webnovel

Mapagmataas

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 67: Mapagmataas

Pagkakita ni Huo Mian sa balance, nagulat siya…

Binilang niya ang mga zeroes, "One, ten, hundred, thousand, ten thousand, hundred thousand, million?"

Tama nga, kung idadagdag ang 800 yuan na meron si Huo Mian dati, meron na siya ngayong 1,000,800.

Edi ibig sabihin, ang buwanang sweldo ni Qin Chu ay isang milyong yuan?

Sa totoo lang, hindi ganun kalaking halaga ang isang milyon para kay Qin Chu. Kung ibabase sa conservative estimation, ang GK corporation ay may hindi bababa sa isang dosenang bilyon sa kanilang assets.

Ang pagbibigay ng isang milyong yuan sa president ay pormalidad lamang ng financial department bilang buwanang procedure.

Ngunit, ang isang milyong yuan ay napakalaking halaga na para kay Huo Mian…

Ibig sabihin ba nito, pwede na siyang mamuhay ng walang iniintindi ngayon? Dahil nakapag-asawa siya ng mayaman?

Habang nakahiga sa sofa, pakiramdam niya panaginip pa rin ang lahat habang tinitingnan niya ang kayang pangmayaman na condo, titulo, marriage certificate at ang kanyang balanse sa bangko.

Inabot ng kalahating oras ang pagmamaneho ni Qin Chu galing Imperial Park papuntang Hillside Manor.

Halos 7 PM na nung dumating siya.

Pagkaparada, napansin ni Qin Chu na may iba pang nakaparadang kotse sa kanilang lote. May Bentley, Maserati at Porsche 918.

Mukhang may mga bisita ang kanilang pamilya…

Tahimik na binuksan ni Qin Chu ang pinto at hindi niya ikinagulat na makita ang kanilang sala na puno ng mga tao.

"Chu, nagbalik ka na. Tamang-tama ang dating mo para sa hapunan, inaantay ka nga namin e."

"Hindi ako kakain," sabi ni Qin Chu pagkadaan sa mga tao para makaakyat.

Bumalik lang siya para kumuha ng mga gamit. Pagkatapos, opisyal na siyang bubukod…

Pero, mukhang hindi pa rin alam ng mga magulang ni Qin Chu na ang anak nila ay bubukod na…

Nag-imbita sila ng ilang mga kaibigan, kasama na rito ang dalawang dalaga na mukhang laki sa layaw at pinanganak na may gintong kutsara sa bibig.

Habang bumababa si Qin Chu sa hagdan, may bitbit itong paper bag na naglalaman ng kanyang mga personal na gamit.

"Chu, hayaan mo akong ipakilala sayo ang anak ni Auntie Liu, ang president ng Wind Walk Corporation, si Gao Meina. Oh, at ito naman ay si Zhao Yihuan, galing sa pamilya ni Uncle Zhao, ang anak ng president ng Shengqi Media Association. Parehas silang…"

"Ma, may mga kailangan pa akong gawin kaya aalis na ako. Oh, at naging busy na rin ako sa trabaho kamakailan lang kaya hindi muna ako makaka-uwi at bumili nalang ako ng condo, so tawagan niyo nalang ako kapag kailangan niyo ako."

Pagkatapos magsalita, tumuloy na sa pag-alis si Qin Chu…

"Chu…" sa pagkahiya, sinubukan ni Mrs. Qin na tawagin ng ilang ulit ang kanyang anak ngunit walang nangyari.

Kakaalis lang papuntang ibang bansa ni Qin Yumin, bumisita ito sa Switzerland kasama ng ilan niyang mga kaibigan. Kaya naman nakita ng nanay ni Qin Chu na isa itong magandang oportunidad para makapag-imbita ng iilang babae na nakakasama niya umiinom ng tsaa kasama ang kanilang mga anak na babae. Gusto niya itong gawing oportunidad para sa kanyang anak ngunit hindi niya ito pinansin at biglaang sinabi na bubukod na siya.

"Mukhang sobrang busy ng anak mo, haha," awkward na sabi ng isang babae, sinusubukan nito ayusin ang sitwasyon.

Tumawa si Mrs. Qin at sinabing, "Huwag niyo na siyang alalahanin. Hindi naman kasi ganun katagal simula nung bumalik siya at naging sobrang busy pa niya matapos maging president ng GK. Bihira nga rin namin siya makasama kumain sa gabi.

"Okay lang, ang mga kabataan naman ngayon ay mga workaholics kaya magandang busy siya," tawa ng isa.

"Auntie Qin, ang gwapo no Qin Chu! Mga katulad niya ang tipo ko," nahihiyang ngumiti ang anak na babae ng Gao Family.

"Sobrang mapagmataas si Qin Chu, pero gusto ko ang ganyan," isa pang komento ng isang babae.

Walang halong tuwa ang pagtawa ni Mrs. Qin at sinabing, "Mhm, sa susunod, iimbitahan ko siya na magdinner kasama kayo. Siguro busy lang talaga siya sa corporation dahil lagi siyang nag-oovertime."

Diretsong pumunta kaagad si Qin Chu sa kanyang bagong condo sa Imperial Park. Pagkabukas ng pinto, natagpuan niya si Huo Mian na natutulog ng mahimbing sa sofa.

Nakasuot siya ng t-shirt at low-cut na pantalon. Ang mga mapuputi niyang bukung-bukong ay kitang-kita, ito ay sobrang cute at nakakaakit.

Tahimik na tinanggal ni Qin Chu ang kanyang blazer at pinangtaklob sa kanya…

Dahil sa sobrang kapaguran, hindi na napansin ni Huo Mian ang jacket na pinangtaklob sa kanya…

Hanggang sa naka-amoy siya ng matamis at mabangong amoy na gumising sa kanya…

Amoy toast ito…

Buong tanghali rin siyang nag-impake sa kanyang nirerentahan na apartment at di na nakapagluto dahil sa sobrang pagkapagod.

Tinatamad gumising si Huo Mian, at pagkabukas ng mata niya, sinalubong siya ng nakakasilaw na ilaw mula sa chandelier.

Dun niya lang na-realize na wala na siya sa dati niyang apartment, at nasa bagong bahay na siya kasama si Qin Chu.

"Gising ka na?" marahang tanong ni Qin Chu habang maamong nakatingin sa kanya.