webnovel

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasia
Classificações insuficientes
24 Chs

THE UNKNOWN ADVENTURE [VOLUME 3]

Ang mga nakapaloob sa librong ito ay isang kathang-isip lang na gawa sa malilikot na imahinasyon ng manunulat.

Ang pangalan ng tao, lugar, bagay o pangyayari na nakapaloloob o tinalakay sa bolyum ng librong ito ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakatulad sa totoong buhay ay pawang coincidental lamang at walang kinalaman sa librong ito.

PLAGIARISM IS STRICTLY PROHIBITED.

IT IS A CRIME THAT WILL SURELY CAUSE A GREAT EXPULSION TO ANYONE WHO WANT/ WANTED TO DO IT.

ANY KIND OF COPYING, REPRODUCING, ETC. EITHER SOFT COPY OR HARD COPY ARE STRICTLY PROBIHITED AND PUNISHABLE BY LAW.

The Unknown Adventure [Volume 3]

All Rights Reserved 2022

Copyright© 2022 by jilib480

AUTHOR'S NOTE: Hindi po ito purong wikang Filipino at ang iba mga salita ay nasa wikang Ingles. Hindi din maiiwasan ang mga typographical errors at mga maling spellings kung kaya't inaasahan ko ang inyong pag-unawa sa kamalian ng bawat pahina at mga salitang ginagamit na iyong binabasa sa librong ito.