webnovel

Magtiis

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 66: Magtiis

Napakagat labi nalang si Huo Mian at hindi na nagsalita. Ngunit, sa loob-loob niya, nakahinga siya ng maluwag.

Hindi niya talaga gusto ang mga magulang ni Qin Chu at ayaw niyang magkaroon ng kahit anong koneksyon sa kanila.

Pagkatapos ng kalahating oras, dumating na sila sa Imperial Park, isa sa pinakamalaking high-end residential area at matatagpuan ito sa First Ring Road district.

Dahan-dahang tumigil ang kotse ni Qin Chu.

Pagkatingala ni Huo Mian, tiningnan niya ang buong paligid ng pang mayaman na lugar na ito.

Ang bentahan ng mga bahay dito ay nagsimula two years ago at natapos lang nitong nakaraang taon. Sa pagkakarinig niya, ang presyo ng per-square-meter dito ay mas malaki pa sa eighty thousand yuan.

Kilala ito bilang upper-class development site. Base sa sabi-sabi, isang sikat na Feng-Shui practitioner galing Hongkong ang inimbitahan dito para tingnan ang lokasyon nito.

Napapaligiran ito ng isang bundok at lawa na ang daan ay nasa may bandang kaliwa. Sabi naman ng ibang tao, itong lugar na ito ay nagsisimbolo sa apat na great beasts of legend: ang green dragon, white tiger, vermillion bird at black turtle.

Dahil malapit ito sa pinakamalaking natural na lawa sa kanilang city, ang Jade Water Lake, mataas ang mga property values dito.

Sa isang forum post nga, isang netizen ang nagbiro na ang lupang ito ay isang kayamanan base sa Feng-Shui standards. Kapag binaliktad mo kasi ang direksyon nito, magiging kapantay ito ng Sun Yat-sen Mausoleum. Isang libingan na ginawa ng gobyerno para sa isa sa sa mga bayani ng kanilang bansa.

"Dito tayo titira?"

"Oo," tumango si Qin Chu at pinangunahan si Huo Mian pagpasok.

Ang mga buildings ay dinesenyo para maging mini high-rises, at may sapat na pagitan din ito sa bawat building, kaya nakakapasok ang sikat ng araw.

Ang bawat building ay may English-style architecture at dark red na exteriors. Nagustuhan ito ni Huo Mian.

Ang lobby ng complex ay puno ng palamuti na katulad sa isang five-star hotel. Inalalayan ni Qin Chu si Huo Mian papunta sa malaking elevator at pinindot ang button papuntang sixteenth floor.

Mukhang nasa pinakamataas na palapag ang titirhan namin, isip ni Huo Mian.

- Pagkatapos ng ilang segundo -

Bumungad sa kanila ang sixteenth floor. Tiningnan ni Huo Mian ang paligid at na-realize niya na may isang unit lang para sa buong palapag.

Mukhang may isang unit lang talaga ang bawat palapag, tulad nga ng inaasahan sa mga mayayaman.

Inilabas ni Qin Chu ang susi at binuksan ang pinto. Sinundan siya ni Huo Mian paloob.

Nagnining ang mga mata nito pagkakita nang nasa harap niya.

Ito ay isang maluwag at maliwanag na two-story unit. Ang lantad na disenyo nito ay nagawang posible na makita ang dalawang palapag mula sa pinto. Ang puting European-style na mga gamit ay disente at may pagka-kumplikado.

Kung tatantsahin, ang unit ay mas malaki pa sa two hundred square meters. Sa lugar kung saan sobrang taas ng mga values ng property, paniguradong ito ang pinaka-angat sa lahat ng luxury units.

"Naging biglaan ang kasal natin kaya wala akong oras para pumili ng address. Kaya binili ko kaagad itong lugar na ito. Magtitiis muna tayo dito pansamantala at kapag natapos na yung interior sa South Hill Manor, lilipat na tayo doon."

"Okay lang, gusto ko naman dito," lumunok muna si Huo Mian bago sumagot.

Kung tama ang pagkakarinig niya, sabi ni Qin Chu na pansamantala lang itong tirahan at talagang seryoso niyang sinabi ang 'magtiis'?

Santisima, ang one square meter ng lugar na ito ay eighty thousand yuan. Ito rin ay nasa real estate golden zone at First Ring Road na sampung minuto lang ang layo kapag nilakad galing First Hospital.

Bale, itong buong unit na ito ay nagkakahalaga ng mahigit ten million yuan, hindi pa kasama dito ang mahigit isang milyong gamit nito, at itong lalaking ito ay sinasabing kailangan muna nila 'magtiis pansamantala.'

"Lahat ng kailangan natin ay andito na. Kung may kulang man, ipaalam mo sakin. Meron akong kakilala na kukuha nito para sa'tin."

"Okay," tumango si Huo Mian.

Nang biglang, nag-ring ang cell phone ni Qin Chu.

"Hello. Sige pupunta na ako diyan. Antayin mo ko," pagkababa, tumingin si Qin Chu kay Huo Mian. "Kailangan ko muna bumalik sa bahay ng magulang ko. Magpahinga ka na."

"Okay," tumango si Huo Mian ulit.

Nang tumayo si Qin Chu at binuksan ang pinto para umalis, bigla siyang may naalala kaya bumalik siya ulit. Naglabas siya ng key-card, isang set ng susi at inilapag sa palad ni Huo Mian.

"Ito ang mga susi at ang titulo naman ay nasa may coffee table. Sayo na itong mga to."

Pagkatapos, umalis na si Qin Chu.

Habang hawak ang mga susi, tuliro pa rin si Huo Mian. Ganun lang ang nangyari at nakalipat na siya agad kasama si Qin Chu.

Tiningnan niya ang titulo sa coffee table. Parang siyang sinapian, hindi niya mapigilang maglakad at buksan ito. Katulad nga ng inaasahan, nakapangalan ito sa kanya.

Nagulat siya na may luha siya sa kanyang mga mata.

Hindi dahil ang paggastos ng lalaki sa isang babae ay magandang gawain. Ito ay dahil naiintindihan niya si Qin Chu.

Totoong bossy at matigas ang ulo nito pero lagi niya ibibigay sayo ang sa tingin niya ay best. Sa ganoong gawain niya pinapakita kung gaano ka kahalaga sa kanya.

Ganoon siya seven years ago, at ganun parin siya ngayon kahit seven years na ang nakakalipas.

Si Qin Chu ay ang lalaking minsan na rin niyang minahal, at ang naramdaman niya para dito ay tagos hanggang buto.

Habang nakatingin sa titulo, tulala pa rin si Huo Mian. Pagkatapos, bigla siyang may naalala, nilabas niya ang kanyang cellphone kaagad at binuksan ang kanyang mobile banking app.

Pagka-enter niya ng password, tiningnan niya ang balance.

Kung tama ang pagkakatanda niya, ang sabi ni Qin Chu ay inilipat nito ang sweldo niya para sa buwan na ito sa kanyang card. Sobra siyang curious: gaano kaya kalaki ang kinikita ng mapagmataas na si Qin Chu?