webnovel

13. New Skill

(Shantell POV)

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Dalawang buwan na akong nandito at nag-aaral sa akademya. Sa loob ng dalawang buwan ay wala kaming ginawa kundi ang mag-aral ng mag-aral at magsanay. Malaki din ang ipinagbago ng bawat isa, maging ako.

Napangiti akong pinagmamasdan ang bilog na liwanag na lumulutang sa palad ko. Tama, kaya ko na itong kontrolin. Napaamo ko ang elementong ito ng walang kahirap hirap. Feeling ko nga siya pa yung takot sa akin eh.

Ang gaan sa pakiramdam, feeling ko ang gaan gaan ng katawan ko. Naging matagumpay din ang buong klase sa mga hamon na ibinigay ni Ginoong Marcus, katunayan nga niya ay handa na kaming tumanggap ng misyon!

Naging matagumpay din ang pagsusulit namin sa unang marka, at nangunguna si Kael dito. Kung sa Pilipinas ay grades ang tawag dito naman ay puntos.

Bawat pagsusulit ay nagkakahalaga ng 25 points, 100 points lahat sa 4 na subject. At sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ako nanguna sa klase which is I understand. Pero hindi na masama ang nasa ikalawang pwesto diba? Hihi

Bumangon na ako sa kama at nagpasyang magshower. Feeling ko nga sa silid na ito ko lang nararamdaman na nasa Pilipinas pa din ako. I mean napaka modern ng design, nasa trend ika nga.

Pagkatapos ay lumabas na ako dala dala ang sandata ko ang aking katana. Balak kong mag-ensayo gamit ito, at pag eksperementuhan ito.

Naabutan kong walang tao sa Dorm kaya nagpasya na akong lumabas. Dito ako sa kagubatan sa dulo ng akademya dahil may mga nagkalat na mababangis na hayop dito, tamang tama sa pagsasanay.

Natatawa ako dahil dati, halos matakot ako sa mga itsura nila pero wala, nasanay na din talaga ako.

Isang dambuhalang palaka ang tumalon sa harap ko. Kalmado ko lang itong tinitigan. Mabilis na binalutan ko ang sarili kong awra ko. Kaya alam kong may dumoble ang kilos at bilis ko. Isa ito sa kakayahan ng aking elemento, ang gawin akong mabilis ngunit kung bilis ang pag-uusapan ay mas mabilis pa din si Damon.

Hinakbang ko ang isa kong pa, pagtapak nito sa lupa ay tuluyang naglaho ang aking pigura sa harap ng palaka. Alam kung doon aatake ang higanting palaka, tinatawag itong Giant Poisonous Frog.

May lason ang dila maging ang dugo nito. Kaya delekado din kung matatalsikan ka nito pero hindi ako nangangamba dahil protektado ako ng awra ko.

Lumitaw ako sa taas ng higanting palaka at buong lakas na winasiwas ang espada ko, nagawa naman itong magalusan likod ng palaka at tumalsik ang berdeng dugo nito.

Pababa na ako sa lupa ng biglang ipulupot ng palaka and dila nito sa kaliwa kong paa, sabay hagis sa akin paitaas. Ibinuka nito ang kanyang bunganga na naghihintay sa akin na bumagsak sa loob nito ngunit nag-ipon ako ng enerhiya sa aking palad.

Mabilis itong lumaki ng lumaki at agad na pinakawalan patungo sa bunganga niya, dahil sa pwersa na pinakawalan ko ay naitulak ako nito paitaas kaya may oras akong balansehin ang aking sarili sa ere.

Nalunok ng higanting palaka ang bolang liwanag na binigay ko kaya naman pagbagsak ko sa lupa ay dali dali akong tumakbo at nagtago sa likod ng isang malaking puno. Maya maya pa ay isang malakas na pagsabog ang nangyari, nagkalat ang lamang loob ng palaka at umuusok usok pa ito.

Napabaling ako sa isang lalakeng pumapalakpak na naglalakad papunta sa akin. Isa itong lalaking normal na kasuotan lamang ang suot. May kakaunti itong balbas, ngunit ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang ginto nitong mga mata.

"Isa iyong kahanga hangang abilidad sa pakikipaglaban." Nahihiya akong ngumiti dito at napakamot ng ulo.

"Ahh.. Tatang, ano pong ginagawa niyo dito? " tumawa siya dahil sa sinabi ko which is weird.

"Tatang? Ikaw lang ang natatanging tumatawag sa akin niyan hahaha, ngunit maayos lang iyon sa akin" nilahad nito ang kanyang kamay na parang may hinihingi.

"Maaari ko bang mahawakan ang iyong sandata? Nais ko lang itong suriin dahil isa akong panday ng mga sandata at napansin kong magandaang iyong sandata"

"Sige po" alam ko namang hindi niya ito mabubuhat dahil tanging ang user lamang ng sandata ang makakagamit nito.

Ngunit ang kampanteng pakiramdam ko ay napalitan ng pagkagulat at pagkamangha dahil, maayos niya itong nagagamit. Winawasiwas niya ito sa hangin!

"Pa..ano niyo po nagamit iyan? " nagtatakang tanong ko.

Ngumiti ito sa akin ngunit hindi nito sinagot ang tanong ko.

"Maaari kitang turuan para mas magamit mo ito ng maayos" nananabik at kumukulo ang dugo ko!!! Bagong kaalaman, kahit kailanay hinding hindi ako magsasawa sa mga bagong kaalaman.

"Maaari mong pag-isahin ang iyong awra at sandata, basi sa nakita ko kanina ay hindi mo pa ito alam. Ginamit mo ang iyong palad sa pag atake gamit ang enerhiya." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Eh kase po, hindi po makakaya ng sandata ko ang pag-atake ng malayuan" napangiti siyang muli.

"Masyado mong minamaliit ang sandatamo binibini, manood ka ng mabuti."

Tumango tango naman ako at hindi na makapaghintay sa mangyayari.

Binalutan niya ang kanyang katawan ng awra. Nanlaki ang mga mata ko dahil ginto ang awrang inilalabas niya! Pero hindi yun ang nakakuha ng atensyon ko, unti unting nawawala ang awra sa kanyang katawan, gumagapang ang mga ito papunta sa sandata hanggang sa nabalutan ng gintong awra ang sandata!

Napawow ako dahil sa ginawa niya! Ang galing! Bat di ko naisip yan!

"Ngayon panoorin mo ito" seryosong sabi niya. Hinarap niya ang isang malaking kahoy hindi kalayuan sa amin. Winasiwas niya ang sandata sa hangin, kasabay nito ang pagbitaw ng awra sa espada, at inatake ang puno, isang hugis ng kalahating bilog ang namuo bago ito tuluyang kumawalasa espada, dahilan para mahati ang puno!

Napapalakpak ako dahil sa pagkamangha. "Ang galing niyo po! " tumawa naman siya dahil sa naging reaksyon ko. Ibinalik nito sa akin ang espada at mabilis ko itong kinuha.

Hindi ko siya nilingon at binalutan ang sarili ko ng awra, nanggigil ako dahil nararamdaman ko ang pagbuo ng awra at dahan dahang itinipon sa espada ko, ng alam kong handa na ito ay buong lakas ko itong winasiwas. Nakita ko ang pag atake ng awra ko sa isang puno at nahiwa ito!

Tumalon talon ako sa sobrang tuwa at hinarap si tatang ngunit nagtawa ako dahil nakanganga itong pinagmamasdan ito kaya naman winagayway ko ang palad ko sa harap ng niya.

Napa ubo ito ng marahan at alanganing ngumiti.

"Hahahaha hindi ko ito inaasahan! Mabilis kang natututo sa mga bagay bagay kahit ito ay nakikita mo lamang. Mahusay! Napakahusay! "

"Maraming salamat mo Tatang! " masiglang sabi ko.

"Aalis na ako binibini, lagi mong tatandaan na mag-ingat sa lahat ng bagay at panahon hmmm." Malapad itong nakangiti bago nabalutan ng liwanag ang kanyang katawan bago tuluyang naglaho.

Teka? Hindi ko natanong ang pangalan ni Tatang!!