51 Pahinga

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Alam ni Luo Feng na ipinakita niya ang pinakatinatago niyang spiritual force sa pagligtas sa mga kagrupo niya kani-kanina lang!

"Sa tingin ko naman ay nahula niyo na pero nakatingin sila sa akin na parang di nila alam. Sige, aaminin ko na…" nakangiting sabi ni Luo Feng "Isa akong spirit reader!"

"Hahaha," malakas na tawa ni Chen Gu, "Sinasabi ko na nga ba Luo Feng eh. Tama ngang di ako nagkakamali sa kakayahan mo."

Makikita rin ang ngiti sa mga mukha ng Wei Jia brothers.

"Isang spirit reader… mayroon na rin tayong isang spirit reader sa Fire Hammer Squad!" tawa ni Gao Feng habang tumatango, "Sigurado ako na hindi gagawin ng Tiger Fang Squad ang kahibangang ito kung alam lang nila ang tunay mong kakayahan Luo Feng. Sigurado ako na kung nalaman nilang ginawa nilang kalaban ang isang spirit reader, pagsisisihan talaga nila ito!"

"Habambuhay nila itong pagsisisihan," bungisngis ni Wei Tie.

Wala nang masabi si Zhang Ke kundi, "Ang pinakamalalakas na basura ng Tiger Fang Squad ay ang dalawa nilang mga intermediate level warlords! At dahil isang spirit reader si Luo Feng, tataas ng dalawang level ang body fitness niya kaya sumakatuwid, malapit na ang kanyang lakas sa body fitness ng isang 'intermediate warlord level'. Sa madaling salita, kayang-kaya ni Luo Feng na umubos ng mga intermediate warlord level fighter at makatalo ng mga fighters na mas mataas ng isa pang level dito!"

Naiintindihan ng lahat ng fighters kung gaano kabagsik ang isang spirit reader!

Dahil kaya nitong wasakin ang kahit na sinong fighter na kapareho nilang body fitness level!

Kaya kahit gaano kaganda ang iyong blade technique, shielding technique o body technique ay kayang kaya ka pa ring talunin ng mga spirit readers gamit ang kanilang mga pinapalutang na throwing knives na kayang magbago ng direksiyon sa loob lang ng isang iglap at kayang lumipad ng bilis na higit sa speed of sound. Paano matatalo ng isang kalevel na fighter ang isang spirit reader kung ganoon?

"Kayang kaya ni Luo Feng na tapusin ang Tiger Fang Squad nang mag-isa!" gigil na sinabi ni Chen Gu habang tumatawa, "Ito na ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ng Tiger Fang Squad, ang pagbangga sa Fire Hammer Squad!"

"Naging masuwerte lang talaga tayo ngayon," buntong hininga ni Gao Feng.

Malapit nang maabot ni Gao Feng ang body fitness ng isang 'intermediate warlord level' na fighter pero hirap na hirap pa rin ito sa pakikipaglaban sa mga malalaking horde ng halimaw. Ito ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng isang pangkaraniwang fighter at ng isang spirit reader!

"Kuya Zhang!"

Nagsquat si Luo Feng sa harap ni Zhang Ke at nagsimula siyang magsalita ng mahina habang tinitingnan ang namumutlang mukha ni Zhang Ke, "Sigurado ako na ginawa ito ng Tiger Fang Squad dahil sa ginawa ko kay Zhang Ze Hu nitong nakaraan lang….. ang braso mo Kuya Zhang… patawarin mo ako!"

Sa mga oras na ito ay kumalma na ang ibang miyembro ng Fire Hammer Squad at ang bawat isa sa kanila ay nakatingin sa nag-uusap na si Luo Feng at Zhang Ke.

"Luo Feng," pangiting sinambit ni Zhang Ke, "Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo sa lahat ng mga nangyari. Pare-pareho nating hindi maitatanggi na iniligtas mo kaming lahat kani-kanina lang. Para sa akin naman…." Napayuko na lang si Zhang Ke habang tinitingnan niya ang malaking sugat sa kanyang kanang balikat. Matagal nang nawala ang kanyang kanang braso mula pa noong nagsimula silang tumakas sa libo-libong halimaw na humahabol sa kanila kanina.

"Dito na nagtatapos ang buhay ko bilang isang free fighter," napabuntong-hininga na lang si Zhang Ke.

Si Gao Feng, Chen Gu, Wei Jia brothers at si Luo Feng ay wala nang nagawa kundi manahimik sa mga sandaling ito.

"Pero..." ngumiti si Zhang Ke "Ito na ang pinakamagandang pangyayari na inaasahan ko noon pa lang. Naalala ko noong bata pa lang ako habang nagaganap ang Grand Nirvana Period, nasaksihan ko kung paano namatay ang napakaraming tao dahil sa mga halimaw na nagkalat noon sa Forsaken Land. Noong araw na iyon ay pinangako ko sa sarili ko na paglaki ko ay papatayin ko ang mga halimaw na ito gamit ang aking mga kamay at maging isang bayani!"

"Mula noon ay lagi na akong nagsisikap sa bawat bagay na ginagawa ko para lang matupad ang mga pangarap kong iyon..."

"At sa wakas, naging isang fighter ako, isang free fighter! Pumasok ako sa Forsaken Land para saksihan ko ang pagtupad ko sa aking mga pangarap habang pumapatay ng napakaraming halimaw. Naging isa akong bayani sa mata ng napakaraming tao. Maging ang aking asawa ay pinuri at pinakasalan ako. At ang aking anak na babae ay proud na proud sa harap ng ibang tao dahil sa pagkakaroon niya ng ama na isang fighter!"

"Habang mabilis na lumilipas ang oras at parami ng parami ang mga halimaw na aking napapatay…ay dahan-dahan ko nang nararamdaman ang pagkapagod ng pagiging isang fighter. Ang saya at pagmamalaki na unang nararamdaman ng aking asawa at ng aking anak ay unti-unting napalitan ng pag-aalala dahil sa posibilidad na maaari akong mamatay sa bawat oras na papasok ako sa Forsaken Land. Maging ako rin ay nag-aalala na baka hindi ko na sila makita pang muli pero wala rin akong lakas ng loob sa aking sarili para umalis sa pagiging fighter," mabagal na sinabi ni Zhang Ke, "Sampung taon na ang nakalilipas kaya nasanay na rin ako sa nararamdaman kong ito."

Maging ang nararamdaman ni Luo Feng ay hindi kumportable sa mga oras na ito.

Pamilya?

Mayroon din siyang kapatid at magulang na nag-aalala sa kanya.

"Ang sugat na ito ang nagbigay sa akin ng matinding rason para umalis sa pagiging fighter," bahagyang napangiti si Zhang Ke, "Sampung taon na akong pagod sa ginagawa kong ito kaya gagamitin ko na lang siguro ang aking battle records para maging isang instructor sa Dojo of Limits ng isang region. At dahil mas marami na akong oras ay makakasama ko na rin ang aking pamilya na nangulila sa akin sa loob ng napakaraming taon! At bukod pa riyan ay alam kong nandidito kayo guys sa aking likuran at ang pagkakakilala ng isang spirit reader bago ako umalis? Hahaha, Sa tingin ko ay worth it na ang lahat ng ito para sa akin."

Napangiti na lang si Luo Feng ng bahagya noong marinig niya ang sinabi ni Zhang Ke.

"Enjoyin mo ang nakakarelax at napakatahimik na buhay mo Zhang Ke," pagpapalakas-loob na sinabi ni Gao Feng, "Hanapin mo lang ako kung may problema ka sa susunod! Sa tagal na ng pinagsamahan natin ay masasabi ko na magkapatid na tayo kahit mamatay man!"

"Hmm..." napangiti si Zhang Ke habang tumatango, "Hindi ako magdadalawang-isip na hanapin kayo sa oras na magkaroon ako ng problema, lalong lalo ka na Luo Feng. Alam ko na napakabilis lumakas ang mga spirit readers kaya hindi magtatagal ay hindi na namin mapapantayan ang iyong lakas kaya siguraduhin mong tutulungan mo ako kapag humingi ako sa iyo ng tulong sa susunod!"

Hihingi ng tulong?

Noong una pa lang ay nagpapasalamat na ako kay Kuya Zhang dahil kung hindi sa kanya ay mas liliit pa ang aking tiyansa na makasali sa Fire Hammer Squad. At dahil baka ako ang dahilan sa nangyari kay Kuya Zhang, paano akong hindi tutulong?

"Isipin mo na ang mga problema mo ay mga problema ko na rin Kuya Zhang!" tugon ni Luo Feng.

Tumango si Zhang Ke at biglang napatanong dahil sa pagtatakang bumabalot sa kanyang isipan, "Oo nga pala, bakit mo itinago sa amin maging sa ibang tao ang pagiging spirit reader mo Luo Feng?"

"Dahil ayokong magkaroon ng napakaraming problema," tumawa si Luo Feng habang iniiling niya ang kanyang ulo, "Kung kakalat ang katotohanan na isa akong spirit reader ay hindi na ako makapamumuhay ng tahimik." Nabasa niya sa 'Limit Home' na hindi niya pwedeng sabihin na may spiritual force siya matapos niyang maging isang ganap na fighter.

Dahil kapag nalaman nila ito ay magiging isa siyang target para sa focused training ng Dojo of Limits. Kasama na rito ang pagpapadala sa kanya sa world headquarters ng Dojo of Limits na kung saan siya magsasanay, at saka marami pang magagandang kondisyon na ibibigay sa kanya...

Pero ang kapalit naman nito ay ang pamumuhay niya ng tahimik. Kahit na nagsisimula na siyang lumabas ng city para pumunta sa Forsaken Land ay nagkakaroon pa rin naman siya ng oras kasama ang kanyang buong pamilya paminsan-minsan.

"Hm."

Tumango si Gao Feng nang marinig niya ito, "Tama naman kung iisipin natin ang sinabi ni Luo Feng. Ang lahat ng mga malalaking grupo maging ang army man, ang iba't ibang dojo o ang mga malalaking pamilya ay gagawin ang lahat para makakuha ng isang spirit reader. Ang lahat ng ito ay mag-aagawan kapag natuklasan nila na mayroong isang spirit reader na kapapasa lang sa fighter combat exams! Maging ang army ay gagawa ng iba't ibang paraan para magamit lang ang isang spirit reader sa labanan sa Forsaken Land. Kaya ang nangyayari ay pinapalabas ng mga dojo ang kanilang spirit reader sa labas ng border hanggang magkaroon ng agreement ang army saka dojo, doon pa lang nila ipapabalik ang spirit reader kung ganoon,"

Alas kung ituring ng iba't ibang grupo ang isang spirit reader!

Malaki ang epekto ng isang spirit reader sa interes ng bawat grupo kaya gagawin ng bawat isang grupo na ito ang lahat para makakuha ng isang spirit reader. At kahit na magkaroon pa ito ng mga karagdagang special rights ay mawawala naman ang normal na buhay bilang isang fighter.

"Hinihiling ko po sana na tulungan niyo po akong itago ang sikretong ito captain," pabor ni Luo Feng.

"Walang problema Luo Feng, itatago ng Fire Hammer Squad ang sikretong ito para lang sa iyo," malakas na tumawa si Gao Feng.

Sabik na tumango rin si Chen Gu sa isang tabi ,"Oo nga, ang ating Fire Hammer Squad ay may isang spirit reader na lingid sa kaalaman ng ibang mga fighter squads, hmph hmph... Hindi tayong magmumukhang malakas sa kanila para hindi sila mag-ingat sa atin. At sinumang bumangga sa atin sa hinaharap ay malalagay sa napakalaking problema. Bukod pa riyan ang pagdali ng panghuhuli natin sa mga halimaw sa hinaharap!"

Ang isang alas ay magiging alas lang kung itatago mo ito!

At sa oras na ipakita mo ito ay hindi na magiging kasing tindi ang epekto nito kaysa noong una.

Hindi mapigilan ni Wei Tie na sabihing, "Oo nga at kung lalaban ang ating captain sa isang malakas na halimaw ng harapan ay pwedeng gamitin ni Luo Feng ang kanyang throwing knives para sa isang sneak attack. Sa paraang ito ay mabilis tayong makakapatay ng mga halimaw. One hit, one kill!"

Agad namang sumunod ang kapatid nitong si Wei Qing sa pagsasalita, "Oo nga, maaari ring gamitin ni Luo Feng ang kanyang blade sa pagatake pero ang hindi alam ng halimaw ay gagamitan pala siya nito ng spiritual force na madaling makakapatay sa kanila! Sinisiguro kong hindi na magagawa ng halimaw na iyon na umiyak pa!" Nakapagpalakas ng factor of 10 sa Fire Hammer Squad ang pagkakaroon nila ng isang spirit reader sa kanilang squad!

Sabik na nagusap-usap ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad sa magiging potensiyal ni Luo Feng sa kanilang squad.

Malinaw na mapapakinabangan ng husto ng Fire Hammer Squad ang isang spirit reader.

Matapos ang ilang sandali ay nagsimula nang magpahinga ang iba't ibang miyembro ng Fire Hammer Squad habang dahan-dahang kumakagat ang dilim at naglalabasan ang mga bituin.

Sa ilalim ng mabituing kalangitan ay tahimik na naupo si Luo Feng sa dulo ng rooftop habang iniisip ang mga pangyayari nitong umaga lang, "Hindi ako makapaniwalang nagawa ko ang unang stage ng Nine Stage Thunder Blade sa paparating na armor piercing bullet." Noong iniisip niya ito ay hindi niya mapigilang mapatayo habang inilalabas ang kanyang Ghost Blade.

"HU!"

Sa loob ng isang hakbang, ang core ng kanyang katawan na 'ang baiwang' ay kinakailangang maglabas ng malakas na force, kasabay ng isa pang wave ng force sa oras na makarating ang lakas na nanggaling sa kanyang mga muscles sa kanyang wrist. Ang dalawang forces na ito ay kinakailangan magconnect at sabay na makarating sa kanyang wrist.

"PUCHI!"

Gumuhit ang kanyang Ghost Blade ng isang kakilakilabot na ilaw sa ilalim ng napakalawak na kalangitan.

Nagagawa ko nang makapaglabas ng isa pang force kasabay ng isa pang lakas. At kung susumahin ang dalawang lakas na ito ay magreresulta sa 140% ng kabuohang lakas ng aking katawan," Naramdaman din ito ni Luo Feng na hindi na makapaglabas ng lakas ang kanyang katawan matapos ang first stage.

Pero maganda na ito kung titingnan para sa isang baguhang fighter na nagsisimula pa lang sa pagsasanay ng pinakamahirap na Nine Stage Thunder Blade Scroll.

Sadyang napakahirap aralin ang bawat stage ng Nine Stage Thunder Blade pero kusa niya pa ring natutunan ang unang stage nito sa gitna ng buhay at kamatayan. Kaya nagkaroon pa siya ng mas malaking pag-asa na matutunan ang iba pang mga stage sa hinaharap.

Nang biglang-

"AO WU~~"

Ang galit na galit na ungal mula sa isang umaalulong na wolf sa kanilang ilalim ang nakapagpagising sa mga nagpapahingang miyembro ng Fire Hammer Squad.

"Isang alulong mula sa isang wolf!" seryosong sabi ni Gao Feng.

"Hindi ako makapaniwalang mayroong mga wolf type monsters sa lugar na ito," Huminga ng malalim si Chen Gu dahil sadyang napakalalakas ng mga wolf type monsters.

Wolf type?

Maging si Luo Feng ay nagulat sa kanyang narinig dahil mayroon lang kakaunting bilang ng wolf type monsters bago ang Grand Nirvana Period kaya ang kanilang bangis ay hindi mapapantayan. Lalo pa itong naging mabangis at walang awa kasabay ng patuloy na paglakas ng lakas nitong hindi mapapantayan noong matapos ang Grand Nirvana Period.

Agad na kinuha ni Luo Feng ang kanyang binoculars at tumingin sa pinanggagalingan ng alulong ng halimaw sa gilid ng pinagpapahingahan nilang rooftop.

avataravatar
Next chapter