webnovel

INTERCOLLEGIATE FOURTEEN

Paano kung kayo ay magkakakumpitensya sa iisang unibersidad? Magkakalaban? At magkakaiba ang personalidad na ipinasok sa isang bahay upang magkaisa sa iisang layunin. May mag-aaway pa ba? May magkakasundo na ba? At may mabubuo na bang..... PAG-IBIG?

JhaeAnn_16 · Teen
Not enough ratings
46 Chs

THIRTY

 

 

(St. Anne University, next day)

 

(Renz's POV)

 

(SAU Institute of Medicine Medical Mission, City Integrated School)

 

"MISS Renz, pakisampal mo nga ako." 

Sinampal ko si Airish.

"Aray! Ang sakit naman ng pagkakasampal mo sa akin!" ang daing ni Airish.

"Airish, walang sampal na hindi masakit, okay?" ang sabi ko pa sabay baba ko ng mga box ng gamot sa shuttle truck ng department namin.

"Pero bakit ganun?! Si Arra ang nanalo?" ang yamut na yamot na sabi ni Airish sa akin.

"Wala na tayong magagawa. Siya ang nanalo. Pero ang kapal lang ng mukha niya na kunin kang assistant muse. Don't you worry, ipapaimbestiga ko ang nangyaring election kahapon. But this time, hayaan muna natin siyang mag-enjoy sa pandarayang panalo niya." ang kampante kong sabi kay Airish.

"THIS IS A TERRIBLE NIGHTMARE! I SWEAR!" 

"Just accept the fact. Lalabas at lalabas din ang alingasaw na itinatago niya." sabi ko pa kay Airish.

Natigil kami sa pag-uusap ni Airish nang dumating si Ate Nanay Aleinne na may dalang Bon Appetea at Dunkin Donuts.

"Nay Aleinne! Para ba sa amin yang tea at donut! Salamat ha!" ang sabi ko pero iritang umiling-iling si Ate Nanay.

"Anakishes ko, sorry pero hindi 'to sa inyo. Order 'to ng demonyitang muse ng department natin! O siya sige, aalis na ako." at umalis na si Ate Nanay Aleinne.

Pagbalik namin sa gym ng CIS ay sobrang dami ng mga pasyente at halos lahat ng volunteer doctors ay busy maliban lang kay Miss Institute of Medicine 2014 na missing in action at tila yata busy sa pagpapakabuhay-senyorita.

Sinadya kong isama si Ate Rianne at Airish sabay punta namin sa backstage at laking gulat namin nang makita namin ang impaktang si Arra. Bagama't sabik na sabik na si Ate Rianne na patayin sa sampal at sabunot si Arra ay nagawa ko siyang pigilin habang kinukunan ni Airish ng video ang pagpapaka-Donya Charito ni Arra.

Mapayapa naman kaming umalis sa backstage na hindi nakikita ni Donya Impaktang Arra. Pagbalik namin sa gym ay pinag-lunch ko muna ang lahat ng mga kasama namin habang binigyan namin nina Kuya Espren Dane at Airish ang mga pasyente ng meryenda. Habang chine-check up ko ang isang buntis ay lumapit sa akin si Ate Railley.

"Renz, pansin ko lang, nasaan si Arra Diaz?" ang tanong ni Ate sa akin.

"Si Impakta po Dean? Hayun sa backstage at busy po sa pagpapa-kulot ng buhok with matching massage and manicure pa." inis na sabi ni Ate Rianne.

That irritates Ate Railley a lot.

"Nagpapa-massage?! Bakit hindi siya tumutulong dito, kapapanalo lang niya kahapon tapos ngayon, umaarte na siya?!" galit na sabi ni Kuya Espren Dane.

"Kahapon, ang active ng bruha pero ngayon, bah! Hayahay na ang buhay niya!" - Ate Rianne.

"Pabayaan nyo na lang na mag-relax ang bruha, dahil ewan ko lang kung makakapag-relax pa ang Arra na yan sa mga susunod na araw!" and I smile evilly sabay balik ko sa inaasikaso kong buntis.

(8:00 pm)

 

(Renz's POV)

 

"SA lahat ng mga nag-volunteer kanina, marami pong salamat sa araw na inilaan ninyo dito. Nang dahil sa pagtutulungan natin, naging matagumpay ang medical mission natin sa CIS. Wag kayong mag-alala dahil kami na ang bahalang magligpit sa mga gamit natin dito." ang sabi ko sa mga volunteer doctors.

"Thank you po Miss President!" ang pasasalamat nanan nila sabay alis na nila sa gym. Naiwan kami sa gym at kami na ang naglinis ng mga kalat sa gym.

Habang nagwawalis kami nina Airish at Ate Rianne ay nakita naming lumabas na sa parlor si Donya Arra Impakta. Dala na niya ang bag niya at paalis na siya ng gym.

"Oh, san ka pupunta, malandi?!" ang maanghang na tanong ni Kuya Dane sa hitad na bruha.

"Sa bahay ko. Magpapahinga na ako dahil sobra akong napagod." ang sabi niya, dahilan para lalong nagpanting ang tenga ni Ate Rianne.

"Talaga? Napagod ka? Saan? Sa pag-upo maghapon sa backstage?" - Ate Rianne.

"Haay, kung hindi lang nauso ang salitang konsensya, baka kinulam na kita!" ang nagngingitngit na sabi ni Ate Nanay Aleinne.

"By the way, aalis na ako. Love you honey boos!" at umalis na ang impaktang bruha.

Pag-alis ni bruha ay di na napigilan pa ni Kuya Dane ang sarili niya, ibinalibag nila ng ubod lakas ang monobloc table sa gitna ng gym.

"Hayup na babae! Papatayin ko siya! Papatayin ko siya!" Kuya Dane said very very angrily.

"Relax Kuya Dane! Ang pandaraya niya ang papatay sa kanya." ang awat ko kay Kuya.

"Sana nga ay mamatay na ngayon ang hinayupak na impaktang yan!" sabi pa ni Kuya Dane.

Saktong nag-ring ang cellphone ko. May tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag na yun. 

"Yes. Oh ikaw pala Jane!" ang bati ko sa kanya.

"Miss Renz, alam na namin ang buong katotohanan. Dinaya nga ni Arra Bitch si Airish!" Jane exclaimed on the phone.

"Sinasabi ko na nga ba eh..." and I sighed. "Pano nyo nalaman?"

"Pinaamin lang naman namin ang bruhang kasabwat ni Arra Bitch. And guess what if who is she, walang iba kundi si Maelyn Albuerna, your P.I.O in the organization."

"Nasaan si Maelyn? Kasama nyo ba siya?" tanong ko pa kay Jane.

"Yes. Dinukot namin siya. Nandito kami ngayon sa bahay ni Ayanna." ang sabi pa ni Jane.

"Sige. Pupunta na kami ni Airish dyan. Bye." at ibinaba ko na ang phone ko.

Pagkababa ko ng phone ay napatingin ako kay Airish. 

"Tama ka nga ng kutob. Nadaya ka nga." I said.

"Sinasabi ko ba nga ba eh! Magbabayad talaga ang babaing yan!" Airish said angrily.

"Relax Ai! Pagpaplanuhan muna natin kung pano natin isisiwalat sa buong SAU ang pandaraya sayo ni Arra. But this time, kailangan nating sumadya sa bahay ni Ayanna dahil nandun ang kasabwat ni Arra sa pandaraya."

"Kasabwat? Sinong kasabwat ni Arra?!" - Ate Rianne.

I sighed. "Si Maelyn Albuerna."

 

 

 

"What?!!" Kuya Dane exclaimed. "Si Maelyn...ang kasabwat ng impaktang babaing yun?!"

"Yes. Ayaw ko mang maniwala pero yun ang totoo. Kaya pupunta kami ni Airish kina Ayanna para makumpirma namin kay Maelyn ang katotohanan. Sige, aalis na kami." at hinila ko na si Airish palabas ng gym.