webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Movies
Not enough ratings
38 Chs

SIGN ME

ABRAM GARCIA POV

Ganto pala pakiramdam, ung malaya ka naman dati pero ngayon mo lang ramdam. Pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi nila tungkol sa lolo ko. Sa ngayon siguro ay magiisip isip muna ako.

Ang importante ngayon ay makakasama ako, advantage din to dahil pwede kong makilala ang iba kong kamaganak.

"Bobo mo magsnipe!" reklamo ni Sab kay Ivan na nang gigigil na sa laro ba o kay sabrina

Naglalaro sila ng Call of Duty at kanina pa sya trina-trashtalk ni Sab dahil hindi daw magaling magsnipe. Nakalimutan nya yatang kakadownload lang ni Ivan.

"Tangina mo ikaw nga bobo magSG eh!" sigaw din sa kanya pabalik ni Ivan

"wag na kayong magaway mga pabuhat" suway sa kanila ni Pev

"Nagtrashtalkan na kayo di naman kayo makatutok" para namang sumama ang loob nilang dalawa sa sinabi ni Evu at biglang nanahimik

"Basta mas maganda ako kay Pev"

"Ah basta mas maayos higa ko pagtulog"

Napailing nalang ako dahil sa kalokohan nila. Nagbubulungan kasi sila pero rinig naman. Kita ko pang pinipigilan nila isat isa na i-unstall ang cod.

"I'm hungry na, it's already 11:30 we should cook"

Napatingin kaming lahat kay Abigail na naka-apron na at may hawak na sandok. Sya lang ang nakatayo dahil bukod sa kanya ay lahat kami nakahilata sa sofa at sa sahig.

"Hello? Naririnig nyo paba ko?my ghad you guys should delete that cod! look ang papanget nyo na!" arte nya at hinila si Sab na nagmamaktol kay Pev

"Samahan moko sa BR!" saad ni Sab sa kanya

"Mp main ako tanga"

"Laro tayo don" inalog nyapa ang balikat ni Pev

"Kaya mo magisa yon" lumayo na si Pev dahil mukang naglalaro pa sya

"Gusto ko may kasama, naprepressure ako don eh!" maktol ni Sab

Ayoko rin syang kalaro sa BR. Pano kasi lalayo lang ng onti sisigaw na wag daw iwan.

Napatingin ako kay Abigail na hindi alam ang gagawin dahil hindi man sya pinakikinggan nila Sab. Napatingin ako kay Evu na binaba na ang cellphone, si Ivan naman ay muntik ng ihagis.

"Umayos na kayo andyan na si-"

"Harp! Look at them! hindi sila nakikinig sakin! I already do all the chores then sabi ko magluto na ng pananghalian pero hindi nila ako naririnig!" sabay sabay kaming nanahimik at tumingin kay Harp

Masama ang tingin nya saming lahat.

"wow jabee" hindi talaga marunong makiramdam si Sabrina

May hawak kasing plastic ng Jabee si Harp at yon lang ang napansin nya. Bigla namang napaayos ng upo si Pev at sininghot singhot ang amoy non.

"Oh! Hindi na tayo magluluto! Thank y-" si Abigail na tinatanggal na ang apron

"Hindi, ikaw lang ang kakain nito at magluluto sila ng pagkain nila" sabay sabay kaming napatingin sa kanya na parang may sinabing nakakasama ng loob

"Ginawa nya lahat ng gawaing bahay, anong nagawa nyo? legendary naba?" pagalit na tanong nya

"hindi na nga ako makaalis sa master 1 eh!" napangiwi naman ako sa sinabi ni Sab

Kahit kelan talaga.

"Magluto kayo ng pagkain nyo"

"pero gusto ko ng jabee" tumayo nako at dumiretso sa kusina

Hindi ko napansin na gumawa ng gawaing bahay si Abigail dahil kalalabas ko lang ng kwarto kanina. Siya ang nagpresinta na maghugas ng plato nung umagahan.

"magorder nalang tayo" bulong sakin ni Ivan

"di papayag si Harp gago" napakamot nalang sya sa ulo at naglabas ng pwedeng lutuin sa ref

#

"Okay, Nagusap na kami ni Harper about this and we decided to make a head quarters rules and curfews" ngiting ngiti si Abigail habang sinasabi sa amin yon

Gagong Harper nginitian lang bumagsak

"bakit may paganyan pa?" reklamo ni Ivan

"oo nga! bat mag ganyan-" nagreklamo na din si Sabrina

"shh patapusin nyo muna" nanahimik silang dalawa ng asa amba na ng pinto si Harp

"We decided to have a phone curfew. We're going to start tomorrow." sabay sabay kaming napangiwi

"pwedeng magreklamo?" tanong ni Sab

"No, isang linggo na kayong ganyan. Puro Cod dito dyan. Wala na kayong ginagawa kung ganyan din naman pala ang gagawin nyo dito sa hq at gang umalis nalang kayo" ani ni Harp

"It's for your health din naman kasi napansin ko late na kayo natutulog then ang onti ng kinakain nyo kasi gusto nyo maglaro na agad. Tapos pagdinadalan ko naman kayo ng water ay hindi nyo ginagalaw" paliwanag ni Abigail

Wow matured.

"Tama tama" saad ng plastic na si Sabrina inirapan lang sya ni Abigail

"So in the morning makukuha nyo ang phone nyo after maglinis ng buong bahay. Paggumamit ang isa ay dapat gagamit ang lahat. Kukunin ang phone nyo sa kagabi 10 pm, no extension." ngumiti nalang ako pero parang naging ngiwi yon

"Naintindihan nyo ba?" tumango lang kami

whew

#

"Guys omayghad go to sleep" suway sa amin ni Abigail

Anaknang kala koba tulog nato?Sabi kasi kanina ay bukas pa magsisimula kaya sinasagad na namin ngayong last day. Ang sabi nila ay pinatulog na ung dalawa kaya nagsilaro na kami

Hindi naman ako mag lelegendary paghumiga ako.

"Abii bukas pa naman ung curfew eh" maktol ni Sab

"Pero baka mapano kayo! You guys sleep late! paghindi kayo natulog ngayon isusumbong ko kayo!" ampota alam na may back up eh

"Magsi tulog na kayo dahil pipirma na tayo bukas"

Nagulat kaming lahat dahil biglang sumulpot sa likod ni Abi si Harp. Bukas na agad?pipirma?

"Bukas na agad?" gulat na tanong ni Evu

Dahil kahit kami ay walang alam. Mas active magupdate sa kanya si Leo.

"Yup, kakatext lang ni Leo. Humiga na kayo" napatayo na kami at nagsi deretso sa kwarto nagpapalakpak naman si Abi

"good good" sabi pa

"tabi tayo?" bulong ni Sab

"ayoko nga" san kami matutulog?sa sala?

"epal ka, evuu" lumipat naman syang braso

"tabi tayo tulog?" anyare ba dito bat nagaaya magtabi?

"saan?"

"don sa kwarto nyo" nagtaka naman ako

Inakbayan ko sya at nilapit sa akin

"anyare?may problema?" tanong ko

Napatingin naman sila samin at nakinig din.

"kasi punyeta ung suggestion don sa yt puro aswang" napangiwi naman ako

Last ko syang nakatabi na katatapos lang namin manuod aswang ay hindi sya nakatulog. Ang likot likot isang kalabog lang ay ginigising nyako

"bat kasi nanunuod ka non? sabi ko naman sayo iwasan mong manuod ng ganon" pinagalitan pa sya

"eh kasi parang maganda ung movie ayon natapos ko hehe"

"oh tapos ngayon hindi ka makakatulog" napanguso sya

#

"Sab wag kang malikot" bulong ko dahil tulog na si Ivan

Nasa lapag kami at pinagitnaan pa si Sab. Asa gilid nya si Evu na nakatukbong at alam na ang gagawin ni Sabrina.

"kase naman parang may naglalakad sa gilid natin dagdag pang may nagmeow meow" kanina pa sya

Umupo naman ako at lumapit sa bintana pero wala akong makitang kahit ano. Napatingin ako kay Ivan na umupo sa kama at tinignan si Sabrina

"ang ingay mo"

Sa huli ay andito kaming apat sa kusina at pinapanood na magtimpla ng kape si Sabrina. Nalalaglag pa ang ulo ni Ivan at Evu dahil antok na antok talaga.

"etoo na kapeee" binigyan nya kami isa isa

Buhay na buhay ampota.

#

Tagal naman nung sinasabi ni Leo na may dalang kontrata para sa amin. Kanina pa kasi kami dito sa isa sa mga vip office ng Wex.

Tinignan ko sila isa isa at pinakatitigan. Si Sabrina na seryoso sa paglalaro ng cod, pano kasi hindi na makaalis sa master 3. Si Abigail na medyo kinakabahan kasi hindi raw sya sigurado kung pumayag ba si Leo sa desisyon nya.

Si Fayeriela na nakatutok parin sa cellphone nya at si Peveria na atat na atat ng pumirma, alam kong may something sa kanya pero hindi nalang muna namin pinakialaman dahil yon ang favor nya sa resume.

Si Ivan naman, si Ivan ba to? tss. Basta okay lang sya. Si Evu na ginugulo di Sabrina habang naglalaro. Si Harper na nagbabasa ng mga rules and regulations sa loob ng Quarters Palace.

Wala kasing nagvolunteer magbasa don kaya ang ending ay sa leader ng Black Society bumagsak.

"Sorry, I'm late." napatayo naman kami

Pumasok ang isang lalaking formal ang suot at may salamin. May hawak syang briefcase at mapino ang galaw. Kung babae lang ako baka lumuhod pako sa kanya.

Parang attorney ang galawan n-

"I'm Attorney Laurence, one of the best atty. representative of QP. Assigned to make you fill up this contract" pormal na ani nya

Pinaupo nya kami sa isang mahabang mesa at andon sya sa gitna habang nakatayo. Ipinatong nya sa mesa ang briefcase at inilabas ang laman.

Kinuha nya yon at umikot sa amin habang binibigyan kami ng papeles. Muntik pakong matawa dahil may watermark yon.

SIGN ME ang nakalagay.