webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
721 Chs

Chapter 698

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong dumami at naging sampo ang bilang ng halimaw. Mukhang tatalunan pa siya ng mga ito mula sa itaas.

Gamit ang nasabing Sword Needle niya ay naging sampo muli ang bilang ng mga ito at mabilis na pinasugod sa halimaw. 

BANG! BANG! BANG!

Tatlo lamang ang natamaan ni Wong Ming at sumabog ang katawan ng mga ito.

Hindi nagpatinag si Wong Ming sa presensya ng halimaw. ramdam niya ang lakas ng uri ng demonyo na ito maging ang blood essences nito ay napakasagana.

GRRRR!!! GRRRR!!!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang angil ng mga halimaw. Mukhang hindi siya lulubayan ng halimaw. 

Sa pagkakataong ito ay alam ni Wong Ming na totoong demonyo na ang kalaban niya. At hindi siya nito bubuhayin hangga't nabubuhay pa ang kalaban nito.

Muling sumugod ang nasabing mga halimaw habang kitang-kita na maliliksi talaga ang mga ito. Nalito si Wong Ming kung sino sa pitong halimaw na ito ang tunay na demonyo. 

Ngayon pa lamang siya naka-engkwentro ng isang totoong demonyo at kalabanin ito. Hindi niya pa gamay ang ganitong klaseng labanan.

Gamit ang mga natutunan niya ay nag-focus na lamang siya kung paano'ng papaslangin ang mga clones ng nasabing kalaban niya.

SHHHHHH!

Isang kakaibang senaryo ang biglang nasaksihan ni Wong Ming dahil bigla na lamang tumayo ang gumagapang na halimaw at may binunot ang mga ito sa mga braso nila.

Kakaibang mga bagay na gawa sa buto ng halimaw ang nakita niya. Hindi niya aakalaing may ganito pala ang halimaw na ito. Gamit ang sampong Sword Needles ay pinasugod niya ito gamit ang mga enerhiya niya. 

TING! TING! TING!

kitang-kita ni Wong Ming kung paanong tumalsik ang mga sword needles niya ng ilang metro.

Hindi makapaniwala si Wong Ming.

Ang mas ikinabigla niya ay may isang nilalang na gusto siyang hawakan. 

"Hindi maaari ito----- Shrriiieekkkk!!!" Napakatinis na hiyaw ng nasabing pulang demonyo habang makikitang galit na galit itong nakatingin kay Wong Ming.

BANG!!!!!

Nahati sa dalawa ang katawan ng halimaw na demonyo at Sumabog ito bigla dahilan upang lumayo siya rito.

Mabuti na lamang at hindi naging pabaya si Wong Ming at nagawa niyang buuin ang Sword Needle niya sa isang iglap lamang. 

Isang pagkakamali ng halimaw na binigyan siya nito ng ideya kung paano ito paslangin sa pamamagitan ng likurang bahagi ng katawan nito.

Ang ibang clones nito ay bigla na lamang natunaw at natirang buo na lamang ay ang orihinal na katawan ng halimaw.

Isang Demon Race ang halimaw na ito at Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang lumabas sa dambuhalang katawan ng halimaw.

Dito niya napag-alaman na isang kakaibang domain ito ng halimaw na nagsisilbi nitong tirahan. 

Biglang nag-vibrate ang mahabang Sword Needle na hawak niya at pumunta sa loob ng nasabing dambuhalang katawan ng halimaw na humigop sa kaniya. 

Napagdesisyunan niyang umalis na muna sa consciousness niya at nakita na lamang niya ang sarili niyang nasa loob pa rin ng Old Amity Farm.

Kitang-kita niya ang bangkay ng Crowned Prince na wala ng buhay at tila mabilis na nabubulok ang kabuuang katawan nito, indikasyon na isa itong Evil cultivator.

Pero sa tingin ni Wong Ming ay biktima lamang ang nasabing prinsipe ng isang demon race na iyon.

Sa lahat ng prinsipe kasi ay sakitin ang nasabing prinsipe bago ito maging Crowned Prince. Ngunit paanong natagpuan ito ng nasabing demon race na iyon na sobrang kakaiba at napakalakas.

Sigurado siyang mayroon siyang nalagpasan na mga impormasyon na maaaring naging dahilan kung bakit naging malakas ngunit napakasama ng dating Crowned Prince.

Hindi lubos maisip ni Wong Ming na ang lahat ng mga nangyayari ay tila konektado pa rin sa Dou City at sa apat na kaharian noon.

Hindi siya makapapayag na muli na namang sisiklab ang matinding delubyo sa nasabing siyudad.

Kailangan niyang lumakas at magpakatatag. Ngayon ay mas determinado na siyang maging isang inner disciple.

Ipinagpatuloy ni Wong Ming ang paglalakbay niya. Mabuti na lamang at mukhang hindi pa nakabalik ang nasabing halimaw na iyon. 

Mabilis niyang sinuyod ang direksyon kung saan ay pabalik na siya sa direksyong dinaanan niya. Naisip niyang balikan ang nasabing kuta niya dahil iba ang pakiramdam niya sa mga oras na ito.

Nagsimula na kasing lumubog ang araw at lilitaw ang isang Blood Moon. 

Masasabi ni Wong Ming na delikado ang ganitong klaseng buwan dahil lilitaw ang mga naglalakasang mga Magical Beasts at magiging magulo ang gabing darating maya-maya lamang.

...

Halos papagabi na nang marating ni Wong Ming ang sarili nitong kuta na ginawa. Maya-maya lamang kasi ay mukhang may mangyayari na hindi kaaya-aya.

Natanaw niya sa hindi kalayuan ang isang pamilyar na pigura. Kung hindi siya nagkakamali ay kilalang-kilala niya ito. Walang iba kundi si Prince Xing.

"Magandang gabi Prince Xing!" Pagbati ni Wong Ming sa palakaibigan nitong tono ng boses.

"O ikaw pala Little Devil. Magandang gabi din sa'yo. Hindi ko aakalaing sakto ang dating mo. May dala pa naman akong pagkain mula sa paglalakbay ko. Naluto ko na hahaha." Natatawang saad naman ni Prince Xing. Halatang wala itong kamuwang-muwang.

Naging normal na gabi lamang ito ngunit napakain ng marami si Wong Ming dahil napakasarap ng niluto ni Prince Xing. Isang dambuhalang baboy ramo na kung tawagin ay Earthly Giant Boar na Level 6 Beast ang panghapunan nila.

Puro kalokohan na lamang ang napag-usapan nila at maya-maya pa ay napatahimik na lamang sila habang nakasampa sila sa isang bahagi ng haligi ng lupang tila maze. 

Naisaayos na ito ni Wong Ming at sa gabing ito ay hindi sila magagambala. Isa pa ay imposibleng atakehin sila rito dahil sigurado silang nasa kabilang parte ng Kagubatan ang maaaring mabulabog.

Maya-maya pa ay tanaw na tanaw ni Wong Ming at ni Prince Xing ang dambuhalang paglitaw ng isang kulay pulang buwan.

Biglang namayani ang nakakabinging katahimikan kasabay nito ay ang paglitaw ng mga dambuhalang magical beasts sa kalupaan lalo na sa himpapawid.

SHRRIIIIEEEKKKKK! SHRRIIIIEEEKKKKK! SHRRIIIIEEEKKKKK!

GROOOOOWWWLLLLL! GROOOOOWWWLLLLL! GROOOOOWWWLLLLL!

Biglang umingay ang paligid habang nagkaroon ng malalakas na hangin.

Sigurado si Wong Ming na hindi magiging tahimik ang buong gabing ito.

Kasabay nito ang kakaibang enerhiyang lumaganap sa buong kapaligiran. Napakalakas at tila nagsusumigaw ng pagiging dominante. 

Ramdam ni Wong Ming iyon maging ni Prince Xing.

Mula sa di kalayuan ay tanaw nila pareho ang pigura ng dalawang dambuhalang halimaw sa magkabilang direksyon. Napakalayo ngunit sa laki ng mga ito ay tanaw nila ang kaanyuan ng mga ito.

Alam ni Wong Ming na ito ang dalawang pinakamalakas na Magical Beasts sa loob ng Old Amity Farm. 

Ang Millennium Four-Armed Ape at ang Colossal Millennium Bear.

Mortal na magkaaway ang dalawang halimaw na ito at halos magkasinglakas lamang ang mga ito kung tutuusin dahil palaging nababalita ang madalas na paglalaban ng dalawang napakalakas na Magical Beasts na ito tuwing sumasapit ang Blood Moon.

Wala pa ring nakakaalam kung bakit nangyayari ito. Matagal na kasing nangyayari ito at siguradong hindi pangkaraniwan ang maiiwang bakas ng mga ito sa paglalaban.

Inisip ni Wong Ming na manood ng laban ng dalawang dambuhalang halimaw na ito. Sigurado siyang mayroon siyang makukuhang impormasyon.

Sa hindi kalayuan ay kitang-kita ang nagpupulahang mga mata ng dalawang dambuhalang halimaw. 

Kasabay nito ang tila mumunting pag-uga ng lupa. Hindi alam ni Wong Ming kung gaano kalakas ang dambuhalang halimaw na ito ngunit sa palagay niya ay mga Level 9 Beasts na ang mga ito. Hindi alam ni Wong Ming kung paano niya magagawang harapin ang kahit isa sa mga ito dahil baka isang pitik lamang siya ng mga ito ay baka mabura ang existence niya.

Maya-maya pa ay nangagpang-abot na nga ang dalawang napakalakas na Magical Beasts.

Pakiramdam ni Wong Ming ay tila nanonood siya ng hindi makapaniwalang nag-eexist na mga Halimaw. Ramdam niya ang galit at pagkamuhing nararamdaman ng nasabing naglalabang mga halimaw.

GROOOOOWWWLLLL! GROOOOOWWWLLLLL!

Kapwa nagpapakawala ng mga malalakas na atungal ang Millennium Four-Armed Ape at Colossal Millennium Bear.

BANG! BANG! BANG!

Kapwa nagpapalitan ng mga atake ang mga ito at nagsasagpangan. Ramdam ni Wong Ming na walang gustong magpatalo sa mga ito sa pagiging dominante. 

CREEEAAKKKKKKKK!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano nasugatan ng nagtatalimang kuko ng Colossal Millennium Bear ang dibdib ng Millennium Four-Armed Ape.

GROOOOOWWWLLLLL!!!!!

Gamit ang buntot ng Millennium Four-Armed Ape ay hinampas niya ng napakalakas ang Colossal Millennium Bear dahilan upang tumalsik ito sa hindi kalayuan.

Halatang hindi ito magpapatalo sa kahit na sino pa man. Isa sa maituturing na malakas na katangian ng Millennium Four-Armed Ape ang mahaba nitong buntot na kayang puminsala ng sinuman.