webnovel

19. Grey

(Shantell POV)

We managed to defeat and scare the bandit. Sila na mismo ang sumuko matapos gawing impyerno ni Kael ang lugar, ginawa niya ito para takutin ang mga bandit.

Wala namang nasaktan dahil sumusunod lang kami sa misyon na nakatalagang paalisin at huwag patayin.

So far so good. Naka-uwi na kami sa Academy. Hindi na namin nagawang magpasyal sa Water Palace kasi nga ang lider namin ay dakilang Kill Joy!

Hmmm, kahit konting reward man lang wala tss.

Naisipan kong pumunta sa Library ngayon. May kanya kanyang pinagkakabisihan ang iba kaya wala akong makakasama.

Napadaan ako sa office ng headmistress kasi madadaanan naman talaga yun bago ang library.

Nakaawang ang pinto at mukhang may kausap ito, hindi ko gawain ang makinig sa usapan ng iba ha pero nung marinig ko ang salitang Demon ay napatigil ako.

"Mukhang kumikilos na silang muli"

"Ano ang ulat? "

"Hindi lang sa Dark Palace sila nag-iikot ikot, namataan na din sila sa iba pang Palace."

"Wala bang aksyon ang mga opisyal? Wala bang ibinabang utos ang hari? "

"Tahimik pa din sila sa nangyayari, hindi rin alam ang dahilan ng pagpapakita ng mga Demon"

Napakunot ang noo ko sa mga narinig bago tuluyang umalis. Iniisip ko pa din kung bakit nga ba sila nagpapakita? Ngunit napakamot ako ng ulo.

Aishh!! Pati ba naman yan dadagdag sa iniisip ko! Tss.

Pagpasok ko sa Library, ay hinanap ko ang libro tungkol sa mga elemento. Napagpasyahan kong dito magsimula sa pangangalap ng impormasyon.

Binuklat ko ang libro, at hinanap ang pakay ko. Light Element.

Ayon dito, ang isang elemento ay may kanya kanyang abilidad, nagagamit ng isang User ang abilidad ng kanyang elemento kapag nakipag-ugnayan na siya dito ngunit hindi pa ito ang isandaang porsyentong lakas ng isang elemento. Dahil ang bawat elemento ay mapagmataas, kailangan mo silang matalo sa pamamagitan ng laban sa loob ng iyong panaginip.

Isa ang Light Element sa pinakamarmahas na elemento, taliwas sa kulay nitong puti. Sa paglabas ng isandaang porsyento ng lakas nito, magkakaroon ng temperatura ang awra, ito ay magiging mainit na awra na kahit ang pinakamatibay na bakal ay kaya itong tunawin.

Binasa ko pa ang ilang nakasulat patungkol sa Light element ngunit walang nabanggit dito na may gintong halo ang awra.

Sa holy light palace naman ay purong ginto. So saan ako nabebelong? Wala! Dahil wala namang awra na kulay ay puti at ginto. Sinara ko ang libro at huminga ng malalim. Ayos ah, failed agad sa research samantalang kakaumpisa ko lang. Tss.

Bagsak balikat akong naglalakad pabalik sa dorm, kahit clue lang man kung saan ako mag-uumpisa ay wala. Nakakainis.

"You look like a crazy frog" mas lalong sumama ang mood ko dahil sa narinig.

"Pwede ba? Wala ako sa mood ngayon. Baka di kita matantiya! " inisi kong sabi kay walking fire bago iniwan siya sa hallway.

Pagdating ko sa dorm ay nagkakagulo! Lumilipad ang mga gamit, may mga basag na ding gamit na nagkalat sa sahig. Tinignan ko kung sino ang may kagagawan nito, at doon ay nakita ko si Lucy na lahat ng mahahablot niya ay binabato niya sa isang lalakeng malapad na nakangisi. Wala din itong kasuotan na pang-itaas kaya nakabalanda ang kanyang yummy na katawan! Teka?? Si ano to ah!

Geez! Ano bang problema nila.

"Lucy! Anong nangyayari? " takang tanong ko habang pinipigilan siya ngayon. Hawak hawak niya na kase ang baril niya at handa na siyang paulanan ng bala ang lalake!

"Stay out of it Shanty!! Papatayin ko yang lalakeng yan! " ano bang ginawa ng lalakeng to at galit na galit!

"Ano bang kinagagalit mo Lucy? Wala namang nangyari" sabi ng lalake, ngunit halatang nang-aasar ito.

"Wala akong pake!! Bigla bigla kang mawawala, tapos pagbalik mo, magigising na lang akong may katabing lalake!" Oh God! Kaya binitiwan ko na si Lucy at hinarap ang lalake.

"Ang sweet niyong mag away ha" pang-aasar ko habang tumatawa bago pumasok sa silid ko.

Narinig ko pa ang mga putok ng baril ni Lucy at ang malakas na tawa ni Grey. Tama kayo ng basa, si Grey, ang tunay na bestfriend or tol ni Damon, si Grey ng Ice Palace.

(Grey POV)

After our first day of school ay pinatawag ako ni Kael sa silid niya kaya naman pumunta ako sa pinto ng silid niya at kinatok ito.

Binuksan niya ako at sinabing pumasok ako ngunit ngumiti lamang ako ng alanganin. The last time I entered his room ay parang natutunaw ako! Kaya kailan man ay hindi na ako papasok jan!

"Don't worry, it's safe! " masungit na sabi niya kaya naman ay pumasok na ako.

"Ano bang pag-uusapan natin? " alam kong may ideya na ako pero mas maganda pa din kung maririnig ko mismo sa kanya.

"Investigate her background, her past, and the place where she lived." Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Nakasimangot ako dahil may gusto akong marinig na sabihin niya.

"You know where the portal? " dito ay hindi ko na naitago ang gulat! Tumango siya!

Ang portal ay isang sikretong lagusan na kahit na sino ay walang nakakaalam! Ang portal na ito ay patungo sa mortal world! Ito ang daan sa dalawang magkaibang mundo!

"Paano mo nalaman?"

"I have my ways. Grey, aside from me, you will be the only one must know about it, you know how dangerous it will be" nakasimangot ulit ako dahil akala ko yun na ang sasabihin niya. Napansin ko siyang huminga ng malalim.

"Fine, I'm counting on you detective" and with that nangningning ang mga mata ko.

Andito na ako sa Mortal world, sa harap ng school niya. Pumasok ako sa loob at napansin na nakatingin sa akin ang ilang estudyante. Well sino ba namang hindi? I have an sky blue eyes at hair.

"Wahhh ang hot niya!"

"Ang cool niya! "

"O! M! Makalaglag panty bess" kinawayan ko naman ang mga babae kaya mas napatili sila. Sorry girls! Pero misyon muna.

I heard na magkaiba ang takbo ng oras ng dalawang mundo, mas mabagal dito kumpara sa mundo namin.

Wala nang paligoy ligoy pa at dumeretso ako sa office ng dean niya.

"I want to ask if I can see all her teachers? And her biodata please"

"Who are you? " the dean ask.

"Kaibigan niya po ako, hindi siya makakapasok ng ilang araw kasi may sakit siya kaya, inutusan niya akong kunin daw ang mga impormasyon ng mga teachers niya para sa online nalang siya magrereport"

Pagkakuha ko ay dumeretso na ako sa tinitirahan niyang bahay. Nilapag ko sa mesa ang mga biodata ng mga teachers niya at inisa isa ito. Maya maya pa ay napakunot ang noo ko dahil sa isang babae.

"Gabriella Sy?" Basa ko, napangiti ako dahil sa nakita. Maaaring siya nga ang nagdala sa babaeng yun.

Dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto niya at naabutan ang higaan na naka-urong.

Nilingon ko ang computer niya at ang kama.

Basi sa nakikita kong porma nito ay lahat ng gamit na nandito ay ang lapit sa computer na parang hinigop sila nito.

Nalaman ko ang mga tawag sa gamit ng mga mortal noong nagscan ako ng isang libro patungkol dito kaya hindi na ako masyadong nahirapan.

Lumapit ako sa computer at sa PC at may pinindot doon, maya maya pa nga ay isang Golden Memory ang nakita ko. Napangiti ako. Kung ganoon tama ang hinala ko.

Mayroon akong pinindot sa memory at naging hugis parisukat ito, binato ko ito sa sahig at naging isang lagusan ito. Pumasok ako sa lagusan at nakita ko nalang ang sarili ko sa loob ng akademya.

Gabi na ng makaratingako dito, hindi ko rin alam kung ilang araw akong nawala dito. Kaya naman ay dali dali akong nagtungo sa dorm at pumasok sa kwarto niya.

Nakita ko siyang mahimbing na natutulog, lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo bago matulog sa tabi niya. Kahit konting panahon lang ako doon sa mortal world ay namiss ko din ang babaeng to. Ngumiti ako bago tuluyang pinikit ang aking mata.