webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · 都市
レビュー数が足りません
213 Chs

Chapter One Hundred Seventy-Nine

Jared Dela Cruz

Saan kaya niya itinago? Nandito lang dapat 'yon eh. Tsk! Napatingin ako sa natutulog kong kapatid. Baka mahuli niya akong nagkakalkal dito sa cabinet niya. Pero takte, emergency 'to. Kailangan ko talaga non ngayon. Hinalungkat ko naman ang laman ng drawer niya. Jackpot! Nakita ko na! Ayos.

Kinuha ko na yung hinahanap ko at marahan na isinara ang drawer. Tumingin ulit ako sa natutulog na si Audrey. Naglakad na ako palabas ng kwarto niya. Dahan-dahan. Binuksan ko na ang pinto—

"Kuya?"

LAGOT!

"Ano'ng ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Chine-check ko lang kung nandito ka na. Baka tumakas ka eh. Pero nandito ka nga kaya aalis na ako," paliwanag ko.

"Liar. Alas-kwatro ng umaga, kuya? Ano naman ang gagawin ko sa labas? And since when ako nagpa-abot ng ganitong oras sa labas?" Nakataas ang isang kilay nya habang sinasabi yon.

"Malay ko. Everything has a firtst," sagot ko saka nagkibit ng balikat.

Tinignan niya ako nang matiim. "Ano yang hawak mo sa likod mo? Ano yan kuya?"

"Huh? Wala ah," tanggi ko.

"Kuya!"

"Wala nga. Matulog ka na ulit."

Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Anak ng—

"Let me see!"

"Tokwa. Audrey ang kulit mo."

"Give it back kuya!"

"Wala akong ibibigay. Wala akong kinuha."

"You are a terrible liar!"

"Hindi ako nagsisinungaling, Audrey."

"Ibibigay mo ba o sasaktan kita?"

Tsk. Daming brutal na babae sa paligid ko. Hilig nilang manakit. Mga sadista talaga. Amazona. Ipinakita ko nalang yung hawak ko para hindi na madagdagan pa ang sakit ng katawan ko.

"Bakit mo hawak 'yang eye cream ko?" tanong niya sabay halukipkip.

"Kailangan ko lang. Naubos 'yung akin eh."

"Kuya."

"Oh?"

"Bakit naka-suit ka? San ka galing?"

"Wala, dyan lang sa tabi-tabi."

"Liar. Nag-aadik ka ba?" bigla niyang tanong.

"Ano? Ano bang mga pinagsasabi mo?" gulat kong tanong.

"Ang weird mo eh."

"Ikaw yata ang adik, Audrey."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Armani suit. Hindi ka magsu-suot ng ganyan kung sa tabi-tabi ka lang galing."

"Hwag ka nang matanong. Hindi ba ako pwedeng mag-suot nito kahit sa tabi-tabi lang ako galing?"

"Yeah right. At kanino ka naman poporma? Sa mga prostitute sa kalye? C'mon kuya, cut the bullcrap. It's four in the morning at hindi ka rin amoy alak para manggaling sa bar."

"Nosy brat."

"Malala na yang eyebags mo kuya. Kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo, hindi kita pahihiramin ng cream ko. Masyado kang vain para lumabas ng bahay na mukhang haggard."

Hindi ako drug addict, drug dealer lang. "Galing ako sa trabaho. Iyon lang ang masasabi ko."

"Fine hindi na kita pipilitin. Malalaman ko rin naman yan sooner or later," tila ba sigurado na sabi niya. Kinabahan tuloy ako. Ayokong madamay pa siya rito.

"Akin nalang 'tong cream mo."

"Sige kainin mo. Pakabusog ka ha."

"Salamat."

"Whatever kuya."

Lumabas na ako sa kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko. Pumasok ako sa banyo at hinubad ang mga damit ko. Pakshet. Nadali ang sugat sa braso ko. Kahit daplis lang 'to ng bala masakit parin. Takte. Ayoko nang maalala kung ano ang nangyari kanina.

Akala ko hindi na kami makakalabas ng buhay sa factory na 'yon. Tinignan ko nang mabuti ang sugat sa salamin.

"Kuya!" Bigla nalang siyang sumulpot sa banyo. Huli na para itago ko sa kanya ang sugat ko. Shit.

"AMPOTEK! Audrey!" Tsk! Wala. Huli na. Nakita na nya.

"Oh my gosh! Ano'ng nangyari dyan sa braso mo?" Haay. Bakit ba hindi ko ni-lock ang pinto? Utak.

***

Miracle Samantha Perez

Nag-aabang kaming apat ng Crazy Trios sa labas ng operating room. Nasa loob si Timothy at kasalukuyang inooperahan. Sana naman ay maging maayos siya. Kanina pa ako palakad lakad sa labas ng OR. Bakit ba ang tagal nila? Nag-aalala na ako. Hindi ako mapalagay.

"Sammy umupo ka muna," sabi ni Michie.

"Ayoko," sagot ko.

Hindi ko kayang manatiling naka-upo katulad nila. Masyado akong nag-aalala. Matapos ang ilang oras kong pagdurusa sa tapat ng pinto, sa wakas ay lumabas na rin ang doktor.

"Kayo ba ng kamaganak ng pasyente?" tanong niya.

Dahil sa takot ko na hindi sabihin sa akin ang resulta ng buo, nagsinungaling ako.

"Asawa ko po sya," sabi ko. "Ano po ang nangyari sa kanya? Ayos na po ba siya? Ligtas naman po siya hindi ba?"

"Huminahon kayo Misis. Yes, he's far from danger. Stable na ang kondisyon niya. Mabuti nalang hindi tumama ang bala sa major organ niya. Kailangan niya na lang ngayon ng pahinga. Mamaya lang ililipat na siya sa isang kwarto dito sa ospital."

"Thank you doc." Nakahinga ako nang maluwag sa narinig ko.

***

Pinagmasdan ko si Timothy habang natutulog siya at nakahiga sa kama. Nasa loob kami ng isang pribadong kwarto sa loob ng ospital. Tinawagan ko si Sweety kanina at siya ang nag-asikaso ng mga kailangan ni Timothy. Umuwi siya para kumuha ng gamit dahil dito kaagad siya dumiretso pagkatawag ko.

Saan kaya galing si Timothy bago pumunta sa bahay ko? Bakit may tama siya ng baril? Napaaway ba siya? Na-holdap? Hawak ko ang isang kamay ni Timothy habang nakaupo sa tabi ng kama niya. Nanlalalim ang mga mata niya. Parang ang tagal niyang walang tulog. Parang pumayat din siya. Mukhang napapabayaan niya na ang sarili niya.

'Timothy, ano bang nangyari sa'yo?'

Bumukas ang pinto at pumasok ang Crazy Trios.

"Sammy, kumain ka muna. Ibinili ka namin ng breakfast mo." Inangat ni Maggie ang paper bag na may tatak ng isang kilalang fastfood chain.

"Oo nga Sammy, kumain ka na muna," segunda ni Michie.

"Tulog parin si Fafa TOP? Kawawa naman 'yang 'ASAWA' mo Sam," biro ni China.

Lahat sila ay bigla nalang ngumiti sakin.

"Yiiiieeeehh! Asawa pala Sammy ha," sabi ni Michie.

"Oooy si Sammy lumalandi hahahaha! PBB Teen Edition to infinity and beyond na pala eh! Wala nang seremonyas, kasal agad!" tumatawang sabi ni Maggie.

"Mana satin si Sammy eh. We bring the boys out!" sabi ni China.

"Mali China, Sammy brings the boys in dapat," pagtatama ni Michie.

"Ahaha! Tama, pumasok nga pala sa loob ng bahay si TOP. Parang magnanakaw lang e," wika ni China.

"Magnanakaw ng puso ni Sam," biro ni Maggie.

"HAHAHAHAHA!" Tumawa silang tatlo.

Agad na namula ang pisngi ko. "Hwag nga kayong maingay! Baka magising si Timothy," saway ko sa kanila.

"Oooyy si Sammy concerned sa ASAWA nya. Hahahaha!" China

"Tigilan nyo nga ako!"

"Yieeeh! Kilig ka naman at pinuntahan ka ni TOP kahit sugatan?" pang-aasar ni Maggie.

"Akala kasi ni TOP kukunin na si Sam ni Edward Cullen!" tumatawang paliwanag ni China.

"Ang galing! Nangyari yung plano natin! successful!" namamangha na sabi ni Michie.

"Takot nalang siguro ni TOP na mawala si Sammy!" sabi ni Maggie.

"Crazy Trios! Tumahimik nga kayo! Ang ingay-ingay ninyo." Pasaway talaga ang mga ito.

"Eh kumusta naman kasi kayong dalawa?" usisa ni China.

"Kayo na ba ulit?" tanong ni Michie.

"Ooy, di na sya bitter sa Valentines day, hahaha!" sabi ni Maggie.

Ngumuso ako at napatingin kay Timothy. "Hindi pa kami."

"Oh? Akala ko nagka-ayos na kayo?" nagtatakang tanong ni China.

"Basta!"

Pano ko ba ipaliliwanag na pagkatapos ng ilang linggo pa kami magkaka-ayos na dalawa? Ilang araw nalang bago matapos ang sixty days deal namin. Pagkatapos ng sixty days na 'yon, tsaka pa sya manliligaw sakin. Hmm. Teka. Napakunot ang noo ko habang tinitignan si Timothy. May kinalaman kaya ang sixty days na yon sa kung ano ang nangyari sa kanya?

Ano ba ang ginagawa nya sa loob ng sixty days? Ano ang importanteng bagay na inaayos nya na dapat pa nya akong layuan noon? Isa ba 'yong delikadong bagay?

Delikadong bagay na... na naging dahilan para mabaril sya? Isa kayang gang fight?

"Haay. Inaantok ako." Narinig kong humikab si China.

"Ako din," sabi ni Michie na humikab din.

"Umuwi na kayong tatlo. Okay lang naman kami dito ni Timothy eh," sabi ko. Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil baka mahawa ako sa paghikab nila.

"Ooy si Sammy sabik sa honeymoon," tukso ni Maggie.

"Ano bang sinasabi mo dyan Maggie? Hindi kaya!" tanggi ko.

"Dahan-dahan kayo Sam. Baka pareho kayong dumugo dyan, sayang ang puting sapin ng kama," pang-asar na sabi ni China.

"Dudugo? Bakit dudugo si Sammy? May sugat ba sya?" inosenteng tanong ni Michie.

Inakbayan ni Maggie si Michie. "Hahaha! Bakit kasi hindi ka nakikinig kapag sex education na eh."

"Ang bulgar nyo naman!" Dudugo na ilong ko dito.

"Oy! Young adults na tayo rito. Okay lang na pag-usapan yon. Hwag kang pa-demure dyan. Alam kong malumot din ang utak mo," sabi ni Maggie.

"Haha! Kung makapagsalita ka dyan bakla parang may experience ah," wika ni China sa kapatid.

"Wushu! Umalis na nga tayo. Naiinip na si Sammy eh hahaha! Tara na at lumayas," aya ni Maggie.

Tumayo na silang tatlo mula sa sofa at lumapit sa pintuan ng kwarto.

"Lock namin 'yung pinto?" tanong ni China na lumingon pa sa akin.

"Adik!"

"Bye Sammy," paalam ni Michie.

"Basta alam mo na Sam, kami ang Ninang!" nakangiting sabi ni Maggie.

"Live your life to the fullest Sammy! Yiieh! Hwag kang pakipot ha! Gorabels na kami! Goodluck sa inyo," pahabol ni China bago sumara ang pinto.

Narinig ko pa ang tawa nila pagkalabas nila ng kwarto. Mga adik talaga ang mga iyon. Ano ba ang mga pinapasok nila sa isip ko?! Naiimagine ko tuloy! Napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Timothy. Single bed. Di kami kasya. Sayang!