webnovel

Death Kill Academy

Death Kill Academy School of Death Is a school full of game. Larong pwede at Hinding pwede pangbata Larong puno ng mystery Larong puno ng dugo. Dadaganak ang dugo sa panibagong yugto ng buhay sa pagpasok ng mga students sa Death Kill Academy. Let's the game begin.

MissHYchii · History
Not enough ratings
33 Chs

Kabanata 5

Kabanata 5: Caught

#Death University

***

(Hayden Zyrienne Pov)

Hindi ko na alam ang gagawin ko wala nga kaming Cellphone. Kinuha din nila. Ang boring kaya psh. Gusto ko yung may kalibangan ako. Kanina pa kami natapos maglaro ng Truth or Dare.

Sino naman kaya ang mamatay sa amin?

Sana hindi kami maubos dito. Para akong baliw na kinakausap ang sarili.

Paano kung ako na ang mamatay anong klaseng pagpatay ang gagawin sa akin? Eh dapat pigilan ko huwag kong hayaan na mamatay ako. Hayst tama na ang pag-iisip Hayden. Hindi pa yata mangyayari yan.

Hinihintay lang namin mag 6 PM magtatago kami kasi niyan. Hindi ko nga alam kung saan kami magtatago.

Tumunog na orasan tanda na 6 PM na.

"Guys magiging matatag tayo ha" Sabi ni Greg yata. Matatag? Wala yata yan sa akin? Matapang lang ako pero mabilis sumuko.

Tumango lang sila. Alam kong lahat kami ay natatakot. Pero hindi naman ako natatakot.

Ayoko makakita ng taong namamatay sa harapan ko. May naalala lang ako.

Okay lang na sabihin nila sa akin na mahina ako. Kahit na matapang talaga ako

"Isa"

Nagsi unahan kami sa paglabas. Saan ako magtatago?

"Dalawa"

Kami ni Crissa ang nagsabay magtago. Siya kasi ang nahila ko eh kala ko pa naman ay si Kathleen.

Nag-iba sila Kathleen. Hindi ko alam kung bakit? Siguro sa pagmamadali.

"Tatlo"

Sa may gym kami nagtago. Yung sa baba para hindi kami makita.

"Apat"

Sa ilalim banda.

"Lima"

Nakapwesto na kami ni Crissa at nanahimik.

"Anim"

Ang bilis niyang magsalita. Mabuti naman at mabilis kaming makatago.

"Pito"

Okay tatahimik na.

"Walo"

"Siyam"

"Sampo"

Malapit na.

"Times up"

Tumahimik kami ni Crissa napatingin kami sa unahan namin ng may nakita kaming nakatayo. Sa tingin ko ay marami ang kanyang alagad?

Sana hindi kami mahuli.

Pero kailangan kong maging mahinahon baka makita pa kami.

Huwag kang sumilip dito.

Pero kagaya nang sa movie sumulip dito ang lalaking nakamaskara. Tss sana hindi niya kami nahalata. Sana duling to.

Dahan dahan kong niyuko ang ulo ko.

"Pwede na kayo magsilabasan sa pinagtataguan niyo" Yes save by the bell.

Pagtingin ko sa harapan namin ay nawala na ang lalaking nakamaskara ang bilis naman niya. Para siyang si flash?

Lumabas naman kami ni Crissa. Nakahinga kami ng maluwag.

"Muntik na tayo doon" Nagbuntong Hininga pa ako kasi nga kinakabahan ako ng sobra. Akala ko makikita na kami.

"Oo nga" Wika ni Crissa.

Pagdating namin sa room ay nakita namin ang kaklase naming si Clyde at si....

Jane.

Bakit dalawa ang nanjan?

Diba isa lang? Ang bwiset naman ng larong to. Ang labo? Pwede pala ang marami? Sa tingin ko uubusin nila ang oras?

"Nagtatakha siguro kayo kung bakit dalawa ang nakuha. Same kasi sila ng pinagtataguan kaya kinuha namin silang dalawa" sabi ni ng babaeng manika. Katulad ng lagu niyang ginagawa tumawa siya ng sobra.

"Diba sabi niyo tig isa lang ang namamatay sa isang araw!" Sigaw ni Rhianne yata. Bakas sa mukha niya ang galit. Siguro friend niya si Jane.

Galit na galit siya habang yung kaibigan niya ay umiiyak lang sa tabi niya.

"Hindi ako tumtupad sa kasunduan. Dear tuso kasi ako" sabi niya at tumawa pa. Tuso na feeling witch.

Malalaman ko rin ang lahat Humanda ka. Hindi kita patatakasin.

"Hayden. Kalma lang" Sabi ni Kathleen at hinawakan ako sa braso.

"Huh?"

Umuling lang siya. Ang labo naring kausap ni Kathleen.

Napatingin naman ako kay Clyde at Jane na unti-unting ng nanghihina. Ewan ko nga ba kung bakit walang nababakas na emosyon sa mukha ko.

Ang tanging magagawa ko lang ay alamin ang lahat para saan pa ang gusto kong maging detective someday kung hindi ko gagamitin ngayon. Hilig ko nga sa Detective Conan.

Aalamin ko ang lahat ng may gawa nito at kasabwat. Hindi ako makakapayag na nanahimik lang ako sa tabi at nanonood sa iba na namamatay na.

Humanda kayo!

*****

(Nicole Pov)

Patay na si Jane. Para ko na siyang kapatid.

Bwisit na paaralan to. Bakit ko ba kasi ito ang napili kong school.

Sana hindi ko nalang pinilit si Jane na mag aral dito! napakamasarili ko.

Ganito ba ang bestfriend ipapahamak mo ang taong malapit sa iyo. Sising-sisi ako sa aking nagawa.

Nilibing namin sila. Umiiyak akong nakatingin sa libing ni Jane.

Si Clyde 2 ang nakasulat sa noo niya Samantala si Jane ay 3.

Sino na kaya ang sususnod sa amin ngayon. Pesteng laro to. Matira matibay lang ang kaya mong gawin.

"Nicole magpakatatag ka hindi gusto ni Jane ang taong mahina" pangpakalma sa akin ni Rhianne. Kahit na pinapakalma ako ni Rhianne pero hindi ko parin kaya.

Hindi ko alam kung kaya ko pang maging matatag.

Ano bang nagawa namin na kasalanan?

Wala akong matandaan na ginawa namin. Mababait naman kami, Palamura lang kami pero hindi ko talaga kaya gawin ang bagay na maging masama.

"Rhianne masama ba tayong tao?"

Nag-isip pa si Rhianne at nagbuntong hininga.

Agad naman ako nilinga ni Rhianne. Nakakunot noo na nilinga niya ako.

"Hindi. Paano mo nasabi?"

Napangiti nalang ako ng mapait. Kahit na sinabi ni Rhianne na hindi kami masama pero hindi parin ako naniniwala.

"Kasi grabe naman ang parusa na binigay sa atin. Hindi ko kaya"  If i could go back the time.

****

(Someone Pov)

"Ate! tatlo na ang namatay sa kanila" Napangisi nalang ako sa sinabi ng kapatid ko.

Edi mabuti! I want blood from my hypocrite and bitch classmates.

Ang tatanga naman nila haha.

hindi nila alam na traydor kami. Sabagay puro landi lang sila at boy hunting haha.

"Haha! Sana maubos na sila agad"

At lumingon sa kapatid ko. Excited na ako hahaha. Wala talaga silang alam kung ano talaga ang nangyayari.

"Chill ka lang ate. Pero mag iingat ka ate lalo mga aktibo ang kaibigan mo"

Oo nga pala. May mga kaibigan akong alesto at hindi mo alam ang tumatakbo sa isipan.

"Thank you. But i can handle myself"

Totoo naman ah. Kaya kong protektahan ang aking sarili.

Hayst ang ganda ng buhay hahhah. Lalo na pag may nakita kang blood. Tsk mga tanga!

*****

(Hayden Zyrienne Pov)

Papunta ako ngayon sa cr. Kailangan pa ba sabihin ito? Okay bahala na.

Naiihi kasi ako sasamahan sana ako ni Kathleen pero pinigilan ko siya. Ayaw kong may kasama ako, Kasi nga pati pag cr ay dapat may alalay ka. Eh hindi naman ako parilisado.

Kaya ko naman mag isa. Boung buhay ko lagi akong mag isa.

Ayst. Saka pati kapatid ko ay nawala. Parents ko nga ay busy.

Past is Past. Pero hindi ko maiwasan isipin na Bakit ganun ang buhay ko? Bakit kailangan na mag-isa lang ako? Nagseselos ako sa mga tao na laging silang sinusuportahan ng kanilang mga magulang.

Pagkarating ko sa Cr ay siyempre dapat gawin na ang kailangan. Hindi ako yung tipong tao na magtatagal pa sa Cr.

Umuhi ako ng may narinig akong nag-uusap.

"Anong gagawin niyo sa akin?"

Parang boses babae nga ang nagsasalita. At base sa boses niya ay kinakabahan siya.

Pamilyar sa akin ang boses niya.

"Hindi mo malilimutan ang gagawin namin sa iyo"  Parang boses lalaki ang nagsasalita. May binabalak yata na masama ang lalaki sa babae.

Napatigil ako at nakinig. Tutulong lang ako pag-may nangyari na.

"Pakawalan niyo ako. Maawa kayo sa akin. Isusumbong ko kaya kay Mhine"

Lumaban nalang kaya siya eh mukhang may gagawin na masama ang lalaki eh?  Sino kaya to?

kaklase kaya namin?

"Yun kung kaya mo pa. haha eh mamatay ka lang naman"

Mhine? Wala akong classmate na magjowa. Ay paano ko naman nasabi eh hindi ko nga sila halos kilala.

Ang tanging narinig ko lang ay umiyak yung babae at tumatawa yung mga lalaki. I need to help her.

"Tulong!"

Agad akong lumabas sa cr at tutulungan sana ang babae.

Nang makita kong walang tao sa labas. Weird pero bakit may narinig akong nagsalita kanina if walang tao? Ano yun guni-guni ko tss.

Lumabas ako sa Cr. Pero bago ako makalayo ay may narinig akong nagsalita.

"Mag-ingat ka Hayden"

Lumingon ako pero walang tao. At isa pa sinong tao ang alam ang pangalan ko maliban sa mga classmate ko? Pero hindi ako sure kung alam nila talaga ang pangalan ko.

Napakaweird naman. Baka guni- guni ko lang.

Tumakbo ako palapit kila Crissa.

"Anong meron?"

Napalingon naman sila sa akin. Kaya tinaasan ko sila ng kilay at hinihintay ang sagot nila. Ngayon lang ako nagtanong. Mukhang nanibago sila sa akin. Anong akala nila sa akin pipi?

"Hayden. May gusto kasi itong si Jeseryll kay John" Natatawang sabi ni  Michael. Salamat at hindi niya ako tinatawag na Besh. Hindi ako sanay.

Napakunot ang noo ko. Lovelife na naman. Kailan kaya sila aalis sa ganyan?

"Sinong John?"

Nawala naman ang timpla sa mga mukha nila. May nasabi ba akong mali? Sabagay hindi ko naman kilala ang mga classmate ko at hindi ako interesado.

"Yung kaibigan ni Christian" Sabi ni Micca. Pagka-bangit ni Micca sa pangalan na Christian ay kinilig siya at nagblush. May gusto yata siya kay Christian?

Christian? Hindi nalang ako magtatanong.

Sino kaya yung babaeng laging nagpapakita sa akin? Salamat talaga sa kanya dahil tinutulungan niya kami.

******

P/S: Under Editing to kaya bare With It.

Sa tingin niyo rin sino?

I just wanna To say thank You to all people who greet me in my Birthday. Lovelots.

Kamsamida

-@missHYchii