webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Seventy-Eight

Miracle Samantha Perez

Tatawagan ko? Hindi ko tatawagan? Tatawagan ko? Hindi ko tatawagan? Ipinikit ko ang mga mata ko at tinap ang call button. OMG! Narinig kong nag-ring ang kabilang linya. Ibig sabihin hindi nakapatay ang cellphone niya! Nakakatatlong ring na pero hindi pa niya sinasagot. Ano kaya ang ginagawa niya? Busy na naman siya?

[Miracle.]

OMG! Sinagot niya! Okay. Okay. Hinga nang malalim. Na-miss ko ang boses niya. Sobra ko talagang na-miss!

"H-Hello Ethan," bati ko na kunwaring namali ng tawag. "Tungkol doon sa date natin sa Valentines day. Nag-iisip ako na mag-suot ng MICRO MINI SKIRT at TUBE. Okay lang ba?"

[…What?]

"Ethan, hello? Di ka nakasagot dyan?"

[Who the fuck is Ethan?!]

"OMG! Timothy? Ikaw pala yan, sorry akala ko ikaw si Ethan," pigil ko ang ngiti ko habang nagsasalita.

[MIRACLE! ARE YOU GOING ON A FUCKING DATE WITH THAT BOY?! THAT ETHAN HAD THE GUTS TO ASK MY GIRL OUT ON A DATE?!]

KYAA! Kinikilig ako sa sigaw niya. Nakakainis! Nabubuhay ang dugo ko. Nakaka-miss ang pag-sigaw niya nang ganito. What is air?

[AND WHAT IS A FUCKING MICRO—FUCKING—MINI?! IS THAT EVEN LEGAL?! ARE YOU EVEN ALLOWED TO WEAR THAT?! ARE YOU GOING TO SEDUCE THAT FUCKING WUSS?! FUCK! I DIDN'T EVEN SEE YOU WEAR ONE!]

"Tignan nyo si Sammy! Parang kinukuryente," sabi ni Maggie na tumatawa.

"Ooooy! Si Sammy kinikilig! Yihihi!" sabi ni Michie na nakayakap sa malaking teddy bear.

"Ano? Effective ba?" tanong China.

Tumango lang ako sa kanila habang nakangiti. Pinakinggan ko lang si Timothy na sumigaw sa kabilang linya kahit na parang mababasag na ang eardrums ko sa sigaw nya.

[MIRACLE YOU BETTER NOT BE CHEA—]

Bigla syang tumigil sa pagsigaw. Waaaah! Bakit sya tumigil?

"Timothy? Bakit ka tumigil?" nakangusong tanong ko. Nag-eenjoy pa naman ako sa pakikinig sa sermon niya. Narinig ko siyang huminga nang malalim mula sa kabilang linya.

[Sorry.]

"Eh? B-bakit ka nagso-sorry?"

[I forgot. I'm not your boyfriend anymore.] halata ang lungkot sa boses niya. Bigla naman sumikip ang dibdib ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Okay lang naman na magalit ka!" mabilis na sagot ko. "I mean, okay lang Timothy. I understand."

[So... Who's he?]

"Uhh. No one. Just someone na..." na ginagamit kong rason para tawagan ka. "Someone from school lang."

[Okay.]

"Okay? Okay saan?"

[Okay.]

"Okay na ano?"

[You can go out with him] mahinang sabi niya.

HAAAAAA?! ANOOO?!

[But please Miracle.]

"A-ano 'yon, Timothy?"

[Wear something decent.]

"Huh?"

[Wear pants and bring a jacket.]

"Eh?! Timothy!"

Narinig ko na ang end tone. Binaba na niya. Naputol na ang tawag. Napa-nganga ako at hinayaan ko nalang na malaglag ang cellphone ko sa kamay ko. Napaupo ako sa sofa habang tinitignan ako ng Crazy Trios.

"Ano? Ano'ng sabi?" masayang tanong ni Maggie.

"Successful ba?" excited na tanong ni Michie.

"Nag-selos ba sya at niyaya kang makipag-date instead doon kay Ethan? Ano?" usisa ni China.

Tinignan ko ang Crazy Trios. "Ang sabi nyo kapag nalaman niya na makikipag-date ako sa iba, yayayain nya ako?!" sigaw ko.

"Oo nga, bakit? Ano daw ba sabi?" kunot noong tanong ni China.

"Eh, bakit hindi niya ako niyaya?!" sigaw ko sa kanilang tatlo. "Ang sabi niya okay lang daw! Okay lang?! Ahhh! Naiinis ako!"

"Hala. Baka ano…" hindi maituloy na sabi ni Maggie.

"Dapat niyaya ko nalang siya! Pero pinigilan ninyo ako! Ang sabi nyo yayayain niya ako kapag sumunod ako sa sinabi nyo! Pero hindi! HINDI!" inabot ko ang throw pillow at itinapon sa sahig.

"Woah! Huminahon ka lang Sam!" sabi ni Maggie.

"Oo nga, huminahon ka muna Sammy," sabi ni Michie.

"So paano? Si Ethan ang date mo?" tanong ni China.

Tinignan ko silang tatlo nang masama. Kasalanan nila ito! Bakit ba ako nakinig sa kanila?!

"KYAAAAAAAA~!! TAKBO NA TAYO!!" sigaw ni China.

Tumakbo na silang tatlo sa itaas ng bahay bago ko pa sila masaktan.

"Crazy Trios!!!" Hinabol ko silang tatlo. "Gawan nyo ito ng paraan!"

***

Hindi ako makatulog. Gusto kong umiyak dahil sa sobrang pagsisisi. Dapat talaga hindi nalang ako naniwala doon sa tatlo eh. Yan tuloy. Mukhang may kasalanan pa ako kay Timothy. Kung bakit kasi nakinig pa ako sa kanila eh. Ang stupid ko talaga! Nagpa-uto ako sa Crazy Trios. Timothy kooo.

*CRRRRRRRRRKKK*

Napaupo ako sa kama ko at napa-tingin sa bintana ng veranda ng kwarto ko. May kung ano'ng anino ang gumagalaw mula sa labas. Binuksan ko ang lampshade na nasa tabi ng kama ko.

Sino yon?! OMG! Si Shomba? Sinabi ko naman sa Crazy Trios na hwag na nilang i-download ang movie na 'yon eh! Maganda raw kaya pinanood namin kanina. Eh nakakatakot kaya!

AT HETO NA NGA! Si SHOMBA nasa veranda ko! AAAAAAAAHHH!!!! Nakita niya ako! Sinumpa niya ako!! AYOKONG MATULAD SA MGA NABIKTIMA NYA!

Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang pag-tanggal niya ng lock sa bintana ko. Marunong mag-pick ng lock si Shomba? OH MY GOD!! PLEASE SAVE ME!!! AYAN NA SI SHOMBA! Nagtalukbong ako ng kumot ko. Ano'ng gagawin ko?! Ano'ng gagawin ko?! Tatakbo?! Hindi ako makagalaw! May naramdaman akong humawak sa kumot ko.

"AAAAAAAAAAHHHHHH!!!" pinag-sisipa ko siya mula sa ilalim ng kumot.

"Shit!"

Ano raw?! Nagmura si Shomba? Pero boses lalaki. Inalis ko ang taklob kong kumot. Wala akong nakitang tao sa loob ng kwarto ko. Umupo ako sa kama ko at doon ko nakita ang taong nasipa ko. Nabuhusan ako ng relief nang hindi si Shomba ang nakita ko sa paanan ng kama ko.

"Timothy? Bakit ka nakaluhod dyan sa carpet ko?" tanong ko. Hindi naman ganoon kalakas ang sipa ko sa kanya ah. Hindi ko naramdaman na tinamaan ko siya.

Nakita ko siya na parang may hinahanap sa ilalim ng kama ko. Hinahanap ba nya si Shomba? Tumingin siya sa'kin. Nagulat ako nang matalim niya akong tignan. Eeeh! Mas nakakatakot pa siya kay Shomba.

"Where is he?" tanong niya sa akin.

"S-Sino? Si Shomba?" nagpa-panic na tanong ko. "Nakita mo si Shomba?! WAAAAH!! SAAN?! SAAN?!"

"Shomba who?" kunot noo niyang tanong. Mukhang naiinis na naman siya.

"Ah wala, hahaha!" ninenerbyos kong tawa habang tinitignan ang paligid baka sakaling biglang lumitaw si Shomba.

Umupo siya sa kama ko.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?"

"I received a text," sagot nya.

"Text?"

Ibinigay niya sakin ang cellphone niya. May naka-open na text message na kaagad kong binasa.

||HELP PLEASE. Si Sammy kukunin na ni Edward Cullen!||

Hala! Sino ang baliw na nag-text nito? Tinignan ko ang number at nakilala itong pagmamay-ari ni China. Ang Crazy Trios talaga!

"Pumunta ka talaga dito dahil sa text na 'to? Naniwala ka?"

"Just wanna make sure my wife is safe," sagot niya.

Nakaupo siya patalikod sa akin. Napansin ko lang na naka-suot siya ng black suit. May trabaho ba siya? Saan kaya siya galing?

"Kilala mo naman si Edward Cullen, hindi ba?"

"Yes."

"Di ka takot? Bampira kung sakali ang makakalaban mo. Hahaha!"

"And what's he gonna do to me? Sparkle me to death?"

Hindi ko napigilan ang tawa ko sa sagot niya. Ang cute talaga ni Timothy kahit kailan!

"Ah, shit," bulong ni Timothy.

"Timothy, may problema ba?"

Tumayo sya na parang nahihirapan. Naramdaman ko kaagad na may mali sa kanya. Agad akong kinabahan.

"Yeah I'm alright," sabi niya na nag-igting pa ang panga.

Humarap na siya sakin. Nakahawak sa tagiliran niya si Timothy na parang may tinatakpan.

"I'll see you tomorrow Miracle," paalam niya.

Napakunot ang noo ko dahil para siyang tumatakas. Tumayo ako sa kama at binuksan ang ilaw. Napasinghap ako nang makita ang dugo sa kamay niya. Napatingin ako sa mukha niya. Namumutla siya at pinagpapawisan.

"Shit. You're not supposed to turn that on."

"Timothy." Napaluhod siya. "Timothy! Oh God!" Tumakbo ako sa tabi niya. Inalalayan ko siyang humiga muna sa kama ko. Ang daming dugo. Ang daming dugo sa carpet. Mabilis na nag-init ang gilid ng mga mata ko. Hindi ito ang oras para umiyak.

"I'm... I'm alright Miracle," nahihirapan niyang sabi. Ang putla ng mukha niya.

"Oh God! Oh God! Timothy please.. Oh God! Dito ka lang!"

Lumabas ako ng kwarto ko at kinatok ko ang Crazy Trios sa kwarto nila. Bakit ang daming dugo? Saan nanggaling ang sugat niya? Sino ang may gawa non sa kanya?

"Ano'ng nangyayari?! Nasan ang sunog?!" Nagpapanic na lumabas ng kwarto niya si China.

"Tumawag kayo ng Doctor! Si Timothy! Si Timothy! Ang daming—ang daming dugo!"