webnovel

SHORT STORIES (PILIPINO VERSION)

Fantasi
Sedang berlangsung · 185.5K Dilihat
  • 35 Bab
    Konten
  • peringkat
  • NO.200+
    DUKUNG
Ringkasan

Ang librong ito ay naglalaman ng iba't ibang storya ng pag-ibig at mayroon ding fiction thriller na makaaaliw sa mga babasa.

Chapter 1LOVE AT THE WRONG TIME

"Princess, ikaw ang Taya habulin mo ako!", ang Sabi ni Carlito.

"Mamaya na lang, pagod na ako eh!", ang tugon ni Princess.

"Sige na nga. Pumunta na lang tayo doon sa malaking bato at maupo tayo doon", ang anyaya ni Carlito.

Sa isang baryo sa probinsya ng Bulacan ay may dalawang bata, sila ay si Carlito at Princess na parehong pitong taong gulang ang edad.

Lagi silang magkalaro, naghahabulan, nagtatawanan. Sa kanilang mga musmos na edad ay kakikitaan sila ng kasiglahan na para bang ang kasiglahan nilang iyon ay wala ng katapusan

"Malayo na iyon Carlito, baka hanapin na ako ng inay ko", ang pagtutol ni Princess.

"Sandali lang tayo doon, panonoorin lang natin ang mga nagtatanim ng palay", Sabi ni Carlito.

At tumakbo nga ang dalawa sa lugar na kung saan ay may malaking bato at naupo sila doon upang panoorin ang mga nagtatanim ng palay.

"Alam mo Princess, kapag ikaw ang kalaro ko ay masaya ako. Kapag nagkahiwalay tayo ay malulungkot ako", ang sabi ni Carlito.

"Ako din Carlito at kahit magkalayo tayo ay hindi kita kalilimutan, kasi friend kita", tugon ni Princess.

They started as friends and became best friends. Nagsumpaan ang dalawa na Walang lilimot.

At upang gawing makatotohanan ang kanilang sumpaan, they crossed their little fingers to make their promise binding to each other.

"O ayan nagsumpaan na tayo Carlito, dapat kang tumupad at kung hindi lagot ka sa akin", ang nakatawang sabi ni Princess.

"Huwag kang magalala kahit malayo ako sa iyo ng kahit ilang milya ay hindi ako lilimot kasi best friend kita."

Subalit dumating ang sandali ng kanilang paghihiwalay ng lumipat ang pamilya ng batang lalake sa ibang bansa.

Nagpaalam si Carlito kay Princess kaya nalungkot ito at umiyak sa sinabi ni Carlito.

"Princess sa ibang bansa na kami maninirahan" ang malungkot na sabi ni Carlito..."subalit kahit doon na kami titira ay babalik ako at tandaan mo tutuparin ko ang pangako ko na hindi tayo maghihiwalay... babalik ako para sa iyo."

Hindi naitago ni Princess ang kalungkutan sa mukha nito dahil mawawalan na siya ng kalaro at alam niya matatagalan na muli silang magkikita ni Carlito.

"Mag-ingat ka doon Carlito, at huwag mong kalilimutan ang ating sumpaan ha?" ang umiiyak na sabi ni Princess.

"Oo Princess at mag-ingat ka rin, bayaan mo kapag malaki na ako babalikan kita" ang muling binitiwang pangako ni Carlito.

Bilang alaala ay ibinigay ni Carlito kay Princess ang kuwintas na may palawit na letrang 'C', na bigay kay Carlito ng kanyang ina.

"Itago mo itong kuwintas na ito Princess at tandaan mo, ito ang magiging palantandaan kung sakaling matagal tayong hindi magkikita" ang sabi ni Carlito na halata rin sa kanya ang kalungkutan sa paghihiwalay ng kalaro niyang si Princess.

"Iingatan ko ito Carlito hanggang sa iyong pagbabalik", ang pangako ni Princess.

Lungkot ang nadama ng dalawang bata. Hindi alam ni Carlito na habang papaalis ang sasakyan na magdadala sa kanila sa 'airport' ay tinatanaw sila ni Princess at ng malayo na ang kotse na sinakyan nila ay humabol si Princess.

"CARLITO HIHINTAYIN KITA!", ang sigaw ni Princess.

Sa likod ng kotse nakaupo si Carlito at ng lumingin siya ay nakita niya si Princess na humahabol kaya kumaway na lang siya..."Babalik ako Princess, pangako yan" ang bulong sa sarili ni Carlito.

Dumaan ang mga taon at ngayon ay dalaga na si Princess. Maraming mga binata ang humahanga sa kanya sa taglay nitong kagandahan at may mga nagtangkang ligawan siya subalit kahit isa sa kanila ay walang sinagot ng pag-ibig si Princess, dahil nakatali siya sa sumpaan nila ni Carlito. Maghihintay siya dahil iyon ang pangako ni Carlito, na babalikan siya nito.

Dumaan ang mga araw, buwan, at taon ng kalungkutan sa dalawang bata na umaasang magkikita sila balang araw. Subalit hanggang kailan...hanggang kailan sila maghihintay sa isa't isa. Walng nakatitiyak kundi panahon lang ang makapagsasabi.

"Kumusta na kaya siya? Naaalala rin kaya niya ako? Kailan kaya kami magkikita? Ano na kaya ang itsura niya ngayon?" ang sabi ni Princess sa sarili habang nasa bintana ng bahay nila at pinanonood ang mga nagkikislapang bituin na nagbibigay ng ganda sa kadiliman ng paligid.

Natatandaan pa niya ang sinabi ni Carlito noon sa kanya na kapag siya ay nalulungkot ay tumingin lang siya sa mga bituin upang magkaroon siya ng pag-asa sa buhay...sa hinaharap...at umasa na kung may kalungkutan ay may ligayang darating.

After fifteen years ay bumalik ang pamilya ni Carlito upang dumalaw.

Unang hinanap ni Carlito si Princess subalit wala na sila sa dating tirahan. Lumipat sila sa Tondo, Maynila. Ito ang nakuhang information niya sa mga tagaroon.

Subalit papaano niya hahanapin si Princess. Hindi pa siya nakararating sa lugar na iyon at kung hanapin man niya si Princess sa Tondo papaano niya ito makikilala. Sa labing limang taon na hindi sila nagkita ay mukhang malabo niyang mahanap ito.

"Princess nandito na ako para sa iyo...bakit umalis ka dito sa atin, saan kita hahanapin ngayon?", ang malungkot na sabi ni Carlito sa sarili.

Mula ng dumating sina Carlito ay si Princess ang laging laman ng kanyang isip. May mga gabi na hindi siya makatulog sa kaiisip sa kababata niyang matagal na panahong ding hindi pa sila nagkikita. At ngayon na narito na siya ay mukhang pagkakaitan pa sila ng kapalaran na magkita.

Nabuo ang pasya ni Carlito, hahanapin niya si princess at ang palatandaan lang niya ay ang ibinigay niyang kuwintas kay Princess.

Ang boses ng nanay ni Carlito

"Carlito huwag kang aalis at darating ang amiga ko at pag-uusapan ang kasal ninyo ng anak niyang si Sophia", ang tinig ng kanyang ina habang naglilinis ng bahay.

Ito ang problema ni Carlito na kaya sila umuwi ay upang ipagkasundo siya sa anak ng kaibigan ng kanyang ina, na si Sophia, na hindi naman niya ito gusto...sumusunod lang siya sa gusto ng kanyang ina dahil alam niya na may karamdaman ang ina niya at masama dito ang magkaroon ng sama ng loob at baka ikamatay nito...iyon ang findings ng mga doktor na tumingin sa kanyang ina.

Subalit papaano na si Princess? Si Princess ang itinitibok ng puso niya hangga ngayon, hindi nawawala ang pagtingin niya dito.

"Amiga kumusta na ang tagal ninyong nawala ah", ang bungad ng kaibigan ng ina ni Carlito.

"Oo mare kumusta na at hindi ka yata tumatanda ah?"

"Siyempre laging nagpapaganda, maiba ako kumusta na ang aking mamanuganging si Carlito?"

"Sabi ko huwag aalis eh pero umalis din at may pupuntahan lang daw, papasyalan ang mga lugar na madalas niyang paglaruan noong maliit pa lang siya."

"O sige mare babalik na lang ako para pagusapan ang kasal ng dalawa."

"Mabuti pa nga at ewan ko ba sa batang iyan mula ng kami ay dumating parang walang kasigla sigla."

Ganoon si Carlito mula ng dumating at ng hindi natagpuan si Princess...laging nag-iisip, walang ganang makipag-usap...parang wala sa sarili.

Isang balak ang nabuo kay Carlito...hahanapin niya si Princess sa Tondo.

****

Sa kabilang dako sa nilipatan ni Princess sa Tondo.

"Tayo na Princess at masyado na tayong late sa restaurant na pinapasukan natin, magagalit na ang may-ari" ang sabi ng kaibigan ni Princess.

"Oo nga bilisan natin" tugon ni Princess.

"Bakit ngayon lang kayo dumating? Marami ng customer ah", ang bungad sa kanila ng may-ari ng restaurant.

Hindi na sila sumagot bagkus tuloy tuloy na sila sa kanilang mga pwesto.

Kahit sa pinapasukang trabaho ni Princess ay naiisip pa rin niya si Carlito.

"Dumating na kaya sina Carlito, papaano kung dumating siya at hanapin ako?"

"Papaano nga pala kami magkakakilala ni Carlito, iba na ang itsura ko at maging siya din. Ang kuwintas na lamang na ito na bigay niya ang tanging mapagkakakilanlan sa akin" ang madalas na naitatanong ni Princess sa sarili.

Nasa ganoong sitwasyon si Princess na nag-iisip ng lumapit si Frederik ang masugid nitong mangliligaw. Si Frederik ay isang engineer at maganda ang puwesto sa upisinang pinapasukan nito, Guwapo rin siyang lalaki kung ikukumpara sa iba pang mangliligaw ni Princess. Subalit hindi pa niya sinasagot dahil sa sumpaan nila niCarlito.

"Princess hanggang kailan mo ba ako pahihirapan?", ang bungad ni Frederik kay Princess.

Natawa si Princess sa sinabi ni Frederik,"Ano ka ba Frederik hindi naman kita pinarurusahan ah?"

"Ikaw talaga akala mo laging biro ang sinasabi ko, totoo naman na mahal na mahal kita eh."

Bagamat sa lahat ng nangliligaw kay Princess ay si Frederik ang medyo malapit sa puso ni Princess subalit matimbang pa rin si Carlito sa puso niya.

****

Nakarating nga si Carlito sa Maynila sa Tondo upang hahanapin si Princess.

"Ang laki naman ng Tondo na ito, ngayon lang ako nakarating dito, saan ko kaya siya hahanapin?" ang bulong ni Carlito sa sarili.

Marami ng lugar ang napuntahan ni Carlito, subalit bigo pa rin siya. Para siyang naghahanap ng karayom na nahulog sa gitna ng dagat.

Nang mapagod si Carlito at nagutom ay tumigil siya sa isang restaurant at nag-order ng pagkain.

Habang kumakain si Carlito ay napasulyap siya sa kahera na hindi niya alam ay si Princess.

"Maganda siya, at tiyak ako tulad din siya ni Princess ko na maganda rin" ang bulong ni Carlito sa sarili niya habang kumakain.

Matapos kumain ay nagpunta si Carlito sa kahera at nagbayad. Ningitian niya ang magandang kahera at gumanti din ito ng ngiti.

Pagkatapos magbayad ay lumabas na ng restaurant si Carlito upang ipagpatuloy ang paghahanap kay Princess.

Malayo na si Carlito sa restaurant, kaya hindi niya narinig ng tawagin si Princess ng kasamahan niya.

"Princess, tawag ka ni boss sa office", ang sigaw ng kasama niya na nasa kusina ng restaurant.

Kung narinig sana ni Carlito ang pangalang 'Princess' ay tapos na sana ang paghahanap niya. Subalit, sadya yatang mapagbiro ang kapalaran kaya hindi sila nagkakilala. At kung hindi lang nakatago ang kuwintas na suot ni Princess ay nakilala na sana siya ni Carlito.

Dahil gusto ni Princess na makibalita kay Carlito ay nagpaalam siya sa may-ari ng restaurant upang dumalaw sa probinsya na kinalakihan nila ni Carlito.

Kaya kinabukasan matapos magpaalam si Princess ay maagang umuwi ng probinsya sa lugar na kung saan sila lumaki ni Carlito.

Si Carlito, tuwing mapapagod at nakararamdam ng gutom ay sa dating restaurant siya nagbabalik. Napansin niya na wala ang magandang kahera.

Dalawang linggo ng naghahanap si Carlito kaya ipinasya niya na umuwi na muna sa kanila at babalik na lang sa isang araw.

Si Princess ng makarating sa dating lugar na kung saan siya lumaki, ay dumaan muna kina Carlito, subalit wala siyang nakitang palatandaan na dumating na sila, na lingid sa kaalaman ni Princess ay dumating na sina Carlito upang magbakasyon at babalik na muli sila sa ibang bansa pagkatapos na asikasuhin ang gagawing pagpapakasal ni Carlito sa isang dalaga na napupusuan ng mga magulang niya para sa kanya.

"Inday dumating na ang kuya mo, asikasuhin ninyo at para makakain na" ang utos ng ina ni Carlito sa mga katulong.

Matapos kumain ni Carlito ay nagtungo na sa kanyang silid upang magpahinga subalit sinundan siya ng kanyang ina at sinabi na nagkasundo na sila ng magulang ng mapapangasawa niya. Ang narinig na sinabi ng ina ni Carlito ay parang batingaw ng kampana na tumulig sa kanyang pandinig.

Hindi na lang pinansin ni Carlito ang sinabi ng ina. Alam niya pagkatapos ng kanyang kasal ay babalik na sila sa ibang bansa upang doon na tuluyang manirahan.

Subalit papaano si Princess may pag-asa pa kaya na magkita pa sila?

Pagdating ni Princess galing Maynila ay pinuntahan ang mga lugar na madalas nilang puntahan ni Carlito, na kahit papaano ay nagbibigay sa kanya ng kaligayahan upang maalala ang mga nakaraan ng kamusmusan nilang dalawa.

"Kumusta na kaya si Carlito, naaalala pa kaya niya ako?" ang bulong ni Princess.

Subalit hindi alam ni Princess na pagkatapos magpahinga ni Carlito buhat din sa Maynila, tulad niya ay pinupuntahan din ang mga lugar na madalas nilang paglaruang dalawa noong mga bata pa sila.

"Carlito ang daya mo ha! lagot ka hahabulin kita" ang tinig ni Princess na naaalala pa ni Carlito.

"Dito ang lugar na umiyak si Princess, dahil nagtawa ako ng siya ay nadapa sa paghabol sa akin" ang nakangiting sabi ni Carlito sa sarili niya.

Si Princess naman na nasa ibang lugar din sa dakong iyon, matapos dalawin ang mga lugar na kung saan sila naglalaro ni Carlito noon ay nagpasya ng bumalik sa Maynila na hindi man lang sila nagpang-abot ni Carlito.

"Babalik ako uli at lagi akong aasa na sana pagbalik ko dumating na siya",ang wika ni Princess sa sarili.

At mula sa Maynila pagkaraan ng isang linggo ay bumalik uli si Princess na sa pagkakaalam niya ay wala pa rin sina Carlito. Napag-isip isip ni Princess na nakalimutan na siya nito ng tuluyan.

Upang wakasan na ang kanyang paghihintay sa taong hindi niya alam kung kinalimutan na siya o hindi ay balak na niyang iwanan ang kuwintas sa malaking bato na naging saksi ng kanilang sumpaan noon at upang harapin naman niya ang sariling kaligayahan. Nakarating nga si Princess sa malaking bato at naupo doon. Ginunita niya muna sa huling sandali sa kanyang sarili ang maliligayang sandali ng kanilang kamusmusan ni Carlito. Kaligayahan at pagtitinginan nila noon na sumibol sa hindi tamang panahon kaya siya ay narito naghihirap sa paghihintay sa wala namang hinihintay.

"Paalam Carlito, saan ka man naroroon ay sana maging maligaya ka sana. Iiwanan ko ang kuwintas na ito sa ibabaw ng batong ito upang palayain ka at ganoon din ako sa iyo upang harapin ko naman ang sarili kong kaligayahan na ipinagkait ko sa aking sarili dahil sa sumpaan natin."

Dahil sa kabiguan ni Carlito na magkita pa sila ni Princess ay pumayag na itong pakasal sa babaing hindi niya gusto upang matahimik na siya, kaya itinakda na ang kanyang kasal.

At bilang pamamaalam sa alaala ni Princess, ay muling pinuntahan ni Carlito ang mga lugar na pinupuntahan nila upang sa huiing sandali ay gunitain ang masasayang sandali ng kanilang kamusmusang dalawa...kamusmusan ng pagmamahalan bilang magkaibigan na nauwi sa tunay na pagmamahal ngayong siya ay malaki na.

Habang papalapit si Carlito sa malaking bato, na siya niyang huling pupuntahan ay nakita niyang may nakaupong magandang babae. Kitang kita niya na may hinubad itong kuwintas at inilagay sa ibabaw ng bato.

Lumapit siya na hindi namamalayan ni Princess at kahit mahina ang sinasabi ni Princess sakanayng sarili ay dinig na dinig niya ang mga katagang lumalabas sa bibig nito.

"Iiwanan ko sa ibabaw ng batong ito ang kuwintas na ito upang wakasan ko na ang matagal na panahon kong paghihintay", at inilagay ang kuwintas na hawak ni Princess sa ibabaw ng bato.

Nakita ni Carlito ang ginawa ni Princess ng ilagay ang kuwintas sa ibabaw ng bato na kanyang kinauupuan at dito natiyak niya sa sarili na si Princess nga ito, ang magandang kahera sa restaurant na kinainan niya sa Maynila.

Hindi napigilan ni Carlito ang sarili at tinawag niya ito sa pangalang 'Princess'.

"Princess?" ang tawag niya.

Napalingon si Princess.

"Kilala mo ako?" tanong ni Princess kay Carlito na hindi niya naalala ay ang naging kustomer na kumain sa restaurant na pinapasukan niya.

"Ah oo may nagsabi sa akin diyan sa labasan bago ako nakarating dito",ang pagkakaila ni Carlito.

Ganoon lang ang kanilang naging pag-uusap at pagkikita at umalis na si Princess upang bumalik na ng Maynila.

Si Carlito kahit gusto niyang habulin ito at sabihin na siya si Carlito ay hindi na niya ginawa dahil minabuti na lamang niyang huwag magpakilala dahil huli na rin lang ang lahat, ikakasal na siya.

Ngayong nalaman ni Carlito na naghihintay pa rin pala sa kanya si Princess ay huli na, wala na siyang magagawa pa.

Ang pagmamahalang ipinunla nila sa kanilang puso na nagsimula sa kanilang kamusmusan, sa maling panahon ay nauwi sa wala kahit ang sumpaan nila ay tunay. Sa nangyaring ito sa kanilang dalawa na parang pinaglaruan sila ng tadhana ay masasabing kapalaran ang nagpahiwalay sa kanila ng tuluyan.

Pagkaalis ni Princess ay dinampot ni Carlito ang kuwintas na ibinigay niya dito at lumuluhang hinalikan ang kuwintas at sinabi na lang niya sa sarili... "I'm sorry Princess though I have waited for you for a long time, I have to let you go, for the sake of your happiness. Goodbye, my love, maybe someday, somewhere, somehow, we will meet again."

Anda Mungkin Juga Menyukai

Ang Gwapong Hardinero

Good day. Ako nga pla si Rein. Tisoy, 24 yrs old na ako ngayon 5'7 ang height at slim body may itsura nalaban sa pageant. ang kwentong ito ay hango sa karanasan ko mula nung 10 yrs old palang ako. Bata palang ako nun alam ko na sa sarili Kong may kakaiba sa akin.Ang tawag nila sa akin ay Rein Tisoy. Dahil sa may lahi akong American Pero dko nakilala si Papa na nakilala ni mama sa Olongapo. Andito na ako ngaun sa Bukid kasama ng lola at lolo ko sa Zambales. Masabi ko naman na marangya buhay namin kasi may mga katulong kami sa bahay at kasama na dun si kuya Caloy (Matangkad, Gwapo at Maskulado at Moreno ang nagparanas Sakin ng ligaya at sakit). Ang mama ko kasi ay Nasa US na at nakapag asawa ng U.S citizen na Pinoy din naman. Inaantay lng nila ako makatapos ng pagaaral at kukunin din dun. Tanghali na ako nagising dahil Gabi na kami nakauwi nila lola galing sa Kasal. Pang baba ko sa Sala dumeretso na ako sa kusina dun kasi malapit ang CR. Paglabas ko ng CR tinanong ako ni manang Anie (kasambahaya namin) kung gusto ko daw ba ng sinangag. Tumango nalang ako at wala pako sa wisyo at kagigising ko. Habang hinahanda ni Manang ang pagkain ko umupo ako sa Mesa at Dali akong tinimplahan ng gatas ni ate. Sa kinauupuan ko nahagip ng mata ko sa bintana na may lalakeng nakatakip ng kamiseta ang mukha habang nagpuputol ng Malagong halaman sa Hardin. Nakasandong manipis at Shorts na pangbasketball. namangha ako sa katawan nito dahil sa taglay nitong hulma. "Ate sino po Yong naglilinis sa Hardin" tanong ko Kay ate Anie. "Ah yan ba, si Caloy yan anak ni Mang Goryo Jan sa kabilang bahay" sagot ni ate Anie. "Te sya na bago boy nila lolo?'' tanong ko. "Ngayong bakasyon lang, nagaaral pa yan sa senior high si Caloy incoming grade 12 sa pasukan" paliwanag ni ate Anie. "Pupunta na nga pla ako sa palengke soy (nickname ko pinaikling Tisoy). Mamayang 10 am pakidalhan nalang si Caloy ng Meryenda, may kakanin at Suman Jan sa ref. "Opo Te ingat po" sagot ko. Wala pang 10 am Pero inasikaso ko kaagad ang Meryenda ni kuya Caloy dala na din ng excitement. Dumako na ako agad sa likod ng bahay kung San ko narinig na may nagtatabas ng mga Malagong halaman. Papalapit pa lang ako, titig na titig na ako sa katawan ni kuya Caloy. "Kuya Good Morning po. Magmeryenda ka po muna" inilapag ko sa papag ang pagkain. Narinig naman ako nito at tumango. "Good morning sir Rein. Ako po si Caloy bago ninyong boy." pakilala nito at tinanggal ang kamisetang nakabalot sa mukha. Namangha ako sa istura ni kuya Caloy 17 palang sya Pero para syang batang version ni EJ Falcon. mukhang mabait si kuya Caloy. Umupo sya at NASA gitna namin ang suman at kakanin. Nagtanggal sya ng Damit pangitaas kitang kita ko ang kabuoan ng katawan Nia na nagpapawis may abs at pormadong dibdib. Kaka-kain ko lang ng almusal Pero parang nagutom ako Uli. "Kuya Bale uwian ka po ba or stay-in ka po" tanong ko. "Stay-in ako dto sir, para may kasama daw po Kau ni ate Anie habang nasa hospital si lolo mo yan kasi bilin Sakin ng lola Mila mo'' paliwanag nito. "Kuya wag mo na po akong tawaging sir. Rein nlng po." Sabi ko. "Hahahaha" " Cge pla rein." patawang sagot nito. nakita ko ang mga ngiti ni kuya Caloy mas lalo itong nagpagwapo sakaniya. Pinagmamasdan ko sya habang kumakain sabay tingin nito Sakin at ngiti. napaiwas nlng ako ng tingin baka mailang si kuya Caloy Sakin ngunit alam Kong nahuli Nia akong nakatitig saknya. "Rein wala ka bang inumin Jan" tanong nito. " Ay kuya oo nga po Pla, ano pong gusto mo" tanong ko. "Ikaw" sagot Niya. "Ako po" mejo nagulat na may kilig. "Oo ikaw, ikaw ang bahala Pero kung may beer pwedi Nadin hahahaha". pabiro nitong bilin and Dali Dali akong kumuha ng Coke Casalo. Pagbalik ko habang nilalagyan ko ng Coke ang baso ni kuya tumayo ito at magtanggal ng short at boxer shorts nlng ang natirang suot. Muli itong umupo at tinaas ang paa sa papag na upuan at sumandal. "Rein boxer short muna ako hah ang init kasi dibale tayo lang naman dito.

DaoistXHTNxl · Fantasi
Peringkat tidak cukup
5 Chs

Immortal Destroyer

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties. Will young Li Xiaolong be able to withstand the challenges of life even with the world system he belongs to? Could he really avoid his fate being attached to Sky Flame Kingdom or he will just be a living puppet out of this chaotic parties which entraps him to achieve greater heights. What will be the role of the other martial arts he met? An old Man? Night Spider? Li Mo? or even some powerful experts lurking in their Kingdom and other Four kingdoms? Do Dou City will even involved in this matter or they will just sit back and watch them fighting for power. Join our hero on a journey into the world of Cultivation. He can either climb to the very top or he will just stay at the bottom and give up on his dream.

jilib480 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
173 Chs

BREAK THE WORLD(Living Is Dying) BOOK 2 of Hunting Kendra[ FILIPINO]

BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA Genre:Vampire/Werewolf SYPNOSIS NAGMULA sa angkan ng mga Bampira sina Halls, Oreo at Zain. Lumaki sila na busog sa pagmamahal sa kanilang ina na si Kendra, kalahating Bampira at mortal. Habang ang ama naman nilang si Timothy ay kalahating Lobo at Bampira. Naging matiwasay ang mga taon na nagdaan para sa pamilya nila sa mundo ng mga tao. Matapos na maganap ang pagkawasak sa tagong mundo--- ang Acerria. Kung saan nanirahan dati ang mga lahi ng Bampira, Lobo at mga naagnas na nilalang kung tawagin ng mga mortal ay Zombie. Ngunit sa pagdaan ng mga taon ay nagkaroon ng malaking digmaan sa kabilang mundo. Kaya upang sa ikalawang pagkakataon ay tuluyang mawasak ang Acerria. Nakaligtas sina Kendra at Timothy, ngunit sa kasawiang palad ang lahat ng nilalang sa Acceria'y tuluyang nakasama sa pagkaguho. Sa mga lumipas na taon ay muli silang bumangon, hindi nila hinayaan mabalewala ang sakripisyo ng ina ni Timothy; ang huling may purong dugo ng Bampira. Ngunit iyon ang inaakala nila... Dahil isang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Pangyayaring kasugpong ng nakaraan. Nakaraan na siyang hahabol sa kanila sa kasalukuyan. Muling dadanak ng dugo sa magkabilang lahi sa mundo ng mga mortal. Na magiging dahilan ng pagkasawi nina Kendra at Timothy. Paano kung sa pagkawala ng mga magulang ay ang siyang pagdating ng bagong nilalang na magbibigay sa kanila ng ibayong pag-asa. Ngunit paano kung ang natitirang pag-asa na iyon ay tuluyang mawala at mapalitan ng 'di matatawarang pighati. Pighati na siyang wawasak sa mundong kanilang ginagalawan. "Dugo at laman ng banal ang siyang papawi sa lahat ng sakit, hanggang wakas upang bigyang daan ang bagong sibol na mundo..."

Babz07_Aziole · Fantasi
Peringkat tidak cukup
17 Chs

peringkat

  • Rata-rata Keseluruhan
  • Kualitas penulisan
  • Memperbarui stabilitas
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • latar belakang dunia
Ulasan-ulasan
WoW! Anda akan menjadi peninjau pertama jika meninggalkan ulasan sekarang

DUKUNG