webnovel

Walang Anak, Walang Paggawa Ng Pelikula?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng ilang minutong pagkagulat, dumating ang pagdaloy ng sobrang kaligayahan. Natutukso ng yakapin ni Mo Ting si Tangning ng napakahigpit sa kanyang mga bisig. Gusto na niyang sabihin agad kay Tangning na sila ay magiging magulang na.

Ang isipin pa lang ang maliit na nilalang na darating sa mundong ito mula sa katawan ni Tangning at ang dugong dadaloy sa mga ugat nito ay galing sa kanya, nagawa nitong palakasin ang kanyang pakiramdam. Ang pagmamalaking kanyang nararamdaman ay pumuno sa kanyang katawan.

Siya ay magiging ama na…

Ito ang pakiramdam na hindi niya inaakalang mararanasan; ito ay kahanga hangang pakiramdam.

Matapos ang mabilis na pagliligpit, lumabas na ng silid si Mo Ting at inabutan si Tangning na naka upo sa sofa at naghihiwa ng prutas. Agad lumapit si Mo Ting at inagaw ang kutsilyong mula sa kamay ni Tangning, "Hindi ba sinabi ko na sa iyo na huwag kang gagawa ng kahit ano?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com