webnovel

Chapter 697

Kitang-kita ni Wong Ming kung gaano kalawak ang nasabing tiyan ng halimaw. Napansin niyang maraming nakapulupot na mga pulang mga malasinulid na bagay na nakakonekta sa katawan niya at sa katawan ng halimaw na ito.

Naka-angat ang katawan niya sa ere habang nakikita niya ang isa pang katawan ng tila isang taong pamilyar sa kaniya na halos kaharap niya lamang.

"Ang dating Crowned Prince ng Sky Flame Kingdom?!" 

Iyon ang napansin niya kaagad lalo pa't hindi niya aakalaing makikita niya ang mortal na katawan ng mortal niyang kaaway rito.

Kitang-kita niya kung paanong buto't-balat na ito at tila sinisipsip ng nasabing mga pulang ugat ang sustansya ng katawan nito.

Nakatingin ito ng blangko kay Wong Ming at napansin ni Wong Ming na tila umiiyak ito dahil lumandas ang mga luha sa mga mata nito.

Mukhang kanina pa ito gising pero hindi man lang nagsasalita.

Bakas ang trauma sa mga mata nito at sa nanginginig nitong labi.

"C-crowned Prince?!" Tila nauutal na saad ni Wong Ming habang kitang-kita na tila ibang-iba ito sa inaasahan ni Wong Ming. Masyado siyang nagimbal sa kaniyang natuklasan.

Sa halip na tingnan si Wong Ming ay tila nagpalinga-linga pa ito.

Doon lamang napansin ni Wong Ming na bulag na pala ang nasabing dating Crowned Prince. Isa iyong malaking katanungan kay Wong Ming.

"S-sino ka? A-anong ginagawa mo rito?!" Matamlay na saad ng dating Crowned Prince ng Sky Flame Kingdom.

"Ako si Little Devil. Ang pinahirapan mo noon at nagbalik ka upang paslangin ako!" Sambit ni Wong Ming habang makikitang pilit niyang nilalabanan ang labis na galit sa kaniyang sariling puso.

"Sino'ng Little Devil ang tinutukoy mo? Hindi ko kilala iyon. Mukhang nagkamali ka ng pinagbibintangan." Seryosong sagot naman ng dating Crowned Prince na nagpapalinga-linga pa ito. Magkapantay lamang sila ni Wong Ming ngunit mukhang nag-eecho ang bawat tunog sa loob ng tiyan ng halimaw na ito.

Dito na nakaramdam ng ibayong panganib si Wong Ming. Ramdam niya ang sinseridad sa boses ng kausap niya ngayon.

"Ilang taon ka na bang nandito Crowned Prince?! Talagang di mo ba ko natandaan man lang?!" Paninigurong tanong ni Wong Ming sa bulag na Crowned Prince.

Hindi siya tanga upang hindi magtanong. Ni wala man lang itong napansin na kung ano at ni hindi man lang siya nakilala. Ano yun, nakalimutan siya kaagad?! 

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay may ibinigay sa akin ang kapatid ko. Ininom ko naman iyon sapagkat may tiwala akong lalakas kaagad ako ayon sa kaniya. Hindi ko aakalaing iyon din ang magbibigay daan upang makulong ako sa loob ng tiyan ng halimaw na ito. Napakalaki kong tanga!" Puno ng pait na saad ng Crowned Prince na tila nagsisisi.

"Kung gayon ay ano ang huling bagay na naalala mo nang mangyari na makulong ka dito?!" 

"Tandang-tanda ko pa iyon sapagkat iyon ang araw ng pag-alis ng kapatid kong prinsipe. Kung tama ako ng pagkakaalala ay iyon din ang araw ng pag-uumpisa ng Martial Talent Trial at araw din iyon ng paglilihim ng pamunuan ng Sky Flame Kingdom patungkol sa kalagayan ng hari. Matagal ng maysakit ang amang hari at walang alam na lunas ang kaharian maging ang mga karatig-kaharian dito ay di din alam sapagkat malaking kaguluhan iyon. Nang sabihin mong kilala mo ako ay mukhang nagkakamali ka. Kahit kailan ay di ko natandaan na may ginawa akong kamalian." Sambit ng bulag na Crowned Prince habang nanginginig ang boses nito. 

Ramdam kasi nito ang tinatagong galit sa kausap niya. Paano pa't naging prinsipe siya kung hindi man lang niya matukoy ang emosyon ng kumakausap sa kaniya.

"Paano mo mapapatunayan iyon Crowned Prince? Ibang-iba ka sa nakilala namin. Walang bakas ng pagkakaiba sa inyo liban lamang sa mga mata mo?!" Halos manindig ang balahibo ni Wong Ming sa kaniyang sariling natuklasan. Ang mga mata ng Crowned Prince ay kakaiba. Masyadong mayroong kakaibang pwersang nagmumula rito.

"Akala ko ba ay hindi mo napansin iyon. Tama nga, ipinanganak akong may asul na mga mata. Minana ko pa ang matang ito sa kanunu-nunuan namin. Nang sumapit ang ika-labing anim na taong gulang ay mawawalan na ko ng abilidad na magcultivate pa dahil sa mga matang ito. Isang sumpa ito na sa dami naming magkakapatid ay ako pa ang nakamana nito kaya nga noong binigyan ako ng bagay na makakapagpagaling sa aking kondisyon ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na tinanggap iyon" Lumuluhang wika ng Crowned Prince. Medyo desperado na siya noong mga oras na iyon. Kaya nga hanggang sa kasalukuyan ay nagdurusa pa ito.

"Matanong ko lang, sino'ng kapatid ang tinutukoy mo? Wag mong sabihing ang kasalukuyang namumuno ngayon sa Sky Sword Pavilion ang siyang tunay na salarin ng lahat ng kamalasan ng Sky Flame Kingdom?!" Panghuhula ni Wong Ming habang kitang-kita na tila kinakabahan na siya.

"Bakit? Sino ba ang namumuno sa Sky Sword Pavilion?!" Tanong naman ng dating Crowned Prince habang makikitang interesado ito.

"Sino pa nga ba, edi ang pinuno ng hukbong sandatahan noon ng Sky Flame Kingdom, si Prince Nianzu!" Sagot naman ni Wong habang makikitang pinagtutuunan niya ng pansin ang magiging reaksyon ng prinsipe.

Biglang napatahimik ang dating Crowned Prince at kitang-kita kung paano'ng lumandas muli ang mga luha nito sa mga mata nito.

Maya-maya lamang ay nagsalita itong muli.

"Hindi ko siya dapat pinagkatiwalaan. Anak siya ng amang hari sa isang babaeng mula sa angkan ng masasamang demonic cultivator. Noong una ay hindi ako naniniwala ngunit ngayon ay alam kong hinintay niya ang pagkakataong ito upang pabagsakin ang kaharian at palakasin ito na naaayon sa plano nila." Puno ng pagsisising wika ng dating Crowned Prince.

"Kung gayon ay miyembro pala talaga ng Red Skull Alliance ang nasabing Prince Nianzu na iyon tama ba ko?!" Direktang sambit ni Wong Ming na animo'y napagdugtong-dugtong niya na ang lahat.

"Oo. Ang tanga ko upang maniwala sa kaniya. Malaking pagkakamali na kinupkop siya ng Amang hari maging ng pagtanggap namin sa kaniya sa kaharian. Sigurado akong delubyo ang aabutin ng lahat ng nasa Dou City!" Sambit ng dating Crowned Prince hanggang sa kitang-kita ni Wong Ming kung paano'ng nabutas bigla ang kaliwang dibdib nito dahil sa nakatarak na malaking patulis na bagay sa bahaging iyon.

Doon napansin ni Wong Ming ang kakaibang uri ng nilalang na gumagapang sa ere. 

Kahit siya ay nagulat sa bilis ng presensyang iyon. 

Isang demonyo!

Iyon ang masasabi ni Wong Ming. Ramdam ni Wong Ming ang kusang pagreact ng demonic essences ng katawan niya. Masasabi niyang totoong demon race ang nasa hindi kalayuan mula sa pwesto niya.

Ang kaibahan lamang ay maliksi itong gumagapang at mukhang siya naman ang pupuntiryahin nito.

Napansin niyang wala ng buhay ang nasabing prinsipe at mukhang said na rin ang blood essences sa katawan nito. Mukhang tinuluyan na siya ng halimaw.

Agad na lumitaw ang Sword Needle sa kamay ni Wong Ming at mabilis niyang pinutol ang mga nakakabit sa kaniyang mga malasinulid na mga bagay sa katawan niya.

Ramdam ni Wong Ming na maihahalintulad ito sa malaking nilalang na nakalaban nito ngunit sigurado siyang hindi ito isang Fire Demon kundi iba pang uri ng Demon Race. 

PAH! PAH!

Agad na lumpag si Wong Ming sa tiyan ng halimaw at kitang-kita niya ang paggapang ng nasabing halimaw sa itaas na bahagi ng malawak na tiyan ng halimaw.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Pinaulanan si Wong Ming ng napakaraming mga kulay pulang mga spikes ng halimaw na agad namang iniwasan ni Wong Ming ang mga paunang atake ng halimaw.

Maya-maya lamang ay bigla na lamang itong lumapag sa ibabang bahagi ng tiyan at tumayo.

Nagulat si Wong Ming sa kaniyang nakita at sa pagkakataong ito ay mukhang magugulat pa siyang muli.

"Mukhang palaban ka binata. At nadaldal na sa'yo ang patungkol kay Prince Nianzu, kaya kailangan mo ng patahimikin bago ka pa humadlang sa mga pinaplano namin!" Sambit ng kulay pulang nilalang habang nakangising demonyo pa ito. 

Nangilabot naman si Wong Ming dahil sa pagkakataong ito ay mukhang mapapalaban siya ng malala sa halimaw na ito.

Next chapter