Chapter 871: Mas Magaling Siyang Bumaril
Nanatili si Ning Xi sa pasukan ng bahay dahil sa paggalang.
Ngayong lang siya napansin nina Zhuang Keer at Zhuang Liaoyuan. Nakadamit pambabae siya ngayon kaya hindi siya agad nakilala ng mga ito. Nasurpresa si Zhuang Liaoyuan nang makita siya.
Nang mapansin ulit ni Zhuang Zongren si Ning Xi, nagsisi siya na nakalimutan niya ang tungkol sa kaniya. "Keer, bigyan mo siya ng damit pampalit at hayaan mo siyang maligo sa taas. Inatake ako sa puso kanina sa may dalampasigan at nahulog ang gamot ko sa dagat. Tinalon niya agad ito at kinuha para sa'kin, hinatid niya pa nga ako pauwi dito!"
Tinitigan niya ulit si Zhuang Rongguang na nakahilata pa rin sa sahig. "Kung hindi dahil sa kanya, baka wala na ako dito!"
Puno ng pasasalamat si Zhuang Keer. "Ganoon ba! Nagpapasalamat ako, maraming salamat! Sundan mo ako paakyat para makaligo ka!"
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください