(Shantell POV)
Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast, at itong si Damon ay inaasar si Lucas.
"Hindi ba napapanis laway mo tol? Hahaha"
"Tol, tol? Tuluyan ka na bang napipe?"
"Aish!! Wala ka ng pag-asa! " yan at kung ano ano pa ang maririnig mong pang-aasar ni Damon kay Lucas.
"Enough Damon, and eat" saway ni Almira na binelatan lang ni Damon.
Totoo nga naman, simula ng dumating ako dito, parang dalawang beses ko lang narinig yan magsalita eh. Ibang iba sa senior niyana si Ginoong Marcus.
Nga pala this time, may misyon ulit kami!! Yey!
"Haven't you heard about demon lurking in one of the village in Dark Palace? " tanong ni Selena sa amin.
Tinignan namin si Grimuel na pinupunasan ang labi nito bago magsalita. "The palace managed to eliminate the demon."
"Bat nagpaparamdam sila ngayon? How many years na ang nakakalipas ah. Hindi na ba sila takot sa mga angels? " Shia asked too.
"We don't need to worry about that, the palace and officials are doing their job" sabi naman ni Almira.
Pero napaisip din ako. Kung nagpapakita sila at pumupunta sa kaharian edi may dahilan kung bakit nila ginagawa yun?
"Let's get ready. And Damon for the second time arround don't forget to wash the dishes! " Sabi ni Almira kaya napasimangot si Damon. Schedule niya kase ngayon hahaha.
Pumasok ako sa kwarto ko at naghanda. Hinanda ko din ang armas ko dahil kakailanganin namin to ngayon. Ang misyon namin ngayong araw ay paalisin ang mga bandito na sumakop ng isang nayon sa na nasasakupan ng Water Palace. Ibig sabihin pupunta kami kung saan nakatira si Lucy.
Kasalukuyan na kaming naglalakbay ngayon, sa kagubatan ang daan namin dahil mas malapit dito ngunit kaakibat naman nito ay panganib dahil madaming wild animals dito.
"Damon please roam the surrounding" utos ni Almira kaya sumunod na agad si Damon.
After a couple of seconds ay bumalik na siya. "Clear" tumango si Almira ng marinig ito.
Ngunit naka ilang hakbang palang kami ng biglang nakaramdam kami ng lindol at palakas ito ng palakas.
Tinignan namin si Lucas na nakapatong ang palad sa lupa habang nakapikit.
"JUMP! NOW! " sigaw nito, the eff kung wala lang kami sa gantong sitwasyon ay siguradong aasarin nanaman ito ni Damon.
Mabilis kaming tunalon at kinuha ang sarili naming mga sandata samantalang nagawang paputukan ni Lucy ito habang nasa ere. Ang cool niya talaga!
Isang Poisonous centipede ang lumabas mula sa lupa!
"Aim its head! " sigaw ni Almira. Kaya bumwelo ako para sana umatake ngunit nagulat ako dahil isang napakalaking bato ang bumagsak patungo dito dahilan para mamatay ang poisonous centipede. Nilingon namin si Lucas na may nahihiyang ngiti.
"Tol!!! Ang galing mo talaga kaya nga ikaw ang tol ko eh haha" nakaakbay si Damon kay Lucas habang sinasabi to.
Ngunit maya maya pa ay muling lumindol, this time sobrang lakas na! Now what?
Isa isang lumabas ang iba pang poisonous centipede. Labinglima! At sabay sabay silang bumuga ng lason sa direksyon namin kaya kanya kanya kami ng iwas. Naghiwahiwalay din kami dahilan para magkaroon sila ng bawat target.
Matapos ng ilang pagtakbo ay mataas akong tumalon papunta sa isang sanga ng kahoy at hinintay ang paglitaw niya mula sa lupa.
Sinigurado ko ang timing. Mataas akong tumalon sa direksyon kung saan sya lalabas at winasiwas ang espada ko, kaya bago pa ito tuluyang makalabas ay nagawa ko na itong hatiin sa dalawa.
Wala akong sinayang na oras at agad na hinanap ang iba pero, mukhang hindi dapat ako mag-alala dahil maging sila ay tapos na. Kaya napangiti na lang ako.
"Bweset ka Damon! Sabi mo clear! Clear clear ka pang nalalaman! " inis na sigaw ni Shia habang nililinisan ang damit na natalsikan ng berdeng dugo.
"Huh! Syempre di ko naman sil nakikita sa ilalim ng lupa! " sabat naman ng isa. Kaya tinignan ito ng masama ni Shia.
"Ang sabihin mo Weak ka lang kaya hindi mo naramdaman! Hmmp! "
"Aba loko to ah, tol pigilan moko papatulan ko na yang babaeng yan! " sabi ni Damon, wala namang pumipigil sa kanya pero hindi niya pa din magawang patulan si Shia. Napailing iling na lang ako.
"Let's move" malamig na sabi ni Kael kaya wala na silang nagawa kundi ang sumunod.
Ilang oras pa ang aming nilakbay bago makarating sa dulong bahagi ng lupain na pagmamay-ari ng Water Palace. Hayy, Tulad sa Air Palace gusto ko din sanang maglibot at tuklasing ang ganda ng bawat kapaligiran nang bawat palasyo ngunit gaya nga ng sabi ni Grimuel, misyon muna dahil hindi kami nagpunta dito para mamasyal.
Ang nayon ito ay tinatawag na Krisla. Nayon ng Krisla, mga manggagawa ng kaharian ang nakatira dito, ngunit ilang araw na silang ginagambala ng mga bandido hanggang sa tuluyan na sila mismong masakop nito.
Nagtataka din ako kung bakit hindi na lang mismo ang Water Palace ang umasikaso nito bakit kailangang manggaling pa sa tanggapan ng misyon? Hmm
Sarado ang maliit na gate nila na gawa sa kahoy, at nakatayo mula sa loob ang dalawang bandido na may hawak hawak na kutsilyo.
"Anong kailangan niyo dito?! " sigaw ng isa, halatang kinakabahan ito.
"Nandito kami para makipag-usap na kung maaari ay hayaan niyo na ang mga manggagawa dito, at umalis na kayo, malawak ang gubat para sa inyong mga bandido" kalmadong sabi ni Lucy.
"Hindi! Hindi na kami aalis sa lugar na ito dahil simula pa lang ay dito na kami nakatira! Naalis lang kami sa aming trabaho kaya nawalan na din kami ng tahanan! " napakunot ang noo ko sa sinabi ng isang bandido.
"Anong nangyayari dito? " serysoso na tanong ng kakadating lang. Inaasahan kong siya ang pinuno ng mga bandito.
"Pinuno! Ang mga salamangkerong yan ay pinapaalis tayo dito" nagsusumbong na sabi ng isa. Ngumiti ng malapad ang pinuno at hinarap kami.
"Hindi nila yun magagawa dahil hawak natin ang buhay ng bawat manggagawa. Dakipin ang mga iyan at ikulong. " nagsitakbuhan ang napaladaming bandido sa amin.
"Let them" seryosong sabi ni Kael kaya hinayaan nalang namin hulihin kami ng mga ito at ikulong.
Kinaladkad nila kami papasok sa isang kulungan like really? Ito na yun? Isang kulungang gawa sa metal. Napansin ko ang ibang kulungan na may mga tao, sila na marahil ang mga manggagawa.
Nakakaawa ang kanilang mga kalagayan, siguradong gutom na ang iba sa kanila o baka nga hindi pa sil kumakain. Iniwan kami ng mga bandido na naghahalakhakan matapos ikandado ang kulungan.
"Stupid" rinig kong bulong ni Grimuel.
Maya maya pa ay napabalutan ng awra ang tatlo, si Grimuel, Almira at Kael. Naglaho sila sa kulungan at muling lumitaw sa labad. Oo nga pala, nagagamit nila ang isandaang posyentong kakayahan ng elemento nila.
Isa isa nilang binuksan ang ibang kulongan at pinalabas lahat ng manggagawa. Tinipon silang lahat ni Almira sa isang gilid. Habang binubuksan naman ni Grimuel ang kulongan namin. Hinatak nito ang kanyang kwentas hanggang sa naging Scythe ito kaya napangiti akong pinagmamasdan ang singsing ko. Yup. Ito ang bago naming natutunan, maaari naming gawing isang bagaya ang aming sandata upang hindi kami mahirapan sa pagdala.
Tuluyang nabuksan ang kulongan. Mabilis na pinuntahan ni Lucas ang mga manggagawa at gamit ang lupa ay gumawa siya ng harang upang protektahan at itago sila.
Ngayon ay mag-uumpisa na ang laban.
"Threaten them, make sure na hindi nila makakalimutan ang experience na to" nakangising sabi ni Almira. Kaya sabay sabay kaming tumango at tumakbo papalabas.