(Shantell POV)
Nandito kami ngayon sa opisina ng tagatanggap ng misyon, o Service Office na tinatawag nila. Kasama ko ang buong Elementalist.
Simple lang ang silid na ito. Gawa sa kahoy ang papag maging ang bubong at pader. Isang malaking mesa ang nasa gitna na ginagamit ng nangangasiwa dito at isang malaking pisara o bulletin board na nakadikit sa pader. Punong puno ito ng mga papel na nakadikit dito.
"Nandito ba kayo para sa una niyong misyon?" Isang duwende ang umupo sa upuan nito at tinignan kami.
Tumango si Almira dahil siya ang tagapagsalita sa grupo.
"Ito ang inyong misyon. " sabay abot ng papel kay Almira kay nakitingin din ako.
Ayun dito ay may isang nayon na kailangan ng tulong dahil may kumakalat na sakit sa kanilang angkan na hindi nila malaman ang dahilan.
Napakunot ang noo ni Almira at tinignan ang duwende. "Ito ang nayon ng Barfa, dito nakatira ang angkan mo diba? Kaya ba ito ang binigay mo sa amin? " tinignan ko ang duwende, at nakita ko sa mga mata nito ang labis na lungkot.
"Mmm. Nagbabakasakali ako sa inyo, may dalawang grupo pa ang nauna na kunin ang misyon na iyan ngunit maging sila ay hindi matulongan ang angkan ko. Marami ang gustong kumuha ng misyon na yan dahil sa pabuya ngunit ng malaman nila na hindi ito nalutas ng dalawang naunang grupo ay wala ng magtangkang kumuha niyan" paliwanag nito. Tinignan ko ang papel at namilog ang mata ko dahil sa pabuya.
Limampung milyong ginto? Mukhang ibinuhos na ng angkan na ito ang lahat lahat upang matulongan sila.
Huminga ng malalim si Almira at nilingon si Kael. Nasa kanya pa din ang desisyon dahil siya ang leader. Pero kung ako ang tatanungin ay tatanggapin ko ito! Sayang ang ginto no!
"Let's take it" sabi lang nito at umalis na. Tss kahit kailan talaga apakasungit! Naalala ko tuloy nung nagpasalamat ako sa kanya dahil dinala niya ako sa clinic. Aba, hindi man lang ako tinignan at sinabing annoying daw ako dahil ang daldal ko. Hmmp!
Umalis na kami dun at pumunta sa Gate ng akademya! Sa wakas makakapag gala na din.
"Mission first before anything else" malamig na sabi ni Grimuel bago nilingon si Shia.
"Bat ako? " nakangusong sabi ni Shia. Napangiti ako dahil dito.
Nakalabas na kami sa barrier ng academy, nilingon ko ang academy at parang ang layo layo talaga nito. Kaya sumunod na ako sa kanila sa paglalakad.
After 3 hours ay naglalakad pa din kami! What the eff!! Hindi ba talaga uso dito ang commute?? Tss.
"Shia, wala bang sasakyan dito? I mean yung pwedeng mapabilis ang paglakbay? " tanong ko kay Shia.
"Puwede mong gamitin ang elemento mo sa paglipad pero hindi pa natin yun napag-aaralan eh" nakamot siya sa kanyang ulo.
Pwede pala kaming makalipad! Bat ngayon ko lang nalaman ito? Pramis pag uwi namin ay ipapraktis ko ito!!!!
"Pwede pala yun? Matry nga" hihi
"Mahirap yun eh, kailangan mong matalo ang iyong elemento sa duwelo upang lubusang magamit ang isandaang porsyento ng elemento" huh? Matalo? So kailangan ko palang talunin ito? Tsss.
"Eh ikaw? Natalo mo na ba? " umiling si Shia bilang sagot. "Pero silang tatlo OO" tinuro niya si Almira, Kael at Grimuel.
Buti pa sila! Hindi ako papayag dapat ako din hahahaha.
Sa hinaba haba ng nilakad namin ay sa wakas nakaabot na din kami sa nayon ng Barfa. Nasasakupan ito nila Almira, dahil kasali sa teretoryo nila ang lupain ng Barfa.
Pumasok kami sa maliit na nayon, at kapansin pansin agad ang nakakaawang lagay ng mga duwende. Isa sila sa mga manggagawa dito sa Air Palace, gumagawa sila ng mga sandata, kasuotan o mga kagamitan. Mapapansin sa kanilang mga balat ang pagkulubot. May inuubo, may nilalagnat at sinisipon.
Nakakaawa ang kanilang kalagayan. May lumapit sa aming isang duwendeng nagngangalang Darvin, ang pinuno ng angkan na ito.
Nagsimula itong magkuwento kung paano nahantong sa ganito ang pangyayari.
Noong una ay matiwasay ang kanilang pamumuhay, kaliwa't kanan ang mga trabaho dahil sila ang nagsusupply ng mga kagamitan sa nasasakupan ng Air Palace, ngunit sa ilang buwan nilang pagtatrabaho ay tila napansin nilang nagkakasakit na ang bawat isa, hanggang sa dumami ng dumami at ngayon ay buong angkan na nila.
"Shia, try to heal him" seryosong sabi ni Almira kay Shia habang nakaturo kay Darvin.
Lumapit si Shia kay Darvin at hinawakan ang dalawang kamay nito. Tama, ito ang kakayahan ng kanyang elemento, ang manggamot. Mas mabisa din ang kanyang panggagamot kesa sa mga angkan ng manggagamot. Kamusta na kaya sila lola Soli?
Lumiwanag ang kamay ni Shia ng kulay berde maya maya pa ay huminto na ito at tinignan si Almira.
"I can't, may pumipigil sa elemento ko na mapasok ang katawan niya" seryosong sabi ni Shia.
"That's okay." Sabi ni Almira bago nilingon si Darvin. "Maaari ba kaming maglibot sa inyong angkan?" Pagpapaalam nito kay Darvin.
"Walang problema prinsesa Almira" tinanguan ni Almira si Darvin at nilingon kaming lahat. "Kael" sambit lang nito kaya napatingin kami kay Kael.
"Let's do it by pair. If something came up send signals as soon as possible" matapo nito ay nagsialisan na sila.
Hinila ko si Shia para siya ang kasama ko ngunit naglalakad na ito palayo kasama si Damon! Hmmm.
Paglingon ko sa likod ko ay nawala na sila lahat at tanging si Kael nalang ang naiwan na bored akong tinitignan.
"So? " napakunot ang noo ko. So? So ano?
"Tss let's go! " sungit talaga! Araw araw ay regla eh!
"Sumunod ako sa kanya at dito kami napadpad sa likod ng mga kabahayan. May ilog pala dito? Pero may kakaiba eh, sininghot singhot ko ang paligid at napagtanto kung iba ang amoy ng hangin dito.
" naaamoy mo ba yun?" Lingon ko kay Kael na nagmamasid sa paligid. Tinignan ako nito na parang ang tanga ko.
"Don't talk as if you are the only who have nose here"
'Nye nye nye nye' bulong ko, oo o hindi lang naman sagot dami pa sinasabi.
"Are you mocking me? " seryoso nitong sabi na nakapagpangiti sa akin ng alanganin.
"Hindi ah, sabi ko nga oo naaamoy mo din" inikutan ko ito ng mata at pumunta sa ilog.
Lakad lang ako ng lakad sa gitna ng ilog ngunit napasigaw ako dahil sa bigla nagkaroon ng butas ang lupa para tuluyan akong mahulog pailalim.
"Ahhhhhhh"