webnovel

Ang Silver Moon Wolf

Editor: LiberReverieGroup

Sa tulong ng built-in night vision function ng kanyang binoculars ay madali niyang nakita ang isang malaking wolf na dalawang milya ang layo mula sa kanyang puwesto. Mayroon itong laki na 5 hanggang 6 na metro. Karamihan sa balahibo nito ay kulay grey, pero may mga puting balahibo rin ito na nakatago sa ulo.

Kahit na napakalayo ng kanilang distansya ay naramdaman parin ni Luo Feng ang aura ng napakabangis na wolf na ito.

"Ito ang..." Kinumpara ni Luo Feng ang wolf monster na ito sa data ng mga halimaw na nasa kanyang isipan.

"Ito ang hunter na tinatatawag sa pangalang 'Silver Moon Wolf!" napasigaw si Chen Gu mula sa gulat, "Hindi ako makapaniwala na ang nakikita natin ay ang hari ng mga lobo, ang Silver Moon Wolf!"

Di mapigilan ni Luo Feng na mabigla siya.

Oo, isa itong silver moon wolf!

Bilang hari ng mga lobo, kahit ang pinakamahinang matandang silver moon wolf ay nasa level ng 'medium level commander'. Ang pangkaraniwang kulay ng balahibo ng mga commander level na silver moon wolf ay gray pero kapag nagsimula na itong makipaglaban, ang mga balahibo nito ay nagiging silver at ang mga puting balahibo nito sa ulo ay nagiging kulay dugo!

Kilala ito sa walang awang mga pamamaraan nito sa pakikipaglaban at sa walang patawad nitong bangis! Napakalaki rin ng halaga ng mga balahibo nito sa lipunan. Pati ang skullcap nito, na walang kalaban sa tibay, ay may napakataas rin na presyo.

"Isa itong high level commander silver moon wolf!" Pinagbasehan ni Luo Feng ang laki ng katawan at ang kulay ng mga balahibo nito upang malaman kung anong level na wolf ang nasa harapan nila. Nang malaman niya ito, napalunok siya ng laway, "Isa itong high level commander! At isa rin itong silver moon wolf!" Hindi lahat ng mga high level commanders na halimaw ay may pare-parehong lakas. Isipin mo, may kaparehong kakayanan ba ang isang spirit reader at isang fighter sa parehong level?

Ipinanganak ang mga silver moon wolf ng walang awa.

"Tingnan niyo! Mayroon itong malaking sugat sa kanyang tiyan," binulong ni Wei Tie.

Biglang napatingin ang lahat ng miyembro ng Fire Hammer Squad sa captain nilang si Gao Feng.

"Captain, ito ang hari ng mga lobo, ang silver moon wolf! Bago isa pa itong high level commander! Mas mataas ang pera na makukuha natin dito kaysa sa sampung high level commander na 'Lion Mastiff'!" Walang magawa si Chen Gu kundi mapasigaw sa sobrang saya, "Dali na captain! Bigay niyo na ang utos niyo!"

Hindi na rin kinayanan ni Wei Tie na manahimik sa isang tabi, "Mabilis kumilos ang silver moon wolf na ito, sa ilang sandali ay hindi na natin ito makikita. Wag na tayo magpatagal captain."

"Kahit na nasugatan ang silver moon wolf, hindi pa rin natin kayang labanan iyan, " tugon ni Gao Feng, "Wag kayo magpabulag sa pera, magfocus kayo."

Napakadalang talaga makikita ng isang high level commander na punung-puno ng sugat.

At kung iisipin, ang pagkakataon na makakita ng silver moon wolf na tadtad ng sugat ay maihahambing sa pagkapanalo sa lotto! Kung walang sugat ang isang high level commander na silver moon wolf, kahit ang isang advanced warlord ay parang langgam lang sa halimaw.

"Subukan ko po captain," sinabi ni Luo Feng pagkatapos pag-isipan.

"Luo Feng…." Nagdalawang-isip si Gao Feng, "Sigurado ka ba diyan?"

"Hindi po ako kampante na mapapatay ko ang silver moon wolf na iyon dahil hindi pa po ako nakakapatay ng isa… pero siguradong sigurado ako na kaya kong makatakas," natawa si Luo Feng. Ang pinakakinaiinggitan ng mga ordinaryong fighter sa mga spirit reader ay ang kakayanan nilang makalipad! Kayang gamitin ang spiritual force sa mga inorganic na bagay.

Kaya pwedeng gamitin ni Luo Feng ang kanyang spiritual force sa kanyang alloyed battle boots na nagbibigay sa kanya ng kakayanang makatalon ng mataas.

Bukod pa riyan ay kaya niya ring lumipad habang nakatungtong sa kanyang shield na kinokontrol ng kanyang spiritual force!

Ang paglipad…. ito ang kakayanang kinaiinggitan ng maraming tao. Kahit ang isang wargod level na fighter ay walang magawa kundi maiinggit. Ito ay isa ring rason kung bakit pinagaawayan ng naglalakihang mga major powers ang mga spirit readers.

"Sige, pero mag-ingat ka Luo Feng. Kung kaya mo itong gawin ay gawin mo, kung hindi naman ay huwag mo nang pilitin ang iyong sarili. Ang iyong kaligtasan ang pinakaimportante para sa amin," palatandaan ni Gao Feng habang ipinagkatiwalaan niya ang misyon kay Luo Feng.

"Relax lang po kayo," tumawa si Luo Feng.

Direktang tumalon si Luo Feng mula sa rooftop ng six story residential apartment habang hawak hawak ang kanyang Ghost Blade at shield. Hu! Mabilis siyang bumabagsak papunta sa lupa. Ang isang ordinaryong advanced warrior ay kayang tiisin ang pwersa ng pagtalon mula sa isang six story building, pero walang ginawang katarantaduhan si Luo Feng.

Ang malakas at walang hugis na enerhiya ay ginamit sa kanyang alloyed battle boots, at doon ay bumagal ang pagbaba ni Luo Feng.

Dahan-dahan siyang naglanding sa lupa na nasa baba ng building.

Matapos nito ay agad-agad siyang tumakbo ng matulin. Parang isang matsing lang, nakarating si Luo Feng sa kalsada pagkatapos ng dalawang talon.

Pinanood naman ng mga natirang miyembro ng Fire Hammer Squad si Luo Feng gamit ang kanilang binoculars sa rooftop.

"Ito pala ang tunay na lakas ni Luo Feng," Di na mapigilan ni Wei Tie na mamangha, "Walang duda na ang mga spirit readers ay ang pinakakinatatakutang uri ng fighters. Nakakatakot talaga, dahil lang sa kanilang spiritual force ay kaya nilang ipataas ang kanilang fitness level, agility, speed at iba pa. Bago mayroon pa silang telekinesis…nakakainggit talaga!"

"Medyo nakakainggit nga," Napatango si Chen Gu sa sinabi ni Wei Tie.

"Hahaha, kaya nga kailangan natin maging masaya," ngumiti na bahagya si Gao Feng, "Dahil sumali ang isang spirit reader sa Fire Hammer Squad ng ganoon ganoon lang."

Natawa ang ibang mga miyembro ng Fire Hammer Squad nang marinig nila ito.

"Captain, guys, sa tingin niyo kayang patayin ni Luo Feng yung silver moon wolf na iyon?" tumawa si Zhang Ke habang nakahiga sa sahig.

"Hindi ko masasabi ngayon," nagdalawang-isip si Gao Feng, "Isa iyong high level commander na halimaw. Bago si Luo Feng ay malapit na nating masabi na 'intermediate warlord' bilang isang spirit reader. May pag-asa pa kung kalaban niya ay isang mas mahinang high level commander, pero kung kalaban niya ay ang hari ng mga lobo...buti na lang talaga nasugatan ang 'silver moon wolf' na ito. May pag-asa pa naman siya."

"Mayroon pang pag-asa!" nakahawak ang grupo sa kanilang mga binoculars habang tinitingnan si Luo Feng.

Parang isang iglap ng maitim na kidlat, tinakbo ni Luo Feng ang buong kalsada.

"Napakabilis talagang tumakbo ang silver moon wolf na iyon ah," dumaan sa isang shortcut si Luo Feng sa pagaakalang maaabutan niya ang silver moon wolf. Pero sino ba namang makakapagisip na mayroon pa ring isang milya sa pagitan nila, "Huh, lumiko siya pakaliwa?"

Mabilis na lumiko pakaliwa si Luo Feng at tumalon sa isang pader papunta sa isang abandonadong residential sector. Nagpatuloy siya sa pagdaan sa mga shortcuts habang hinahabol niya ang silver moon wolf.

"Howl~~"

Nakita ng dalawang nakahiga na lion mastiff si Luo Feng, at napatayo sila ng biglaan dahil dito. Pagkatapos ay umalulong ang mga ito ng mahina. Yumanig ang lupa nang magsimula silang tumakbo papunta kay Luo Feng, pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa kanyang paghabol sa silver moon wolf. Tinatamad rin si Luo Feng na umilag sa kanilang atake.

"PUCHI!" "PUCHI!"

Kusang natanggal ang dalawang throwing knives mula sa hita ni Luo Feng at lumikha ng dalawang kislap ng ilaw. Dahil sa maliit na distansya sa pagitan nila, di nakailag ang dalawang lion mastiffs at sinaksak sila sa ulo.

Punong puno ng pagkagulat ang mga mata ng dalawang lion mastiffs bago sila mabilis na namatay. "RUMBLE~~" Agad silang bumagsak sa lupa at naging dahilan kung bakit yumanig ang lupa ng panandalian. Agad na gumawa ng isang linya ang malilinis na throwing knives bago bumalik sa kinalalagyan nito sa hita ni Luo Feng.

Dahan-dahang tumalon si Luo Feng papunta sa isang katabing eskinita. At doon niya nakita ang silver moon wolf na isang daang metro ang layo mula sa kanya.

"WOO~~" napatigil ang mabangis na silver moon wolf at tumitig sa taong hindi kalayuan sa kanya.

"Isang silver moon wolf, isang sugatang silver moon wolf." Kumislap ang mga mata ni Luo Feng habang siya'y napangiti, "Ok, makikita na natin kung gaano na ako kalakas ngayon!" nang sinabi niya ito ay dahan-dahan siyang lumapit sa silver moon wolf.

Tahimik na tumayo ang silver moon wolf sa lugar na kinatatayuan nito.

Kumislap ang mga mata ng silver moon wolf na may tatlong metro ang taas. Kasabay nito ang isang energy na dumaloy sa mga balahibo nito na agad na nakapagpasilver ng kulay nito! Kahit ang puting balahibo na nasa ulo nito ay naging kulay dugo na rin!

Ang isang kulay silver na katawan at isang kulay dugong korona.

Ito ang silver moon wolf!

Dahan-dahang humakbang si Luo Feng palapit sa silver moon wolf. Nang napaikli na niya ang distansya sa pagitan nila ng 50 na metro...

"WHOOSH!" Naging isang puting kislap ng ilaw ang silver moon wolf at napunta sa harapan niya pagkatapos ng isang iglap!

"Speed of sound!"

Dahil sa napakadalas na pagtetest ni Luo Feng ng kanyang reaction speed sa dojo ay madali niyang nalaman na… ang bilis ng silver moon wolf na ito ay nalalapit na sa speed of sound!

Nangiba ang mukha ni Luo Feng at agad-agad na tumalon na parang kidlat. Halos sabay ring tumalon ang silver moon wolf nang makita niyang tumalon si Luo Feng. Ang pagtalon na ito ay may taas na 20 to 30 na metro. Habang tumatalon ay naaninag ni Luo Feng ang blurred na mukha ng silver moon wolf maging ang natatago nitong nakakatakot na matang kulay dugo habang tumatalon na may bilis na nalalapit sa speed of sound.

The powerful spiritual force was ferociously used on the alloyed battle boots on his feet, causing Luo Feng to go even higher and dodging the attack from the silver moon wolf.

Ginamit niya ang kanyang malakas na spiritual force sa alloyed battle boots na kanyang suot-suot na nakapagpataas pa lalo ng talon niya at ang naging dahilan kung bakit nakailag siya sa atake ng silver moon wolf.

"So what if your speed reaches the speed of sound. Can you go faster than my throwing knives?" as he dodged the silver moon wolf, Luo Feng pulled out the six throwing knives on his thigh. The six throwing knives instantly became six flowing lights and, like a net, charged towards the silver moon wolf.

"Ano naman kung malapit ang iyong bilis sa speed of sound? Kaya mo bang gumalaw ng mas mabilis kumpara sa aking throwing knives?" Habang inilagan niya ang umaatakeng silver moon wolf ay kinuha ni Luo Feng ang anim na throwing knives mula sa kaniyang binti. Ang anim na throwing knives ay agad-agad na naging anim na gumuguhit na ilaw at matapos nito ay mabilis itong dumiretso sa silver moon wolf.

Dahil sa kanyang paglalakbay sa iba't ibang bahagi ng Forsaken Land makalipas ang ilang taon, matalino rin ang silver moon wolf.

Sa bilis nito ay mahihirapan ang isang regular na fighter na makaiwas sa mga atake nito. Isang uri lang ng mga fighter ang may kayang magbago ng direksyon sa loob lang ng sandali, ito ay ang mga spirit readers! Nang mapansin na ng silver moon wolf na ang kalaban niya ay isang spirit reader, di nito mapigilang magulat.

Pero sa mga oras na iyon ay nakarating na ang anim na throwing knives na parang kidlat!

"WOO~" sumigaw ang silver moon wolf dahil wala itong kakayanang magbago ng direksyon sa ere. Ang nagawa na lang nito ay ikutin ang kanyang katawan at isangga ng kanyang claws ang mga throwing knives.

Dahil napakalapit lang nilang dalawa, hindi ganoon kabilis ang reaction speed ni Luo Feng para mailagan ng anim niyang throwing knives ang mga claws ng silver moon wolf.

PENG! PENG!

Ang dalawa sa anim na throwing knives ni Luo Feng ang natamaan, pero napangiti pa rin si Luo Feng. Dahil kahit ginamit niya ang anim na throwing knives, alam niyang dalawa lang sa mga ito ang kayang gumamit ng kanilang mga tunay na lakas kaya ang anim na iyon ay ibinato niyang lahat para malito ang kalaban niyang silver moon wolf.

Dalawang throwing knives lang talaga ang nakakatakot mula sa anim na makikita.

"Ikaw ang unang commander level na halimaw na mamatay sa kamay ko Hunter," natawa si Luo Feng. Matapos nito ay biglang nawalan ng lakas ang dalawa sa apat na throwing knives at nalaglag sa lupa, habang ang dalawa naman ay mabilis na dumiretso sa sugatang tiyan ng silver moon wolf na para bang isang kidlat! Wala nang magawa ang napakalakas na silver moon wolf sa ere kahit na umalulong ito at ginamit ang kanyang claws para isangga ang atake.

Pero—

PUCHI! PUCHI!

Ang dalawang natitirang throwing knives ay sumaksak sa sugat ng silver moon wolf at tumagos papunta sa loob ng katawan nito. Nagkahatihati ang mga internal organs ng silver moon wolf at pagkatapos ay binigay nito ang huli nitong alulong bago bumagsak nang tuluyan sa lupa!