webnovel

THE PAST

Gusto kong umulan ng malakas...malakas na malakas. I want storm and thunder para hindi ko marinig ang iyakan ng mga naiwang mahal sa buhay ni George. Nakikita ko si Rakel, nakasuot ng itim na damit. Ayaw kong magpakita sa kanya, kay Rakel. Hindi ko kayang matagalan ang kanyang mga titig na parang sibat na tumatagos sa puso ko.

I only stand here, hiding from the eyes of someone in the burial. Narito ako sa isang sulok, malayo sa kanila. Gusto kong mula sa kinatatayuan ko, ihatid na lang ng aking pananaw ang libing ng kaibigan ko, si George, na namatay na ako ang naging dahilan. Hindi ako nakinig kay Rakel, sa ate niya. Kung nakinig ako sa kanya, buhay pa sana ang kaibigan ko hindi ako kamumuhian ni Rakel.

"Rodel huwag mo ng isama si George." Ang pakiusap sa akin ni Rakel. "Huwag kang magalala Rakel, ako ang bahala, kasama niya ako, hindi ko siya pababayaan, You have nothing to worry, sagot ko siya." Ang mga sinabi ko kay Rakel na hindi ko natupad. Ngayon ano pa ang aking magagawa.

Wala na ang mga nakipaglibing, subali't naroroon pa rin si Rakel, nakatayo, nakatikom ang dalawang kamay at sa pakiramdam ko ay nagngangalit ang kanyang mga bagang at iyon ay patungkol sa akin.

Nakita ko nagpahid siya ng luha, umiiyak siya at kahit hindi ko siya kaharap, alam ko, her eyes puffy.

"Bakit ngayon lang umulan, dapat kanina umulan na ng malakas" Ang sabi ko sa aking sarili subalit sa kabila ng ulan nandito pa rin ako, kahit hindi alam ni Rakel gusto ko siyang bantayan, hindi ko alam pero iyon ang nasa isip ko. "Bakit hindi pa umaalis si Rakel, basang basa na siya" ang tanong ko sa aking sarili na naroroon ang pag-aaalala sa kanya.

"BRIGG...SHITSSS... BRIGG" (alternate sounds of a heavy thunderstorm)

"Bakit ngayon pa kumidlat ng malakas?" sabi ko sa sarili ko at nakita ko si Rakel napalingon siya sa kinatatayuan ko...para akong itinuro ng kidlat sa kanya sa kinatatayuan ko. I was struck to see her looking at me. Lumapit siya...parang isang mabangis na hayop na nakahandang silain ako ng kanyang mga pangil.

"Ano, masaya ka na? Patay na ang kaibigan mo, ang mahal kong kapatid, si George, kung nakinig ka lang sa akin, sana buhay pa siya. Nakiusap ako sa iyo noon na huwag mo na siyang isama...hindi ba?' Ito ang mga salitang tinanggap ko kay Rakel, matigas, tumatagos hanggang buto ko, para akong unti unting natutunaw sa malakas na patak ng ulan sa katawan ko.

Gusto kong magpaliwanag, sabihin na hindi ako masaya sa pagkawala ng kaibigan ko. My tongue darted out, walang boses na lumabas sa bibig ko...sa isip ko na lang naririnig ang mga sinasabi ko.

****

"Rakel, tandaan mo ikaw lang ang mamahalin ko...iibigin kahit ano pa ang maging sitwasyon ng buhay, pangako yan" ang sabi ko kay Rakel.

"Oo na matigil ka na lang" ang tugon niya sa akin ng buong saya, nakangiting tumatawa. Bakas sa kanya ang pagtitiwala sa aking katapatan at ramdam niya sa puso niya ang aking mga sinasabi.

Matagal na kaming magkasintahan ni Rakel, ang ate ni George. Si George kahit bata sa akin ng dalawang taon ay nagturingan kaming parang tunay na magkapatid...siya ang best friend ko. Lagi kaming magkasama sa lakaran, kahit sa gulpihan at away na kinasasangkutan namin, wala kaming iwanan. Palibhasa ganito ang takbo ng mga kabataan namin noon, kapag may napagti'tripan', magulpi at manggulpi, matingnan ka lang ng masama gulpihan na, basagan na ng mukha.

Ganoon kami ni Geroge dahil mga bata sa edad, subali't habang kami ay nadadagdagan ng edad ay nagiging responsable na kami, iwas na sa gulo. Siguro dahil may mga pangarap na kami sa buhay.

At si Rakel, kapatid ni George, ay unti unti ko ng napapansin hanggang mapalapit na siya sa puso ko at ng sabihin ko kay George ang tungkol sa damdamin ko sa kapatid niya ay hindi naman siya tumutol, hindi dahil sa kaibigan niya ako, kundi dahil alam niya mapupunta siya sa mabuting mga kamay.

"Rodel, kaibigan kita at para tayong magkapatid na tunay, pero kapag niloko mo ang ate ko, lagot ka sa akin" Ang mga sinabi sa akin ni George na nakatawa, dahil alam niya hindi ko magagawa iyon sa kapatid niya.,

Niligawan ko si Rakel, hanggang tinugon niya ang pag-ibig ko. Masaya kaming namamasyal, kasama si George bilang chaperon namin, subali't ng tumagal ay hindi na siya sumasama, dahil may tiwala naman siya sa aming dalawa.

"Ano ang pangarap mo sa buhay Rakel?" Ang minsan naitanong ko sa kanya habang kami ay nasa tabing dagat, nakaupo, at nagpapahangin.

"Simple lang ang gusto ko, magkaroon ng masayang buhay may pamilya, magkaroon ng dalawang anak na makukulit" Ang sabi sa akin ni Rakel na nakatawa.

"Ang pangarap ko naman ay una, makasal tayong dalawa, pangalawa bago tayo ikasal ay magkaroon ako ng matatag na hanapbuhay...makapag abroad, kumita at makapag-ipon ng malaking halaga para sa isang negosyo na gusto kong itayo...para sa ating kinabukasan...sa magiging mga anak natin" Ito ang mga sinabi ko noon kay Rakel.

Pareho kami ng unibersidad na pinapasukan ni Rakel bagama't magkaiba kami ng kurso. Ako ay Computer Engineering at siya naman ay Business Management. At isang semester na lang at graduate na kami.

"Sino iyong babaing kausap mo kanina? nakita ko kayo" Ang tanong sa akin ni Rakel minsang kausap ko ang kaklase ko.

"Ah siya ba? Ano ka ba naman sobra ka namang magselos. Alam mo namang hindi kita ipagpapalit sa kanya kahit mas maganda pa siya sa iyo" Ang tugon ko sa kanya.

"Mas maganda pa sa akin? Ulitin mo nga" Ang matigas niyang sabi sa akin.

"Hindi, joke lang, si Vivian iyon kaklase ko sa Math, kasi absent siya kahapon at nagtanong lang sa akin kung ano ang assignment na ibinigay" Ang paliwanag ko sa kanya na sinabayan ko ng mga salitang masarap sa pandinig, kaya ayon, humupa ang nagputok na bulkang Taal kanina pa.

"Sige pero ikaw ha, mag-ingat ka sa akin at kapag niloloko mo ako pupugutan kita ng ulo" ang nakatawa niyang sabi sa akin.

"Teka aling ulo?' ang joke ko sa Kanya.

"He He He Bastos, ang dumi ng utak mo" ang mabilis niyang counter attack sa akin.

At sa ganito naming samahan ni Rakel ay masasabi ko na sobra siyang bait, mapagpatawad sa mga maliliit na bagay, hindi tulad ng ibang babae, na sobra kapag nagagalit. Ang mga katangiang gustong gusto ko sa kanya, kaya mahal na mahal ko si Rakel. Itinatak ko na siya sa puso ko.

Totoo ang mga sinasabi ko sa aking sarili, kapag hindi lang si Rakel ang mapapangasawa ko ay nanaisin ko na maglaho na sa mundo.

****

Ang maganda naming pagtitinginan ni Rakel ay napalitan ng pagkamuhi...pagkamuhi niya sa akin dahil sa pagkamatay ng mahal niyang kapatid na si George, na ako ang naging dahilan. Gusto kong ipagsigawan sa kanila na aksidente ang nangyari...hindi ko kagustuhan, ginawa ko ang aking magagawa upang isalba siya, pero walang nangyari...namatay din si George, ang aking best friend.

"Rodel" ang boses ni Rakel na dinig na dinig ko pa "tutal ayaw mong makinig sa akin na huwag mo ng isama ang kapatid ko, ay mag-ingat na lang kayo, ikaw ang mas matanda sa kanya" Ito ang mga katagang binitiwan niya bago ko naisama si George sa Laguna...sa Pagsanjan Falls, isang magandang tourist spot sa Laguna.

"Huwag kang mag-alala Rakel, ako ang kasama niya at hindi ko siya pababayaan" ang tugon ko kay Rakel na alam kong labis na nag-aalala sa kapatid niya. Si George kasi ang natitirang kamag-anak na lang niya dahil pareho na silang naulila sa magulang noong maliliit pa lang sila.

At ganoon ang nangyari, nakarating kami ng Laguna kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Pinuntahan namin ang Falls at doon siyempre nagkatuwaang maligo. Si George bagama't marunong lumangoy ay natangay ng malakas na agos sa gitna na tubig na malalim at hindi nakayanan nito ang sarili at siya'y lumubog. Matagal siya sa ilalim bago namin siya nasagip, dinala sa ospital subali't binawian na rin ng buhay.

"Ikaw...kung nakinig ka lang sa akin na huwag mo ng isama ang kapatid ko eh di sana buhay pa siya...I hate you" Mga katagang mula kay Rakel na hindi ko kayang salagin. Parang isang patalim na hindi ko nailagan at tumusok sa puso ko...at ito ang naging dahilan ng tuluyan naming 'break up'.

Kahit nakalipas na ang isang buwan ay hindi pa rin ako matahimik. Lagi kong naiisip si George, ang aking matalik na kaibigan...at si Rakel na nawala na rin sa akin. Para akong mababaliw. I want something hard to break my head into pisces and scatter them around the corner o kaya bumuka ang lupa at lamunin ako ng buhay. Wala akong maisip na dahilan kung papaano ko maibabalik si Rakel sa akin...wala na kundi tanggapin na lang ang katotohanan na hindi kami para sa isa't isa.

Graduation day.

Nakikita ko si Rakel sa malayo. Siya ang pinakamaganda sa lahat doon o dahil siya pa rin ang nasa puso ko...nakaukit...hindi mabubura at kapag pinilit mong burahin ay masusugatan lang at baka hindi na tumibok at tuluyan ng mamatay.

Nagkasalubong kami sa hallway. Gusto ko siyang batiin ng 'maligayang pagtatapos' at bigyan kahit isang bulaklak man lamang ay hindi ko magawa. Alam ko, nakita niya ako subalit itinapon niya ang kanyang paningin sa ibang lugar, para hindi magkasalubong ang aming paningin. At sinabi ko na lang sa sarili ko "sana maging maligaya ka sa iyong hinaharap sa buhay at matagpuan mo ang isang lalaking magpapaligaya sa iyo...paalam na" ito ang katagang gusto ko sanang sabihin kay Rakel bago ko ituloy ang balak kong mangibang bansa...subali't hindi ako nagkaroon ng pagkakataon...she hated me so much...ang naging kasalanan ko ay walang kapatawaran.

****

Natuloy ako sa abroad. Nagkaroon ng matatag na trabaho na alam kong makaiipon ako ng sapat na halaga, upang ituloy ang balak kong makapagtayo ng isang negosyo pagbalik ko sa bansa. Matagal na rin ako sa abrod na walang balita kay Rakel...at sino nga naman ang magbabalita sa akin ng tungkol sa kanya...naisip ko lang. Kaya inisip ko there's no sense now na balik balikan ko pa sa isip ko at damdamin ang naging relasyon namin ni Rakel. Mahalaga ang kapatid niya sa buhay niya, mas mahalaga pa sa kanyang pag-ibig...iniisip siguro niya na makahahanap siya ng maraming boyfriend pero isang kapatid ay hindi siya makahahanap pa.

Nadagdagan pa ang ,mga taon ko sa Abroad, at may sapat na akong puhunan upang makapagtayo ng isang maliit na negosyo...auto parts, ito ang matagal ko ng balak pagdating ko sa bansa.

Nakabalik na nga ako at ginusto ko na tumira sa ibang lugar, malayo sa dati kong tirahan...malayo kina Rakel, upang wala na akong maalala pa sa aking nakaraan..;.subali't sumasagi pa rin sa isip ko si Rakel, kahit sumisigaw na ang puso ko at isipan na "ayaw ko na" Bakit? ang tanong ko na lang sa aking sarili.

Nagtayo nga ako ng isang maliit na negosyo...ang auto supply. Napaunlad ko ito sa maikling panahon at nakabili na rin ako ng isang second hand na 'Vios' late model kaya nagagamit ko sa pamimili ng ilang mga piyesa para sa tindahan.

Nagkaroon ako ng girlfriend, si Edith, at masaya naman kaming dalawa, kahit paminsan minsan, kapag namamasyal kami ay bigla, sisingit si Rakel sa isipan ko. Kaya kapag nahuhuli ako ni Edith na nakatulala ay kakantiin niya ako ng kanyang siko na hindi naman niya alam ang dahilan kung bakit.

Namasyal kami sa mall ni Edith upang mamili ng mga damit. Ng hindi sinasadya ay nagkita kami ni Rakel. Si Edith naman ay hindi napansin si Rakel dahil abala sa pagpili ng bibilhing damit.

"Kumusta ka na Rodel?" ang bati sa akin ni Rakel na hindi ko alam ang itutugon ko kasi hindi siya tulad ng dati ng mamatay ang kapatid niya na kung makipagusap siya sa akin ay sobra ang galit niya, pero ngayon malumanay ang boses, ininguso niya si Edith at ang sabi "Siya na ba? ' ang tanong niya.

Natauhan akong bigla sa tanong niya. Anong isasagot ko? ang bulong ko sa sarili...now my heart is beating fast.

"A--Ah oo si Edith girlfriend ko" iyon lang ang sagot ko at bigla naging matalim ang mga tingin niya sa akin...ewan ko kung bakit hindi ko alam...hindi ko maintindihan ang kanyang naging reaksyon. At nagpaalam na siya.

Gusto ko siyang habulin at sabihin na siya pa rin ang mahal ko...subali't hindi ko maikilos ang aking mga paa, para akong isang tuod sa aking pagkakatayo

Hindi ko binanggit kay Edith ang tatlong minuto naming paguusap ni Rakel. Itinago ko na lang iyon sa loob ko, subalit ang saglit naming pag-uusap ay malaking naging pagbabago sa akin...sa katauhan ko...hindi ko maintindihan. Ang alam ko hindi pa rin nabubura sa puso ko si Rakel, na kahit pilitin mong burahin ay magkakaroon lang ng galos at baka tuluyan ng mamatay.

****

Lumipas pa ang mga araw...taon at hindi rin kami nagkatuluyan ni Edith. Siya mismo ang nakipag'break' sa akin. Hindi na raw niya matiis na parang bale wala siya sa akin...maaari nga iyon kasi na kay Rakel pa rin ang isip ko...ang damdamin ko...ang puso ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi na iniwan ako ni Edith. Subali't buo na ang aking pasya pupuntahan ko si Rakel...magmamakaawa ako...magpapaliwanag ako na hindi ko kasalanan ang pagkamatay ng kapatid niya, aksidente lang talaga ang nangyari.

Dala ko si "VIOS" pinuntahan ko si Rakel sa tirahan niya subalit wala na pala sila doon...lumipat ng ibang lugar at walang nakaaalam kahit ng mga kapitbahay nila. "Saan ko kaya siya hahanapin" ang naitanong ko na lang sa aking sarili.

Hindi muna ako umalis...gusto kong pagmasdan ang lugar na ito. Matagal ding panahon na ako ay nawala sa lugar na ito. Dito ko naranasan ang maging masaya at maging malungkot sa buhay...dito ako nagkaroon ng mabait na kaibigan...si Gerorge, ang aking best friend. Dito rin ako nagsimulang umibig kay Rakel, at ngayon gusto kong bumalik sa kanya subalit saan ko siya hahanapin...saan?

After two hours na pagmumunimuni sa mga nakaraan ay nag decide na akong umuwi. At habang unti unti kong binabaybay ang makipot na daang pabalik ay aksidente kong nakita si Rakel na naglalakad at may akay na bata. Bigla pagkakita ko sa bata, naisip ko bigo na ang balak kong magmakaawa pa sa kanya...magpaliwanag sa naging kamatayan ng kapatid niya...at muling sabihin na mahal ko siya at siya lang ang babae sa puso ko...at naisip ko, may pamilya na siya.

Subali't hindi ko matiis na hindi siya kausapin, tulad ng balak ko kanina na lagpasan na lang siya dahil sa nakita ko...wala na ring lang mangyayari.

Inihinto ko ang kotse at pagkababa ko, hinabol ko siya...pabalik.

"Rakel" ang tawag ko sa Kanya na hindi ko alam kung saan nanggaling ang boses ko dahil kanina pa ng makita ko siya ay para akong naumid...umurong ang dila, dahil ayaw ko na siyang kausapin pa sana. Subali't eto ako ngayon, hinabol siya at sabik kausapin.

"Kumusta ka na Rakel?" ang mga katagang nasabi ko...'ang kumusta ka na'... "May pamilya ka na pala?"ang naisunod kong tanong sa kanya na mababakas sa mukha ko ang labis na kalungkutan.

"Bakit ka napasyal dito? Nasaan na ang girlfriend mo, si Edith?" ang narinig kong mga tanong niya na hindi niya pinansin ang tanong ko sa kanya na "may pamilya ka na pala"

"Hindi kami nagkatuluyan ni Edith. Nakipag'break' siya dahil pakiramdam niya ay hindi siya mahalaga sa akin" ang nasabi kong naging dahilan.

Sa sinabi kong dahilan sa tanong niya tungkol kay Edith ay kitang kita ko ang kislap ng kanyang mga mata...hindi ko alam kung sinasabi niya sa kanyag sarili "buti nga sa iyo". Pero hindi, dahil sa pakiramdam ko, nais na rin niyang magkabalikan kami, pero papaano...may pamilya na siya.

"Uulitin ko ang tanong ko kanina Rodel. Bakit ka napasyal dito?" ang muling tanong ni Rakel "para kang kanina pa natutulala diyan" ang mga tanong ni Rakel...sunod sunod na naghahanap ng kasagutan mula sa akin.

Hindi ako kaagad nagsalita...mga isang minuto siguro.

"Babe magmano ka sa tito Rodel mo" ang narinig ko na lamang na utos ni Rakel sa kanyang anak na kaagad namang tumalima.

"Tito" sabi ng bata "alam mo tito kamukha ka ng Papa ko guwapo siya kaya lang wala na akong Mama". Ang sinabi ng bata at ako'y nag-isip "wala na ang mama niya?" na nagpalito sa isipan ko.

"Naku itong bata na ito, oo, Sobrang madaldal ha...ha...ha" Muli para akong nabuhayan ng Dugo. Again, my heart is beating faster, faster and faster. "Anak ito ng kaibigan ko na iniwan sa akin dahil may kukunin lang sa probinsya nila...sa makalawa nandito na siya" mga narinig ko kay Rakel na nagbigay sa akin ng pag-asa.

"Akala ko anak mo kaya kanina pa ako walang ganang magsalita. Rakel patawarin mo ako sa nangyari sa kapatid mo" ang bigla ko na lang nasabi sa kanya...tuloy tuloy walang preno. "Mahal pa rin kita hindi nagbabago" ang walang preno kong pagsasalita na bumangga sa dibdib ni Rakel at tumigil.

"Rodel matagal na kitang pinatawad at gayundin ako sa iyo hindi pa rin ako nagbabago...kahit naguumigting ang galit ko sa iyo noon. Kaya nga ng makita kita sa'mall'na may kasamang iba at girlfriend mo pa ay para akong nawalan ng lakas na gustuhin ko mang sampalin ka dahil pinagtaksilan mo ako ay hindi ko nagawa"

"Rakel, salamat hindi tayo pinagkaitan ng masamang kapalaran...tayo pa rin sa huli" ang akin na lang nasabi kay Rakel at siya ay mahigpit kong niyakap at hinanap ng mga labi ko ang mga labi niya, kahit pinagtitinginan na kami ng mga nagdaraang mga tao.

"Mahiwaga talaga ang pag-ibig. Hindi mo alam ang magiging wakas, magkagayon man bakas kina Rodel at Rakel ang sobrang kaligayahan na taglay nila ngayon."

I hope you enjoyed

Another short inspirational story is coming, so enjoy reading.

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts