webnovel

Chapter 17

CHAPTER 17 : I Need You

"Where am I?." I ask confusingly as I open my eyes and was welcomed by a white ceiling.

Walang tao roon maliban lamang sa nurse na kakatapos lang mag-check sa akin.

"Wala po kayong malay ng dalhin rito."

I sigh upon remembering what happened. I got stressed.

Kahit saan ako lumingon ay wala na ring ibang tao. Wala rin maging si Caden.

"Hinahanap niyo po ba ang kasama niyo?." napansin ata nito ang paghahanap ko kaya nagtanong.

Hindi ako sumagot pero mukhang nakuha nito na hinahanap ko nga si Caden. "Binilin po ng husband niyo na kung sakaling magising kayo at hindi pa siya nakakabalik , pinapasabi niya pong may aasikasuhin lang siya saglit sa kompaniya nila. Mauuna na po ako." tinanguan ko lamang ito.

Muli na lamang akong pumikit at sinubukang muling makatulog kahit na gising na gising na ang diwa ko.

Mabilis akong napamulat ng marinig ang pagbukas ng pinto. I thought it's Caden. But I got dismayed as Daniel's face was what greeted me.

"I've brought fruits." aniya at inilapag sa mesa ang supot na dala laman ang iba't ibang uri ng prutas na sa pagkaka-alala ko ay ang mga nakasanayan nitong bilhin sa tuwing nagkakasakit ako.

"Bakit ka nandito?." malamig kung tanong at sinubukang maupo. Mabilis niya akong dinaluhan para sana alalayan pero mabilis ko itong tinulak. "Stay away."

Napatigil siya at napa-atras.

"Narinig mo na siguro ang nangyari. I've hurt Cassey and your child probably. Hindi ka dapat nandirito. Dapat ay nasa tabi ka niya."

"I'm sorry Scar.." nakayuko nitong sabi.

"For what?." natahimik ito saglit. "For not telling me about your long time affair with her with us still in relationship? Or probably impregnating my beloved sister?."

Hindi siya nakasagot at nakatingin lamang sa akin.

"I don't need you here. Mas kailangan ka ni Cassey."

"Scar—

"Please! Please lang Daniel. Wag mo ng dagdagan ang sakit."

"I didn't mean to—

"You already did. You mean it or not. You already hurt me enough. Hindi ko alam kung...kung anong susunod na mangyari. I-Im tired of all of it."

"What about your promise?." tinaasan ko siya ng kilay.

"Promise?."

"Sinabi mo saking babalik ka sakin."

I chuckled at his words. "Promise? Nasaan na rin ba ang promise mo sakin na pakakasalan mo ako. Na bubuo tayo ng pamilya. Tinupad mo nga , pero sa iba naman. So , don't ask me about my promises because even you yourself cannot keep it."

"Scar. Ikaw parin ang mahal ko. Lahat ng nangyari sa amin ni Cassey. It was a mistake and I'm willing to make it up to you. Tatanggapin ko lahat ng parusang ibibigay mo sa akin. Lahat ng paghihirap. Just give me another chance."

"I already did but you ruined it."

"Scarlette—

"Shut up and leave."

Nagtitimpi lang ako na hindi maglabas ulit ng sama ng loob at ako lang rin ang kawawa sa huli.

"Scarlette. Pwede pa naman tayong magsimula ulit diba? We can't still make it up , right?."

"What are you doing here?." sabay kaming napalingon ni Daniel ng pumasok si Caden.

May dala itong paper bags na mga prutas rin ang laman.

"I'm just visiting—

"Your girlfriend's is on Room 14. Naligaw ka ata. This is my wife's room."

Hindi nakatakas sa akin ang kakaibang reaksyon ni Daniel ng marinig iyon. Napasulyap pa ito sa akin. I just rolled my eye at him.

"Hindi ikaw ang pinunta ko rito. I came to visit her."

"Caden's right. Hindi ka dapat nandito. Wala ka ng dahilan pa para bumisita sa akin. Umalis ka na."

Nagmatigas pa ito sa pananatili pero kalaunan ay umalis na rin. I saw how his eyes threatened Caden. Pero hindi naman nagpatinag ang huli.

"How are you? Feeling better?."

I sluggishly nod.

"Can I have one?." nilingon nito ang mga prutas na dala ni Daniel at nag-abot sa akin ng isa.

"I don't want that one." reklamo ko.

He give me teasing smile.. "Okay."

Hindi parin nawawala sa labi nito ang ngisi.

"Itapon mo na yan." turo ko sa dala ni Daniel.

"You hate him that much now?."

"Wag mo na lang akong kinokontra pwede?."

Tumango lang din siya at itinapon iyon sa basurahan saka mas pinagtuunan ang pagbabalat ng mga prutas na dala niya.

"Nagpunta ka ba kay Cassey?." saglit niya akong sinulyapan at bumalik rin sa ginagawa.

"No." nakakagulat ang sagot niya. Inisip ko na chineck niya rin ang kalagayan nito ngayon.

I know that despite of Caden's some unacceptable behaviour. Being him cold and a little bit man of attitude I know deep inside he cares.

"Didn't you check up on her?."

"I would like to. Pero naisip ko baka magselos ka na naman kaya wag na lang."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya.

"What did you say?."

Tumigil siya sa pagbabalat at nilingon ako.

"Hindi ako nagpunta sa kaniya dahil baka magselos ka."

"Ako?." kuwestiyom ko agad. "Magseselos?." Ha! What made him think that?

"Ang huli ko kasing naalala galit na galit ka dahil siya ang una kong inasikaso kaninang umaga. Kinarga ko pa nga raw siya at mas inuna kaysa sayo—

"Its not jealousy!." tutol ko agad. "Masyado lang akong nadala ng emosyon kaya nasabi ko iyon. I'm fine now. You can do whatever you want."

Tinitigan niya lamang ako na parang naghihintay na bawiin ang sinabi ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya ng muling maalala ang mga drama at tagpo kaninang umaga. I've gone too far , I guess.

"Akala ko kasi nagselos ka." Seryoso ang kaniyang boses. Sa sumunod na lingon ko ay tahimik na siyang pinagpatuloy ang ginagawa. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa ginagawa niya.

"Cassey is okay. The child is okay. You parents are planning to take her back home so they can watch over her. Sinabi ng doktor na maselan ang pagbubuntis niya kaya dapat na mag-ingat." basag niya sa katahimikan naming dalawa.

"Akala ko ba hindi ka nagpunta sa kaniya?."

"I don't. But I suppose I should have gone.  Hindi ka naman pala magseselos." aniya at inabot sa akin ang mga pinagbalutan na prutas.

"I guess. I'll go check on her , now."

"Daniel's there. You have told him yourself. Girlfriend niya ang naroon. You're wife's here. Wala siyang karapatan na bumisita rito. So do you to Cassey."

Napatigil siya sa akmang pag-alis. Napakagat ako ng labi ng mapagtanto ang mga sinabi ko. Minsan talaga kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko na napag-iisipan.

"Akala ko ba—

"Shut up!." I cut him off. Alam kong aasarin niya lang ako. I ignore him and keep myself busy eating. Nakuryuso naman ako sa nanatiling tahimik na kapaligiran ko kaya hindi ko na maiwasan ang sarili ko na lingunin siya.

Napalunok agad ako ng mahuli itong nakatingin sa akin , para ako pa itong nahuli na nakatingin sa kaniya.

"I'm sure you're hungry now. Gusto mo na bang kumain?." lihis niya.

Tipid lang din akong tumango.

"Sorry for the rants."

Tipid siyang ngumiti. "I understand your side. No need to be sorry."

As usual. Naiintindihan na naman niya ako kahit sariling ako hindi ko na maintindihan but still he manage to keep up and understand me at all cost. He always make sure I wouldn't feel anything bad. I never know he is that considerate.

"Kumain ka na." inalapag nito sa harap ko ang mga pagkain na mukhang dinaanan lang niya sa mcdo.

"Kumain ka na?." tumango lang din siya at nakatitig lamang sa akin habang kumakain. "Ayaw mo ba talagang kumain?." I ask again at baka naman talagang gutom na siya at ayaw lang niyang sabihin.

"I'm full." dahilan niya.

"Dinahilan ko rin yan kaninang umaga."

Mahina siyang natawa.

"Kung gusto mo akong kumain , you need to feed me."

"Ano?."

"Kailangan mo akong subuan." ulit niya na sa akin na naman ang nagpatawa.

"You're unbelievable." nagkibit balikat ito.

"Fine. Here."

Inalok ko sa kaniya ang isang paa ng fried chicken. Para naman siyang batang binuka ang bibig nito at kumain. I find it a little bit awkward. Hindi ako sanay sa mga ganitong lambing-lambingan. I admit Daniel and I wasn't this sweet in our relationship.

"Ikaw ng nga." ibinigay ko ito sa kaniya dahil hindi ko na talaga makayanan ang ilang. But for him , he find it amusing instead.

"Ako na." taka ko siyang tiningnan nang kunin niya ang mga pagkain sa akin at subuan ako. Wala naman akong magawa kung hindi gawin ang gusto niyang mangyari. Sinubuan niya ako. Like him , I find it amusing and sweet. Worth it subukan.

Hindi ko alam kung gutom na gutom ba talaga ako para maubos ang mga pagkain o nagaganahan lang ako na kumain dahil sinusubuan ako ni Caden. Maybe the last one. 

"Caden?." tawag ko sa kaniya matapos akong kumain.

"Hmm."

"I want to go home."

"As I've said earlier. Cassey is staying back there. Ayos lang ba sayo?."

Saglit akong natahimik. They can have their own life now. I wouldn't interfere anymore. Uunahin ko na ang sarili ko.

"No. Umuwi na tayo sa bahay mo." halata ang bahid ng gulat sa kaniyang mata.

"Sa bahay ko?." I agreeably nod. Its the only home left to me now.

"Sure. Magpahinga ka na muna at aayusin ko ang paglabas mo rito." tinulungan niya akong muling makahiga at inayos ang kumot sa akin.

"Rest for now." aniya at hinalikan ang noo ko.

He made his way to the door. Nakasunod ang mga mata ko sa kaniya. Muli kong naiisip ang maaring kahihitnan ko kasama si Caden. Would I end up with the same pain and misery? In three years time , we will be separated. Hanggang ngayon hindi ko pa naiisip ang maaaring kalagayan ko sa pagkakataong iyon. Matagal pa naman para isipin. Maraming bagay pa sigurong magbabago.

Saglit akong nakatulog.

Noong hapon ding iyon ay nakalabas na rin ako sa hospital. Ayokong daanan sina Cassey pero pinilit ako ni Caden. It took me a lot of courage to face them.

Mom , dad and Daniel was there. All to support her. Masakit iyon sa akin pero wala akong magagawa maliban sa tanggapin na sigurong ganito talaga ang tadhana.

Alam kong gulat sila sa pagsulpot ko roon. Hindi rin naman ako magtatagal.

"I'm sorry. I wish you two the best."

Those are the words I left to them before leaving them free. Gusto ko ng magpokus na lang sa sarili ko. Nakakapagod mag-isip para sa kapakanan ng iba samantalang wala naman silang pakialam sayo.

"Pwede ba akong magbakasyon?." tanong ko kay Caden nang nasa biyahe na kami pauwi.

"You want to travel abroad?."

Tumango ako. Baka mas makatulong sa akin na mas lumayo pa.

"Okay. Aayusin ko ang schedule ko para masamahan kita."

"Hindi na." napasulyap ito sa akin.

"What do you mean?."

I averted my gaze from him. "I want to be alone this time."

Katahimikan ang sinagot nito sa akin. Hanggang makarating kami sa bahay niya ay wala na itong imik.

"You're new room is ready. Sinabi ni Caden na doon ka na habang pinapa-ayos niya ang pagbabakasyon mo." salubong sa akin ni Zarah. Tinanguan ko lang din siya at sa katabing kwarto nang kay Caden dumeretso. Matiwasay ang buong paligid. Payapa.

Mabilis na naproseso ang mga dokumentong kinakailangan ko para sa paglipad sa America. Hindi ko alam kung magtatagal ba ako roon. Depende.

"Be careful." bilin ni Caden sa akin. Hinatid niya ako sa airport kahit sinabi ko nang hindi na kailangan.

"Avery?." tutungo na sana ako sa gate patungo sa eroplano nang tawagin niya ako.

"I'm here for you. Kung gusto mo ng kakampi , nandito lang ako. I want you to know that I'm here. You're not alone."

" I can handle on my own."

"You don't have to do it yourself. I can help you with that." Mapakla akong ngumiti.

"You don't have to."

"I know but you're still my wife and if you need me. I'll be there."

Ginawaran ko lamang ito ng matamlay na ngiti bago tumalikod at tuluyang umalis.

My parents are rich. I have my own money and properties but unlike any other girls , I've never been to other country. Hindi talaga ako mahilig pangingibang bansa lalo pa at top priorities ko talaga ang work , family , study at lovelife. Hindi ko na napapagbigyan ang sarili ko sa mga bagay bagay na pinagnanasaan ng iba.

Now , I realize how dull my life is just because I prioritize people that doesn't even deserve my time. Anyway , I don't want to think about if anymore. New place , new country , new life and just me.

Nang makapagpahinga ako pagkarating sa condo na binili ko bago pumarito ay agad akong naglibot libot sa bawat kalye.  Despite not being so familiar with everything , my curiosity was what keep my driving on storming everywhere my foot can go. If I will be lost  I couldn't care less , I've been in the worst situation. There is nothing to fear now.

Nang mapagod ako sa kakalibot sa bawat kalye. Inabala ko naman ang sarili sa pamamasyal sa mga kilalang establisyemento at mga tourist spot sa New York. Pagkatapos ay binisita ko naman ang mga shopping mall at mamahaling shop.

Pagkatapos ng isang linggo ay sandamakmak na mga shopping bags at mga bagong bili na gamit ang nakatambak sa condo ko. As I keep myself busy with this luxury things fulfilling my wants and desires , nakalimutan ko rin ang mga pinagdaanan ko sa Pilipinas. But when I get tired of everything  , it was again tormenting me keeping me awake at night  miserable and alone.

Dala ng bigat sa loob at kagustuhang makalimot ay nagtungo ako sa pinakamalapit na bar rito at nagpakalasing. Surrounded by a lot of strangers , deafening rock music , laughs and shouts of drunk mouths and the toxic smell of liquor , I was lost but I don't care.

Ilang bote na ng alak ang nainom ko. At dahil hindi ako sanay na umiinom ng marami ay mabilis na tinamaan ang sistema ko ng alak. Nakaramdam na ako ng hilo pero gaya ng mga narito ay hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pag-iinom habang nakikisayaw na rin sa ibang naroon kahit hindi ko kilala.

May lalaki akong nakasayaw. We were talking and laughing without even realizing we are. Basta ay nagsasaya lang kami. Wala nang pakialam sa ibang nangyayari sa paligid. Muli akong nakaramdam ng hilo at muntikan nang matumba. Mabuti na lang at agad akong nasalo ng kasayaw ko at yinaya pabalik sa counter para maupo.

"You okay?." He has an accent. My vision are already blurry and I can't tell his what his face looks like.

Hindi ako sanay na makipagsalamuha sa mga taong hindi ko naman kilala pero ngayon , gaya ng sabi ko. Wala na akong pakialam. May mangyari mang hindi ko magugustuhan paggising ko kinaumagahan.

"Want to grab another drink?."

"Yeah. Sure!." pagsang-ayon ko agad.

I bet I'm looking mess right now. Inabutan niya agad ako ng isang baso ng alak at inubos ko iyon sa isang lagok.

Ang isang baso ay nasundan pa ng isa at isa at isa hanggang sa hindi ko na mabilang. Parang bigla akong nawalan ng malay at sa muling pagmulat ko ay nasa loob na ako ng isang sasakyan. Mabibigat ang talukap ng aking mga mata at hilong hilo na ako. Hindi na rin maganda ang pakiramdam ko. I felt numb and like a thin paper flying in the air.

Panay ang pikit at mulat ko. Sobrang pagod ang aking naramdaman.

"Hey?." an unfamiliar voice called. Pinilit kong muling magmulat para tingnan kung sino iyon pero hindi ko magawa. I just groaned wanting something but I can't tell what. Lumilipad ang aking isip.

"Hey? You awake?." sa muling pagsalita nito ay bahagya kong naalala ang boses ng lalaking kasayaw ko kanina sa bar.

"You're such a silly girl."  I groaned when I felt a my hands getting tied. Bahagya kong iminulat ang mga mata at nasulyapan na nakagapos na ang dalawa kong kamay.

What on earth? Gusto kong magsalita o umalma sa nangyari pero hindi ako makapagsalita o makagalaw man lang para magreklamo.

"I'm sure you taste good , girl. Looking fresh and untouched." sa kamanyakan ng boses niya bigla akong nabalik sa huwisyo.

When I opened my eyes , his pervert eyes and devilish smile welcomed me. Fear rushed through my veins. Pinilit kong makawala sa tali pero wala akong lakas dahil sa tama ng alak. Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan at baybayin ang abalang kalsada.

I was cursing inside when thoughts of what might gonna happen to me flash through my mind. Paano kung rapist siya? Mukha naman talaga siyang rapist. Thinking of those make me  want to get freed from being tied up. Pero muli lang akong napagos at tuluyang nawalan na ng lakas. Pumarada ang sasakyan sa hindi ko malamang lugar. Bumukas ang pinto sa gilid ko. My eyes are closed again yet my other senses are sensing the outer environment.

Nagwala ang loob ko nang may bumuhat sa akin pero para akong lantang gulay na hindi man lang makapalag. Umiiyak na ako ng maramdan ang malambot na kama.

Damn it! Damn it!!

"Yes. Just stay like that , baby girl. I'll take good care of you."

Fvck! Fvck!!

I want to run right away. Ayoko na rito. Gusto ko ng umuwi! I want to go home. I shiver when a rough hands run through my neck. My chest are heaving up and down fast. Mas lalong bumuhos ang luha ko but still I can't do anything.

Fvck you Daniel! Fvck you!! It's your fvcking fault! Kung hindi dahil sayo ay hindi ko sana mararanasan ang lahat ng ito. Talagang tang*ina mo!!

I don't usually curse but fvck him and fvck this fvcking guy!

Bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo ay ako pa ang napiling magkaroon ng ganitong tadhana? Bakit?

Nagkakamali pala ako. I can't handle it on my own. I surely need someone. Caden is right. I should have listen to him.  Parang sa bawat pagkakataon na hindi ako nakikinig sa kaniya ay nagkakamali ako desisyon. I ended up miserable.

A pair of lips touched my collarbone and from there I know. I'm doomed.

Caden , I need you. Nasaan ka na ba?