webnovel

15. The Guardian Spirit of Water

(Kael POV)

Tss that annoying girl! Ano sa tingin niya ang ginagawa niya jan sa tubig? Don't tell me maliligo siya?

Naglibot libot pa ako ngunit mabilis akong napatingin sa kanya dahil sa pagsigaw niya.

"Aahhhhh! "

I saw how the water eat her! What the fuck is happening?!

Naglabas ako ng fire ball at hinagis to sa taas. Sumabog ang fireball sa taas, and that's the signal.

I usually calm but fuck! Bat natataranta ako? What to do? Fuck! I need Lucy now! Bat angtagal nila! "Fuck!!!" I shout coz I pissed and mad! Mad to myself because I don't know why am I acting this way!!

(Shantell POV)

Napatayo ako sa pagkakahiga ko sa tubig galing sa pagkakahulog. Teka nasan ako?

Nilibot ko ang paningin ko at para akong nasa kuweba na punong puno ng diamonds! Hindi rin madilim ang paligid dahil sa liwanag na nagmumula sa mga diamonds kung kaya pati ang tubig ay magandang pagmasdan.

"What brought you here?" Isang napakalamig na boses ang narinig ko sa aling likuran. Nilingon ko ito at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata.

Isang sirena na may asul na buhok ang nakaupo sa isang upuan na gawa sa diamond! May hawak hawak itong staff at may diamond din sa dulo. Punong puno pa siya ng alahas sa katawan.

"Ahh.. Ehh.. Hindi ko po alam kung bakit ako napunta dito" hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko.

Bigla siyang tumayo sa kanyang trono, dahan dahan itong nagkakaroon ng mga paa at lumilitaw itong patungo sa harap ko.

"Leave before I kill you" nanlamig ako sa sinabi niya ngunit may nangyayaring kababalaghan sa loob ng aking katawan, parang gustong lumabas ng elemento ko kaya napaliyad ako at napasigaw ng malakas kasabay nito ang pagkawala ng nakakasilaw na liwanag sa katawan ko.

Anong nangyayari? Naramdaman ko ang pag init ng aking mga mata kaya tinignan ko ang repleksyon ko sa tubig. Nagliliwanag ang mga ito, maging ang kinatatayuan ko ay umuusok dahil sa init ng aking enerhiya.

Nilingon ko ang Sirena at nagulat ako dahil nakaluhod na ito sa harap ko. Anyare??

"Forgive me God of Guardian! I am Sevana, the guardian spirit of water! " napanganga ako sa kanyang sinabi. Ano daw? Siya ay guardian of water? Lucy must know it! OMG!!

"Ahh.. Ano, pwede ka bang tumayo? " alanganin kong sabi na sinunod naman nito.

"Gusto ko lang malaman kung anong nangyayari sa nayon ng Barfa, dahil ikaw naman ang guardian of water siguro may nalalaman ka" mahinahon kung sabi.

"They are at my curse" namilog ang mata ko sa sinabi niya?

"What? Why? "

"They polluted the water, every day they throw all their mess from their business here. All the living creatures under the water suffered because of what they do and so I punished them all" napatango tango ako sa sinabi niya. Naiintindihan ko siya dahil trabaho niya na pangalagaan ang tubig.

Hindi natin alam na marami ding nagdurusang mga hayop na nakatira sa tubig kapag dinumihan natin ang kanilang tahanan.

"Tell me, is there some ways for us to help you? So that you can get back the curse"

"If they clean the river and promise that they will take care of it then maybe I can." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Sige sasabihin ko sa kanila, saan ang daan palabas? " nagtataka ako dahil sobrang galang na nito sa akin. Jeez.

"Before you live I want to say something" nilingon ko siya at tumango.

"You are in the process of training. But soon if you are ready I am always here to help you. And please don't tell to other that you saw me, not yet. Just wait before awakening" wala akong nagets sa sinabi niya pero nakangiti ako dahil ito lang ang naintindihan ko. She's willing to help me.

Tumango na lamang ako para matapos na to. Lumiwanag ang kanyang mga mata ng asul, at maya maya pa nga ay isang hagdan na gawa sa tubig ang nabuo kaya kumaway ako sa kanya bago nagpasyang umalis.

Nandito na ulit ako sa ilog kanina na kinatatayuan ko.

"Shanty!!!!! " malakas na sigaw ni Shia kaya napalingon ako sa kanya. Nandito silang lahat. Tumakbo sila papunta sa akin, pero napansin ko ang isa na sobrang sama ang tingin sa akin. Hinablot nito ang aking kamay at mariin akong tinignan, pero maya maya pa ay gumuhit sa mata nito ang iba pang emosyon. Pag-aalala? Kaginhawaan?

Nabato ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya. Hinila niya ako at niyakap. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nito at ang paghinga nito ng malalim.

'I swear to God I'll kill you if you do it again! Damn woman! '

Napangisi ako dahil sa binulong niya, ang sweet ha. As in sobrang sweet na ikakamatay ko. Geez.

Pinatawag ko ang lahat lahat ng mga duwende na nakakapaglakad at kaya pang magtrabaho. Kakaunti nalang sila dahil ang iba ay nakahiga na lang dahil sa hindi na kaya ng kanilang katawan.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa, kasalanan niyo kung bakit nangyayari ito sa inyong angkan" seryosong sabi ko sa kanila. Nagulat sila at nabigla sa sinabi ko.

"Maaari po ba naming malaman kong bakit binibini? " magalang na sabi ni Darvin.

"Dahil sa kapabayaan niyo, ay nasira ang ilog sa likod ng inyong bakuran, napag-alaman ko na dito niyo tinatambak ang lahat ng basura ninyo galing sa inyong mga trabaho. May isang nilalang ang nagalit kaya naparusahan kayo. Kaya kung gusto niyo nang matapos ang nangyayari sa angkan ninyo ay  pinapayo kung linisin ninyo ang ilog at alagaan. Mangako din kayo na huwag na ulit ninyo itong gagawin"

Naghiyawan sila matapos ng aking paliwanag. Nagsitakbuhan sila sa ilog at nilinis nila ito. Napangiti ako dahil sa aking nakikita.

"Good job! " bati sa akin ni Lucy kaya tumango lang ako. Nangangati ang dila kong sabihin sa kanya ang tungkol sa Guardian niya pero pinayuhan niya akong wag muna daw. Sayang, malaking tulong yun kay Lucy para mas lumakas pa siya.

Nalaman kong isang araw pala akong nawala, kaya pala sobrang nag-aalala sila.

Magdidilim na at natapos na kami sa mga gawain. Muli ng nalinis ang ilog, hindi na din mabaho ang simoy ng hangin at higit sa lahat nangako na silang gagawin at aalagaan ang ilog.

Unti unting gumaan ang pakiramdam ng bawat isa. Naging masigla muli ang nayon ng Barfa, unti unti silang gumagaling na nakapagbigay ng ngiti sa aking labi.

Ansarap sa pakiramdam na kahit sa simpleng bagay ay nakakatulong tayo. Dahil hindi naman mahalaga kung maliit man o malaking tulong ang magagawa mo basta nasa puso mo na gusto mong tumulong.

Napalingon ako kay Kael na seryosong nakatingin sa akin. Kinindatan ko ito kaya mas lalong sumama ang tingin nito sa akin.

Hindi na ako madadala sa ganyang tingin mo oy! Utot mo! Hahahaha