68 Nakorner

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 68: Nakorner

Mabagal na iniangat ni Huo Mian ang kanyang ulo at nakita si Qin Chu na nakaupo sa sofa. Nakasuot ito ng toffee-colored dress shirt, casual pants at may isang mamahaling limited edition na Petek Philippe diamond watch. Ang mga kamay nito ay parang nagsasayawan sa taas ng keyboard ng kanyang laptop; mukhang busy ito magtrabaho.

"Mhm," iaantok na sagot ni Huo Mian.

"Nagluto ako, kain tayo."

HIndi na niya inantay ang sagot ni Huo Mian, ibinaba nito ang kanyang laptop at pumunta sa kusina.

Pagkatapos, inilabas niya ang dalawang servings ng toast, bacon at mainit na kape.

Gusto sabihin ni Huo Mian na hindi siya gutom, pero, pagkabukas niya ng kanyang bibig, tinraydor siya ng kanyang tiyan at bigla itong tumunog.

Inilapag ni Qin Chu ang toast at kape sa may coffee table sa harap niya. Dahil ayaw ni Huo Mian magmukhang suplada, kinain niya ito.

Siguro gutom lang siya o may iba pang rason, pero ang sarap ng pagkain.

Ang honey at butter ay nakapalaman sa toast, kaya ito ay naging sobrang tamis at tamang-tama ito dahil si Huo Mian ay mahilig sa mga matatamis.

Habang pinapanuod niya si Huo Mian na tahimik na kumakain, naging maamo bigla ang tingin ni Qin Chu…

Pagkatapos, nagring ang phone ni Qin Chu…

Inilapag niya ang kanyang baso at mabagal na sinagot ang phone…

"Hello?"

"Anak, bakit bigla kang bumukod?" mukhang seryoso si Mrs. Qin sa mga nangyayari.

"Sobrang busy ko sa trabaho at lagi akong nag-oovertime. Nakakapagod magmaneho nang pabalik-balik."

"Hindi mo pa rin kailangan bumukod, saan ba yang bago mong bahay? May mga katulong, driver o tagalinis ka ba diyan?"

"Ma, kaya ko na sarili ko."

"Anak… Kung hindi ka sanay mag-isa sa bahay, bumalik ka na dito. Nag-aalala ako sayo."

"Ma, matanda na ako."

"Alam ko, pero ikaw ang baby boy Chu ko habangbuhay. Ano nga rin pala ang tingin mo sa dalawang babaeng dinala ko sa bahay kagabi?" Sa wakas, nasabi na rin ni Mrs. Qin ang pinakapunto niya.

"Hindi ko sila gusto."

"Dahil ba sa itsura o tangkad nila? Sabihin mo kasi sakin kung ano ang gusto mo sa babae. Hahanapan kita." Sinusubukang kumbinsihin ni Mrs. Qin ang kanyang anak.

Habang hawak ni Qin Chu ang kanyang phone, tumingin siya kay Huo Mian, ito ay kasalukuyang umiinom ng kape.

Pagkatapos, binigyang diin ni Qin Chu ang bawat salita at sinabing, "Ma, ang gusto ko sa babae ay… 24 years old, 165 centimeters ang tangkad, 50 kilograms ang timbang, may mahabang itim na buhok, malaki ang mata, hindi nagsusuot ng makeup, mahilig sa puting t-shirt at pantalon at may dimples pag ngumingiti."

Pagakarinig ni Huo Mian sa kanyang mga sinabi, napayuko ito sa sobrang hiya.

Ayaw niyang maging feelingera pero pakiramdam niya, siya ang tinutukoy ni Qin Chu.

"Saglit lang, isusulat ko yan. Huwag kang mag-alala anak, susubukan kong makahanap ng babaeng katulad niyan," sa kabilang linya, sineryoso ni Mrs. Qin ang mga sinabi ni Qin Chu.

"Edi maganda, yun lang, Goodnight," pagkatapos magsalita, binaba ni Qin Chu ang tawag, hindi na hinintay ang sagot ng kanyang nanay.

Pagkatapos kumain ni Huo Mian, dinala niya ang mga hugasan sa kusina.

Pagkatalikod niya, bumangga siya kay Qin Chu...

Hindi niya alam kung paano siya napunta sa kusina ng mga oras na yun.

Sa sobrang lapit nila sa isa't isa, sobrang kinabahan si Huo Mian.

Ang mga kamay ni Qin Chu ay nasa pader habang ang mga bisig nito ay nakapalibot kay Huo Mian. Maamo niyang tiningnan ang taong yakap niya.

Matagumpay niyang nakorner si Huo Mian nang walang pasabi…

"Excuse me, kailangan ko pa maghugas," sabi ni Huo Mian habang nagkukunwaring kalmado.

Mga tatlong segundo tiningnan ni Qin Chu ang kanyang mukha.

"Hindi mo na kailangan gawin ang mga ganitong bagay."

Pagkatapos magsalita, tumabi si Qin Chu para makadaan si Huo Mian at pumunta sa may lababo para magsimulang maghugas.

Hindi alam ni Huo Mian ang dapat gawin…

Pagkatapos hugasan ni Qin Chu ang mga pinagkainan, umalis na ito sa kusina.

Samantalang, si Huo Mian ay nanatiling naka-upo pa rin sa sofa. Ang oras ay ten o'clock ng gabi.

"Gabi na, kailangan na nating… matulog," habang ang mga kamay niya ay naka-paloob sa kanyang bulsa, sumandal si Qin Chu sa may bandang pintuan at nakatingin kay Huo Mian.

"Hindi pa ako inaantok, mauna ka nang matulog," awkward na sagot ni Huo Mian.

"Takot ka bang matulog kasama ako?" ang mga dulo ng labi ni Qin Chu ay umangat hanggang sa maging ngisi ito.

avataravatar
Next chapter