webnovel

NAUUTUSAN BA ANG PUSO NA UMIBIG

Maaari bang utusan ang puso na mahalin at ibigin ang taong nakuha ang pag-ibig sa pamamagitan ng dahas o sapilitan? Na nakuha sa pagdungis sa puri ng isang babae para lang makamit na siya ay ibigin?

Ganito ang kuwentong ito na may kinalaman sa pagsasama ng dalawang puso na nagsimula sa poot at walang namamagitang pag-ibig kahit sila ay nagsasama na at nagkaroon na ng anak.

Isang gabi na mahimbing na natutulog si Mina ay pinasok siya ni Gabriel sa kanyang kuwarto at ng magising si Mina ay mahigpit siyang yakap ni Gabriel at ang isang kamay nito ay nakatakip sa kanyang bibig upang hindi siya makasigaw at makahingi ng saklolo.

"UUUUUUUU!! UUUUUU!!"

Umuungol si Mina at nagpipilit makawala sa mahigpit na pagkakayakap ni Gabriel habang isa isa nitong tinatanggal ang saplot ni Mina hanggang wala na itong damit sa katawan.

At naisagawa ni Gabriel ang makamundong pagnanasa nito kay Mina.

Tumahimik na si Mina sa pagpupumiglas ng maramdaman na niyang inaangkin na siya ni Gabriel at wala na siyang magagawa pa kundi patapusin na si Gabriel sa ginagawa nitong pagangkin sa kanyang katawan.

Matapos ang isang oras na pagpaparaos ni Gabriel sa katawan ni Mina ay humihingal itong bumaba sa ibabaw ni Mina at si Mina naman ay umiiyak na tumagilid kay Gabriel.

"Hayop ka Gabriel pagbabayaran mo ito" ang binitiwang banta ni Mina kay Gabriel.

"Mahal kita Mina at nakahanda akong magbayad sa ginawa kong ito,.at hindi ako hihingi ng tawad sa iyo..nagawa ko ito dahil sa laki ng pag-ibig ko sa iyo at hindi ko ito itinuturing na isang pagsasamantala.lamang sa iyo" ang madamdaming sabi ni Gabriel kay Mina.

Nagbihis na si Gabriel at iniwan si Mina na umiiyak at iniinda pa ang mananakit ng maselang bahagi ng kanyang katawan.

Si Gabriel ay isa sa masugid na manliligaw ni Mina. Boto dito ang kanyang mga magulang dahil sa nakikita nilang natural na pag-uugali ni Gabriel sa ipinakikita nitong kabaitan.

Subalit hindi si Gabriel ang itinitibok ng kanyang puso na hinihintay lamang ni Mina na magtapat sa kanya ng pag-ibig, subalit nasira ng lahat dahil sa ginawang karahasan ni Gabriel.

Ng malaman ng mga magulang ni Mina ang ginawa ni Gabriel ay nagalit sila subalit naroroon na iyon. Mahalaga sa kanila ang karangalan at isa pa ayaw nilang pag-usapan sila kaya hinimok na lamang ang anak na panagutan ni Gabriel ang ginawa nitong pagsasamantala sa kanya.

At gayun nga ang nangyari, nagkaayos ang mga magulang ng dalawang panig na ipakasal na lamang ang dalawa.

Dumating ang araw ng kasal handa na ang lahat at sa chapel na pagdarausan ng seremonya.

"Ikaw Gabriel tinatanggap mo bang maging kabiyak ng dibdib ang babaing ito at magsasama kayo sa hirap at ginhawa?" ang tanong ng nagkakasal kay Gabriel.

"Opo" sagot ni Gabriel.

"Ikaw Mina tinatanggap mo bang maging kabiyak ng dibdib ang lalaking ito at kayo ay magsasama sa hirap at ginhawa?" ang tanong ng nagkakasal kay Mina.

Matagal muna na hindi sumasagot si Mina. Lumingon sa kinauupuan ng kanyang ina at ng tumango ang ina ay saka siya sumagot sa itinatanong sa kanya.

"Opo" ang matamlay na sagot nito.

Natapos ang kasalan. Marami ang mga nagsidalo at bumati sa kanilang pag-iisang dibdib. Bumati din ang lalaking napupusuan ni Mina subalit naisip niya na kalimutan na ang kanyang nararamdaman dito at piliting harapin ang kinalagyan niya ngayon.

Nagsama sina Gabriel at Mina sa iisang bubong na walang saya dahil walang namamagitang pagmamahalan hanggang isilang ni Mina ang bunga ng kapusukan ni Gabriel.

Isang malusog na sanggol na babae ang naging anak nila at pinangalanan nila itong Grace.

"Hayup ka Gabriel kung hindi mo ako pinagsamantalahan ay hindi ikaw ang magiging ama ng anak ko" ang galit na sabi ni Mina sa asawa.

"Mina nagawa ko ang bagay na iyon dahil sa labis kong pagmamahal sa iyo" ang sabi ni Gabriel na halata na wala itong pinagsisihan.

Tumagal ang pagsasama nila Gabriel at Mina kahit bihira silang mag-usap. Nagagampanan naman ni Gabriel ang tungkulin nito bilang ama ng pamilya. Subalit kay Mina ay iba ang turing niya kay Gabriel.

Walang pagbabago kay Mina. Hindi niya kayang mahalin si Gabriel. Ang turing niya dito ay isang basura na pinandidirihan.

Malaki na ang anak nilang si Grace at masayahing bata bukod sa pagiging matalino nito sa kakulitan na ngayon ay anim na taong gulang na.

"Papa laro tayo ni Mama" ang yaya ng makulit na si Grace.

"Tayo na lang dalawa kasi pagod si Mama" ang magiliw na sagot sa anak habang binubuhat si Grace.

Masayang naglaro ang mag ama at dinig na dinig ni Mina ang masayang tawa ng anak habang naghahabulan ang mag-ama.

Sinulyapan ni Mina ang dalawa sa paglalaro ng habulan at kitang kita niya kung gaano kasaya ang anak na sa kamusmusan nito ay mababakas ang ganda ng paligid.

Habang pinanonood ni Mina ang dalawa ay may nararamdamang pagbabago sa damdamin ni Mina at sa puso niya ay unti unting nalulusaw ang pagkamuhi sa asawa. Subalit kapag naiisip ang ginawa ni Gabriel sa kanya ay natatalo siya ng kanyang isipan at muling babalik ang pagkamuhi niya sa asawa.

Nakita ni Grace ang mama niya na pinanonood sila at ito ay tumakbo sa kanya.

"Mama..Mama halika laro tayo ni Papa" ang yaya sa ina na hawak sa kanang kamay at hinahatak si Mina.

Ng hindi mahatak ni Grace ang ina upang sumama sa paglalaro nila ng papa nito ay nagtanong si Grace sa ina.

"Mama galit ka ba kay papa bakit hindi kayo nag-uusap ni papa?" ang tanong ni Grace.

"Hindi anak mahal ko kayo ni papa" ang naitugon na lamang ni Mina sa maurirat na si Grace.

"Eh bakit ayaw mong makipaglaro sa amin ni papa?"

"Bayaan mo anak maglalaro tayo ni papa mamaya, tatapusin ko lang itong ginagawa ko" tugon ni Mina sa anak.

Tumakbo si Gace kay Gabriel.

"Papa..papa sabi ni mama makikipaglalaro daw siya sa atin mamaya yeheyyy!!" ang natutuwang sabi ni Grace sa ama.

Lumipas pa ang mga araw subalit wala pa ring pagbabago kay Mina.

Isang araw habang nasa trabaho si Gabriel ay nagkaroon ng aksidente at kasama si Gabriel sa mga nasugatan at nadala sa ospital.

Hangos sa ospital si Mina kasama ang anak.

"Papa..papa ano masakit sa iyo" ang tanong ni Grace na umiiyak.

Hindi makapagsalit si Gabriel ng maayos dahil hirap ito sa timamong pinsala.

Pinagmasdan ni Mina ang asawa at sa nakikita niyang kalagayan ng asawa na nakaratay at may mga nakakabit na aparato sa katawan ay parang nagising si Mina sa mahabang pagkakatulog at ngayon awa ang nararamdaman sa asawa..awa na alam niyang katumbas nito ay huwag ng itago ang matagal na niyang nararamdaman sa asawa..totoong mahal na niya si Gabriel noon pa dahil sa ipinakikita nitong kabaitan sa kanya at sa kanilang anak.

Lumapit si MIna kay Gabriel at lumuluhang sinabi na "Gabriel magpagaling ka kailangan kita ng anak natin".

Bagamat dinid na dinig ni Gabriel ang sinasabi ng asawa ay hindi ito nagpapahalata. Nagkunwari itong hindi naririnig ang sinasabi ng asawa na lihim na nagpasaya sa kanya. Kaya sa pagkakataong ito ay huhusayan niya ang pag arte.

Nanatili si Gabriel na hindi kumikilos. Pinakikiramdaman niya kung ano ang gagawin ng asawa at nagkunwari siyang hirap magsalita.

"Mina mahal na mahal ko kayo ni Grace" ang mahinang pagsasalita ni Gabriel na parang mauubusan ng hininga at saka nagpatuloy "may sapat akong naiipon sa bangko para sa inyo ni Grace. Huwag mong pababayaan ang sarili mo at ang anak natin alagaan mong mabuti" ang dugtong sa sinasabi ni Gabreiel sa asawa.

Hindi napigilan ni Mina ang sarili at yumakap sa asawa na umiiyak.

"Gabriel huwag kang magsalita ng ganyan kailangan ka namin ng anak mo mahal na rin kita noon pa hindi ka mamamatay" ang sabi ni Mina na umiiyak.

Hindi alam ni Mina na nagkukunwari lamang si Gabriel na nahihirapan sa pagsasalita nito at lihim na natatawa dahil ngayon alam na niya mahal na siya ng asawa.

"Salamat Mina kahit huli na ay babaunin ko ang pagmamahal mo" ang pakunwaring madamdaming nahihirapan sa pagsasalita ni Gabriel.

Si Mina naman ay patuloy sa kanyang pag-iyak ng pumasok ang doktor na tumitingin kay Gabriel.

"Doktor kumusta po ang asawa ko" ang tanong ni Mina habang umiiyak.

"Misis wala po kayong dapat ikabahala nabalian lang ng buto ang mister ninyo at sa isang linggo ay puwede na siyang lumabas" ang sabi ng doktor kay Mina.

Nagulat si Mina sa sinabi ng doktor at habang kinakausap siya ay sinulyapan ang asawa at sa tingin nito kay Gabriel ay parang nagbabanta na "lagot ka sa akin". Subalit laking pasasalamat ni Mina dahil walang malaking pinsala pala ang tinamo ng kanyang asawa.

Umalis na ang doktor at nilapitan si Gabriel ni Mina at tinabig nito ng bahagya ang paa na may tali.

"Arayyy!!" ang medyo pasigaw na wika ni Gabriel.

"Akala mo mamatay na at may paalam paalam pa kunwari" ang sumbat ni Mina kay Gabriel na halata naman ang matagal na nitong kinimkim na pagmamahal kay Gabriel.

Ngayon tuwid ng magsalita si Gabriel hindi tulad kanina na hirap siyang magsalita sa pagkukumwari.

"Mina, salamat ha napatunayan ko ngayon na mahalaga pala ako sa iyo. Salamat minahal mo ako. Salamat hindi mo ako tuluyang kinamuhian na akala ko wala na akong pag-asang mabuhay pa. Salamat ha?" ang madamdaming sinabi ni Gabriel.

"Oo na at lagot ka sa akin pag galing mo" ang natatawang banta ni Mina.

Pinagmamasdan pala sila ng makulit nilang anak na si Grace.

"Yeheyyy!! bati na si papa at mama ko..yeheyyy!! ang tuwang tuwang sabi ni Grace.

"Eh papa papaano tayo maglalaro ngayon pilay ka na"

"HA! HA! HA! ang tawa ni Gabriel at nahawa na rin si Mina sa katuwaan ng mag-ama kaya nakitawa na rin siya.

Ang kasiyahang nadarama ngayon ni Gabriel ay walang katulad dahil napatunayan niya na ang pag-ibig ay kusang sumisibol sa takdang panahon at hindi puwedeng utusan ang puso na umibig...END

Ang pag-ibig na nakuha sa dahas ay kinakailangan pa na maghintay ng tamang panahon upang masuklian din ng kapwa pag-ibig. Hindi kinakailangang utusan pa ang puso kundi dapat maghintay.

Salamat guys sa pagbasa ng kuwentong ito at sana nagbigay ito na inspirasyon.

Rio Alma

More short stories are coming so enjoy reading.

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts