webnovel

Chapter 699

Habang naglalaban ang Millennium Four-Armed Ape at ang Colossal Millennium Bear ay tila may napansin siya sa hindi kalayuan. 

Mayroong apat na nilalang na nakasuot ng itim na cloak ang tila nakalutang sa ere. 

Hindi maipagkakaila ni Wong Ming na nakaya ng mga itong ikubli ang mga sarili ng mga ito sa panganib ng kapaligiran.

Ngunit wala itong epekto sa Demon Eye na abilidad ng transformation skill niya. Malaya niyang napapansin na tila may gagawin ang mga ito na hindi niya mawari kung ano.

Sigurado siyang hindi nagkataon ang pagkubli ng mga ito. Para kasing katulad niya ay nanonood rin ang mga ito. Ang kaibahan lamang ay mukhang may gagawin ang mga itong hindi kaaya-aya laban sa naglalabang mga halimaw.

Hindi nga siya nagkakamali nang mapansin nito ang pagsagawa ng mga ito ng palihim ng isang formation skill.

Formation Skill: Giant Demon Claws!

Mula sa kailaliman ng lupa ay biglang lumitaw ang kulay itim na mga kamay ng hindi mawaring nilalang. 

Isa... Dalawa hanggang sa limang naglalakihang matatalim na mga kamay ang humawak sa mga kamay, binti maging sa buntot ng Millennium Four-Armed Ape. 

GRRR!!! GROOOOOWWWLLLLL! GROOOOOWWWLLLLL!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang hiyaw ng dambuhalang halimaw na unggoy. Masasabi ni Wong Ming na malakas ang pagkakahawak ng nasabing mga dambuhalang kamay na iyon sa haliaw dahilan upang magpumiglas ito.

TICK! TICK! TICK!

Tila palakas ng palakas ang marahas na pagpupumiglas ng Millennium Four-Armed Ape mula sa mga kamay na tila galing sa ilalim ng lupang kinaroroonan nito.

Wala itong kaide-ideya na pinagtutulungan na pala ito ng mga nilalang na sa tingin ni Wong Ming ay hindi gagawa ng mabuti.

GRROOOOOAAAARRRR!!!!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano'ng sumugod ang Colossal Millennium Bear sa tila nakagapos na mortal nitong kaaway na Millennium Four-Armed Ape. 

TAH! TAH! TAH!

Maririnig at mariing nakita ni Wong Ming kung paano umatake ng walang pag-aalinlangan ang dambuhalang Millennium Four-Armed Ape. 

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong mabilis na nagkasugat-sugat ang katawan ng nasabing halimaw na unggoy. Hindi nito naprotektahan man lamang ang sarili sa mabangis nitong kaaway.

GROOOOOWWWLLLLL! GROOOOOWWWLLLLL!

Dahil hindi ito nakakagalaw ang Millennium Four-Armed Ape ay kitang-kita ni Wong Ming kung paanong lumagos ang dalawang naglalakihang mga kamay ng nasabing halimaw na oso. 

Halos hindi na maipinta ang mukha ng nasabing halimaw at ang katawan nito ay sa isang iglap ay pinanggugutay-gutay na ng Colossal Millennium Bear.

Nasilayan ni Wong Ming ang nakakalokong ngiti ng apat na nilalang na nakasuot ng itim na mga cloak.

Ilang minuto ang nakalilipas ay bigla na lamang nagpakita ang pigura ng apat na nilalang kasabay nito ay tila takot na takot ang Colossal Millennium Bear sa existence ng mga ito.

Napagtanto ni Wong Ming na mukhang natakot ang Colossal Millennium Bear sa ideyang meron itong nararamdaman na matinding panganib kaya nilisan nito ang nasabing lugar.

Hindi makapaniwala si Wong Ming sa nasaksihan. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay nang obserbahan niya ang mga ito at kinuha ng mga ito ang magical core nang nasabing halimaw na dambuhalang unggoy.

Mabilis na napansin ni Wong Ming ang pagtingin ng isang miyembro ng nakaitim na cloak sa direksyon niya.

Bago pa siya mabuko ay nilisan niya kaagad ang lugar na ito.

Ramdam njya kasi ang kakaibang kilabot at kakayahan ng apat na nilalang na ito.

Sa tingin nga niya ay hindi pangkaraniwan ang mga ito lalo pa't ang pinagtutulungan nilang nilalang ay kahit siya ay mahihirapang kalabanin ang nasabing mga halimaw.

...

Pasikat na ang araw nang magising si Wong Ming. Halatang hindi ito nakatulog kagabi dahilan sa kakatwang pangyayaring nasaksihan niya kagabi.

Kasama si Prince Xing ay nilisan na nila ang lugar na ito. 

Tahimik na binabaybay ni Wong Ming ang kasukalan ng kagubatan nang biglang may napansin siya na nakasabit na mga karatula ng mapa sa iba't-ibang mga puno rito.

"Mukhang maagang pinatapos ng Flaming Sun Guild ang nasabing Annual Harvest Month. Bakit kaya?" Nagtatakang tanong ni Prince Xing habang nakasunod ito sa likod ni Wong Ming.

"Mukhang may nangyaring di kaaya-aya." Simpleng sagot na lamang ni Wong Ming lalo pa't maging siya ay wala ring kaalam-alam sa mga nangyayari.

Ipinagkibit-balikat na lamang ni Prince Xing ang mga katanungang naiisip niya. Akala niya ay isang buwan pa ang durasyon ng pananatili nila sa Old Amity Farm ngunit sobrang napaaga ang paglisan nila sa kasukalang lugar na ito.

Makalipas ang kalahating minuto ay narating nila ang paanan ng bundok kung saan ay mayroong nagkakagulong mga estudyante.

Hindi alam ni Wong Ming kung ano ngunit sa palagay niya ay mayroon talagang hindi kaaya-aya na nangyari kagabi.

Nang medyo nakalapit na sila ay doon na napagtanto ni Wong Ming ang pamilyar na pigura ng isang dambuhalang halimaw.

Kitang-kita niya kung paano'ng napasinghap at hindi makapaniwala ang mga naririto sa kanilang nakikita. 

Pero totoo ang lahat ng ito.

"Sino kaya ang may gawa nito?!" 

"Kung alam lang namin ay kanina pa sana kami umalis. Malamang ay pinagtulungan iyan."

"Kahit pagtulungan pa natin yan ay siguradong hindi natin mapapaslang ang ganitong kalakas at katibay na magical beast na ito!"

"Tama ka. Sa tingin ko ay mukhang alam ko na kung sino ang may gawa nito!"

"Alam ko yang naiisip niyo. Ang mga East Courtyard Disciples lang naman ang may kakayang gumawa ng bagay na ito!"

"Tama, mga halang ang bituka ng mga yan!"

Ngunit biglang nanahimik ang lahat ng narinig nila ang madaming bilang ng mga estudyanteng nakalutang sa ere habang sakay ng mga magical tools ng mga ito.

Halong pagkamangha at inggit ang nararamdaman ng lahat ng naririto. 

Nakasuot ang mga ito ng kulay dilaw na roba ng tila nagbabagang araw na disenyo. Kita sa mga mukha ng mga ito ang pagiging dominante at mapanghamak na mga tingin sa mga ibang mga courtyard disciples.

Kahit si Wong Ming ay naiirita sa pagmumukha ng mga ito ngunit kailangan niyang mag-ingat. Iba pa rin kapag marami ang bilang ng mga pinagsama-samang courtyards.

Mula sa itaas ay napansin ng lahat ang pagsinghap ng isang magandang dalaga na kabilang sa East Courtyard.

"Ano yan? Sino ang nakapaslang sa dambuhalang halimaw na yan. Hindi ba't isang Level 9 Beast yan?!" Sambit ng nasabing dalaga.

"Malamang hindi sila yan. Sa tingin mo ba ay mapapaslang nila ang ganyang kalakas na halimaw?! Hahaha...!" Mapanghamak na sagot naman ng lalaking ka-courtyard nito.

"Tinatanong ka ba ha?! Malay mo, alangan namang tayo eh wala tayong ginagawa rito." Sambit ng isang babaeng may dala-dalang payong habang ang buhok nito ay napakahabang kulay itim.

"Kaya nga. Sigurado akong may malalakas na mga disipulo na tumapos sa halimaw na iyan."

"Sinabi mo pa. Wala tayong kakayahan upang paslangin ang halimaw na yan. Mukhang pinakinabangan pa nito ang magical core ng Level 9 Beast!"

"Narinig ko ang balita patungkol sa pagkaubos ng grupo ng isang courtyard dito at mukhang ang halimaw na ito ang dahilan."

"Mabuti na lamang at napaslang ng nilalang na iyon ang Level 9 Beast na ito kung hindi ay baka marami pa itong napinsala!" 

Sunod-sunod na wika ng mga East Courtyard Disciples. 

Makikitang nagpatango-tango naman ang mga disipulo ng iba't-ibang courtyard at nadala sa mga sinabi ng mga East Courtyard Disciples.

Ngunit iba ang naiisip ni Wong Ming sa mga oras na ito...

Kilala ni Wong Ming ang mga nilalang na ito na nabibilang sa East Courtyard ng Flaming Sun Guild. Kung di siya nagkakamali ay ito ang mga nangungunang mga disipulo ng East Courtyard. 

Ramdam niyang may pinagtatakpan ang mga ito sa mga ginawa nila noong nakaraang mga araw. Imposibleng halimaw ang may gawa ng mga pagpaslang sa mga disipulo ng iba't-ibang courtyards. Iyon ang nasisiguro niya lalo pa't nasuri niya ang natamong sugat ng mga kapwa niya disipulo.

Iyon lamang ay wala siyang mga mahahalagang ebidensya upang idiin ang mga ito liban sa mga bangkay ng mga yumaong disipulo.

Next chapter