webnovel

ENDING CHAPTER PART 2

Ending Chapter

PART TWO

[PAULO/KILLER]

TAMA NGA. Tama nga na ako ang killer. Ako nga ang kumitil sa iba. Hindi naman lahat ng nandito ay pinatay ko at nagpapasalamat ako kay Selene at Sarah na tinulungan nila ako pero sa kasamaang palad ay kinailangan din nilang mawala.

Ramdam ko ang sakit sa aking katawan gawa ng pag-atake sa akin ni Tristan at Archi. Masakit pa din ang nagawang saksak sa akin ni Selene pero masaya ako matapos makita ang kalunos-lunos at duguan nyang bangkay.

Kakaibang saya kaya ang pagpatay. Hindi ako psychopath na basta-basta pumapatay. May dahilan naman ang aking pagpatay at lahat iyon ay may koneksyon.

Droga. Droga ang koneksyon ng aking pagpatay. Lahat ng nasasangkot at sangkot sa droga ay aking binabawian ng buhay.

Ako ay kilala sa organisasyon na si Drug Hades. Lahat ng organisasyon na hindi legal at hindi saklaw ng batas lalo na kung may kaugnayan sa droga ay aking pinapabagsak.

Ano ang dahilan? Simple lang, dahil sa droga ay nawala ang aking pamilya. Namatay ang aking ina at ama. Ginawang mga tagabitbit ng droga naman ang aking mga kapatid.

—FLASHBACK—

"Mama... A-ano pong ginagawa nyo kay Ate Jesy?"umiiyak na tanong ko. Nakita ko kung paano inilabas ni Mama ang isang kagamitang pang doktor.

"Shhh... Anak, paglaki mo ay malalaman mo rin. 'wag kang umiyak, okay si Ate Jesy oh. Natutulog lang sya,"saad ni Mama sa akin. Pinahid nya gamit ang kanyang panyo ang mga luha sa aking pisngi.

Musmos at walang kaalam-alam pa lang ako nung mga araw na iyon. May isang parte ng bahay namin na maihahalintulad sa ospital. Kompletong gamit pang ospital at ang buong kwarto ay nababalutan ng puti. Alam kong doktor ang aking ama at ina pero 'di ko alam na may iba pala silang ginagawa na isa sa mga 'di ko inaasahan.

Matapos magtungo at pumasok sa paaralan ay masaya at may ngiti akong papauwi ng bahay. Ang batang ako ay tanging iniisip lang ay mga laruan at kaibigan.

Sa labas pa lang ng aming bahay ay isang itim na hindi kilalang sasakyan na ang nakagarahe kaya agad akong pumasok ng bahay upang malaman kung sino ang bisita.

Tahimik ang bahay nang makauwi ako ngunit isang malakas na hiyaw ang narinig ko. Sumunod do'n ay isang paghikbi at pagsigaw dahilan para puntahan ko ang lugar ng operasyon.

Bahagyang nakabukas ang pinto at sumilip ako sa siwang. May tatlong lalaki ang armado at nagdala iyon sa akin ng takot. Tinututukan nila ang aking ina at ama habang inuutusan ito ng mga kung ano na hindi naiintindihan ng batang tulad ko.

"Ilagay nyo na! Ano ba?! Kahapon pa namin kailangan ng droga at ang nakakaasar ay ang higpit ng barangay nyo!"sigaw ng lalaki na may hikaw sa ilong. Nakatutok ang kanyang baril kay Papa.

Pawisan at nanginginig sa takot na sumagot si Papa." S-sorry... Pero sino ang gagamitin natin?"tanong nito at do'n ko na nakita ang dalawang kapatid ko na sya pa lang nagsisisigaw kanina pa. Si Ate Jecy at Kuya Jeco ay nakatali.

"Eh 'di ang mga anak nyo!"sigaw ng isa pang lalaki na may baril at naninigarilyo. Nakakatakot sila at wala akong nagawa nang makita ang mga sumunod na nangyari.

Para hindi patayin ang mga magulang ko ay sinunod nila ang utos ng tatlo kahit na labag sa kanila na gamitin ang mga kapatid ko bilang tagahatid ng kung anong bagay na tinatawag na "droga".

Kahit na sa siwang ng pinto lang ako nakatingin ay nakita ko kung paano simulan ni Mama at Papa na patulugin ang aking mga kapatid at hiwain ang kanilang mga tyan. Mula sa isang kabinet ay may nakapaketeng kung anong mga dahon ang inilagay nila sa loob ng katawan ng aking mga kapatid. Matapos iyon ay tinahi ni Mama at Papa ang sugat at hinayaang magising ang aking mga kapatid.

Bata pa lang ako nang makita iyon at tuma-tanda ako na nasasaksihan kung gaano nakakasuka ang pinaggagagawa ng mga magulang ko sa mga kapatid ko.

Hanggang sa isang araw, namatay na magkasunod ang Ate Jecy at Kuya Jeco ko. Wala kaming pera pampalibing kung kaya't inilibing na lang sila sa may bakuran na parang isang hayop lang ang aking mga kapatid.

Galit at poot ang naramdaman ko pero hindi ako umakto na may nalalaman ako sa dahilan ng pagkawala ng aking kapatid. Kinagabihan nang gisingin ako at isang armadong lalaki ang tumutok sa akin ng baril.

Bilang isang batang sampung taon na at alam ang kanyang presensya ay namuo ang pawis sa noo ko at kinakabahan na baka patayin ako ng kaharap ko ngunit hindi nangyari iyon.

Hinila nya ako hanggang sa marating namin ang kwarto. Ang kwarto kung saan ipinapasok ng mga magulang ko ang droga sa katawan ng mga yumao kong kapatid upang mailabas sa aming striktong barangay.

Sinalakay ako ng kaba pero maharas akong hinila at ihiniga sa kama. Wala akong ibang ginawa dahil sa takot na paputukan ako. Nagawi lang ang tingin ko sa pinto nang pumasok ang mga magulang ko.

Walang emosyon at blangko ang kanilang muka habang hawak-hawak ang kanilang mga kagamitan. Ni walang pasabi pa nga nang itinurok sa akin ang isang pampatulog.

Hindi gano'n katapang ang pampatulot at pinamanhid lang nito ang katawan ko kung kaya't kahit papaano ay gising ang diwa ko nung gabing iyon.

'di ko man nakikita ay alam kong hinihiwa na ang tyan ko at ipinapaloob kasama ng aking mga laman-loob ang mga pakete ng droga para mailabas ito sa aming barangay at maipadala sa mga taong gumagamit nito.

Labis na galit at halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Manhid ang katawan ko pero sakit sa puso na makitang ginagawa iyon ng magulang mo kahit pa buhay mo rin ang nakataya doon.

Lumuluha ako nung gabing nangyayari iyon. Napapikit na lang ako dahil sa ayoko ng makita pa ang aking mga magulang dahil sa galit ko sa kanila.

Kahit nakapikit ako ay naririnig ko ang lahat hanggang isang malakas na ingay ang narinig ko pero 'di ko na nagawang dumilat pa.

Maraming putukan ang aking narinig hanggang sa tanging mga boses na lang ng mga pulis ang aking narinig.

Idinilat ko ang mata ko at doon ko na nakita ang duguan at malamig na bangkay ng aking mga magulang habang nakayakap sa akin.

Doon ko nalaman na sila ang tumawag sa mga pulis upang hindi ako gamitin para mailabas ang droga.

Nung araw na iyon ay nailigtas ako mula sa panganib pero isang dagok sa akin na malamang wala na akong sasandalan kun' 'di ang aking sarili kaya nung araw na naging okay ako at lumakas ay isang pangako ang aking binitiwan sa harap ng puntod ng mga yumao kong kapamilya.

"Ipapatumba ko ang lahat ng may koneksyon sa droga..."'yan ang aking naipangako. Kung hindi dahil sa droga ay sana isang normal na doktor na lang ang mga magulang ko. Kung hindi dahil sa droga ay baka masaya ko pang nakakalaro ang Ate Jecy at Kuya Jeco. Kung hindi dahil sana sa droga ay baka buo pa ang pamilya ko.

Pero dahil sa droga ay nagawa kong matuklasan ang saya ng pagpatay.

—END OF FLASHBACK—

Ang droga nga ang nag-udyok sa akin na pumatay. Hindi dahil sa gumagamit ako no'n pero dahil galit ako do'n.

Bata pa lang ako ay puro kilalang mga politiko ang pinagpapapatay ko dahil sa koneksyon nila sa droga. Ni kusing ng awa ay wala ako habang ginagawa iyon dahil tanging nasa isip ko ay ang maipaghiganti ang pamilya ko.

Nakuha ako ng isang organisasyon para maging isang bayarang mamamatay-tao at pumayag ako ngunit sinaad ko na tanging may koneksyon lang sa droga ang pinapatay ko na naging pabor dahil marami pala talagang tao ang gustong ipapatay ng dahil sa droga.

Naglalakad ako papunta sa bangin. Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko ang umiiyak na babae sa taas nito. Hindi naman talaga sya masasama sa papatayin ko pero dahil kaya nya akong idiin ay kailangan ko syang patahimikin.

Totoo na gusto kong makilala ako ng mga pulis at ng mga tao pero ayoko sa kulungan. Ayoko na mandohan ako ng mga g*gong pulis doon.

Inakyat ko ang pwesto nya hanggang sa magkaroon ako ng sapat na distansya. Hindi sobrang lapit pero hindi rin sobrang layo.

Napatingin ako sa dagat sa harapan namin. Ilang oras na lang ay sisikat na ang araw at hindi ko alam ang mga susunod pang mangyayari.

Humihikbi pa rin ito at hindi nararamdaman ang presensya ko. Maaari ko na syang patayin, oo. Pero ayoko dahil gusto kong magpaliwanag.

Nakakatawa 'di ba? Isang killer papatay ta's magpapaliwanag?

Gusto kong malaman nya ang lahat. Isa pa ay isa sya sa taong huli talaga sa aking listahan ng papatayin ditl sa isla. Bakit? Mabait syang babae at isa syang mahirap na may pusong malinis. Tulad ko noon ay mahirap lang din ako pero masama na ang ugali ko at narealize ko lang na hindi pala talaga hadlang ang hirap para maging mabait nang makilala ko si Win, si Winnona Sandoval.

"Napakaganda ng dagat 'di ba?"tanong ko dahilan para bigla syang mapatayo at magulat nang makita ako. Maga na ang mata nito at alam kong dala ito ng labis na pag-iyak. 'di ko sya masisisi kung magagalit sya sa akin pero kahit na magalit sya ay pagkatapos ng pag-uusap namin ay wawakasan ko din ang buhay nya.

"P-paulo,"bigkas nya. Napangisi ako bago nagsalita.

"Jece ang totoo kong pangalan,"saad ko. Gamit ang kutsilyong hawak ko ay hiniwa ko ang bandang pisngi ko dahilan para mapunit ang maskarang suot ko.

Tinanggal ko ang maskara at ipinakita ang sarili ko. Ang isang matandang lalaki na nabuhay sa pagpatay.

"I-ikaw yung nasa news... Si Clue,"napatawa ako sa sinabi nya. Gusto ko mang ipakilala ng maayos ang sarili ko sa pulis ay tatanga-tanga talaga sila at ginawan pa ako ng ibang pangalan.

"Kumusta ka binibini?"imbis na sagutin ang tanong ko ay hinugot nya sa likod nya ang isang kutsilyo. Wala syang sandata sa pagkakaalam ko at tanging si Tristan at Archi lang ang meron kaya maaaring si Tristan ang nagbigay sa kanya ng kutsilyong hawak nya.

"H-huwag kang lalapit,"huminga ako ng malalim bago inalis ang emosyonal kong maskara. Nawala ang aking ngisi at naging seryoso.

"Bakit? Natatakot ka ba?"isang hakbang ang aking ginawa at bigla syang napaatras. 'di ko inaakalang may pagkatanga pala sya. Nasa bangin kami at sya ang nasa dulo, kung aatras sya ng aatras ay baka mahulog sya.

"H-hindi!"sigaw nya. Nagsimulang magtubig ang kanyang mata at saka sya umiyak." Hindi... Hindi ko kaya,"naibaba nya ang patalim at nagsimulang umatras.

Bago pa man sya mahulog sa mataas na bangin ay hinigit ko na ang kanyang kamay at niyakap.

I hugged her because I am sorry for what I've done. I hugged her because I want to say sorry about everything and about that things I did and I will.

I hugged her 'til I felt something piercing my body.

***

[WIN]

NAPAIYAK LANG ako sa dibdib ni Paulo. Dahan-dahang nanghina ang tuhod nya at nahiga.

Sinaksak ko sya. Sinaksak ko sya sa dibdib nang yakapin nya ako. Nakasakit ako.

"S-sorry..."lumuluha ako at tumutulo iyon sa muka nya. After he removed his mask, nakita ko na tama nga ang hinala ko na hindi na sya bata dahil sa katawan nya.

"O-okay lang..."napaubo sya at lumabas doon ang maraming dugo. Isang ngiti ang kumurba sa kanyang labi at saka sya muling nagsalita.

"About what happened, I'm sorry. H-hindi talaga dapat kayo madadamay ni R-rina. Pati ang officers ng club ay hindi dapat damay. I-it's the squad that was assigned to me to be killed,"huminto sya at lumanghap ng hangin ngunit sa kanyang pag-ubo ay pulang likido ng dugo ang lumalabas dito.

"B-bakit? Bakit?"'di ko mapigilan ang sarili ko na magtanong. Ba't ang squad? May atraso ba sila sa kanya? Anong meron? Dahil ba 'to sa pambubully? Gusto kong maliwanagan at ayusin sana ang mga pangyayari pero imposible na dahil nangyari na. Wala na at sa tingin ko ay ako na lang ang natitira.

Napatingala ako upang hindi na ako lumuha pa pero masyadong mapilit ang mga mata ko kung kaya nagpatuloy lang ito sa pagluha.

"A-about the reason..."napababa uli ang tingin ko sa kanya. He suffered much. 'yan ang nararamdaman ko. Masyadong mahaba na ang nilakbay nya sa pagpatay kung kaya't alam ko na may rason at mabigat iyon. Muli syang naghanap ng hangin at nang makahinga sya ay mas marami ng dugo ang lumabas sa bibig nya.

"T-their business... U-underground business..."napahinto ako nang bigla na lang syang sumuka ng dugo at saka tuluyang ipinikit ang mata.

Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi habang humagulgol sa nangyari.

"Paulo! Paulo! Paulo!!!"alam ko na killer sya. Alam ko na baka binalak nya rin akong patayin pero bakit ang sakit sa pakiramdam. He break my trust yet I cared for him too much like we had a good relationship.

"Jece ang totoo kong pangalan ,"naalala ko ang totoo nyang pangalan. It sounds cute to hear that it was his name.

"Jece..."banggit ko habang hawak-hawak ang kanyang kamay. Yakap-yakap ko ang kanyang katawan nang maalala sila Tristan at Archi.

Ibinaba ko muna ang katawan ni Paulo o Jece at saka ako bumaba ng bangin. Natagpuan ko ang walang malay na si Archi at nang sipatin ko 'to ay buhay pa sya.

"Archi... Archi!"tinapik ko ang pisngi nito dahilan para mapadilat sya. Namumutla na rin sya at nababahiran na ng pulang dugo ang puting buhangin.

"M-magtago ka na W-win,"saad nya at saka ipinikit muli ang kanyang mata.

"No Archi. It was over. Paulo was dead. And I..."nahinto ako. Ayokong sabihin o banggitin na nagawa kong pumatay. Hindi ko matanggap." I kill him..."and I said it. I was able to say that I killed Paulo.

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. He was crying. Yeah, he was crying. Hindi naman siguro nakakabawas ang pag-iyak sa mga lalaki 'no. It is normal to cry and there's no gender boundaries about it.

"Win! Archi!"napaangat ang tingin ko. Pamilyar ang boses na iyon. It was a girl who I thought was dead already.

"Helen!"sigaw ko upang matunton nya kami. Ayoko ng iwanan si Archi.

Maya-maya ay iika-ikang sumulpot si Helen. May dugo sya sa kanyang ulo at may bitbit na papel. Naalala ko ang mga huling salita na sinabi ni Paulo.

"Helen. Sinabi na sa akin ni Paulo ang dahilan. His target is the whole squad,"saad ko at umupo sa harap ko si Helen. Yinakap nya ako at lumuluha ang mga mata nya. I was crying too knowing that she alive and I'm thankful about it.

"Alam ko na din ang rason kung bakit kami ang kanyang biktima,"saad nya at ngumiti. Ngiting sinasabi na natapos namin. Ngiti na sinasabing nakayanan naming masikatan ng araw. Ngiti na sinasabing may sagot na ang aming mga tanong. Isang ngiti para sa bagong araw na ito.

Niyakap ko si Archi. Hawak-hawak ko naman ang kamay ni Helen. Hindi na kami nag-abalang magtawag ng tulong nang makakita kami ng mga barko na may mga pulis na papalapit sa isla.

Nang makadating sila ay saka nila kami inalalayan at kinuha. Tapos na. Tapos na talaga.

[ENDING CHAPTER PART TWO]