata ang ugok na ito.

Tumingin siya sa amin.

Si Kathleen ang sumagot sa kanya. Nakita ko ang bahagya niyang pag-ngiti. Ano naman nakakangiti doon?

"Hindi namin alam" Nagkabit balikat pa si Kathleen. Tumango lang si Ungas pero nakita ko ang paghampas sa kanya sa balikat nung isang ungas.

Matalino ako pero mukhang di ko yan magagamit ngayon.

Hayst. Saka wala akong balak na mag-isip.

kumusta na kaya si Yaya Mariel? Siguro mag-alala na siya. Tss Paano ba kami makakalabas dito? Wala pa naman kaming pamalit na damit.

"Guys may pagkain sa cafeteria pumunta na kayo doon kung gutom kayo"

Sabi ni Shana yata na hinihingal pa mukhang kararating lang niya. Tumakbo yata siya para mainform kami. Sanaol naga-effort.

Nakatingin lang ako sakanya tss wala akong balak na magsalita.

"Sige. Salamat Shana"

Si Micca na ang sumagot  kay Shana. Tumango lang si Shana yata at umupo sa may upuan.

Lumabas ako kasabay sina Crissa. Oo nga pala barkada nila  Crissa si Michael.

Remember yung bading. Na wagas maka FC.

Napatingin ako sa may flagpole may tao o multo Doon. Hindi naman ako takot sa multo.

"Ahh. Crissa mauna na kayo may pupuntahan lang ako pero susunod ako" Kahit na naguguluhan siya ay tumango naman siya.

Paglapit ko sa flagpole. Nakatalikod ito sa akin. Pero alam kong hindi siya tao.

Kundi multo. Kakausapin ko ba? Bahala na nga.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko. Ang ganda ng pangbungad ko na tanong no?

Kahit di ko siya kilala dapat ko siyang kausapin. Kailangan ko malaman ang something dito.

Nakatalikod parin siya sa akin. Halatang hindi talaga siya tao kasi napakaputi niya.

"Nanganganib kayong lahat. May mangyayaring hindi maganda kaya habang maaga pa gamitin ang taglay na alesto at talino"

Taglay na Alesto at Talino? Sounds like interesting.

Ang Weird saka ang lalim pa ng boses niya.

Namangha ako sa sinabi niya feeling ko kasi totoo ang sinasabi niya. Ano siya manghuhula?

"Bakit mo ito sinasabi sa akin?" Ano bang mangyayari sa amin?

Naglakad siya palayo. Akala ko magwalk out siya.

"Ayaw kong matulad kayo sa amin" Sabi niya at nawala. Okay may magic siya?

Sa tingin ko nagbabala siya sa akin at sabi pa niya ayaw niyang matulad kami sa kanila.

Ano nga ba ang meron dito?

Ano ba talaga ang nangyari sa kanila?

Namascare ba sila o pinatay? Ang rami ko namang tanong pero walang makakasagot langya.

Hay buti naman at nagbabala  siya ngayon dapat mag-ingat kami at alesto. Pero ewan ko nalang if magamit namin if kailangan.

Umalis ako sa flagpole at dumiretso sa cafeteria. Nagugutom na talaga ako eh. Dinaig ko pa ang mga batang nasa lansangan.

Nakita kong kumakain sina Crissa. Mabuti pa sila patakbo akong lumapit sakanila.

"Hoy Besh. Ba't ang tagal mo?" tanong ni Mikhael. Feeling close ah? Hindi ako sumagot hindi naman ako nagsasalita sa hindi ko ka-close.

Maka Hoy isang to wagas. May pangalan ako no. Besh daw psh?

Walang ganang tumingin lang ako sakanya. Asa siyang sasagot ako.

Mabuti na lang at tumahimik sila.

Sana hindi masyadong malala ang mangyayari sa amin. Napatingin ako sa watch at 3:30 na ang oras ng Hapon.

Ang bilis ng oras! Sabagay tumatakbo ang oras.

*****

(Kathleen Pov)

Alam ko may tinatago si Hayden pero di niya sinasabi. Okay lang sanay naman ako sakanya na masekreto.

Feel ko rin na may magyayaring hindi maganda dito. Feeling ko lang psh?

Sa ngayon mukhang hindi naman mag-alala ang mga magulang ko lagi naman sila busy sa company. 

Nakalimutan nilang may anak sila. Kaya nga magkasundo kami ni Hayden na parehong walang time ang magulang sa amin. Pero hindi naman ako tulad niya na hindi talaga nagsasalita.

"Kathleen. Samahan mo ako sa Cr?"  Aya sa akin ni Micca. Kailangan pa bang kapag pumunta ka sa Cr ay may kasama kang palagi? Ano yun alalay mo siya?

"Sige"

nagpaalam nadin ako kina Hayden. As usual tumingin lang siya at kumain. Hayst kailan kaya siya magbabago?

Pagdating namin sa Cr ay may narinig kaming babae na humihingi ng tulong pero wala namang tao. Parehas ito sa kinuwento ni Alyssa kanina ah?

Hindi nalang umihi si Micca bumalik nalang kami dala siguro ng takot. Siya lang naman ang takot.

Nagulat kami ng may magsalita sa speaker dito.  Tss mayaman siguro ang may-ari nito.

"Pumunta kayo sa room na pinadalhan sa inyo"

agad namin kami sumunod. Baka may sasabihin na importante.

Pumasok kami sa room at nagulat kami nang may screen doon. Kanina wala pa yan ah! Nakakapanibago talaga ang mga nangyayari dito. Nakakagulat.

Hi Tech ha.

Lumabas sa screen ang mukha ng babaeng mukhang manika. Kamukha niya si Anabelle. Kahit na hindi pa dumating ang Halloween ang hilig kanakot ng mga tao ngayon.

"May game tayo dito ang kailangan niyo lang gawin sundin ang mechanics ng game. Una-una kailangan niyo magtago sa loob ng sampong segundo. Pagkatapos ng sampong segundo

Hahanapin kayo ng mga tauhan ko sa loob ng isang oras at kapag walang nakita sa loob ng isang oras sa inyo congrats. Pero kapag may nakita goodluck. Let the game begin" Sabi ng babaeng mukhang manika. Game?

May laro pala ang school nato? Hindi ako nainform.

Mukhang hindi toh maganda.

"Isa"

Lumabas kami sa pagbilang niya. 

"Dalawa"

Nagtulukan kami sa paglabas.

"Tatlo"

Saan kami magtatago?

"Apat"

Tama sa clinic kami magtatago. Bakit ba kami nagtatago?

"Lima"

Pumasok kami sa clinic at nagtago sa cabinet. Mabuti nga kasya kami.

"Anim"

"Pito"

Tumahimik nalang kami. Tss hindi ko alam kung bakit tumindig ang balahibo ko?

"Walo "

"Siyam"

"Sampo"

"Times up"

Anong klaseng laro to? I don't like these game.

****

P/S: Inayos ko lang to kasi may mga Grammatical Error

Currently under editing. You can read it in Wattpad.

Just Search: @missHYchii

-@missHYchii