webnovel

INTERCOLLEGIATE FOURTEEN

Paano kung kayo ay magkakakumpitensya sa iisang unibersidad? Magkakalaban? At magkakaiba ang personalidad na ipinasok sa isang bahay upang magkaisa sa iisang layunin. May mag-aaway pa ba? May magkakasundo na ba? At may mabubuo na bang..... PAG-IBIG?

JhaeAnn_16 · 若者
レビュー数が足りません
46 Chs

TWENTY NINE

 

(St. Anne University, Friday morning)

 

(Airish's POV)

(Institute of Medicine Building)

NASA corridor ako ngayon at tatambay-tambay lang ang kagandahan ko nang salubungin ako ni Kuya Dane.

"Hey Kuya! Howdy do? Ngayon na ang official filing natin ng candidacy sa Mr. and Miss St. Anne University!" ang masayang sabi ko sa kanila.

"Actually Ai, about dyan ang sasabihin ko. Officially okay na ang candidacy ko for the pageant. Aasikasuhin ko na rin sana yung sayo pero shockingly, may nag-file din ng candidacy para i-represent yung department natin sa pageant kaya sobrang naguguluhan si Dean kung kaya naman magkakaroon ng election para sa position ng muse. At kung sino ang mananalo, siya ang makaka-partner ko for the pageant." 

"Who the bloody hell is that woman?!!!" I said so angrily.

"Gusto mong malaman? Tara, tanungin natin kay Dean." at hinila ako ni Kuya Dane papuntang Dean's Office.

(Dean's Office)

 

(Renz's POV)

SAKTONG papasok na ako sa office ni Dean (my Ate Railley) nang nakita kong palabas na sa office sila Kuya Espren Dane at Airish. Pansin ko ang matinding inis sa mga mukha nila.

"Hi Espren Kuya! Hi Airish! Officially candidates na ha! Congrats!" ang masayang bati ko pero nagulat na lang ako nang luhaang yumakap sa akin si Airish. 

"Hey Airish! Are you okay?" ang biglang nag-alalang tanong ko sa kanya.

"I'm not okay Miss Renz! This is so terrible!" Airish exclaim.

"Terrible? What terrible?" ang taranta ko nang tanong sa kanya.

"Kasi may makakalaban si Airish para sa pagiging muse. And guess what kung sino?" sabay buntung-hininga ni Kuya, "Si Arra Diaz lang naman!"

"What?!" I exclaim. "Si Arra Bitch, opponent ni Airish sa pagiging muse?!" 

"Yes Miss Renz! Hindi ako makakapayag na agawin ng impaktang yan ang pagiging reyna ko sa department na 'to!" Airish said very angrily.

Sa totoo lang, natatawa na naman ako sa mortal na kalaban ko. Ano kaya ang kagagahang nakain ni bitch at nakuha niyang kalabanin ang one of the beauty queen goddess sa school na ito?! Pero kung sa tingin niya, magpapatalo na lang kami ni Airish ng basta-basta, nagkakamali siya.

"Airish, chillax! Kinamamatayan ka ng mga boys dito sa department natin at idol na idol ka ng mga girls dito kaya imposibleng ilaglag ka nila." ang pagpapakalma ko sa kanya.

"Tsaka, sobrang shunga na ni Arra kung matatalo ka pa niya!" dagdag pa ni Kuya Dane.

"And don't you worry, nandito ako para alalayan ka." sabay akbay ko sa kanya.

"Thank you Miss Renz! You're always here for me." ang sabi naman ni Airish.

"Just think na hindi ka niya basta-basta matatalo." sabi ko pa sa kanya.

"Ipakita mo sa bobitang yan kung sino ka talaga." sabi ni Kuya Dane.

"Yes Kuya. Ipapakita ko talaga sa malanding yan na nagkamali siya ng kinalaban niya!" Airish said so determinedly.

Gusto talaga ni Arra ng totoong laban? 

 

Sige. Ibibigay namin sa kanya ang pinakamatinding hagupit na hindi niya inaasahan.

---

(2nd Campaigning Week, after one week)

 

(Renz's POV)

NAGLALAKAD kami ni Ate Rianne sa corridor nang biglang lumapit sa amin si Arra with her two alichuchus sabay bigay nila sa amin ng flyers na may mukha ni Arra.

"Here's a flyers for two of you, honey boos." she said sabay hagis niya sa amin ng flyers.

Tinignan ko ang flyers at binasa ko. "Vote! Arra Micaella Diaz for Muse!" sabay tupi ko sa papel. "Hmm...pag-iisipan pa namin."

"Tsaka Arra, alam kong gusto mong magpaka-Bet ng Bayan pero please lang, sana wala namang trash talk." Ate Rianne said sarcastically.

"Anyways Arra, salamat sa flyers pero sana yung pinanggastos mo sa pagpapa-print nito ay pinambili mo na lang ng kahun-kahong Paracetamol at vaccine para i-donate mo sa mga biktima ng Ebola at MERSCOV sa ibang bansa." I said sarcastically at her.

"Okay. So vote for me honey boos!" - Arra.

"In your filthy dreams, bitch." - Me and Ate Rianne.

---

(Last Day of Campaigning, after a week)

 

(Renz's POV)

NGAYON na ang last campaign ng dalawang naglalaban sa posisyon ng muse at nasa IM Auditorium na kami para makinig sa mga advocacies ng dalawang magkatunggaling panig. At maging ang lahat ng mga gorgeous alipores ko ay present din sa forum.

Habang nasa baba kami ng stage ay laking gulat namin nang lumapit si Airish sa amin. Walang make-up, naka-PE uniform at nakatirintas ang buhok pero aninag na aninag ang kanyang chinita beauty na ala-Aki Fukada.

"Wow Airish...is that you?!" - Ate Rianne.

"Ahm...yes. Okay lang ba?" ang medyo nahihiyang sabi niya.

"Super duper trupper okay! You look so beautiful!" ang sabi ko naman.

"Thank you Miss Renz!" sabi naman niya.

"Good luck Ai!" ang cheer nila Liezel at Phoebe mula sa mga hanay ng audiences. Nag-flying kiss naman si Airish sa gawing direksyon nila.

---

Nung nagsimula na ang program ay nakaupo na sina Airish at Arra sa gilid ng center stage. Si Arra, hayup sa pagmamaganda, dinaig pa nga niya ang a-attend ng Junior Senior Prom. Pero mas kapansin-pansin ang simple pero mala-diyosang kagandahan ni Airish na hindi tinatantanang tignan ng kanyang mga fans.

"Ang ganda talaga ni Airish noh?" - Student 1.

"Oo nga. Mas maganda pala siya kapag walang make-up." - Student 2.

"As you said dude," - Student 3.

Korek kayo dyan mga pare! Pang-Aphrodite ang kagandahan ni Airish! Parang gusto ko na ngang ma-in-love sa kanya ng di oras eh! xD!

"Good morning ladies and gentlemen. Were here to witness the overall campaign of the two ladies here vying for the title of Miss Institute of Medicine. Each candidate will be given two hours to convey and convince the audiences about their plans and purpose, especially the Dean of the Institute of Medicine and the President of the student organization of this department. Okay, so the first candidate for the position of muse is a transferee from University of Las Vegas, 4th Year Doctor of Medicine Student, Arra Micaella Diaz." 

Tumayo si Arra sa kanyang kinauupuan at kinuha ang mic mula sa emcee. 

"Good morning everyone, I'm Arra Micaella Diaz and I convince you to watch this movie presentation I made."

 

Hmm...in fairness, handang-handa ang bruha. Nakuha pa niyang gumawa ng movie presentation na nagpapakita ng iba't ibang latest disease sa Pilipinas at sa buong mundo tapos ipinakita pa niya ang mga pictures nita kung saan may ginagamot siyang mga pasyente.

Astig. 

Naalala ko tuloy, nung nangangampanya ako for presidency, wala akong ginawang echos eclavush na presentation na tulad ng kay Arra.

xD.

At ang speech niya? Bah! Ang hanep! Dinaig pa nga niya ang estudyanteng nagsasalita ng isang oratorical piece eh! May hand gestures pa siyang nalalaman at lintik sa bilis makapag-research ang bruha dahil halos buong website ng Wikipedia, Google at Yahoo, ni-research niya! Arra, you already! 

"I believe--" -Arra.

*buzzer*

"You already maximize to two hours and twenty minutes of your speech Ms. Diaz. It's Ms. Chiu's turn." - Sir Carael (the program emcee)

"But Sir, I'm not finished yet!" katwiran ni Arra.

"Excuse me Sir Carael, I'm willing to give my one hour and fifty minutes to Ms. Diaz." ang magalang na sabi ni Airish, dahilan para bigla kaming magulat at magtaka.

"Are you sure, Ms. Chiu?"

"Yes sir. Let her take an extra hour to finish her speech." sabi pa ni Airish na tila may pinaplano siya para kay Arra.

"Okay, so may you now continue, Ms. Diaz."

"Thank you Sir," at nagpatuloy na sa pagsesermon sa misa este sa pagsasalita si Arra.

I, Ate Rianne and Espren Kuya Dane looks so absurdly at Airish habang pagtataka din ang makikita sa mukha nina Liezel at Phoebe.

Pero kalaunan ay natumbok ko na ang surprise plan niya for Arra. 

 

Hmm...I'm so excited for you, Airish.

 

(After one hour and fifty minutes)

"Thank you very much. Again, this is Arra Micaella Diaz, saying 'Together, we will welcome a healthy, wealthy and progressive Philippines."

Palakpakan naman ng mga nanood habang may iba naman na napapasabi ng "Haay, salamat at natapos din ang misa..."

"Thank you Ms. Diaz for that wonderful speech. Okay so let's welcome the next and last candidate for Miss Institute of Medicine, a third year Doctor of Medicine student, Ms. Airish Chiu."

Palakpakan at tilian ng lahat nang tumayo na si Airish. Kinuha niya kay Sir Carael ang mic at huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Magandang umaga po sa inyong lahat, alam ko pong kilala nyo na po ako pero muli ay magpapakilala ako sa inyo. Ako po si Airish Pineda Chiu. Nakakaloka man po sa sobrang ikli ang pangalan ko pero mas nakakaloka naman po ang two hour and fifty minute speech ni Department of Health Secretary Arra Micaella Diaz."

Tawanan naming lahat habang biglang nairita si Arra kay Airish. Nagpatuloy si Airish sa pagsasalita.

"Oh, I'm sorry, hindi pala siya DOH Secretary, akala ko kasi siya na po, kasi anlupit ng pangarap niya na palulusugin daw niya ang buong Pilipinas. Aba matinde po mga kaibigan! Time check po muna ako," sabay tingin ni Airish sa wristwatch niya. "So it's 11:30 am. Alam ko pong gutum na gutom na kayo sa mahabang sermon ni father este ni Arra kaya 10 hours po akong magsasalita."

Nagulat at halatang nadismaya ang mga estudyante.

"Joke lang po yun, ten minutes lang po akong magsasalita kasi katulad niyo, hindi na ako nakapag-agahan pa at isang boteng mineral water lang ang laman ng sikmura ko. At pasensya na rin po kung hindi ako nakapaghanda ng movie presentation at nakapagpa-parlor tulad ni Arra kasi nagpaka-multo mode ako sa SAUGH kagabi."

Mas lalong nagtawanan ang lahat.

"Okay po, serious mode na po tayo."

Natahimik naman ang lahat habang masama na ang tingin ni Arra sa kanya.

"Sa totoo lang po, hindi ko pinangarap na kumuha ng Medicine. Dahil ang background ko noon ay sa culinary at mathematics, pinayuhan ako ng Mommy at Daddy ko na kumuha ng Hospitality Management o Accountancy dahil malapit daw ito sa pera. Pero nagbago ang isip ko kung kaya naman Medicine na ang kinuha kong kurso dahil nakita kong maikli lamang ang pila sa enrollment section."

Mas lalong nagtawanan kaming lahat.

"Nung 2nd Year na ako, binalak kong mag-shift sa Hospitality Management sa advice na rin ng mga kaibigan ko pero hindi na yun natuloy mula nang maging kasapi ako ng student organization ng Institute of Medicine. I met our president na si Miss Renz at ilang beses akong nakasama sa mga mission nila. At sa bawat mga pasyenteng natutulungan namin ay sumasaya ang pakiramdam ko. Until I realize na hindi mabibili ng pera ang kaligayahang naidudulot ng pagtulong natin sa ating kapwa."

Palakpakan ng lahat habang napanganga si Arra sa sobrang gulat.

"Malapit po sa puso ko ang mga pasyenteng natutulungan namin dahil katulad natin ay tao rin sila na nangangailangan ng atensyon at pagmamahal."

Mas lumakas ang palakpak ng lahat.

"Sinadya ko pong hindi na maghanda pa ng flyers at campaign materials dahil sapat na sa amin ang bilang ng mga tropeo, medalya at pagkilalang nakakamit ng SAU Institute of Medicine sa bansa at sa buong mundo. Sapat na ang mga ngiti at pasasalamat na natatanggap namin mula sa mga pasyenteng natutulungan namin. At sapat na po na ibinubuhos namin ang aming buong lakas at atensyon para mapaglingkuran namin ang mga nangangailangang tao. Hindi man po ako kasintalino at kasimbait ni Miss Renz pero may puso po ako na tumulong sa kapwa ko nang walang hinihintay na kapalit. Wala na po akong masasabi dahil nakikita ko naman ang bunga ng aming pagtutulungan at pagkakaisa para sa ikauunlad ng ating departamento. Ayos. 4 minutes lang ang speech ko. Maraming salamat sa pakikinig at magandang tanghali na pala sa inyong lahat."

Napa-standing ovation kaming lahat para palakpakan si Airish. May mga nag-chi-cheer sa pangalan niya at nagsasabi ng "The New Miss Institute of Medicine 2014." At maging si Dean (my ate) ay hangang-hanga sa speech ni Airish.