Chapter 15 : Tease
Nagising ako na may brasong nakaakap sa akin. I turned around to see who it is.
"Oh my ghad!." napamura ako sa gulat ng tumambad sa akin ang mukha ni Caden. Mabilis akong napabangon dahil sa pagmamadali ay nawalan pa ako ng balanse at bumagsak sa kaniya.
"Sh*t!." napamura ito at nagising.
"Sorry.." Kagat labi kung paghingi ng paumanhin at umalis sa pagkakadagan sa kaniya. Nagulat lang naman ako na katabi ko siya.
Ang huli kung naalala kagabi ay yinakap ko siya at doon ko nilabas lahat ng sama at sakit sa loob ko. Marahil ay nakatulog ako sa kakaiyak. Nakakahiya.
"You're too early.." sabi niya at hinila ako pabagsak sa kaniya. I landed at his hard chest at nang tingnan ko ito ay nakapikit na siya.
Seriously? Nakakatulog siya habang katabi ako? Nakakailang kaya iyon.
"Babangon na ako." ani ko at inalis at bumangon pero hinila niya ulit ako. Luckily , sa tabi na lang niya ako bumagsak. I tried again but he did the same. What's wrong with him? Yumakap ito sa akin at siniksik ang mukha sa leeg ko.
I can't barely moved because of the awkwardness. Kaya sa halip na bumangon ay hinayaan ko na lamang ito kahit sobrang lakas na kaba sa ang dibdib ko.
Tumikhim ako at baka makuha niyang naiilang ako sa ginagawa niya pero mukhang nakatulog ulit ito dahil hindi man lang siya gumalaw. I sigh in defeat. Takot akong gumalaw sa hindi ko alam na dahilan. I am completely immovable.
Tahimik akong nakatitig sa kisame habang pinapakiramdaman itong katabi ko. Habang lumilipas ang mga minuto ay dahan dahan akong nagiging komportable. Ganoon naman talaga pagdating sa kaniya.
Pinilit kung matulog ulit pero gising na gising na ang diwa ko. 4:30 pa lang rin ng umaga. Masyado pang maaga. Sinulyapan ko si Caden , tulog na tulog na naman ito. My eyes landed at his messy hair and for no reason I just found myself brushing his hair using my hand. I found it quite entertaining. I'm not used to do this to Daniel noon.
Napapikit ako ng mapagtanto si Daniel na naman ang nasa isip. He gave me enough pain yesterday. I must learn to avoid anything that remind me of him. I must focused on other things. Hindi ako makaka-move on kung palagi na lang akong nagpapa-apekto sa kaniya. Stop it Scarlette! Wag mo na siyang isipin.
Inaliw ko ang sarili ko sa paglalaro sa buhok ni Caden until I found myself back to sleep again.
"Wake up sleepy head."
Nagising ako nang maramdaman ang malamig na patak ng tubig sa mukha. Mukhan na naman ni Caden ang tumambad sa akin. Basang basa ang buhok nito , mukhang kakatapos lang maligo.
"Caden?!."
Agad akong pumikit ng makitang wala itong suot na t-shirt at tanging tuwalya lang ang nakatapis. Narinig ko ang tawa nito.
"That's indecent exposure!!." singhal ko sa kaniya at nagtakip ng kumot.
"Indecent exposure is a cruel word honey. Topless lang ako. Nakita mo naman diba?." may pang-aasar sa boses nito. Dumampot ako ng unan at ibinato sa kaniya kahit hindi ko siya makita.
"Tumigil ka na! Ang bastos mo. Magbihis ka na nga." Pinagtatawanan lang niya ako.
"Bumangon ka na kasi diyan. Breakfast is almost ready. I have an important appointment today. "
"E di mauna ka na.." asar kung saad. Natampal ko ang noo ko ng bumalik sa isip ko ang nakita ko kanina. I only see him topless and it's no big deal. Ilang ulit na naman ako nakakita ng topless na lalaki pero iba talaga ang reaksyon ko kapag siya.
"Bumangon ka na riyan." sinilip ko ito at nang masigurong nakapagbihis na siya ay saka ako bumangon.
Ngumisi ito habang nagpupunas ng buhok. Inirapan ko ito at nagtungo sa banyo para maligo pero nakalimutan kung wala pala akong dalang gamit.
"Walang akong damit.." sabi ko nang muling makalabas. Ininguso niya lang ang mga shopping bag na nasa couch at balik sa ginagawa. Nang tiningnan ko iyon puro damit ng babae ang laman. Kumuha ako ng isa at bumalik sa banyo.
Nang matapos ako ay wala na ito sa loob. Magpapasalamat sana ako sa damit. Kasyang kasya pa sakin lahat , may underwear pa. Siya ba ang bumili noon? Namula ang pisngi ko habang naiimagine siya habang namimili noon. Baka inutusan niya si Zarah para roon.
Pagkalabas ko ay bumungad sa akin si Zach na mukhang kakatok sana.
"Tapos ka na?." ningitian ko ito.
"Nasa baba na sila." aniya at pinauna ako habang nakasunod siya.
Caden give me a evil grin when I sit in front of him. Katabi ko si Zarah habang katabi nito si Zach. Inirapan ko ito. Kumunot ang noo ng magkapatid nang mapansin ang tahimik naming bangayan. Hanggang sa pagkain ay hindi niya ako tinantanan. Sa bawat pagkakataon na mahuli ko itong nakatingin sa akin ay ningingisihan niya ako sabay iwas ng tingin.
Pinatid ko ang paa nito sa ilalim ng mesa. Muli siyang napatingin sa akin. It's now my time to smirk. Tinaasan niya ako ng kilay at tila naghahamon. Kung kami lang dalawa rito matagal ko na siyang tinusok ng tinidor. Hindi ko alam na may ganito siyang side. Ang tahimik , seryoso at misteryoso niya noong mga unang araw ko kasama siya. He's changing as days pass by.
Natapos ang agahan namin na nagbabangayan parin. Hindi parin siya tumigil sa kakangisi sa akin habang pabalik kami sa kwarto para magbihis para sa dadaluhang fashion expo na gaganapin rin sa hotel na ito.
"Hindi na ako sumama." sabi ko ng ilahad niya sa akin ang bag na may laman ng isusuot ko.
"At bakit?."
"Bibisita ako sa bahay."
"Do it tomorrow. Sasamahan kita."
"Hindi mo naman kailangang sumama ." I said crossing my arm not looking at him at baka naroon na naman ang ngisi niya.
"I'll go. Ayokong uuwi ka na naman rito ng umiiyak. I'm quite busy to handle your dramas."
I tsked. "As if naman matitiis mo ako."
Kumunot ang noo nito. "What do you mean?." Nagkibit balikat ako. Bahala siya mag-isip sa ibig sabihin noon.
Kinuha ko ang ibinigay niya at tinungo ang banyo para magbihis. It's a red body fit off shoulder dress. May 4 inch high heels rin na kasama. Dahil hindi ako ready sa lakad na ito wala akong dalang make-up but still I don't need make up to look beautiful. Mom has a natural beauty na namana ko. Perfect na eyebrows at pilik mata na hindi na kailangang lagyan ng kolorete para gumanda. I also have a natural pinkish lips. Ayos na naman siguro kahit walang make-up.
I was surprised to see someone when I got out. Nag-request pala si Caden ng make-up artist para sa akin. Tatanggi na sana ako pero mapilit ito kaya wala na akong magawa. Light make-up lang ang ipinalagay ko dahil hindi sanay ang mukha ko sa heavy make up. Matapos noon ay buhok ko naman ang inayos nito. Wala pang isang oras ay tapos na ito at nagpaalam na para umalis.
Nang bumaling ako kay Caden ay seryoso siyang nakapameywang na nakatingin sa akin.
"What?." I ask crossing my arm. Nagkibit balikat siya at nagsuot ng bow tie.
"Can you help me?."
"Kaya mo na yan." Ani ko at inayos ang pagkakasuot ng heels ko. Halos mapatalon naman ako sa gulat ng sumulpot ito sa gilid ko. He was holding his bow tie without saying anything.
Simpleng bagay hindi niya magawa.
Kinuha ko ito at sinuot sa kaniya.
"Ayusin mo naman." reklamo niya.
Siya na nga itong tinutulungan. Siya pa ang demanding.
Matapos ko itong maayos ay bumalik ulit ako sa pagsasaayos ng suot ko. Ang hirap pa naman dahil ang taas.
"Let me.." napa-ayos ako ng tayo ng lumuhod ito para siya nang mag-ayos.
Tinitigan niya ako pagkatapos. Sobrang lagkit na titig.
"Ano na naman?." Umiwas siya ng tingin at kinuha ang phone na nasa kama.
"Let's go. Ma-late pa tayo." aniya at naunang lumabas.
Dito lang naman ang venue ng event.
Akala ko ay iiwanan niya ako pero naabutan ko pa siya sa labas kausap sina Zarah at Zach na kapwa nakapagbihis narin.
"Ang ganda mo.." puri ni Zarah. Zach's eyes was saying the same way. Ningitian ko ang dalawa.
"Tara na." aya ni Zarah at naunang tinungo ang elevator kasunod si Zach. Bigla namang tahimik si Caden ngayon. Balik sa walang emosyon ang mukha at malalim ang iniisip.
Sinalubong kami ng mga iilang nagpakilalang executives ng hotel at ibang business personalities. Ilan sa kanila ay kilala ko na lalo pa at nakasalamuha ko narin ang mga ito during my handling at our company.
"Ms. Young! It's good to see you here." Bati sa akin ni Dra. Remux. She's the current CEO of the largest hospital in the Visayas Region , Remux Medical.
"Hi." tipid kung bati rito.
"I heard the news." aniya at sinulyapan si Caden sa tabi ko. "I bet you're Mrs. Escariaga now."
Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako sa sinabi niya. Kunot noong napatingin sa akin si Caden. Hindi nagustuhan ang ginawa ko. Tumikhim ako at inayos ang komposisyon.
"Yeah." saad ko na lang.
"Well. I think Mr. Escariaga is taking care of you as what you deserve." I just nod.
Mabuti at nagpaalam narin ito sa amin. Ayokong mas usisian pa niya kami.
"Upo na tayo." anyaya ni Zach at tinuro sa amin ang uupuan namin. We settle ourself in the first row of the seats in the left. It gives us a direct view in the ramp stage in the center.
Inabala ko ang sarili para bigyan ng pansin ang brochure na ibinigay ng namahala ng event kung saan nakalagay ang mga ganap sa expo. It was correlated to the theme of gender equality and promoting respect to the LGBTQ communities. Most of the participants of the expo are member of the community , either one of the models or designers.
Hindi nagtagal ay nagsimula narin ang event. Various models have made their entrance. Shockingly most of them are just an ordinary man and woman. You can't barely distinguish that they are actually from the other gender. Most of them have gone through various surgeries and transition to achieve their desired looks. Kung hindi mo alam na isang LGBTQ themed ang event na ito hindi mo malalaman na transgender ang mga kasali lalo pa at mukha talaga silang totoong lalaki at babae.
Pansin ko ngang pati si Zach ay ang lagkit ng tingin sa mga ito lalo na sa pangatlong rumampa kanina. Sobrang ganda nito na aakalain mong natural na babae. The body and posture doesn't give any hint that she's formerly a he. Mas maganda pa nga ata ang katawan nito kaysa sa akin. Bigla tuloy akong na-insecure.
After for the long two hours , the event ended up as the events Director gave thanks to the attendees. Special mentioning Caden. Matapos ang event ay sumunod naman ang pictorials ng mga kilalang executives at si Caden. Ayoko ko na sanang sumama total siya naman talaga ang main guest at hindi ako pero halos ayaw niya akong bitawan ng pinapalibutan na siya ng mga negosyanteng gustong kumuha ng picture kasama niya lalo na ang mga babae. I forced a genuine smile at every camera in front of us.
Bahagya akong lumayo kay Caden ng may kumausap sa kaniya. Naiinitan ako sa dami ng tao.
"Hi. Ms. Young. Can I take a picture?." hindi ko personal na kilala ng photographer na lumapit sa akin pero I have heard his name kaya pinabigyan ko na.
Lumapit naman sa akin ang pamangkin ni Dra. Remux na siyang kasama niya kanina and asked to take a picture of me. Hindi ko pa ito napapagbigyan ng may humila agad sa akin palayo sa kaniya. Sinalubong ako ng nagbabantang mga mata ni Caden.
"Papakuha lang kaming dalawa." ani ko at babalikan sana ang dalawang naiwang nagtataka but Caden won't let me. Mariin ang hawak niya sa beywang ko.
"I dont trust that guys." matigas niyang saad at inilayo na ako roon. We passed another photographers pero hindi niya iyon pinansin at deretsong lumabas sa event hall.
"Let's go visit your parents." simple niyang saad at tinungo ang labas. Pansin kung wala na kaming kasamang bodyguards habang naiwan rin sa loob sina Zarah.
"Pwede ka na bang umalis? Baka hindi pa tapos ang event." Hindi siya tumugon at hinanap ang kotse sa basement. Nang matagpuan ay agad rin siyang sumakay at hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.
Nakasimangot akong pumasok sa loob. Mabigat na naman ang mukha niya. Parang kanina lang ay tuwang tuwa siya sa pang-aasar sakin.
Tahimik siyang nag-drive. Hindi ako pinapansin sa tabi niya. Seryoso ang mukha at abala sa daan. Napaka-bipolar niyang tao.
Naipit kami ng trapik sa EDSA kaya halos hindi na umuusog ang sasakyan. I grab the chance to speak to him.
"Ba't ganiyan na naman ang hitsura mo? You look problematic again." Ni sulyapan ako ay hindi niya ginawa. He's literally ignoring me.
"Caden?." Wala siyang tugon.
"Caden?."
"Don't talk to me. "
Tinaasan ko siya ng kilay. May nagawa ba ako at parang galit siya sa akin? Wala akong maalalang mayroon.
"Are you mad at me?." I asked again but I was only answered with silence.
"Fvck!." He curse as traffic went worse. Hindi ko maiintindihan kung bakit siya biglang nagkaganito.
As far as I remember he started become like this after I get dressed. Hindi ba bagay sa akin. Do I look ugly? Sinulyapan ko ang sarili sa rearview mirror. Parang hindi naman.
"Pangit ba ako ngayon?." natanong ko. Tumingin ito sakin na may halong pagtataka.
"What are you talking about?."
"Kasi naman nagka ganiyan ka mula ng isuot ko to." He run his fingers through his hair. He even pinch his nose bridge as if he was having a bad day.
"Sana sinabi mo para nakapagpalit ako. Saka ikaw naman ang nagbigay nito—
"You look pretty." sabat niya.
"Then why are you acting like that. Ang ganda nung mood mo kaninang umaga."
"May iniisip lang ako."
"Ano?." My curiosity is killing me. He messes his hair.
"Akin na lang iyon."
"Please tell me. Naguguluhan rin ako sayo."
"I can't.."
"Bakit?." bumaling siya sa labas.
"You won't understand."
"Susubukan ko." nagbutunghininga ito.
"You'll fail."
"There's no harm in trying." giit ko pa.
He took one glance at me. His eyes are asking 'really?'
"There's no harm yet it's dangerous."
"Where's the danger on that?."
He sigh. Hindi na niya ako pinansin at pinagbutungan ng galit ang traffic. Ito naman kasing Pilipinas , forever ang trapik. Uusad nga mas mabagal pa naman sa pagong.
"Fvck!." mura na naman niya. I don't know how many times he curse today.
Mabilis siyang lumabas ng sasakyan. Nabangga ng kasunod namin ang sasakyan nito. He was frustrated. Sobrang mainitin ang ulo niya ngayon. I don't know what he's having right now.
Lumabas ako ng sasakyan ng mapansing medyo nagkakainitan sa labas.
"Caden.." bahagya ko itong hinila.
"I'm sorry." paghingi ko ng pasensya sa driver ng jeep na nakabangga sa amin.
"Pasensya na ma'am. Hindi ko po namalayang masyado ng malapit iyong jeep ko sa kotse niyo."
"Ayos lang , manong. Pasensya na rin kayo."
Kumuha ako ng limang libo at ibinigay rito.
"Naku ma'am. Wag na po. Ako nga po dapat ang magbabayad e."
"Wag na kayong mag-abala , Manong."
Nagpaalam na ako rito at hinila si Caden pabalik sa kotse. Nilakasan ko ang aircon at nang malamigan siya.
He look so frustrated. His face flushed because of the annoyance. He's pulling his hair now and then.
"What's wrong with you?."
He didn't bother to give me an answer. Patuloy lang niya akong hindi pinapansin.
I sigh. Naghanap ako ng mga bagay na maaring makakatulong para mawala ang init ng ulo nito. But I can't find anything. Sobrang linis ng kotse nito at walang anumang kalat.
Nang lumingon ako sa kaniya ay nanatiling ganoon ang mukha nito.
He look so stressed. Nakakainis lang dahil kahit na anong pilit ko ay hindi niya ako hinahayaang damayan siya sa mga problemang kinakaharap niya.
Inabot ko ang kaniyang buhok at marahang hinaplos. I always see it as a good stress reliever.
Nabigla ako ng alisin niya ang kamay ko. Huminga siya ng malalim at nag-drive.
Leaving me in utterly neglect.