webnovel

EPILOGUE

Epilogue

[NARRATOR]

"HELLO? SINO 'to?"tanong ng isang pulis nang may tumawag sa kanilang telepono. Ang mga himpilan ng pulis na ito ay ang pulis ng isang malaking isla.

"Ano? Bata 'wag mo kaming pinaglololoko. Totoo ba ang sinabi mo?"naiinis na tanong nito matapos marinig ang sagot ng nasa kabilang linya.

"Sige, sige. Tutulungan namin ang mga kaibigan mo. Papunta na kami,"ibinaba ng pulis ang tawag at agad na tumakbo sa hepe ng pulisya.

Pagkatapos kumatok ng pulis ng tatlong beses ay pinihit nito ang doorknob at binuksan ang pinto. Sa pagpasok ay nagkasaluduhan ang pulis at ang kanyang hepe.

"Police Officer Niel, anong sadya mo?"tanong ng hepe. Ibinalik nito ang kanyang tingin sa mga papel na binabasa.

"Sir! May nagpadala po sa atin ng tawag na nagkaroon ng patayan sa kabilang isla. Sinasabing isang killer ang pumatay sa mga kaibigan nya. Ang islang sinasabi po ay ang islang pagmamay-ari ng mga Manalo,"napahinto ang hepe at napatingin sa kanyang pulis nang marinig iyon. Batid nyang may maling gawain ang pamilyang Manalo kung kaya't masama ang tingin nya sa kanila ngunit wala syang dahilan upang malaman iyon pero dahil may report na insidente ng pagpatay ay nagkaroon sya ng dahilan para halughugin ang isla ng mga Manalo.

Isang tango lang at naintindihan na ng pulis ang pinapahiwatig no'n. Lumabas ng kwarto ang pulis na nagngangalang PO Niel at ipinaalam sa ibang mga pulis ang utos ng hepe.

Naghanda ang pulisya sa pag-alis at pati ang hepe ay sumama upang makasiguro na may makukuha sya laban sa mga Manalo.

Sikat na ang araw nang sumakay sila sa mga emergency boat at tinunton ang isla na pagmamay-ari ng mga Manalo.

Sa pagdating nila doon ay nakita nila ang kalunos-lunos at duguang estado ng tatlong kabataan na sina Archieval, Winnona, at Helen. Agad silang inirescue habang iniinspeksyon ang buong isla.

Natagpuan ang ilan pang bangkay ngunit hindi ito kilala ng mga pulis. Nagmadaling ipinadala sa pinakamalapit na hospital ang tatlo at agad na ipinagamot lalo na si Archieval na may nadurog na laman-loob sa katawan. Ginagamot na din si Helen dahil sa malaking sugat sa ulo nya na maaaring maging dahilan ng pamumuo ng dugo na kung lalala ay baka humantong din sa pagkamatay. Si Winnona naman ay idinaan din sa gamutan upang linisin ang kanyang mga sugat. Hindi man malala ang natamo ni Winnona sa kanyang katawan ngunit dadaan sya sa mga therapist pangmental at emosyonal upang makondisyon ang sarili nya sa oras na simulan ang interogasyon.

Nagkaroon ng inspeksyon ang mga pulis lalo na sa mansyon at sari-sariling kahon ng mga droga ang nakuha dito.

Nalaman ng mga pamilya ng yumao ang nangyari. Agad silang nagpunta sa ospital upang malaman ang nangyari at dalawang araw na nang mangyari ang pagkaligtas sa tatlo.

"Helen ana—"naputol ang sasabihin ng ama ni Helen nang salubungin nya ito ng sampal. Nagulat ang mg magulang ng mga kaibigan nya sa nangyari. Ang rason kung bakit matatag ang pagkakaibigan nilang mg bata ay dahil din naman sa kanilang mga magulang na matalik ding magkakaibigan ngunit hindi nila alam na may itinatago pala silang mga magulang sa kanilang mga anak.

Nasa tabi ni Helen si Win na tahimik at walang emosyon ang muka. Isang trauma ang nangyari sa kanila.

Inilabas ni Helen ang papel na nakuha mula sa mansyon ng mga Manalo. Ibinuklat nya iyon at ipinakita sa mga nakakatandang kaharap nya. Ang papel ay naglalaman ng mga shipment ng droga na naging successful at nakalagay doon ang mga pangalan ng malalaking tao na bumili noon at ang pangalan ng mga magulang nila na nagbebenta no'n.

"I never thought that I had a Dad that was a drug dealer,"matigas ang pagkakasabi ni Helen no'n. Nakabawi naman sa pagkagulat ang ama ni Katherin kung kaya't napalapit sya kay Helen at hinablot ang papel, pinunit ito at tinapon sa sahig ng ospital.

"Helen!"singhal nito sa anak ng kanyang kaibigan pero isang mapaklang tawa ang pinakawalan ni Helen. Kung malalaman ito ng kanyang mga kaibigan ay paniguradong dismayado din sila.

"Thanks for tearing it apart but no thanks since I had already some copies of it. Hawak na ng mga pulis ang iba pang kopya at kaming tatlo ang magdidiin sa inyo,"saad ni Helen at tumalikod. Nagsimula itong maglakad at napuno ng galit si Mr. Manalo kung kaya't sinubukan nyang atakihin ang anak ng kanyang kaibigan.

Akmang hahawakan pa lang ni Mr. Manalo ang buhok ni Helen nang bigla itong mapahinto at naramdaman ang malamig na bagay sa leeg nito.

Walang emosyon at walang buhay n nakataas ang kamay ni Win habang hawak-hawak ang isang scalpel na nakatutok sa leeg ng dating presidente na si Mr. Manalo.

"Manalo!"napasinghap ang lahat sa gulat dahil sa ginawa ng dalaga. Napatingin si Helen sa nangyari at pati sya ay nagulat kung kaya't mabilis nyang hinila ang kamay ni Win bago pa ito makagawa ng masama.

Galit ang bumalot kay Mr. Manalo pero mas ikinagulat nito nang isa-isang tunog ng pagkasa ang kanilang narinig.

Mula sa kanilang likod ay ang mga pulis kung saan nakatutok ang kanilang baril sa mga magkakaibigan. Unti-unting napataas ang kamay nila at matiim at masamang tingin lang ang ipinukol ni Helen sa kanila pati sa ama bago hinila si Win paalis. Hinayaan na nila ang pulis na hulihin ang ama ng kanyang mga kaibigan at ang kanyang ama.

Tatlong linggo matapos ang pagkarescue sa tatlo ay doon na sila tinanong lalo na ng isang detective na si Detective Herald na nakatoka sa pagdiskubre kay Clue o Drug Hades na nagpakilalang si Paulo na ang totoong pangalan ay Jece.

Sa harap ng midya ay inilahad ng tatlo ang kanilang sinapit at ang mga rebelasyon sa nangyari. Ang reporter na si Alex ay tumulong sa kanilang tatlo upang ipaalam sa lahat ang masamang bangungot na pinagdaan nila.

Tumagal ang imbestigasyon at nadiin ang magkakaibigan sa salang pagbebenta at pagpapasok sa bansa ng mga ilegal na droga. Ang mga magulang naman ng mga nadamay sa nangyari ay pinangakuan na bibigyan ng pera upang makatulong.

Ang mga bangkay ng mga namatay na nahanap sa isla ay nakilala. Akashi Co, Venice Santiago, Rina Alajar, Gino Dominguez, Paulo Estrenal o kilala bilang Clue, Sarah Ville, Grace Gabriel, Luis Aguirre, Rudolf Hernan, Anica Villamorr, Agnes Callahan, James Wendlin, Katherin Manalo, Pete Santos, at Amelia Hernandes.

Nalaman ito nila Helen, Win, at Archi at sinaad nila ng dalawang bangkay ang kulang though hindi sila sigurado kung namatay nga si Tristan pero si Selene ay patay. Tama. Nawawala ang katawan ni Tristan Ferdinand at Selene Astreja na lubhang kataka-taka.

Katuwang ang mga pamilya ng mga nadamay sa insidente ay binigyan ang lahat ng bangkay ng maayos na libing matapos ang nangyari.

Ang mga pangyayari ay naging isang malaki at mainit na balita hindi lamang sa Pinas kun' 'di pati sa ibang bansa dahil sa mga sinapit ng lahat sa islang iyon na ang dahilan ay ang droga. Magulang ang may kasalanan ngunit mga anak nila ang nagbayad ng mga kasalanang iyon.

Nakulong ang lahat ng dapat na makulong. Ang pangyayaring din na iyon ay kumalat at naging isang isyu sa Crest University. Halo-halong emosyon; may mga natakot, natuwa, nagalit sa mga magulang na makasalan, at naawa sa mga magulang ng mga nadamay na biktima.

Itinago ito ng Crest University upang mapangalagaan ang dignidad at reputasyon ng paaralan ngunit tatagal ito ng taon bago mabura sa isipan ng lahat. Magtatagal ito ng taon bago kalimutan ng lahat ang mga pangyayari.

***

[WINNONA]

NAKATAYO AKO sa harap ng puntod ni Jece. Ihiniwalay ko ang puntod nya bilang respeto na sa mga naging biktima ni Jece.

Nakatayo ako at ipinagdasal na sana patawarin sya ng Panginoon. Ang Diyos na ang hahatol sa kanya. Hindi ako galit—no, galit ako pero hindi sobra-sobra. Nagagalit ako na sa maling paraan idinaan ni Jece ang paghihiganti. Pwede namang humanap sya ng mga panlaban sa mga magulang ng kanyang biktima at hindi na lang sila pinatay. May mga nadamay din at isa iyon sa nagpadagdag ng galit ko pero sa kung anong dahilan ay kahit ilang beses akong magalit ay hindi ko sya malimutan.

Itinuring ko pa rin syang kaibigan kahit na gano'n ang nangyari. Pinagkakatiwalaan ko pa rin sya kahit na ang tiwala ko sa kanya ay binali nya.

"Anak?"napatalikod ako. It was Mom. Yes, my stepmom. Nung mga araw na nasa gamutan ako ay sya ang naging kasama ko dahil sa busy si Dad. Naramdaman ko na totoo ang ang nararamdaman nya sa akin kung kaya't natanggap ko na rin sya. She was a good and caring mom.

Ngumiti ako at niyakap sya. May dala syang kandila na binili nya at nang kalasin ko ang yakap ay iniabot nya ang mga kandila sa akin.

Pinwesto ko ang kandila sa tapat ng puntod ni Jece at sinindihan ito. Kasama ni Mom ay sabay naming ipinagdasal ang pagpapatawad ng Diyos sa kasalanan ni Jece at nagpasalamat sa buhay n binigay nya sa akin at hanggang ngayon ay nabuhay ako. Ihiniling ko na rin ang mga kaluluwa ng mga kaibigan ko na nasawi kahit na si Selene na nawawala at Tristan.

Matapos iyon ay tumayo ako at napagpasyahan ng umalis. Graduation ko na ngayon. Gagraduate na kami nila Archi at Helen at isang taon na ang nakalipas nang mangyari ang insidente.

Isang taon na nang mawala sila. Isang taon na pero hanggang ngayon ay damang-dama ko pa din ang sakit ng mawalan ng kaibigan. Isang taon na at walang buwan na hindi ako dumadalaw sa kanilang mga puntod kada linggo.

"Halika na anak!"napangiti ako nang makita ang ayos ni Dad. Tulad namin ni Mom ay bihis na bihis sya at talagang naghanda para saluhan ako sa selebrasyon na ito. Ang selebrasyon ng aking pagtatapos!

Sumakay na kami sa sasakyan ni Dad at bumyahe na papunta sa Crest University. Pagkapasok pa lang ng sasakyan namin ay puno na ng saya ang buong eskwelahan na parang hindi ito nadungisan ng nangyari sa amin noon.

Pagkababa ko ay sinalubong agad ako ni Helen at Archi. Nagtungo agad kami sa gym ng university at ilang minuto lang ay nagsimula na ang seremonya.

Mabilis na nagtapos ang araw. I graduated already at kahit na maraming masamang nangyari sa akin ay may mga bagay naman na magandang dumating.

Three months after our graduation... I was already the highest paid author of mystery/thriller. Also one of the best actress in the genre of action. Helen become one of the newest face in the model industry gaining billions of fans all over the world. Archieval—no, Dr. Archieval is an actor too but he choose to be on hiatus as of now and focused on his job as a surgeon.

Naglalakad ako ngayon papunta sa Crest University upang kausapin ang aking graphic editor. Dito sya nag-aaral at ako ang nagpapaaral sa kanya. Yumaman ako pero hindi ko nakalimutang tumulong. Gamit ang apilyedo kong "Sandoval" ay tinutulungan ko ang mga mahihirap na pamilya at mga bata na magkaroon ng magandang kinabukasan. My graphic editor is one of my scholar and I'm proud having him since he's already doing a great job in the field of arts.

Papaakyat na sana ako sa hagdan nang may makabangga sa akin mula sa likod.

"Ay sorry miss!"nabigla ako nang marinig ang boses na iyon. Napaangat ang tingin ko at ang pamilyar na babae ang kaharap ko.

If you are thinking it was Selene then no. Sya ang huling tao na hinihiling kong makita at nandito na sya.

"Miss Coleen?"napaangat ang tingin nya at nagulat nang makilala ako. After the incident, she bid farewell after she graduated. She felt guilty sending us that project so she moved far away.

"W-win?"her eyes began to watered and I hugged her. She was one of the person I treated as my friend. Walang dapat na isisi sa kanya. Anong dahilan kung bakit kaibigan ang turing ko sa kanya? It is because she hid the recorded footages on the island.

Oo, may nakuhang mga footages sa island at kitang-kita ang lahat ng pagpatay at nangyari sa amin. The cameras ang connected to Paulo or Jece's laptop. Nakuha iyon ng pulis pero itinago namin iyon sa lahat. The police think of disposing it since the case was already closed but someone get it named Coleen Gachallan. It was actually stealing of the footages pero hinayaan ko nang malaman ko na sya na ang magtatago noon at bubura upang hindi ito kumalat pa at binura nya nga ito ng tuluyan.

"It's long time no see Miss Coleen!"saad ko. Tumayo ako at nakipagkamayan sa kanya. Lumipat man sya ay kahit papaano ay alam kong maganda ang naging buhay nya. After graduating in CU, she pursue acting too and now she was one of the greatest drama actress of Hollywood.

"Yah, sorry about stealing the footages. Ang pagbura lang do'n ang naisip ko na paraan para mawala ang pagkaguilty ko. Ayokong sisihin ng kahit na sino ang isa sa inyo at ayokong madungisan ang Drama Club nung araw na iyon,"napatango ako sa sinabi nya. I got her point. She loves her club so much like the same way I do.

Nagkaroon kami ng ilan pang usapan hanggang sa nagkalayo na kami. Pinatawag kasi silang mga officer from last year para sa isang meeting.

Ako naman ay nagpunta na sa Arts Club. I hope na ang lahat ng nangyari sa amin ay maging aral sa lahat na ang kasalanan ay maaari ring pagbayaran ng kasalanan pero sa oras na mangyari iyon ay maraming madadamay pero hindi isang choice ang paggawa ng kasalanan para lang makaganti sa isang kasalanan. I know magulo pero kung gagawa ka rin ng kasalanan ay hindi ka na rin naiiba sa ibang tao na makasalanan.

[EPILOGUE]