webnovel

Chapter One Hundred Eighty

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising nalang ako nang may humahaplos sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mga mata, ang nakangiting mukha ni Timothy ang nakita ko.

"Timothy!" Mabilis ko syang niyakap. "Gising ka na!" Niyakap nya rin ako. "Thank God you're okay! Akala ko kung ano na ang mangyayari sa'yo. Timothy hwag mo na ulit akong tatakutin nang ganon pwede ba?"

Humiwalay ako nang kaunti para tignan sya sa mga mata.

"Okay ka na ba? Masakit ba yung sugat mo?"

"No." Pinunasan niya yung luha sa pisngi ko. "I'm fine Miracle. Please stop crying," sabi niya sa malumanay na boses.

"Timothy," naiiyak na tawag ko sa kanya. "Natakot ako nang makita ko yung dugo tapos bigla kang nawalan ng malay bago pa dumating yung ambulansya. Akala ko, akala ko huli na..."

"But I feel fine now. I'm here with you. You don't have to be scared anymore." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "I will never leave you. I promise you that Miracle."

"Sabi mo yan ha?"

"Yes. It's alright now."

"Okay." Tumigil na ako sa pag-iyak.

Lumayo na ako nang tuluyan bago ko pa makalimutan na may sugat siya at bagong opera. Umayos ako ng upo. Hinawakan ko ang isang kamay niya.

"Nauuhaw ka ba?" Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot. Tumayo ako at lumapit sa table malapit sa kama. Kumuha ako ng mineral water at nag-salin ako ng tubig sa isang plastic cup.

"Heto oh." Inabot ko sa kanya yung cup.

Kinuha niya yon at ininom ang laman. Napatingin ako sa kanyang adams apple na tumataas at bumababa habang nainom sya. WAH! Bakit ako nakatitig?

"How long did I sleep?"

Tumingin ako sa orasan. "Five hours more or less. Nagugutom ka na ba? May pagkain dito. Ano'ng gusto mo? Bibili ako."

"No. Just stay by my side."

Umupo na ulit ako sa tabi ng kama. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Tinitigan ko lang sya. Ngumiti sya sakin.

"Bakit ka may tama ng bala, Timothy?" tanong ko. Umiling sya. "Hindi mo sasabihin sakin?"

"No. I can't tell you."

"Bakit? Dahil delikado? Kaya ka ba nakipaghiwalay sakin?" sunod-sunod kong tanong.

Ilang segundo nya akong tinitigan ng seryoso. "Sometimes I wish you're not as smart as you are right now Miracle," he sighed. "When I need you to be smart you act stupidly and when I need you to be stupid you suddenly become Einstein."

"Should I feel flattered or insulted?" tanong ko. Yung totoo. Ang gulo niya. O baka ako yung magulo.

Bigla siyang ngumiti ng maliwanag. "You're one heck of a weird girl, Miracle."

Nag-pout lang ako nang sabihin niya iyon. Wala akong maisip na i-kontra sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at binigyan niya ako ng isang masayang ngiti.

"And maybe that's why I'm attracted to you."

***

Valentines Day

Hindi man lang ako niyaya ni Timothy na makipag-date. Nasan kaya siya? Pagkatapos nung araw na yon sa ospital bigla nalang ulit syang nawala eh. Hindi ko alam kung saan na sya nagpunta. Di man lang nagpaalam sakin. Umuwi lang ako para maligo tapos biglang nawala na siya sa ospital. Kainis yon! Hindi ba niya alam na may Valentines Day na paparating?

"Uy Sammy, si Lover boy nasa labas ng room hinahanap ka!" sigaw ni Maggie.

"HUH?! SI TIMOTHY?!" Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bakla hindi, sorry. Si Ethan ang tinutukoy ko."

Biglang nawasak ang puso ko na umaasa. Wala akong pakialam sa kanya. Ang totoy pa ng Ethan na yan eh. Walang sinabi kay Timothy. Waaaaah! Timothy nasan ka na? Lonely ko tuloy. Akala ko ba babawi ka sakin? Kainis naman e!

"Teka Maggie ano nga pala ang ginagawa mo dito sa klase ko?" tanong ko.

"Makiki-sit in muna ako. Na-miss ko kasi yung klase kaninang umaga kaya hahabol ako ngayon," paliwanag niya. "Nakaka-miss ka maging classmate Sam!"

"Di kita pako-kopyahin ng sagot sa quiz kaya hwag ka nang mambola dyan Maggie."

"To naman! Parang hindi kaibigan," reklamo nya.

"Oo na nga, sige na papakopyahin na kita basta paalisin mo si Ethan. Sabihin mo nakakadiri ako at hwag niya na akong kulitin. Basta gawin mo lahat para mawala siya," sabi ko sa kanya at muling nangalumbaba sa lamesa ko. Timothy.

"O sige bakla, sabi mo yan ah. Yes!" Masaya siyang lumabas ng room para paalisin si Ethan.

Tinignan ko yung cellphone ko. Wala man lang text. Ang ganda ng cellphone ko, wala naman nare-receive na text galing sa kanya. Nakaka-depress. Bakit wala siya? Timothy kooo.

"Sammy hala..." Lumapit sakin si Maggie.

"O bakit? Napaalis mo na ba?" tanong ko.

"Hindi. Wala na siya paglabas ko eh," sagot niya.

"Yun naman pala eh. Don't worry pakokopyahin parin kita."

"Bakla hindi naman yun eh, kasi…" Umupo siya sa tabi ko at mukhang kinakabahan.

"Ano?"

"Paglabas ko kasi nandon si ano..."

"Si Timothy?!" Lumukso ng tibok ang puso ko. Timothy!

"Miss mo na talaga sya no? Pero hindi eh," sabi niya.

Papatayo na sana ako, pero bigla akong napaupo ulit dahil sa sinabi niya. Kakalungkot naman. Wala talaga siya.

"Sino?"

"Si Red."

"HA?!" Napaayos ako ng upo.

"Tawagin daw kita."

Si Red nasa labas? Hala, lagot ako. Galit kaya siya sa akin? Kailangan kong lumuhod sa harap niya at humingi ng tawad sa lahat ng sinabi ko sa kanya noong nabaliw ako. Huhu. Tumayo ako at lumabas ng classroom. Nakita ko si Red na nakasandal sa pader at nasa magkabilang bulsa ang mga kamay. May mga babae sa paligid na kumukuha ng picture niya habang kinikilig.

Di ko sila masisisi. Sadyang magandang tanawin si Red. Sino ba ang hindi maaakit sa kanya?

"Jared." Kinakabahan na lumapit ako sa kanya. "Napadaan ka."

Ngumiti sya sakin. Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Paano ko siya nagawang saktan?

"Heto, kunin mo." May ibinigay siya sakin na ticket. "Six o'clock mamaya, don't be late."

Ticket para sa isang Valentine concert.

"Huh?"

"It's a date."

"Huh?" Namilog kaagad ang mga mata ko.

"Remember six o'clock, okay?"

"Date?"

Ngumiti lang siya at umalis na. Nanatili akong nakatitig sa kanyang likod habang naglalakad siya palayo sa akin. Date ko si Red ngayong Valentines?

***

"Bakla, ano raw?" tanong ni China habang kumakain kami sa canteen.

"Sabi ni Sam may date daw siya mamaya. Ka-date niya si Fafa Red," sabi ni Maggie.

"Sammy, akala ko si TOP ang ka-date mo?" tanong sa akin ni Michie.

"Eh pano? Hindi naman sya niyaya ni Fafa TOP. Di yata alam ang Valentines Day," pang-asar ni Maggie.

"Che!" sabi ko at tinusok tusok ang karne sa plato ko. Kinakabahan ako.

"Date ka ni kuya?" Dumating si Audrey at umupo sa tapat ko.

"Oo," sagot ko.

"Ahh. Okay," sabi lang niya bago tignan ang cellphone niya.

"Nagkabalikan na ba kayo ni Omi?" tanong ko.

"Omi? Sino 'yon?" tanong ni Audrey.

"Si Audrey bitter! Hahahaha!" tawa ni China.

"Makipag-blind date nalang tayo!" aya ni Maggie.

"Oo nga! Masaya 'yun!" sangayon ni China.

"Apat tayo! Tara!" excited na sabi ni Maggie.

"Fine, I'm in!" payag ni Audrey. "Wait, I have a better idea."

"Ano 'yon?" tanonf ni China.

Tumingin sa'kin si Audrey at alam kong may sasabihin siya na di ko magugustuhan.

"Group date tayo, kasama si Sam at si kuya."

***

Eksaktong six o'clock, nasa meeting place na kami ng Crazy Trios kasama si Audrey. Wala na akong nagawa pa para umatras. Wala akong maisip na dahilan. Pero okay na rin siguro na hindi kami solo ni Jared? Pero kinakabahan parin ako sa pagkikita naming dalawa. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya. Sobrang sobra akong nahihiya. Gusto kong ibaon ang sarili ko sa lupa!

"Dito ang date nyo ni kuya?" tanong ni Audrey habang iginagala ang tingin sa paligid. "Nice."

Napapaligiran kami ng mga couples. Umaapaw ang puso sa paligid, damang dama na Valentines day na nga. Pati ang labas ng arena ay dinesenyohan ng mga puso at may mga ibinebentang couple shirts sa gilid.

"Sino ba mag-peperform?" tanong ni Maggie.

"Sina Nina, Sitti, Aiza, Princess, Juris—" basa ni China sa list ng artist sa isang malaking poster.

"Richard, Kean and with special participation of Xian Lim," patuloy ni Michie.

"Ooohh! Masaya yan! Acoustic! May taste din naman pala si Fafa Red, eh," puri ni Maggie.

"So nasan ba si Kuya?" tanong ni Audrey na halatang naiinip na sa paghihintay.

Lumingon ako sa paligid para hanapin si Jared. May isang tumpok ng mga kababaihan di kalayuan sa amin, para silang kinikilig habang nakapalibot sa isang matangkad na lalaki. Mukhang na-stranded si Red. Lumakad na ako at nilapitan siya. Nahirapan pa ako na sumingit sa mga babaeng nakapaligid sa kanya at gustong magpa-selfie kasama siya.

"Hey ano ba? Walang tulakan!" reklamo ng ilan sa akin.

"Ay sorry, date ko kasi yang nilalandi ninyo," mataray na sabi ko.

"Hmp! Akala mo kung sino'ng maganda, wala naman dibdib! Lika na nga girls! Kakaimbyerna dito," sabi niya at hinila yung iba niyang mga kasama.

ANO RAW?! Wala daw akong—UGH! Bully 'yon ah! Alam ko naman eh. Hindi naman nila kailangan pang sabihin. Meanie!

"Hahaha! Ayos 'yon ah," sabi ni Red mula sa likod ko. "Buti dumating ka na. Pumasok na tayo?"

"Uhh. Kasi Red…" Napatingin ako sa direksyon ng Crazy Trios at ni Audrey. "Sumama kasi sila eh."

Sinundan ni Red ng tingin ang itinuro ko. Ngumiti lang siya nang makita ang mga kasama ko.

"Ayos lang, wala naman silang tickets eh." Hinila niya ako sa kamay at pumasok na kami sa loob.

WAAAH! Paano sila? Napalingon ulit ako sa mga kasama ko. May dumating na apat na mga lalaki. Namukhaan ko sila kaagad, mga myembro ng Lucky 13. Mukhang hindi na sila magiging lonely lalo na si Audrey, dumating na kasi ang kanyang Romeo.

Vooooote~ uwu

AlesanaMariecreators' thoughts
Next chapter