Chapter 872: Aksidenteng Pagnanakaw Ng Puso
Medyo nagulat si Zhuang Keer nang makita niyang nakalabas na si Ning Xi sa banyo. Nakasuot ng pyjamas si Ning Xi, basa ang kanyang natural na kulot na buhok at kulay rosas ang maputi niyang balat. Sapat na ito para mapabilis ang tibok ng puso ni Zhuang Keer...
Bumalik si Zhuang Keer sa kanyang isip at sinabi, "Well...pareho naman siguro tayo ng bra size kaya dinala ko itong sa'kin. Bago naman sila at di ko pa nasusuot. Pati na rin 'yung mga damit. Ito oh, ginger soup, tikman mo!"
"Okay!"
Nagpalit si Ning Xi at kinuha ang mangkok ng mainit na ginger soup, komportable ang pakiramdam niya. Parang ayaw niyang kumilos.
Komportableng tingnan ang kwarto ni Zhuang Keer. Mainit ang mga kulay nito, may ilang dilaw, at maraming lacy sheets at malambot na kutson. Dalagang dalaga ang pananamit niya. May dala siyang pink dress at brown knee-length coat na parehong gawa sa mainit na materyales para kay Ning Xi.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com