webnovel

Follow-up Na Eksaminasyon

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

Kalaliman ng gabi, sa tahanan ng pamilya Zhong.

Pagkatapos ni Mother Zhong gumawa ng sunod sunod na tawag, lumapit si Tang Xuan at nagtanong, "Mom, ano na ang nangyari?"

"Ang lahat ay naayos na. Ang doktor na mamahala sa pag - eksamin kay Tangning ay tinanggap na ang ating pera, kaya tiyak na gagawin niya ang ating plano," pagtitiyak ni Mother Zhong kay Tang Xuan habang tinatapik nito ang likod ng palad ni Tang Xuan. "Inayos ko na rin ang pagbibigay ng impormasyon sa media upang ang buong mundo ang makaalam na si Tangning ay hindi na magkakaanak, tingnan natin kung paano siya mananatili sa pamilya Mo."

"Ang pinaka impotante sa lahat, ikaw ngayon ay buntis. Kailangan nating magplano kung paano ka makakabalik sa pamilya Tang."

Hinaplos ni Tang Xuan ang kanyang tiyan. Ang batang ito ang kanyang huling baraha. Hindi na niya makakayang magkaroon pa ng isang pagkakamali…

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください