webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Filem
Peringkat tidak cukup
38 Chs

PREPARATION

SABRINA FEDEREZ

"Leo" tawag ko sa kanya pero nagpatuloy lang sya sa pagpirma sa mga papeles sa harap nya

"Leeooo" tawag ko uli pero di parin sya humaharap samin

Pinadala samin ni Atty. Laurence ung ibang papeles dahil may kailangan din daw syang pirmahan. Pero simula ng maibigay namin ang mga papeles ay hindi man lang nya kami kinausap.

Sigurado kaming nagtatampo sya kay Abigail nadamay lang kami. Di naman magtatampo sakin to!

"LEEEEOOO" sinigawan kona sya at nagdabog papunta sa tabi nya sabay hawak sa mga balikat nya at ginalaw galaw yon

Natawa naman sila pero si Abi ay lumapit din sakin at yumakap kay Leo.

"Sorry na kasi kuya"

Napatingin naman ako sa mga papeles na pinirmahan nya kanina. Onti lang pala yon! kanina pa sya tapos pero ayaw nya talaga kaming kauspin.

"Haynako Abi, ano pang magagawa ko?tignan mo ung mga papeles kitang kita ko pirma mo!" napayuko nalang si Abi

Kitang kita sa muka ni Leo na inis na inis na sya. Pulang pula na muka eh

"Di naman namin sya pababayan ah?" singit ko

mema lang

"Baka nga dadaan lang ung lamok napatay na ni Harp" singit din Abram

"Mga siraulo, alam na alam nyo pano ako sulsulin. Eto namang si Gagong Harper alam na malaki tiwala ko sa kanya na pati pinsan ko kaya kong itiwala sa kanya" reklamo ni Leo napangisi nalang si Harp

Sinabi sakin ni Harp yon nung isang araw eh. Alam daw nyang papayagan ni Leo si Abi samin kasi may tiwala si Leo sa kanya di lang halata. Iba talaga pagkampante.

"So we're okay na kuya?" excited na tanong ni Abi

"Oo na! Alam kong excited ka magayos ng damit mo!"

"Sa sobrang excited nya, kagabi pa ayos mga damit nya" ani ni Faye

Nung nagkakape pala kami sa kusina ay tumayo daw sya at nagayos ng damit nya. Baka daw kasi bukas ay magpanic lang sya at di alam anong uunahin na gawin kwento ni Faye.

"Sige na, sige na baka makulangan kayo sa oras" kiniss ni Leo si Abi at humarap sakin at aakto na kikiss din

Ngumiti ako sa kanya at ako na mismo ang humila kay Abram palabas.

#

"So? Clothes first guys okay?" mando ni Abi samin

"OKAYY" sabay sabay naming sabi at nagsimula na magayos

Sabi ni Leo ay mga kailangan lang daw ang dadalin dahil baka pagnagstay kami secu ng 5 days ay hindi raw payagan ipasok sa loob

"Hindi nako magdadala ng dress noh?" tanong ni Faye

"Magdala ka parin, for emergency." ani ni Pev

"Eh?hindi ba dadalin lahat?bat iiwan mo?eh hindi naman natin alam kelan tayo makakalabas don" kako natauhan yata sila

"ay gago oo nga noh?anong mangyayari dito sa bahay?" tanong ni Faye

"Myghad gurls! mamaya na yang usapan nayan!." sigaw samin ni Abi

#

"Evu, ano mangyayari sa bahay kaalis natin?" tanong ko

Katatapos lang namin magprepa ng mga gamit. Hindi masyadong marami ang dala namin dahil naalala namin na kung sa level 7 kami ay medyo may pagka maliit pa ang kwarto na tutuluyan namin.

Kailangan andito palang sa bahay ay nagaadjust na kami dahil hindi na pwedeng magreklamo doon.

"Ipapabantay ko nalang kay Kuya" ani ni Evu habang sinasawsaw ang singkamas sa asin

"Pre, legal ba pagpatay don?" biglaang tanong ni Ivan?si Ivan panget bato?

"Hindi, nabasa ko ko kanina sa rules and regulations na pagnakapatay ka accidentally or intentionally ay diretso kana sa kulungan nila" paliwanag ni Harper as usual magkatabi sila ni Abi

"Ano yon?habang buhay na don?" tanong ni Abi para magkaroon ng dahilan si Harp na makatitig sa kanya

"No, may ibang mga preso don na ginagawa nilang pain"

"Pain?as in ung parang ipapain sa kalaban?" tanong ni Abi

"Yup, ung iba tinatakas okaya hihingi ng special treats sa higher level" napatango naman kami

"Pero bugbog sarado ka kapasok mo palang sa preso ng QP. Pwede kang bugbugin kahit anong oras ng mga kamiyembro ng pinatay mo." at don kami napangiwi expected naman yon

"Quarter Palace is like a training ground?right?" tanong ni Abi

"Yes, a big training ground ft. organisation. Bale under ng QUARTER PALACE ang mga gang na papasok don"

"so under din ng QP ung Wex Field?" tanong ko agad

Don sila nanahimik, pati si Harp ay hindi rin nakasagot.

"Hindi ko alam, siguro?ewan"

Under kaya?kung under nya ang Wex Field edi siguradong under din nya ang Grey, Dux, Axe, Cop Field? Kilala ang mga Field na yan sa iba ibang lugar at ang alam namin ay magkaka konektado sila.

Sobrang laki nga naman talaga ng QP kung ganon. Ano na kayang mangyayari samin kapasok namin don?

#

Bukas na ang alis namin at ang sabi ni Leo ay sasama sya samin sa paghatid pero hanggang don lang sa harap. Ang gang kasi namin ay sa kanya mismo naka under, kaya kailangan parin sya.

May posibilidad kasing harangin kami at patayin dahil may ibang organisation na pinipigilang maparami ang mga under sa QP.

Kumbaga pinipigilan silang lumakas at magparami?

Kastress mas gusto ko pang magpractice ng SG sa cod at alamin paano masanay sa gyro.

"Sabrinaaaa" tawag sa akin ni Ivan

"hnm?baket?"

"Kuya ni Evu asa labas, hanap ka" napatayo naman ako

Si Abi ay may last dinner daw kuno kasama family nila Leo. Si Faye ay umalis din magliliwalil daw, Si Pev umalis din ewan ko ba don.

Si Abram, Evu, Harp ay may last dinner din daw sa family nila isasama pa nga ako kaso umayaw ako dahil mas gusto ko mapagisa.

"Alis muna ako" paalam ni Ivan

"San puntaa?"

"Kitain ko jowa ko" aniya sabay ngisi

Tumango nalang ako napagusapan na namin yan. Papaalam na sya sa jowa nya kasi di naman pwede ang communication sa QP.

"Kuyaa" tawag ko sa kuya ni Evu

"Sab"

"hmm?pasok ka kuya?miryenda" alok ko

"hindi na, dito nalang tayo sa puno" tumango naman ako at tumabi sa kanya

May sasabihin to eh, ramdam ko.

"Bukas na alis nyo no?hindi ako pinayagan ni Leo sumama kasi may rambol na gaganapin sa Grey Field"

"oh?kamiss manood ng rambol" tapunan kasi yon ung katulad sa WWE ung mga wrestling

"Alam mo bang nakakainis ka non kasi araw araw ka sa bahay" napangiwi naman ako kaya humagalpak sya ng tawa

"Tapos nakakainis pa sayo non onti nalang ulam mo ipapakain mopa sa pusa nagmeow meow lang sayo" don ako natawa kasi pagginagawa ko yon tapos nakita nya ibibigay nya sakin ung pagkain nya at yon kakainin ko

"Sigurado kana ba?Aabutin kayo ng ilang taon don. Don kana din magaaral at magtatapos ng College."

"Sigurado na, kailangan ko talagang mahanap kapatid ko"

"You know, I really like you" don ako nawala sa sarili at nangalikot ng kung ano ano sa tabi ko

"Napansin yata yon ni Evu tapos simula non sya na ung pumupunta sainyo, kala ko mawawala na pagkacrush ko sayo non kasi 16 ka lang naman non."

"Pero nung nakita ulit kita nung nagpapaturo ka pano magmotor kay Evu, grabe sobrang ganda mo non, tapos nagstay ka samin ng ilang weeks kasi may nangyari sa bahay nyo"

"Mas lalo akong nagkagusto sayo. Kitang kita ko pano mo respetuhin lola ko, pano mo ihandle ung ugali ni Evu. Tapos nung inaya moko magsimba, sinamahan mokong mangumpisal"

Nung Fiesta nangyari yon, inaya ko syang magsimba kasi ang sabi ni Evu bday yon ng magulang nya.

"Maybe i can wait for you?" nagulat naman ako

"ha?wait for?"

"I can surely sure that i can wait for you to comeback. Uuwi ka parin naman dito right?Alam kong sobrang ayaw mo na dito sa bayan natin dahil sa nangyari"

"Uuwi lang ako dito pagnakita kona kapatid ko" ani ko

"You know, you're a strong woman. Inaya ka nilang sumama sa kanila-"

"Gusto kong mapagis-"

"Wag mong iisipin na ikaw lang magisa, Sabrina. Ang dami mong kaibigan, sa tingin moba na tanga kami na tatangapin lang na ganyan kana umakto sa harap namin samantalang wala pang isang buwan ung nangyari?"

"Sab, palagi ka rin daw nila nakikitang bigla bigla nalang natutulala, bigla nalang mawawalan ng gana. Sab you have so many friends, so many shoulder to lay on."

"Kuya"

"Alam nila Evu na hindi mo kayang hindi umiyak. Magtampuhan nga lang kayo nila Evu umiiyak kana kay Abram. Sab, you can cry okay?Walang humaharang sayong umiyak, walang naiinis sayong magwala"

"Sobrang bigat na siguro ng dibdib mo, ano?" tanong nya sakin

Humarap naman ako sa kanya at yumakap. Hindi kona pinigilan sarili ko at umiyak na. Akala ko kaya ko ng pigilan, hindi pala pwede kasi maraming nagaalals sakin o kahit wala.

Walang pumipigil saking umiyak, paggusto kong umiyak edi umiyak. Paggusto kong maging masaya maging masaya.

Just breathe and let destiny lead the way.