53 Ang Pagdidissect

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bumagsak mula sa ere ang silver moon wolf habang unti-unting nawala ang kulay nito sa mata. Nang palapit na siya sa kanyang katapusan, binalikan niya yung mga alaala niya sa buhay. Dahil isa siyang silver moon wolf, isang hari ng lobo, pangarap niya maging isang horde leader noong bata pa siya. Naging maganda naman ang pangyayari at nalalapit na siya sa pagiging horde leader!

Nang biglang…

Naambush ito at malubhang nasugatan ng isang wargod level fighter squad. Buti na lang ay dumepende ito sa kamangha-mangha nitong bilis at nakatakas. Pero noong papatakas na ito ay nakaengkwentro naman siya ng isang warlord level squad na madali niyang mauubos kung hindi lang siya nasugatan ng malubha!

Pero sa kasamaang palad ay tadtad ang kanyang katawan ng sugat.

At itong warlord fighter squad na ito ay nagpatuloy sa paghabol sa kanya sa lahat ng oras. Kahit na saan man ito magpunta ay patuloy itong masusundan ng fighter squad na nasa likuran niya.

"Mga buwisit na taong iyon!"

"At least ang mamatay sa mga kamay ng isang spirit reader ay mas mabuti na kaysa ang mamatay sa mga buwisit na iyon," Napakatalino ng silver moon wolf. Isa itong high level commander na hari ng mga lobo na kayang tumapat sa isang horde leader level na halimaw gamit ang talino nito. At ang mga horde level na halimaw ay kasing talino na ng isang tao.

Kung mamamatay ito, mas maganda na para sa kanila ang mamatay sa kamay ng isang napakalakas na kalaban.

"PENG!"

Nagpatuloy sa pagbagsak ang napakalaking katawan ng silver moon wolf sa lupa na nagresulta sa pagyanig at pagbagsak ng mga natatamaang pader nito. Mabilis namang sinundan ni Luo Feng ang pagbagsak nito sa lupa.

"Huff, huff, hindi ako makapaniwalang makakapatay ako ng isang silver moon wolf". Tumayo si Luo Feng sa tabi ng bangkay ng silver moon wolf at huminga ng malalim. Pagkatapos ay bumalik ang apat na throwing knives na patuloy na lumulutang pabalik sa mga kinalalagyan nito sa hita ni Luo Feng, "Hm? Nasaan na ang dalawa ko pang throwing knives?" Tiningnan ni Luo Feng ng maigi ang kanyang paligid para mahanap ang nawawala niyang throwing knives.

Matapos ang ilang sandali ay may nakita siyang dalawang hukay sa sementadong lupang hindi kalayuan sa kanya. Naghiwalay ang dalawang bahagi ng sementadong lupa na ito dahil sa pagyanig. Sa gitna ng mga ito ay nakita niya ang dalawa sa anim na kanyang 6th series throwing knives na hinahanap niya!

Matapos ang pangyayaring ito ay wala nang nagawa si Luo Feng kundi huminga ng malalim.

Talagang kamangha-mangha ang bilis at lakas ng silver moon wolf.

"Ako na ang mauunang magdissect nito kung sakaling may nakakita na ibang fighter squad maliban sa Fire Hammer Squad. Ang halaga ng isang silver moon wolf na gaya nito ay katumbas na ng halaga ng isang city," Hindi na nagpatagal si Luo Feng at sinimulan na niyang idissect ang katawan ng halimaw gamit ang hawak hawak niyang throwing knife dahil ang Ghost Blade niya ay 5th series lang na kayang humiwa ng hindi tataas sa medium level commander na halimaw.

Pero ang kanyang mga 6th series throwing knives ay kayang humiwa ng mga high level commanders!

Malakas na hiniwa ni Luo Feng ang naunang sugat ng silver moon wolf sa tiyan nito gamit ang kanyang throwing knife.

"Huh?"

Napatingin si Luo Feng dahil kahit na napakatagal na ng sugat na iyon ay hindi niya pa rin nakayanang mahiwa ang kalahati nito gamit ang kanyang buong lakas. Hindi ba ito nakakagulat? Sadyang napakahirap magdissect ng isang halimaw na walang sugat, mapapadali lang ito kung mayroon silang mga malalalim na sugat na kung saan puwede kang magsimulang maghiwa. Pero sa kasamaang palad, hindi pa sapat ang lakas ni Luo Feng para magdissect ng bangkay ng isang high level commander na halimaw!

"Bwisit, mukhang hindi lang ang pakikipaglaban sa halimaw na ito ang napakahirap," tumawa si Luo Feng. Matapos nito ay ginamit niya ang kanyang spiritual force sa isa niyang throwing knife.

Ang lakas ng kanyang spiritual force ay higit na mas malakas kaysa sa kanyang mga braso.

"PUCHI!" Humiwa ang lumulutang na kutsilyo kung nasaan ang sugat. Matapos nito ay maririnig ang isang "CHI" "CHI" na tunog habang unti-unting bumubukas ang sugat ng halimaw na ito.

"Bakit ako napapagod ng ganito kahit na gumagamit na ako ng spiritual force para hiwain ang halimaw na ito?" tinanong ni Luo Feng sa sarili niya. Kasabay ng pagtibok ng kanyang puso ay ang pagtagos ng kinokontrol niyang throwing knife sa napakagandang balahibo ng halimaw na iyon. Nakita niya na may kaunting bali ang likod ng patay na silver moon wolf pero walang anumang sugat ang makikita sa mga balahibo nito.

Nagulat ng husto si Luo Feng sa nakita niya "Grabe talaga."

"Sadyang sinuwerte lang talaga ako ngayon," Walang nagawa si Luo Feng kundi mapahinga ng malalim, "Umabot ang bilis nito sa speed of sound bukod sa napakalakas nitong pangangatawan. Maging ang balahibo nito ay napakatigas, ang tiyansa kong manalo kung wala itong sugat ay nasa 20% o 30% lang!" At kung lalabanan man niya ito nang wala itong sugat o sakit, ang mga parte na kaya niya lang tamaan dito ay ang mga mata, tainga, ilong at ibang mga marurupok na bahagi ng balat nito.

Pero napakabilis ng silver moon wolf para matamaan niya ang mga parteng ito kaya napakababa ng tiyansang manalo siya rito. Ang 20% hanggang 30% na tiyansa ng pagkapanalo ay maganda na.

"HUA-LA!"

"HUA-LA!"

Mabilis na dinissect ni Luo Feng ang katawan ng silver moon wolf. Una ay binalatan niya ang misteryoso at napakamahal na balahibo nito. Matapos nito ay pinutol niya ang napakatigas na claws nito. Ang mga claws nito ay isa sa mga kinakailangang materyales sa paggawa ng mga high grade ke-luo alloys kaya napakamahal ng presyo ng mga ito. Maliban sa mga ito ay nariyan din ang napakatigas nitong bungo, mga pangil at ang napakaespesyal nitong mga mata.

Kung may halaga ang isang parte, tinanggal ito ni Luo Feng at inilagay sa kanyang bag.

Marami sa mga espesyal na imbensiyon ng mga tao ay gawa sa mga materyales na nanggaling sa iba't ibang halimaw.

"Nakuha ko na lahat."

Huminga ng malalim si Luo Feng. Ang natira na lang sa silver moon wolf na kanyang napatay ay ang malaking bangkay nito. Ibinalik na ni Luo Feng ang kanyang throwing knives sa dating pinaglalagyan ng mga ito sa kanyang hita at napabuntong-hininga. Marami ang nagamit niyang spiritual force sa pagpatay sa silver moon wolf na ito, pero mas marami ng 10 beses naman ang ginamit niya sa pagdidissect ng bangkay nito!

"Ayos lang iyan, malaki naman ang halaga ng mga ito."

"Sa oras na ito ay magkakaroon na rin ako ng maraming pera," napangiti si Luo Feng. Hinahati ng mga miyembro ng Fire Hammer Squad ang kanilang kinita base sa kontribusyon ng bawat miyembro nito sa pagpatay sa halimaw na iyon. At kahit na gaano ka pa kalakas kung hindi ka naman tumulong ay walang maibibigay sa iyo na kahit piso ang isang fighter squad.

At mag-isang pinatay ni Luo Feng ang silver moon wolf na ito.

Kaya walang duda na makakatanggap si Luo Feng ng napakaraming pera.

"Magkakaroon ako ng malaking problema kung mayroong makakakita sa akin na nakatayo sa tabi ng bangkay ng isang silver moon wolf na gaya nito," tumawa na lang si Luo Feng, "Kahit ang isang advanced warlord ay hindi kayang sugatan ng ganitong katindi ang isang silver moon wolf. Kaya ang duda ko ay nakaengkwentro ito ng isang wargod level fighter. At mayroon din itong tracking signal na nakakabit sa mga balahibo nito kaya buti na lang ay natanggal ko agad ito." Iniiwasan ni Luo Feng na magkaroon ng kaaway na kayang sumugat ng ganitong katindi sa isang silver moon wolf.

Kaya tumakbo siya!

Mabilis na umalis si Luo Feng sa nadissect na bangkay ng silver moon wolf.

Sa ilalim ng madilim na gabi ay maingat na umabante ang Tiger Fang Squad papunta sa teritoryo ng mga halimaw sa loob ng city.

"Bwisit, hindi talaga tumitigil ang hunter na iyon sa pagtakbo sa loob ng country level city na ito! At dahil isa itong commander level monster ay walang kahit sinong halimaw dito ang magtatangkang galitin iyon. Pero kinakailangan pa rin natin na umabante ng ganitong kabagal…." napamura ang isang matipuno at kalbong lalaki na naglalakad sa tabi ni Zhang Ze Hu, "Sinisiguro ko na iihawin at kakainin ko ang karne ng halimaw na iyon matapos natin itong patayin. Hindi ako matitinag hangga't hindi ko nakakain ang karne ng halimaw na iyon."

Napangiti at tumawa naman si Zhang Ze Hu sa kanyang tabi, "Huwag kang mag-alala dahil nasa hunter pa rin ang tracking signal natin kaya mahahabol natin ito saan man ito magpunta."

"Nasaan na ang hunter?" Tinanong ng captain ng Tiger Fang Squad sa mga kamiyembro niya.

"Nasa 13 milya ang layo po ng hunter sa atin captain pero hindi na po ito gumagalaw. Baka nagpapahinga na po ang hunter sa lugar na iyon," tumawa si "Dong Zi" na gumagamit ng heated weapons, habang hawak ang kanyang tracking device.

Sa mga oras na ito ay nagbunyi ang mga miyembro ng Tiger Fang Squad.

"Hindi na siya gumagalaw?"

"Nagpapahinga? Hahaha."

Ang ikinatatakot nila ay baka matakasan sila ng 'silver moon wolf'. Tumatawang sinabi ni Zhang Ze Hu na, "Mukhang nakakita ang silver moon wolf na iyon ng pagtataguan para magpagaling. Mukhang hindi niya yata alam ang tunay nating lakas."

"Go! Hindi na natin puwedeng palampasin ang pagkakataong ito. 13 milya lang ang layo ng hunter na iyon mula rito kaya mabilis tayong makakarating doon," mahinang sinabi ng captain ng Tiger Fang Squad habang kumikislap ang kanyang mga mata "Bilisan niyong lahat! Baka mapapatay na natin ang halimaw na iyon sa pagkakataong ito."

Mabilis na umabante ang Tiger Fang Squad papunta sa posisyon ng hunter.

Kahit na napakaraming halimaw ang nakakalat sa buong city, ang isang fighter squad ay kayang umabante ng 13 miles sa loob lang ng kalahating oras kung mamadaliin nila ito.

Matapos ang humigit-kumulang 40 minuto.

"Nasa harapan na natin ang pinagpapahingahan ng silver moon wolf, magingat kayong lahat," Kumaway ang captain ng Tiger Fang Squad at nahati ang anim na miyembro ng kanilang squad sa dalawang grupo. Matapos nito ay umabante ang dalawang grupo sa magkabilang direksyon. Dahan-dahan nilang pinalibutan ang puwestong sinasabi ng device kung saan nagpapahinga ang hinahabol nilang silver moon wolf. Walang sinuman sa kanila ang nagtangkang magsalita sa mga oras na iyon.

Ang isang silver moon wolf ay napakasensitive.

Isang hakbang, dalawang hakbang, tatlong hakbang...

Napakaingat na gumalaw ang bawat miyembro ng Fire Hammer Squad.

"GO!" Ikinaway ng captain ng Tiger Fang Squad ang kanyang kamay na agad namang nakita ng kabilang grupo na kasabay nilang umaabante papunta sa puwesto ng halimaw.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Mabilis na tumakbo ang dalawang grupo papunta sa isang alley galing sa magkabilang direksyon, Isang grupo ang papasok sa unahan at isang grupo ang papasok sa likurang bahagi ng eskinita. Mayroon silang layo na 100 meters mula sa spot na pinapakita sa kanilang tracking device. Tiningnan ng anim na miyembro ang spot kung saan naroon ang hunter pero hindi nila ito nakita, ang tanging bagay na napansin nila ay ang… kaunting amoy ng dugo sa eskinitang iyon.

"Huh?" Agad na nangiba ang itsura ng captain ng Tiger Fang Squad.

"Patay!"

Lahat ng miyembro ay mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ng tracker papunta sa isang bangkay. Makikita sa tabi ng bangkay na ito ang iilang balahibo nito na kulay silver!

"Buwisit!" napamura si Zhang Ze Hu habang sinasabunutan ang sarili niyang buhok, "May nagnakaw sa hunter natin!"

Alam ni Luo Feng na nag-iiwan ang mga fighter squads ng mga tracking device sa mga nasusugatan nilang halimaw. At dahil malubhang nasugatan ang silver moon wolf na iyon ay malaki rin ang tiyansang mayroon itong nakakabit na tracking device sa katawan nito. Kaya mabilis niya itong hinanap gamit ang kanyang spiritual force at tinanggal ito.

"Hayop!" nagngitngit ang ngipin ng captain ng Tiger Fang Squad habang hindi maipinta ang itsurang makikita sa mukha nito.

"Ang lahat na ito para lang sa wala!" Bumagsak din ang mukha ng matandang lalaki na bulag sa isang mata.

"Dalian niyo!" kumislap ang isang nakakatakot na ilaw sa mga mata ng kapitan ng Tiger Fang Squad habang naguutos na, "Nagtangka silang nakawin ang pagkain ng isang tigre. Hinahanap nila ang kanilang katapusan sa pagnanakaw nila ng mga bagay na hindi naman sa kanila! Sigurado ako na ang fighter squad na nagnakaw nito sa atin ay pabalik na sa resupply base para mailigtas nila ang sarili nila! Kaya…. tara na at bumalik na tayo sa resupply base ngayon na! Kapag naabutan natin kung sino man iyon ay kukunin natin ang dapat na sa atin!"

"Opo captain!" agad na sumunod ang limang miyembro ng Tiger Fang Squad.

"Tara na!" kakilakilabot na ikinaway ng captain ng Tiger Fang Squad ang kanyang kamay na agad sinunod ng mga galit na galit na miyembro ng Tiger Fang squad. Sinundan nila ang kanilang captain pabalik sa resupply base.

avataravatar
Next chapter