webnovel

IKAW PA RIN SA PUSO KO

"ARAYYY! ang ulo ko napakasakit...saan ako naroroon?", ang daing sa sarili ni Gabby,

***

Taong 1990, Marso 20, isang bangka ang napabalitang tumaob sa gitna ng karagatan dahil sa sobra ang mga sakay nito. At dahil sa lakas ng mga alon ay marami ang nalunod at ang iba naman ay nasagip...ang iba naman ay nawawala at patuloy na hinahanap pa.

"Mga bata, masyado ng gabi, bukas na natin ipagpatuloy ang rescue operation", ang sabi ng pinaka leader ng rescue team.

Tumigil muna ang mga naghahanap sa iba pang mga nawawalang sakay ng bangka dahil sobra ang lakas ng current sa ilalim ng dagat.

"Boss, ano sa palagay mo...may buhay pa kaya sa mga nawawala?", tanong ng isa sa team leader.

"Hindi ako nakasisiguro, pero itutuloy natin ang rescue operation bukas...iyon ang order sa atin sa itaas", ang sagot ng team leader.

***

Isa sa mga sakay ng tumaob na bangka ay si Gabby, isang negosyante na nagbibiyahe ng iba't ibang produkto na hinahango sa karatig na bayan at dinadala sa Ilo-ilo upang ibenta. Subalit sa kasamaang palad ay isa siya ngayon sa pinaghahanap ng rescue team. Sa mga nasagip na at sa mga nakuhang nalunod ay siya na lang ang pinaghahanap pa nila.

Isang linggo rin ang ginawang paghahanap kay Gabby, subalit nabigo ang mga naghahanap kaya ipinatigil na ang rescue operation.

Sa nangyaring trahedya ay labis na nagdalamhati ang mga kaanak ni Gabby, lalo na ang kasintahan nitong si Marilou.

Halos mabaliw si Marilou sa pagkawala ni Gabby dahil sa nakatakda nilang kasal sa darating na buwan. Nagpaalam si Gabby kay Marilou na sa huli niyang biyahe ng mga produkto, pagdating niya ay aasikasuhin na nila ang kanilang kasal.

***

"Marilou tandaan mo ikaw lang ang mamahalin ko at iibigin, hindi ako titingin sa ibang babae, pangako yan", ang malambing na wika ni Gabby na punong punong ng pagmamahal sa puso niya.

"Lokohin mo ang Lelang mo, baka kapag nasa ibang lugar ka na at hindi ko nakikita ay iba ang kasama mo", ang nakatawang tugon ni Marilou.

"Kung kasal na tayo, ilan ba ang gusto mong anak natin?, ako kasi gusto ko sampu ang maging anak natin, para may makatulong ako sa aking pagbibiyahe ng mga produkto", ang masayang pahayag ni

Gabby.

"Sobra ka naman, balak mo yata akong patayin sa hirap eh, sa dalawa lang tingin ko mahirap na, sampu pa", at tumawa si Marilou.

"Marilou masyado ng gabi", ang narinig na sabi ng tatay ni Marilou.

"Opo itay, pauwi na po si Gabby", ang tugon ni Marilou.

"Sige uwi na", ang pagtataboy ni Marilou kay Gabby.

"Wala ba akong halik man lamang?", ang sabi ni Gabby.

"Ano ka ba, at saka na kapag kasal na tayo", ang mariing sabi ni Marilou na may isang kurot sa tagiliran ni Gabby.

"Ang damot mo naman", ang nakatawang reklamo ni Gabby.

Anupa't ang magkasintahan ay punong puno ng mga pangarap sa buhay, sa kanilang mga plano sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

Subalit ang kanilang mga pangarap ay naudlot dahil sa trahedya na nangyari kay Gabby.

***

Pagkalipas ng isa o higit pang buwan na hindi matagpuan si Gabby sa kabila ng pagsisikap ng rescue team ay inakala na nila na patay na ito.

Ang hindi alam ng marami ay napadpad si Gabby sa kabilang isla na natagpuang walang malay sa dalampasigan, at duguan ang ulo nito.

"MANG PEDRO!... MANG PEDRO! tingnan nyo po, may patay dito", ang sigaw sa nakakita kay Gabby.

Nilapitan ni mang Pedro si Gabby at nalamang hindi patay ito, kaya binuhat nila at dinala sa bahay ni mang Pedro.

"Dali kayo tumawag kayo ng doktor sa bayan", ang utos ni mang Pedro sa isang nagbuhat kay Gabby.

"Itay sino po siya?", ang tanong ng anak na dalaga ni mang Pedro na si Dory.

"Dory kumuha ka ng mainit na tubig at punasan mo ang taong ito."

"Opo itay", ang tugon ni Dory at nagmamadaling nagpainit ng tubig.

"Ikaw Manuel palitan mo ng damit ang taong ito... ipasuot mo muna ang damit mo", ang utos ni mang Pedro sa panganay nitong anak.

Nang masuri ng manggagamot si Gabby ay wala namang masyadong napinsala dito, maliban sa sugat sa ulo na nalapatan na ng lunas.

Isang linggo ring nakahiga sa kama si Gabby na walang malay. At si Dory at ang kuya Manuel nito ang nag-aasikaso sa kanya.

***

Nagising din si Gabby pagkalipas ng isang linggo sa kabila ng pag-aalala nina mang Pedro.

"Aruyyy!...ang sakit ag ulo ko", ang daing ni Gabby na hawak ng dalawa niyang kamay ang kanyang ulo.

"Salamat iho at nagising ka na...nag-aalala na nga kami sa iyo dahil isang linggo kang walang malay", ang sabi ni mang Pedro kay Gabby na halos wala pa ring malay at palinga linga.

"Isang linggo?...bakit po?", ang pagtatakang tanong ni Gabby.

"Natagpuan ka namin na walang malay sa tabing dagat...at akala nga namin ay patay ka na...eh sino ka ba iho?", ang tanong ni mang Pedro.

"Ako?...Sino ako?", ang nag-iisip na tugon ni Gabby.

"Oo iho, sino ka, at ano ang pangalan mo? Papaano ka napunta dito sa aming lugar? Ano ang nangyari sa iyo?."

"Ang ulo ko napakasakittt!". ang muling daing ni Gabby.

"Teka iho, buti pa mahiga ka uli at magpahinga...mamaya ka na namin kakausapin...Dory, magpainit ka ng maiinom na sabaw ng nilagang baboy at bigyan mo ang taong ito."

"Opo itay", at tumalima si Dory sa ama niya na ang tingin ay hindi inaalis kay Gabby.

Napansin ito ng Kuya Manuel niya at siya ay sinita.

"Hoy!..kumuha ka daw ng sabaw na mainit",ang medyo matigas na utos kay Dory ng kapatid nito.

Habang pinaiinom ni Dory si Gabby ng mainit na sabaw, ay may kung anong meron sa puso nito na hindi niya maintindihan.

"Sino ka?" ang biglang tanong ni Gabby kay Dory na ikinabigla ng huli.

Si Dory ang pinakamaganda sa lugar nila, marami ang nangliligaw dito subalit wala pa siyang napupusuan kahit isa man...siguro dahil sa ayaw pa ng ama nito, na si mang Pedro, na siya ay mag-asawa kaagad.

"Ako?...Dory ang pangalan ko", ang nabiglang tugon ni Dory.

"Dory salamat ha...pero sino ang nagpapalit ng damit ko?", ang nahihiyang sabi ni Gabby.

Sa tanong ni Gabby, ay nangiti si Dory.

"Ako... bakit?", tugon ni Dory.

"Anoo!", ang nahihiya na sagot ni Gabby.

"Ano ka ba...siyempre katulong ko si kuya Manuel", ang nakatawang tugon ni Dory.

Tumagal pa rin ng isang linggo, bago unti unting nakaka-recover si Gabby, subalit hindi pa rin niya alam kung sino siya?...saan siya galing?...bakit siya napadpad sa islang iyon?. Mga katanungang nagpapagulo pa rin sa isipan ni Gabby.

***

Isang araw na palubog na ang sikat ng haring araw, ay naisipan ni Gabby na pumunta sa tabing dagat...umupo na nakapatong ang pinagkapit na kamay niya sa kanyang tuhod upang magpahangin at tuloy, baka may maalala siya kung papaano siya napunta sa lugar na iyon.

"Ang sarap ng simoy ng hangin dito...nanunuot sa buto ko...grrr!...ang ginaw ginaw naman", ang sabi ni Gabby sa sarili niya.

Nasa ganoong sitwasyon si Gabby...malalim na nag-iisip... ng may biglang naghagis ng jacket sa kanya na ikinagulat niya at ng lingunin niya ay si Dory.

"Nagulat naman ako sa iyo", ang nakatawang sabi ni Gabby.

"Bakit ka nandito?", ang tanong ni Dory na may pag-aalala dahil sa kalagayan ni Gabby.

"Ikaw ang tatanungin ko...bakit ka nandito? Baka makita ka ng boyfriend mo eh magalit iyon sa iyo at madamay pa ako", ang pabirong sabi ni Gabby.

"Wala pa akong boyfriend...pangit kasi ako at walang magkakagusto sa akin", ang sagot ni Dory ng pabiro, dahil sa totoo lang ay alam naman niya na siya ang pinakamaganda sa lugar nila.

"Bolera ka rin, ano?", ang nakatawang tugon ni Gabby.

"Eh ikaw baka nag-aalala na sa iyo ang girlfriend mo o kaya ay ng asawa mo",ang tanong na may paniniyak ni Dory.

Natigilan si Gabby sa sinabi ni Dory dahil wala nga siyang alam sa sarili niya...kung sino siya?.

"Hindi ko nga alam kung sino ako...kung ano ang pangalan ko eh girlfriend pa", ang medyo may pag-aalinlangang tugon ni Gabby.

"Teka bigyan kita muna ng pangalan...ano kaya?...alam ko na ...Gabriel, tama Gabriel, magandang pakinggan at kapangalan mo pa iyong artista na si Gabriel Concepcion.

Natawa si Gabby..."Sige na nga ng matigil ka na lang."

***

Naging masaya sina Dory at Gabby o Gabriel hanggang kapwa sila may nararamdaman kapwa sa kanilang sarili...pagmamahal?...pag-ibig?...na hindi nila maipaliwanag.

Masipag naman si Gabby o Gabriel sa pagtulong kina mang Pedro...nagsisibak ito ng kahoy...nangunguha ng mga gulay sa bakuran at tumutulong sa bukid...na nagustuhan naman ni mang Pedro kaya wala itong masabi kay Gabby o Gabriel.

Minsan sumama si Gabby o Gabriel sa dagat kay mang Pedro upang manghuli ng isda. Bigla may nag-flash back sa memory niya na hindi niya mawari. Sa pakiramdam niya may bahagi sa kanyang pagkatao ang dagat.

"Mukhang masuerte ka Gabriel ah, marami tayong nahuling mga isda...ha! ha! ha!", ang tuwang tuwang sabi ni mang Pedro.

"Bakit po mang Pedro?", nagtatakang tanong ni Gabby o Gabriel.

"Eh kasi matagal na kaming nangingisda at ngayon lang kami nakahuli ng ganitong karaming isda", ang tugon ni mang Pedro na tuwang tuwa sa mga isdang nahuli nila.

***

Palubog na ang araw ng hanapin ni Gabby o Gabriel si Dory, nakita niya ito namimitas ng gulay na lulutuin nila, pinuntahan niya ito at tinulungan.

"Nandito ka lang pala, hinanap kita eh", ang may pag-aalalang sabi ni Gabby.

"Tuwang tuwa si itay ah...suwerte ka raw at marami siyang nahuling isda kagabi", ang sabi ni Dory.

"Sabi nga niya eh...pero hindi pa rin ako makapaniwala kung suwerte nga ako", ang may pag-aalinglangang tugon ni Gabby o Gabriel kay Dory.

"Tayo na Gabriel at magluluto na ako."

Pagkatapos nilang maghapunan ay muling nagtungo si Gabby o Gabriel sa tabing dagat at tulad ng dati parang may gusto siyang bungkalin sa utak niya kung sino siya...anong nangyari at narito siya sa islang iyon.

Si Dory naman ay nakadungaw lang sa bintana at pinagmamasdan si Gabby o Gabriel sa malayo ng mapansin siya ni mang Pedro.

"Anak, napapansin ko na nagiging malapit kayo sa isa't isa ni Gabreil...magpapaalala lang ako anak, hindi pa natin lubos na kilala si Gabriel at baka masaktan ka lang kapag bumalik na ang dati niyang pag-iisip at malaman natin na hindi na siya malaya, baka may kasintahan na siya o pamilya sa lugar nila", ang payo ni mang Pedro na sa kanyang pagsasalita ay may bahid ng pag-aalala sa magiging kalagayan ng kanyang anak.

"Huwag po kayong mag-alala, itay...kaya ko po ang sarili ko kung sakali mang umibig ako kay Gabriel, at hindi na siya malaya, ay kaya ko pong dalhin ang sarili ko", ang nakatawang tugon ni Dory sa ama nito.

***

Lumipas pa ang mga araw at tuluyang nahulog ang damdamin nina Dory at Gabby o Gabriel sa isa't isa hanggang mauwi sa ito sa tunay na pagmamahalan.

"Gabriel tayo na at mangingisda uli tayo", ang tawag ni mang Pedro.

"Sige po gusto ko nga pong sumama sa pangingisda."

Sa dagat, dahil malakas ang hangin ay inuuga ang bangka nila hanggang may tumama sa ulo ni Gabby ng isang bagay na bahagi ng bangka. Nawalan ito ng malay kaya umuwi na lang sina nang Pedro kahit kaunti pa ang kanilang huling isda.

Pagdating sa bahay ay nagkamalay na si Gabby o Gabriel.

"Arayyy! ang ulo ko masaki na masakit", ang daing ni Gabby o Gabriel.

"Huwag ka munang kumilos Gabriel at may sugat ka pa sa ulo", sabi ni mang Pedro.

"Gabriel?...Gabriel?...",ang sabi ni Gabby na mukhang bumalik na ang kanyang dating pag-iisip.

"Mang Pedro kilala ko na po kung sino ako...ako po si Gabby...si Gabby na nagkaroon ng aksidente sa bangka na aking sinakyan noon at tumaob kami...marami kaming sakay...at hindi ko na alam kung ano na ang mga sumunod na pangyayari...hanggang ng matauhan ako ay narito na nga ako sa lugar ninyo", ang natutuwang sabi ni Gabby.

Nasa ganoong kagalakan si Gabby habang nakatingin lang si Dory dahil ngayong nagbalik na ang dating pag-iisip nito ay naroon ang pangamba sa puso niya...hindi na ito si Gabriel, ang kanyang minahal...papano kung mayroon na itong pananagutan sa buhay o may kasintahan na naiwan niya?Papaano na siya..ang damdamin niya? Mga katangungan na nais niyang malaman kaagad...kaagad.

***

Kinabukasan, walang kibo si Dory...hindi niya kinakausap si Gabby...dahil nangangamba siya sa mga sasabihin ni Gabby...sa mga sasabihin nito na magbibigay lang sa kanya ng kirot sa kanyang puso kung anoman iyon.

At ganoon nga ang nangyari, ang pinangangambahan ni Dory ay nagkatotoo dahil sa mga ipinagtapat dito.

"Dory hindi ko alam kung papaano ko ito ipaliliwanag sa iyo, subalit gusto ko munang malaman mo na hindi kita niloko...ang naramdman ko sa iyo bilang si Gabriel ay totoo iyon...mahal kita subalit may dapat akong balikan sa amin sa Ilo-ilo...ang aking kasintahan na nakatakda na kaming pakasal na hindi natuloy dahil sa trahedyang nangyari sa akin...at sana maunawaan mo ako", ang paliwanag at pakiusap ni Gabby kay Dory na umaasa na sana ay maintindihan siya nito.

"Puntahan mo Gabby ang kasintahan mo, mayroon kayong sumpaan sa isa't isa, huwag mo akong alalahanin", ang maluha luhang sabi ni Dory.

Iniwan ni Dory si Gabby at nagpunta sa kuwarto at doon ay umiyak siya ng umiyak. Nasa ganoon siyang sitwasyon ng lapitan siya ng kanyang ama.

"Dory ano ang sabi ko sa iyo noon na baka ka masaktan, kung magbalik ang dating memorya ni Gabby...ngayon masakit, hindi ba?".

Hindi kumibo si Dory, nagpatuloy ito sa pag-iyak, labis siyang nasaktan subalit ano ang kanyang magagawa, hindi para sa kanya si Gabby...mayroon ng nagmamay ari ng puso nito..

"Dory", ang tawag ni Gabby sa may pinto ng kuwarto.

Si mang Pedro ang lumabas.

"Mang Pedro kumusta po si Dory?".

"Ayun sa loob at iyak ng iyak."

"Mang Pedro patawarin po ninyo ako, biktima ako ng mga pangyayari sa buhay ko...hindi ko po niloko si Dory...sana po maintindihan ninyo ako", ang pakiusap ni Gabby.

"Wala kang dapat na ihingi ng kapatawaran, talagang ganyan, kung minsan ang tadhana, ay mapagbiro."

"Salamat po mang Pedro sa inyong pang-unawa...puwede ko po bang kausapin si Dory?".

"Sige, pumasok ka na at mag-usap kayo".

Pagpasok ni Gabby sa kuwarto ay nakita niya si Dory na nakasubsob ang mukha sa unan at umiiyak.

"Dory, aalis na ako ingatan mo sana ang sarili mo at huwag kang magkakasakit...paalam na sa iyo", ang malungkot na sabi ni Gabby, at tuloy tuloy na itong umalis.

Nang malayo na si Gabby ay tinanaw siya ni Dory sa bintana.

"Gabby bakit pa kita nakilala? Bakit malupit sa akin ang tadhana...sa ating dalawa? Bakit ka pa dumating sa buhay ko ngayong ang puso ko at alaala ay nasa iyo? Ngayon pa na minahal na kita ng buo...na ikaw ang mundo ko sa bawat oras...bakit...bakit?", ang nasabi na lang ni Dory sa sarili habang lumuluhang tinatanaw ang papalayong si Gabby...na sa pakiramdam niya ay kasama rin ang puso nito sa pag-alis ni Gabby.

***

Umalis na nga si Gabby at bumalik sa Ilo-ilo. Pinuntahan ang kasintahang si Marilou at muling itinakda ang kanilang kasal, subalit habang nalalapit ang araw ng kanilang kasal ay hindi mawala sa isipan ni Gabby si Dory.

"Ano itong nangyayari sa akin...bakit hindi ko malimutan si Dory...bakit ngayon ko parang nararamdaman na mas kailangan ko siya ngayon", ang sabi ni Gabby sa sarili niya.

At dahil sa tunay na nararamdaman ni Gabby ay ipinagtapat niya ito sa kanyang kasintahan at siya ay naunawaan naman ni Marilou.

"Balikan mo Gabby si Dory, kahit makasal tayo ay hindi rin tayo magiging maligaya. Isipin na lamang natin na ang nangyari sa ating dalawa ay isa lamang panaginip at bukas magigising din tayo sa katotohanan".

Bumalik nga si Gabby kay Dory at ng sila ay magkitang muli ay walang pagsidlan sa kaligayahan ang dalawa, na sabihin mang pinaglaruan sila ng tadhana ay sila pa rin ang nagtagumpay sa bandang huli.

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" ang sigawan ng mga sumaksi sa kasal ni Gabby at Dory.

At ngayong kasal na ang dalawa ay wala ng makapipigil pa sa kanila na ipagpatuloy ang naudlot nilang mga pangarap...mga pangarap na muntik ng tuluyang maglaho dahil sa mapaglarong kapalaran.

Thank you guys, for reading.

Another inspiring short story is coming, enjoy reading.

Thank you.

Rio Alma

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts