webnovel

20. Holy Light Palace

(Shantell POV)

Kasalukuyan kaming kumakain at hindi ko alam na mas lalong iingay ang dorm dahil sa pagdating ni Grey.

"Tol! Nagtatampo ako sayo, di ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta, alam mo bang malapit ko ng ipalit si Lucas bilang bago kong tol! " nagmamaktol si Damon habang kausap si Grey na malapad na nakangiti.

"Alam mo tol, pinatapon ako ng Ice Palace sa isang sikretong misyon kaya tinapos ko agad para makasama kayo ulit" napag-alaman ko na siya daw ang maladetective nila sa grupo. Hahaha.

Pwede ko kaya ipa detect ang buhay ko? Char!

"Hindi mo ba alam na pinalitan ka na ni Lucy tol? " biglang nanlamig ang buong paligid dahil sa sinabi ni Damon kaya mabilis na binatukan ni Shia si Damon.

"Bunganga mo talaga, kung ano anong sinasabi! " saway ni Shia.

"Nagbibiro lang naman eh" kamot ulong sabi ni Damon.

"Lucy my love, hindi mo naman ako ipagpapalit diba? " sabi ni Grey.

"Manahimik ka!" Sigaw ni Lucy sa kanya na nginitian ng malapad ni Grey.

"I love you too"

Kakaiba talaga siya! Ngayon ko lang nakita si Lucy na nagkakaganito, napangiti ako dahil itigo man niya alam kong masaya siya ngayon.

Napahinto kami sa pagkain ng may pumasok na witch sa dorm. "Pinapatawag kayo ng headmistress. " sabi lang nito at umalis.

Kaya dali dali kaming kumain at nag-ayos.

"Ako lang ba ang kinakabahan ngayon? " sabi ni Damon bago pumasok sa silid niya. Maging ako ay kakaiba ang nararamdaman ngayon.

Nandito na kami sa loob ng opisina hi headmistress Mathilda. Nakita namin siyang seryosong naka-upo at tinignan kami isa isa.

"I will give each one of you a mission so be ready" teka? Ano daw? Each one of us? Ibig sabihin, individual mission?

"What is it?" Kalmadong tanong ni Grimuel.

"Demons are now lurking in every palace, I want you to eliminate them all"

"Kailangan ba yun? The Palace force can handle that" sabi naman ni Shia na sinang-ayunan ng iba.

"Yeah I know. Pero tahimik ang mga opisyal maging ang hari, sa bagay na ito. I want to investigate too, para hindi tayo magugulat sa maaaring mangyari at upang makapaghanda ang akademya. I will give you one week to investigate this demon and their reasons what they are up to." Paliwanag ni headmistress.

"When? " maikling tanong ni Kael.

"Today, so pack your things. I prepared 10 Unicorn for all of you." Sagot ni Headmistress. Nag-aalangan ako ngunit nagsalita pa din ako.

"Headmistress what about me? Saang Palace po ako maaassign? "

"You will be in charge in Holy Light Palace"

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko at pagkatapos ay lumabas na sa silid ko ngunit isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin.

"Wahhh!!! Shanty!! Mamimiss kita! " napangiti ako dahil sa sinabi ni Shia. Andito din pala ang ibang girls.

"Mamimiss ko din kayo, mag-iingat kayo huh" sabi ko saka kami nag group hug.

"Sali kami! " sabay na sigaw ni Damon at Grey ngunit mabilis silang napigilan nila Lucas at Grimuel.

Paglabas namin ng dorm ay may sampung unicorn nga ang nakahilera sa harap namin. Pare-pareho itong mga puti at tanging ang pakpak at sungay lang nila ang iba ng kulay. Bawat elemento ay may sari-sariling kulay kaya naman ay sumakay na ako sa unicorn na may gintong pakpak at sungay.

Ngunit bago pa ako tuluyang makasakay ay pinigilan ako ng isang kamay sa pagsakay kaya nilingon ko ito.

Nahihiya itong nakatingin sa akin at namumula ang mga taynga nito pero pinilit nitong itago ang hiyang nararamdaman.

"I know that you are clumsy but take care" sai nito at umalis na din at nagtungo sa unicorn na may pulang pakpak at sungay.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya, magbibigay nalang ng concern words niya iinsultohin pako. Haha

After that namalayan ko nalang ang sarili ko sa himpapawid. Hindi ko alam kung bakit masaya ako at nananabik na muling makita ang reyna. Sobrang gaan lang ng loob ko sa kanya.

Ilang oras pa na paglalakbay ay sa wakas natanaw ko na ang palasyo ng Holy Light Palace at isa lang ang masasabi ko! Awesome!!!!!

May Gad!!! Sobrang ganda. Ang buong daan ay sementado, may mga fountains din sa bawat sulok na nakapalibot sa palasyo. Ang kulay ng palasyo ay puti at may desinsyong ginto!

Bumaba kami sa harap mismo ng malaking pintuan ng Palasyo at sa magkabilang gilig nito ay may dalawang gwardiya na nakatayo habang may hawak na lance.

Biglang bumukas ang pinto at isang magandang babae na nakasuot ng purong puti at mahabang damit ang papunta sa aking harapan. Kapansin pansin din ang gintong korona nito. Si Queen Sheraphine!

"Kanina pa kita hinihintay Shantell, nagagalak ako ng malaman na bibisita ka sa aking palasyo. Halika tumuloy ka at nagpahanda ako ng mga pagkain" tumango ako at nahihiyang pumasok kasunog ng reyna.

Pumunta kami sa silid kainan nila and the eff!! Ano to? May papiging? Sobrang dami ng pagkain!!

"Maupo ka binibini" sabi ng reyna, kaya dahan dahan akong umupo sa tabi nito. "Hindi ko alam kung anong paborito mong pagkain kaya nagpahanda nalang ako ng iba't-ibang putahe" nilingon ko siya at bakas sa kanya ang kasiyahan.

"Naku, nakakahiya po at inabala ko pa kayo, hindi niyo na po sana ito ginawa ha ha" hilaw kong tawa.

"Maliit na bagay lamang ito kaya kumain na tayo" the eff! Kaming dalawa lang sa isang napakahabang mesa na punong puno ng pagkain! Syempre nawala na din ang hiya ko dahil daaaa! Pagkain na to no!

Sa gitna ng aming pagkain ay muling nagsalita ang reyna. "Tama, alam kong hindi ka pumunta dito para mamasyal, anong dahilan at bakit pinapunta ka dito ng alademya? "

"Tungkol po sa mga demon na kumakalat sa paligid" mahinahon kong sagot sa kanya.

"Ganoon ba? Ngunit hindi mo na kailangan pang kumilos, dumito ka nalang dahil kayang kaya silang patayin ng mga Holy Light Guard ko" tinignan ko siya at ngumiti habang umiiling.

"Pasensya na po mahal na reyna ngunit may layunin po ako sa misyong ito kaya nais ko sanang lakbayin ang buong Holy Light Palace" alam ko namang kayang kaya nila itong puksain ngunit ang pinaka layunin ko dito ay bakit sila nagpapakita, alam kong may layunin din sila.

"Kung ganoon, ipapasama ko sayo ang isa sa pinagkakatiwalaan kong Holy Light Guard upang masiguro ang iyong kaligtasan" tumango ako dahil alam kong wala na akong magagawa upang tumanggi.

"Sandali lang at ipapatawag ko siya" tumayo ang mahal na reyna at maya maya pa ay  bumalik na ito buhat buhat ang isang napakagandang nilalang.

"Siya si Phlyxie, ang iyong makakasama" tinignan ko ang munting nilalang na ngayon ay nakaluhod na sa ibabaw ng mesa at nakaharap sa akin.

Nakasuot siya ng magarang puting kasuotan, nababalutan ang buong mata nito ng ginto at maging ang buhok nito ngunit ang mas nakakaaya ay ang munting pakpak nito na parang katulad sa tutubi, kumikinang kinang ito.

'God of the Guardian! I am Phlyxie, the Guardian of Light ready to serve you'