webnovel

Chapter 16

Chapter 16 : On Your Side

"How are you?." tanong agad ni mommy ng magkaroon kami ng lone time pagkatapos ng tanghalian namin ni Caden kasama si mommy ug daddy.

"Medyo maayos na ako."

Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. Bigla ko tuloy na-miss itong bahay at silang dalawa.

"Is Caden taking good care of you?."

"Hindi naman siguro ako ganito kung hindi diba?."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at umayos ng upo sa tabi nito pero nanatiling nakaakap sa braso nito.

"Mom?."

"What?."

Sandali akong natahimik. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag. I just suddenly felt like I have something to tell her.

"What is it?."

Hindi ko parin alam kung anong dapat kung sasabihin o kung mayroon ba.

"Scarlette Avery Young?." napangiti ako ng tawagin niya ako sa buo kong pangalan. Ibig sabihin noon ay seryoso na siya.

"Wala. Na-miss lang po kita."

Para akong bumalik sa pagkabata. Sa kabila ng mga masasamang pangyayari sa lugar na ito. Its still my home.

"Nagkausap na ba kayo ni Cassey?."

Ayaw ko mang pag-usapan ang bagay tungkol sa amin ng kapatid ko , alam kong hindi ko iyon maiiwasan at mas makakabuting sanayin ko na ang sarili ko sa bagay na iyon.

Sapat na kay mommy ang pananahimik ko bilang sagot. Gusto ko mang sanayin ang sarili ko pero wala parin sa isip ko ang kausapan sinuman sa kanilang dalawa ng harap-harapan. Gaano man kasi ako katapang habang wala sila sa harap ko , nawawala rin agad ito kapag kaharap ko na sila. Muli lamang mananariwa sa akin ang mga pangyayari at parang muling magdudugo ang sugat sa aking puso. Maybe it's not yet the right time.

"I know Cassey is at fault here. Pero anak ko parin si Cassey at kahit man sa nangyari ay hindi ko maiwasang isipin parin ang kapakanan niya."

"I know mom. Alam ko ring hindi ko napapansin na masyadong unfair ang nangyayari sa aming dalawa. I never intend to be unfair to her. I love her more than any other girl in this world. Magkapatid kami. She's my sister. The same blood run in our veins. Pareho kami ng ama at ina. I look up to her. She's my best friend. But I'll admit ever since Daniel came into my life madalang na lamang kaming nagkaka-bonding."

I sigh.

"I don't want to blame her but I can't help to be still mad at her."

"I know. You have the right to hate her all you want. Nakagawa siya ng kasalanan."

Nagbutunghininga rin ito. Alam kong nahihirapan sila ni dad sa mga nangyayari lalo pa at pareho kaming anak nilang dalawa at mahirap gumawa ng desisyon na nakakabuti sa aming dalawa at fair.

"Ayos lang sa akin kung nag-aalala rin kayo sa kaniya. Lalo na ngayong dinadala niya ang unang apo niyo."

Mapait itong ngumiti.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman sa balitang iyan. Masaya ako pero nakakabagabag sa puso na bunga ito ng isang pagtataksil."

"There's nothing I could do about that. Ayoko silang guluhin. Bahala na muna silang dalawa. Ayokong mangialam. I don't want to get involved with any of them for now. Ngayong hindi pa ako tuluyang nakakapaghilom."

"Hindi ba kayo nagkakausap ni Daniel? Naibabalita sa akin ni Troy na minsang humingi ng tulong si Daniel sa kaniya para makausap ka."

It took me a few silence before answering.

"We did." I sigh again. Iyon na talaga ang magagawa ko.

"But it still hurts. Sa isang banda akala ko ayos na ako pero hindi pa pala."

"Do you still love him?."

Napatingin ako kay mommy.

"Hindi ko alam. I don't even know what I felt anymore. Magulo parin ang isip at puso ko."

"I understand. Mukhang maayos ka naman sa pamamahay ni Caden."

Tipid akong ngumiti. Nakakatulong na rin.

"Alam mo ba? Arrange marriage rin kami ng dad mo." Bahagya akong nagulat sa kaniyang rebelasyon. Hindi kasi halata.

"How did that happen?." taka kung tanong.

Noong kabataan namin kapag nangangaral si dad sa amin tungkol sa pagkakaroon ng love life ay hindi niya nakakaligtaang banggitin ang mga nakaraan nila ni mommy at lahat ng kanilang mga araw noon ay puno ng masasayang alaala.  I know they love each other more than anyone could imagine. Kaya nakakagulat na arrange din sila.

"Bata pa lang kami ay malapit na ang mga magulang namin kaya at gustong gusto nila na maging kami paglaki namin kaya naman nagdesisyon sila na sa huli ay kaming dalawa ang ikakasal. But we we're introduced to each other during childhood para daw maging malapit kami at magustuhan ang isa't isa. Mula elementarya at highschool ay best friend kami pero umamin sa akin ang daddy mo na gusto na niya ako."

Naalala ko ang kwento ng mommy ni Caden. Arrange marriage lang din sila pero gaya nina mommy ay halatang hindi masusukat ang pagmamahal sa isa't isa.

Napatingin ako kay dad at Caden na nasa di kalayuan lamang habang masinsinan ring nag-uusap. Ano rin kayang magiging kahihinatnan naming dalawa? Sa ngayon hindi ko naiisip na magkaroon ng totoong kami sa huli. Imposible.

"Sa tingin mo ba magkakatuluyan kayong dalawa?." mahina akong natawa sa tanong nito.

"Mom naman... Imposible yang iniisip mo. Kasal nga kami pero malabong may kasamang katotohanan lahat ng iyon."

Tumaas ang kaniyang kilay.

"Sorry mom but I'm not really a fun of that arrange marriage thing. Parang sa nobela lang naman yang nangyayari."

"Well...we can't tell what's the destiny has for the two of you. Ang sa akin lang ay sa huli magiging maayos ka na."

I smiled sweetly. Kahit papaano ay may naghihintay na pampagaan na loob sa akin sa lugar na ito. Hindi lang puro sakit ng loob.

Pagkatapos naming mag-usap ni mommy ay nag-usap rin kami ni daddy.

Nagpasya si Caden na doon lang muna kami ngayong gabi. Tumawag na ito kina Zarah na mauna ng bumalik. Gusto ko ring makasama pa ng mas matagal ang mga magulang ko. I miss them a lot. Hindi dumating si Cassey sa bahay. Talagang hindi na nga ito umuuwi. Wala na ring akong pakialam kung magkasama sila ni Daniel. Bahala sila sa buhay nilang dalawa.

Kaming apat lang din ang magkasamang maghapunan. Hanggang pagtulog ay hindi umimik sa akin si Caden. Kanina pa ako naguguluhan sa kaniya. Mula kaninang umaga ay bigla bigla siyang nagiging mailap sa akin. Madalang nga niya akong kinakausap at pansin ko pang pilit siyang umiiwas sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Whenever I try to ask about it , he won't answer.

"I'll take the floor."

Natigilan ako sa pagsasa-ayos ng kama sa kaniyang sinabi. Sa kwarto ko rito sa bahay kami matutulog. Inaasahan kong sa iisang kama kami matutulog. Malaki naman ito at kasya ang tatlong katao. Kung hindi rin niya gusto na magkatabi kami he can take the couch pero sa sahig? Seryoso ba siya?

Nang lumingon ako sa kaniya ay inaayos niya ang sapin na kaniyang hinihigaan.

"Seryoso ka bang diyan ka matutulog?."

Hindi niya sinagot ang tanong ko at nahiga. Tumalikod pa ito da akin. Ano bang problema niya? Ako ba? Sa totoo lang minsan sakit siya sa ulo. Pabago bago ang ugali. Isang segundo nasobrahan ng kabaitan pagkaraan naman ng ilang minuto ay masungit na naman. The worst is every time I ask about the matter he kept on insisting it was nothing. I'm not stupid to believe that lies.

"Sorry.." napamulat ako ng magsalita ito. Nagulat pa ako nang sa paglingon ko ay nakatayo na ito sa gilid ng kama.

"Sorry for what?." I asked confused. Naging mailap ang kaniyang mata sa akin. He was silent for a second.

"Just—

"Never mind. Mas mabuti sigurong magpahinga na tayo. We're both tired for sure. Good night.."

Muli akong tumalikod rito at pinayapa ang sarili. I don't know but my heart are getting outrageous.

"Can I sleep here? I'm not really used to the hard floor." patago akong napatawa sa sinabi niya.

"Suit yourself." naramdaman ko ang paglubog ng kama. I can also feel his presence and it make me more bothered.

"Pwedeng yumakap?."

Hindi pa man ako nakakasagot sa tanong niya ay naramdaman ko na agad ang bisig nito sa akin habang nakasandal sa likod ko ang kaniyang noon. Kung kanina ay parang nagwawala ang puso ko ngayon naman halos hindi na ako humihinga sa magkahalong emosyon. I couldn't really imagine how he seem to look like comfortable doing this clingy thing. Sobrang nakaiilang kasi sa akin pero iilang minuto lang naman ay bigla na lang mapapayapa ang loob ko at magiging komportable sa mga ginagawa niya. Ang bilis kong nasasanay and I started to like it too.

"Goodnight , Avery."

"Goodnight."

Kinabukasan ng magising ako ay wala na si Caden. I presumed he's downstairs already. Pagkatapos maligo ay bumaba na rin ako. But instead of Caden , si Cassey ang nadatnan ko sa sala habang kausap nina mommy. Bahagya pa itong nagulat ng makita ako. My blood automatically boiled at her sight.

"Why are you here?." I ask in words obviously frustrated even with her shadow.

"Scar—

I sigh heavily. "Well. What I can do?." inirapan ko ito at saka nagtungo sa kusina. Doon ko nadatnan si Caden na umiinom na kape.

"Good morning." I'm not in the mood to greet him right now. Nakakainis! Bakit kailangan pa niyang magpunta rito?

"Let me guess. Is it because of your sister?." ani Caden na mas lalong nagpa-irita sa akin.

"Why is she here?."

"I don't know. Maybe because it's her house too. She lives here."

"Babalik na siya rito?."

Caden shrug.

"Nakakainis!."

"Chill."

Mataray ko siyang nilingon. How can I possibly chill up at this state? Padabog akong naupo sa katabing upuan.

"Every time I see her face I was just being reminded of what they've done. Hangga't sa nakikita ko ang mga pagmumukha nila , kumukulo ang dugo ko sa galit."

"You sounded like you want to kill her."

Kung hindi lang kasalanan ang pumatay , ginawa ko na sana. Pero hindi naman ako ganoong klaseng tao kaya naman pinipigilan ko talagang makagawa ng masama sa kaninuman lalo na ngayong buntis pa siya.

Umagang umaga ay sira na agad ang araw ko. Nadagdagan pa lalo ng sumabay sa agahan namin si Cassey. I don't know why it seem like she's back as if she have done nothing wrong. Si mommy at daddy ay mukhang maayos na rin ang pakikitungo sa kaniya. Marahil dahil dinadala niya ang magiging apo ng mga ito.

I was raised to praise God's grace and blessing. Bawal dapat na nakasimangot sa harap ng pagkain pero hindi ko magawang ngumiti o magsaya sa pagkakataong ito. Hindi ako makakain ng maayos at wala na akong gana dahil kay Cassey.

"Scarlette?." pagod akong nag-angat ng tingin kay daddy.

"Hindi mo ata ginagalaw ang mga pagkain mo?."

Nagbuntunghininga ako at binitawan na ang kubyertos saka nagpahid sa aking labi.

"Busog pa ako." dahilan ko. "Excuse me." paalam ko at tumayo.

Nasa sa akin ang mga mata ng lahat maliban na lang kay Cassey na hindi rin makatingin sa akin ng deretso.

"Tapusin mo ang pagkain Scarlette. Sayang ang grasya." malumanay ang tinig ni daddy pero isa iyong utos.

"I'm full , dad."

"Ni wala kang nakain ni isang kutsara. Paano ka mabubusog?."

"Nawalan na ako ng gana." ani ko at sinulyapan si Cassey. Siguro naman ay halatang siya ang dahilan.

"Scarlette.." Dad warned. "Irespeto mo naman ang pag-aagahan natin."

"Respect? You want respect dad? Hindi na ata uso ang respeto sa pamilyang to. Ang isa nga diyan , traydor."

"Scarlette —

"Mom." putol ko agad sa sinabi nito. "I'm just saying the truth here. They've lied to me multiple times. I don't think she deserve respect. At hindi porke't may anghel siyang dinadala ay kakalimutan ko  kung gaano siya kasamang kapatid."

"Scarlette , tama na."

"Bakit dad? Kumakampi ka na ba sa kaniya? Why? Because she's carrying your grandchild? Is that it?."

"Scarlette , please.. Huwag mo naman sanang isali ang anak ko sa galit mo sa akin." I smirk at Cassey's words. Nagpapa-awa pa ito.

"Hindi ko kasalanang mang-aagaw ang magiging ina niya. Nakakahiya."

Agad akong nag-walk out sa harap ng mga ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling magtagal pa ang mainit na pag-uusap namin.

"Scarlette!." napatigil ako nang humabol sa akin si Cassey.

"What?." taas kilay ko siyang nilingon.

"Sorry—

"Pwede ba? Wag mo muna akong kausapin." tinalikuran ko ito pero agad din siyang humarang sa dadaanan ko.

"Scarlette  , please—

"Shut up! Hindi ka ba nakakaintindi ha?! Ang sabi ko wag mo akong kausapin! Ganyan ka na ba talaga kabobo? Well. Sa bagay , wala ka na siguro sa matinong pag-iisap. Pati nga boyfriend ng sarili mong kapatid , inagaw mo. Nagpa-anak ka pa."

"Sumusobra ka na!." bahagya akong nagulat sa pagtaas ng boses nito. May gana pa talaga siyang magalit sa akin.

"I haven't yet. Kung tutuusin kulang pa nga ang lahat ng mga yan sa ginawa niyo sa akin."

"Wala kang karapatang husgahan ako dahil hindi mo alam ang totoong nangyari. Hindi mo naranasan ang naranasan ko—

"Ha! Really , Cass? Eh ikaw , alam mo ba ang sakit na naramdaman ko ng makita ko kayong dalawa ni Daniel sa loob ng hotel na halatang may kakatapos lang na ginawa? Sarili kong kapatid ang nang-ahas ng lalaking una kong minahal at kasama sa mga panghabang-buhay kong  pangarap. Hindi mo ako naiintindihan kaya wala kang karapatang kwestyunin ang gagawin ko."

"Naiintindihan kita—

"You don't!. Hinding hindi mo ako maiintindihan—

"If you want me to understand you , listen to me first."

Sarkastiko akong natawa. "Talagang ako pa ang mag-aadjust?."

"Scar.. Pagod na ako." may iilang butil ng luha na lumabas sa gilid ng mga mata nito but it's not enough for me to feel pity toward her. Mas nangingibabaw ang galit na naramdaman ko para sa kaniya.

"Hindi lang ikaw ang napapagod. Pagod na rin ako sa pagmumukha mo."

"Scarlette!." habol niya ulit sa akin ng sinubukan kong umalis.

"Ano ba?!." tinulak ko ito pero hindi siya natinag sa pagsunod sa akin.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan?." sumbat ko sa kaniya.

"Mag-usap naman tayo ng matino oh?."

"Tigilan mo na ako."

"Scar , please.."

"Damn it!."

Muli ko itong itinulak. Sa pagkakataong ito ay napaupo na siya sa sahig.

"You have no idea how much pain I've felt. How miserable I am when you and Daniel cheated on me." hindi ko na rin maiwasan ang pagtulo ng mga luha ko. "Y-you have no idea. Hinding hindi mo ako maiintindihan."

"S-Scar..."

Natigilan ako sa akmang paghakbang paakyat sa muling pagtawag niya. We used to be like the best buddies and sweetest sisters among all. Mas masakit na sarili kong kapatid ang ang babaeng nang-ahas sa akin.

"S-Scar.. M-masakit."

Nang muli akong humarap sa kaniya ay nanatili parin itong nakaupo sa sahig  at namimilipit na sa sakit. Walang salitang lumabas sa aking bibig ng makita ang dugong umaagos sa binti nito. Bigla akong na-estatwa habang patuloy ito sa pamimilipit sa sakit habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

"Cassey?!." Dinaluhan ito nina dad at mom na nakarinig sa pamimilipit nito.

Mabilis ang naging kilos nila para dalhin siya sa hospital. Si Caden pa mismo ang nagkarga sa kaniya pasakay sa kotse ni daddy. Nanatili akong walang kagalaw galaw tila inalisan ng kaluluwa sa katawan.

I don't know what to think first. Hindi ko alam kung dapat bang ma-guilty ako para sa anak niya o mas pairalin ang sama ng loob at hayaang may masamang mangyari rito. Naguguluhan ako sa dapat isipin at maramdaman. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung dapat bang balewalain ko ang sakit na iyon para sa ikabubuti nila. Sobrang unfair.

Tumutulo ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan. Sobrang unfair ng mundo.

"You don't have to do that."

Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Caden. Naka-alis na sina mommy.

"Naiintindihan kong nasasaktan ka but you don't have to hurt her."

"Kinakampihan mo siya?." saglit siyang nanahimik bago umiling.

"No. I just want—

"Kasalanan ko diba? Ako yung masama?." nanlalanbo ang mga mata ko sa dami ng luhang lumalabas. "Ako na lang lahat!."

"I don't mean it that way."

"Doon ka na sa kaniya." napatigil ito sa paglapit sa akin. "Lahat naman kayo kampi sa kaniya."

"Wala akong kinakampihan—

"Bullshit! Siya nga ang unang nilapitan mo , kinarga mo pa! You didn't even ask me if I'm okay?! Kung nasaktan ba ako?! Siya ang inuna mo and you're telling me you're not biased?!" sumakit agad ang lalamunan ko sa kakasigaw. 

Hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng luha.

"Avery—

"Doon ka na sa kaniya! Magsama kayong lahat!." itunulak ko pa ito palabas pero hindi siya nagpapatinag. Hindi parin humuhupa ang galit sa loob ko. Mas lalo lang nadadagdagan.

"Avery , listen—

"Shut up!."

Napaupo ako sa hagdan habang namamaluktot at patuloy parin ang pag-iyak.

"I hate her! I hate them!."

"Avery.." naramdaman ko ang presensiya nito malapit sa akin.

"I hate you." hapong hapo na ang boses ko. Parang galing ako sa isang buong araw na pagtatrabaho kahit umaga pa lang.

"Listen to me first." mahinahon ang kaniyang boses. I know he was trying to calm me down. "Sa'yo ako kakampi. It's just like it was an emergency. Hindi ko iniisip si Cassey. I'm just worried about the child. Ayoko ko lang madamay ang isang inosente."

He held my chin up and softly wipe the tears off my cheek.

"I'm on your side. Stop crying , now."

Nagkagat ako ng labi at yumuko sa hiyang naramdaman. Lumagpas na naman ako sa limitation.

"I'm sorry." paghingi ko ng paumanhin but he immediately shut me up with a comforting tight hug.

"You don't have to be sorry. Naiintindihan kita."

Sa halip na matigil ako sa pag-iyak ay mas lalo lang tumulo ang luha ko sa yakap at mga salita nito. Halo halo na rin ang nararamdaman ko. Pagod , sakit at pagkahilo.

"I'm always on your side , Avery." Iyon ang mga salita nitong huli kong narinig bago ako biglang nilamon ng kadiliman.