CHAPTER NINE
ILANG BESES na kinurot ni Cathy ang sarili. Nais niyang malaman kung nanaginip ba siya ng mga sandaling iyon. Tama ba ang narinig niyang sinabi nito.
"Anong sinabi mo, Dennis?" tanong niya.
Ngumiti si Dennis at muling hinawakan ang kanyang kaliwang pisngi. "I love you, Cathy. Noong una palang kitang makita ay may gusto na talaga ako sa iyo. Mas lalong nahulog ang loob ko sa iyo ng mas nakilala pa kita." Hinawakan ni Dennis ang kanyang mga labi. "Nais sana kitang maging nobya kung okay lang sa iyo?"
"Ano?"
Pakiramdam ni Cathy ay nakalutang siya ng mga sandaling iyon. Ayaw gumana ng utak niya. Nang makita ang isang magandang ngiti kay Dennis ay lalo siyang nawala sa katinuan. Kaya ng muli siyang halikan ni Dennis ay hinayaan na lang niya ang binata. Ilang saglit pa ay tinugon niya ang halik nito. Mas lalong naging malalim ang halikan nila ng hawakan ni Dennis ang kanyang baywang at hinatak siya para tumayo. Agad siyang napahawak sa leeg nito ng maramdaman ang panginginig ng kanyang binti. Ngayon niya lang naramdaaman ang panghihina noon. Mas inilapit ni Dennis ang katawan nito sa kanya. Nagpa-ubaya naman siya. Gumanti siya ng halik sa binata na para bang doon nakasalalay ang buhay niya.
They kiss like no tomorrow. Hindi niya alintana ang magiging kahihinatnan ng ginagawa niya. Bahala na bukas at sa susunod na araw. Sa ngayon ay susulitin niya ang pagkakataon na makasama si Dennis, mayakap, mahalikan at madama ang pag-ibig nito. Naramdaman niyang humakbang si Dennis at dahil nakayakap ito sa kanya ay kasama siya sa bawat hakbang nito. Patuloy pa rin sila sa paghahalikan ni Dennis habang naglalakad. Sa pagitan ng mga halik na iyon ay hinahalikan ni Dennis ang kanyang pisngi, leeg at muling babalik sa labi niya. Hindi niya alam kung gaano katagal na silang naghahalikan ni Dennis ng maramdaman niyang bigla silang lumubog sa tubig.
Napamulat ang mga mata niya at nakita niyang nasa tubig sila ni Dennis. Naputol na din ang halikan nilang dalawa. Nanlaki ang mga mata niya at pinilit ang sarili na lumangoy. Buti na lang at hindi ganoon kalalim ang swimming pool. Matalim na tingin ang pinukol niya kay Dennis na ngayon ay tumatawa.
"I hate you!!!" sigaw niya sa binata.
Lumangoy si Dennis palapit sa kanya. Hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.
"Tingnan mo nga ang ginawa mo sa damit ko." Singhal niya sa binata.
Hindi sumagot ang binata. Bigla na lang nito hinapit siya sa baywang at inilapit ang katawan sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ng may naramdamang tumutusok sa parte ng pribadong katawan niya. Natulak niya si Dennis palayo sa kanya.
"Ngayon ay alam mo na kung bakit ko ginawa." Muling lumapit sa kanya si Dennis. Lumangoy siya palayo sa binata habang lapit pa rin ito ng lapit. Natigil lang siya ng nasa dulong bahagi na siya ng pool. Mabilis ang paghinga niya habang nakatinign sa mga mata ni Dennis na puno ng pagnanasang nakatingin sa kanya.
"Better behave now, Cathy before I lost all my mind and I make love to you here in swimming pool."
Namula ang mukha niya sa sinabi ni Dennis. Tinulak niya ito ng buong lakas at umahon sa swimming pool. "Bastos!" sigaw niya.
Tumawa lang si Dennis bago hinubad ang damit pang-itaas at tinapon sa may gilid ng pool. Nakita niya tuloy ang malapad nitong dibdib at ang nakakatakam nitong abs. Shit! Abs nga. Anim na pandesal ang nakita niya. Napatulala pa siya lalo ng lumangoy si Dennis at likod naman nito ang pinagpyestahan niya. Bakit bati likod nito ay ang sarap titigan? May kanin ba si Dennis sa bahay na iyon. Ang sarap ng ulam na nakahain sa kanya. Lalong nanubig ang bagang niya ng makita ang paghubad ni Dennis ng sout nitong pantalon. Boxer na lang nito ang natitirang suot.
Pakiramdam ni Cathy ay na iihi siya ng makita ang matambok na puwet ng binata.
'Humarap ka dito.' Sigaw ng isip niya. Nakaramdam siya ng panglalaway ng humarap nga ang binata at nakita niya kung gaano ka umbok ang harapan nito.
'Shit na malagkit. Nasaan na ang kanin. Ang laking hotdog." Lalong nagwala ang baliw niyang katinuan.
Sinundan niya ang bawat langoy ng binata. Binaliwala ang malakas na hanging umiihip sa lugar na iyon. Paano naman niya maramdaman ang lamig ng mga sandaling iyon kung nang iinit ang pakiramdam niya. Ang hot ni Papa Dennis, parang nais niyang tumalon sa swimming pool at muling magpakulong sa mga bisig nito. Bahala na sa mangyayari sa kanya.
Bago pa niya magawa ang sinisigaw ng baliw niyang utak ay agad siyang pinigilan ng matitirang matino niyang pag-iisip. Tumalikod siya at tinampal ang mukha ng dalawang kamay. Bakit bigla siyang naging mahalay? Hindi naman siya ganoon. Hindi din naman iyon ang unang pagkakatapon na makakita siya ng hubad na lalaki. Noong nasa U.S at Europe siya ay naging photographer siya bilang raket. Dagdag pangtustus sa pag-aaral niya. Madalas ay mga lalaking modelo ang nakikita niyang nakahubad na lalaki kaya maganda ang pangangatawan.
"Cathy, mabuti pa ay umakyat ka ng second floor. Iyong kwarto sa kaliwa ay bukas, pwede mong suoting ang damit ko pansamantala. Pwede mong patuyuin ang damit mo sa loob ng C.R?" sigaw ni Dennis.
Gusto niya sanang harapin ang binata at singhalan dahil sa ginawa nito sa kanya ay pinigilan niya ang sarili. Hindi niya pwedeng makita ang anyo ng binata na sobrang nakakaakit. Baka mawala na naman siya sa katinuan at talagang tumalon siya ng pool para samahan ito.
Tumikhim muna siya para tanggalin ang bumara sa lalamunan niya. Nararamdama niya pa rin kasi ang pang-iinit ng katawan niya. "O-Okay! Thank you." Sabi niya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.
Binaliwala niya ang mainit na tingin ni Dennis na tumatagos sa suot niyang damit. It's dangerous to be near with him right now. Kailangan niyang lumayo.
Nakarating siya ng second floor ng hindi na dadadapa dahil sa sobrang bilis ng lakad niya. Kulang na lang ay tumakbo siya. Agad niyang nakita ang kwartong sinasabi ni Dennis . Bumungad sa kanya ang pabango ng binata. Iniikot niya ang paningin sa buong kwarto at nasisigurado niyang iyon ang kwarto ni Dennis sa bahay na iyon. Puro gamit panglalaki ang laman ng kwartong iyon. Dark blue ang kurtina, ganoon din ang bedsheet at unan. Sky blue at white naman ang isang seat ng sofa na nasa gilid. May nakita din siyang T.V at mini ref na nandoon. Malaki ang kwarto dahil may nakita din siyang parang mini bar sa likod ng t.v set. Meron ding nakadisplay na gitara sa gilid ng kama. May nakita siyang pinto sa isang sulok na malapit sa kama. Lumapit siya doon at binuksan. Sa pag-aakalang iyon ang banyo ay pumasok siya ngunit nanlaki ang mga mata niya ng makitang walk-in closet iyon. Nakita niya ang naglalakihang mga closet. Binuksan niya iyon ag bumungad sa kanya ang mga damit ni Dennis.
Puro iyon suit at maayos ang pagkakahanger ng mga iyon. By color din ang pagkakaayos na lalo niyang hinangaan. Binuksan niya ang drawer sa ilalim at nakita niya ang iba't-ibang kulay ng slacks. Sinunod niyang buksan ang ibang closet. Mga damit ang laman ng mga iyon. Mula sa damit pangbahay at panglakad ni Dennis ay nakita niya doon. May drawer din ito na puro sapatos at caps. Ang drawer nito na may salamin ay puno ng iba't-ibang brand ng relo. Kung ganoon ay sobrang yaman din pala ng mga Madrigal.
Talagang may ipagmamalaki sa lipunan ang isang Dennis ngunit bakit nga ba hindi nagtagpo ang mga tadhana nila noon gayong iisang society lang naman ang ginagalawan nila?
'Remember Cathy. Hindi ka sumasama sa ama mo kapag may mga party at event itong pinupuntahan. Ang Ate Cathness mo ang madalas na kasama ng ama mo kaya hindi ka din niya pormal na pinapakilala sa ibang tao. At ang mga tanging taong nakakaalam lang ng pagkatao mo ay ang mga board of Directors ng DL Group of Companies.' Kistigo ng isip niya.
Napailing na lang siya. Itinigil niya ang ginagawa at lumapit na lang sa isang drawer. Kumuha siya ng damit ni Dennis. Isang itim t-shirt at isang boxer nito ang kinuha niya. Lumabas siya ng walk-in closet. Lalapitan na sana niya ang isang pinto na nakitang nandoon din sa kwartong iyon ng mahagip ng mga mata niya ang kanyang bag na nakapatong sa study table. Agad niya iyong nilapitan at kinuha ang extra panty niya doon. Buti na lang talaga at may ganoon siya. Naka-ugalian na niya iyon simula ng minsan siyang matagusan noong nag-aaral siya ng high school. Better prepare that never.
Agad siyang naligo. Ginamit niya ang sabon at shampoo ni Dennis. Amoy panglalaki tuloy siya ng matapos ngunit wala siyang paki-alam. Hindi kasi ganoon katapang ang amoy ng sabon at shampoo ni Dennis. Masarap nga iyon sa ilong. Lumabas siya ng banyo pagkatapos labhan ang damit. Muntik na siyang mapatili ng makita si Dennis na kampanteng nakahiga sa kama nito. Agad itong napatingin sa kanya.
"Ang cute mo pala kapag suot ang damit ko."
Napatingin siya sa sarili. Malaki sa kanya ang damit nito, umabot iyon hangang hita niya. Hindi nga makita ang suot niyang boxer nito. Bigla ay namula ang mga pisngi niya ng maalalang wala pala siyang suot na bra at pwede iyon mahalata ng binata.
"Let's eat. Dumating si Ateng Mariz at nagluluto siya ng pagkain natin."
Napaangat siya ng tingin. Nakatayo na si Dennis ilang metro ang layo sa kanya. Bagong ligo na din ito at putting t-shirt at cargo short ang suot nito. Nakapaa lang ang binata. Dennis looks so fresh with his look. Mas bumata sa paningin niya ang binata. Bumagay din dito ang buhok nitong hindi pa yata dinadaanan ng suklay.
"May problema ba sa mukha ko, Cathy?"
Napakurap siya dahil sa tanong nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil nakaramdam siya ng pang-iinit ng kanyang mukha. Nahuli siya nitong nakatitig ng matagal sa mukha nito. Tumikhim muna siya bago sinagot ang tanong nito.
"Wala naman. Kain na tayo."
Tatalikuran na sana niya ang binata ng bigla nitong hinawakan ang kanyang braso. Ang bilis naman nitong lumapit sa kanya. Bigla niyang binawi ang kamay ng may naramdaman kakaiba sa hawak nito.
"May problema ba?" hindi nakatingin dito na tanong niya.
"Tungkol sa tanong ko kanina. Maari ko na bang malaman ang sagot mo?"
Nanigas siya sa kinatatayuan. Hindi niya ma-itaas ang mukha para tingnan ang binata. Nakaramdam siya ng takot ng mga sandaling iyon ngunit mas nangingibabaw ang pag-ibig na nararamdaman niya para rito. Naguguluhan siya ng mga sandaling iyon. Pumatak ang mga luha niya sa sobrang frustration. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nagdadalawang isip sa gagawin niya. Noon ay kapag ano ang nais niya ay iyon ang gagawin niya basta nasa tama lang siya.
"Cathy..." hinawakan ni Dennis ang kanyang magkabilang balikat.
Wala siyang nagawa kung hindi itaas ang kanyang mukha. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ng binata at dahil doon ay tuluyan ng natibag ang pag-aalinlangan sa puso niya.
"Dennis..." umiiyak na banggit niya sa pangalan. Bago pa muling makapagsalita ang binata ay sinakop niya ang mga labi nito. She kiss him with all she have. Ipinadama niya kay Dennis ang pagmamahal na hindi niya masabi.
Nais niyang ipaalam sa binata na mahal na mahal niya ito gamit ang mga halik niya. At kahit naman kasi magsalita siya, wala pa rin tamang salita para ipaalam dito kung gaano niya ito kamahal. Bahala na sa susunod na araw. Bahala na kapag natuklasan ni Dennis ang mga kasinungalingan niya. Saka na niya haharapin ang galit nito kapag dumating na siya sa puntong iyon. Sa ngayon ay susulitin niya ang sandaling kasama niya ang taong minamahal. Tatanggapin niya ang lahat ng masasakit na salitang sasabihin nito dahil sa unang pagkakataon ay nagmahal siya ng buong puso. Umibig na din ang puso niya ng buong-buo.
"BABE, may problema ba?" tanong ni Cathy kay Dennis.
Nasa bahay sila ngayon ni Dennis. Parehong off nila sa trabaho kaya naisipan ni Dennis na yayain siyang lumabas. Akala niya ay dadalhin siya ni Dennis sa mamahaling restaurant ngunit nagulat siya ng makita ang lugar na tinatahak nila. Sa bahay nito dito sa Antipolo siya dinala ng binata pero kahit ganoon ay sobrang saya niya. Si Dennis kasi ang nagluto ng pagkain nila. Nagswimming din sila at buong araw na nagbasa ng libro sa library.
Padilim na ng mga sandaling iyon at nakatingin na naman sila ulit sa malawak na tanawin ng Metro Manila. Sa loob ng ilang linggo na paggiging sila ni Dennis ay madalas silang nasa ganoong tagpo. Pareho naman nila gusto ang ganitong scenario. They love watching the city light. Nakakalma silang pareho.
"It's nothing, Cathy."
"Wala pero kanina ko pa napapansin na distracted ka. May nangyari ba?" lumapit siya sa nobyo at sinalat ang noo nito.
Inalis ni Dennis ang kamay niyang nakalagay sa noo nito. "Wala akong sakit, babe. May nangyari lang kahapon sa office pero wag kang mag-alala dahil naayos ko din lahat."
Hindi siya naka-imik. Pinagmasdan niya lang ng mabuti ang mukha nito. Alam niyang may dinadala itong mabigat na problema ngunit ayaw lang talaga sabihin sa kanya. Nais man niyang tulungan ang nobyo ay wala siyang magagawa. Ngumiti na lang siya dito at niyakap ito. Humilig siya sa malapad nitong dibdib.
"Alam kong kaya mo iyan, babe. Ikaw pa kaya. Basta nandito lang ako para sa iyo."
Naramdaman niyang mas humigpit ang yakap sa kanya ni Dennis at ang paglapat ng labi nito sa kanyang buhok.
"I love you, Cathy. Trust me, I will fix this mess soon."
Ngumiti siya. "I love you too, Dennis. Mahal na mahal kita."
Hindi na umimik si Dennis. Naramdaman na lang niya na mas humigpit ang hawak nito sa kanyang baywang. Nararamdaman niya ang bigat sa dibdib nito. Ganoon din ang pag-aalala. Sana nga ay okay lang ang lahat.
Hindi alam ni Cathy na iyon na pala ang huling araw na makakasama niya ng ganoon si Dennis. Naging malimit na kasi ang pagkikita nila ng nobyo. Sinusundo pa rin naman siya nito sa trabaho at kakain sa labas ngunit hindi na kagaya ng dati na isasama muna siya nito sa kung saang park para mag star grazing. Pakiramdam niya ay may kulang na sa relasyon nilang dalawa. Nais man niyang tanungin ang binata ay hindi niya magawa dahil nakikita niya sa mukha nito na may dinadala itong problema. Ngunit hindi niya akalain na darating pala ang araw na mapupuno siya.
"May problema ba tayo, Dennis?" tanong niya sa binata.
Pa-uwi na siya ng araw na iyon. Katatapos lang nilang maghaponan. Ihahatid na siya nito sa bahay niya at hinihintay niyang magsalita ang binata para pag-usapan nila ang kanilang araw ngunit sa buong durasyon ng pagsasama nila ay hindi man lang ito nagsalita. Kung magsalita naman ito ay sobrang tipid.
"Anong sinasabi mo, Cathy?" natatawang tanong ng binata.
Ngunit alam niyang hindi totoo ang tawa nito ng mga sandaling iyon. Sa loob ng ilang buwan niyang nakasama si Dennis bilang kaibigan at nobyo ay alam na niya kung ano ang totoong tawa nito. Ngayon ay nararamdaman niya ang distansyang meron sila.
"Alam mo kung anong tinatanong ko, Dennis." Galit niyang tanong sa binata.
Hindi nakasagot si Dennis. Nawala ang pekeng ngiti sa labi nito. Napalitan iyon ng lungkot at pag-aalala. May naramdaman siyang bigat sa dibdib ng makitang ganoon ang binata. Wala ba talaga siyang magawa para dito.
"Sabihin mo sa akin, may problema ba---"
"Wala!!!" sigaw ni Dennis. "Mabigat lang ang problema ko ngayon sa opisina, Cathy." kinagat ni Dennis ang kuko nito.
Traffic ng mga sandaling iyon kaya nakasandal lang si Dennis.
"Noong nakaraang linggo ko pa naririnig iyang problema mo sa opisina. Ano ba kasi iyon? Sabihin m---"
"Lorenzo resign from work. Ngayon ay hawak ko na din ang Suarez-Madrigal Corporation. Dalawang kompanya ang hawak ko, Cathy. Hindi ko alam kong paano ko iyon hahawakan ng maayos. Kaya please! Wag mo ng dagdagan ang problema ko."
Hindi siya nakaimik. Bigla ay umatras ang dila niya dahil sa sinabi nito. Kaya pala parang ang laki ng problema nito. Dalawang malaking kompanya ang hawak nito. Sa mall palang nito ay halos malaking oras na ang kinakain kay Dennis. Paano pa kaya kapag kasama ang isang malaking kompany kagaya ng Madrigal Empire. Ano ba kasing nangyari at nagresign ang Kuya nito?
"Ang kuya mo nagresign?" gulat niyang tanong.
Tumungo si Dennis. "Something happen that he resign from the position. Hindi pwedeng mabakante ang posisyon niya. Kaya noong nakaraang buwan ay nagbotohan ang board. Binuto nila ako bilang kapalit ni Kuya. Wala akong nagawa. Board decision and also Dad."
"Pero ang mall..." sobra naman yata ang ginawa ng mga ito kay Dennis.
"Hindi ako pwedeng tumanggi, Cathy. It's my family legacy. Kapag tinangihan ko ang posisyon ay mapupunta iyon sa anak ng isa sa mga board of Derictors at iyon ang ayaw naman mangyari. Our business should be handling with us only. Hindi pwedeng hawakan ng iba." Matigas at mariin nitong sabi.
Hindi na siya nakapagsalita. Biglang pumasok sa isipan niya ang sinabi ng kanyang ama noong nalaman nitong hindi niya itinuloy ang kurso niyang Business Administration. Noong panahon iyon ay galit na galit ang ama niya. Nawala lang ang galit nito ng magtayo siya ng flower shop. Mas lalong natuwa sa kanya ang ama ng ampunin niya si Mary Ann at naging legal na Dela Costa ito. Kung ganoon ay ganito pala ang nararamdaman ng kanyang ama. Noong hindi niya itinuloy ang pag-aaral ay alam nitong walang hahawak sa Dela Costa Empire dahil ang dalawa niyang kapatid ay may kanya-kanyang kompanyang hahawakan. Nagtumanggi ang Ate niya ay hinayaan ito ng kanyang ama dahil ang deriksyon na tinatahak nito ay ang sa kanilang lola. SI LJ naman ay ang mundo ng kanilang Lolo. Siya lang talaga ang na iba. Sa kanya sana nakasalalay ang paghawak ng DL Empire ngunit umiwas siya.
Umiwas siya ng tingin. Nais ng ama niya na Dela Costa pa rin ang hahawak ng kompanya kaya pumayag itong ampunin niya si Mary Ann dahil ito ang napiling maging tagapamahala ng kanyang ama. Walang kahit na sinong taga-labas ang pwedeng humawak ng Dela Costa Empire. Ngayon ay na-iintindihan na niya ang ama.
WALANG HUMARANG kay Cathy ng pumasok siya sa building ng DL Group of Companies. Deritso siya sa top floor ng building na iyon. Walang sumabay sa kanya sa elevator ng makita ang seryuso niyang mukha. Oo nga at hindi siya madalas sa opsina ng ama ngunit alam ng lahat kung gaano siya kamataray. Sa kanilang magkakapatid kasi ay siya ang may masamang imahe sa opisina ng ama. Minsan kasi ng pumunta siya doon ay hindi siya nakilala ng sekretarya ng ama. Sa sobrang inis niya ay sinabuyan niya ito ng tubig at pinatanggal sa trabaho. Kumalat iyon sa buong opisina ng DLGC, kaya sumama ang tingin ng lahat sa kanya. Kahit pa nga ang totoo ay ang babaeng iyon ang may kasalanan. Tinawag ba naman kasi siya nitong bruhang nagpipiling mayaman.
"Ma'am Cathy, magandang umaga po." Agad na bati ng sekretarya ng kanyang ama.
"Hello, Ally. Si Daddy nasaan?" ngumiti siya sa dalaga.
"May meeting po siya kasama ang mga Board of Derictors."
Nagsalubong ang kilay niya. "Tungkol saan ang pinag-uusapan nila?"
Bigla ay nag-alangan ang sekretarya ng kanyang ama. Mukhang importante ang meeting na iyon para hindi magsalita ang dalaga. Ngumiti na lang siya at tumalikod. Sumakay ulit siya ng elevator at bumaba ng apat na floor. Doon ang meeting room. Nang lumabas siya ng elevator ay nakita niya ang ilan sa mga head ng department. Tumaas ang kilay niya ng tumingin sa kanya ang lahat. Hindi niya pinansin ang mga nagtatanong nilang tingin. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob na ikinatigil ng taong nagsasalita. Lahat ng naruroon ay napatingin sa kanya kasama na ang ama niya.
"Cathy, what are you doing here?' tanong ng kanyang ama,
Tumingin siya sa paligid. Mga board of Derictors nga ang naruroon, may nakita din siyang bagong mukha na sa tingin niya ay hindi doon sa kanila nagtatrabaho. Ngunit isang mukha ang naka-agaw ng pansin niya. Binundol agad ng kaba ang puso niya ngunit ano ba ang dapat niyang ikatakot. Iniiwas niya ang tingin sa lalaki at hinarap ang ama.
"Maari ko bang malaman kung para saan ang meeting na ito, Daddy? May mga hindi yata ako kilalang tao dito."
Oo nga at hindi siya sumasama sa mga event ngunit kilala niya lahat ng business associate ng kanyang ama. Sila ang hindi nakakilala sa kanya.
"Cathy, hindi ka kasama sa meeting na ito at hindi ka parte ng kompanya. Lumabas ka muna, hija. Ta---"
"Tinatanggap ko na ang alok mo na maging Presidente ng kompanya, Daddy. Sapat na ba iyon para sumali ako sa meeting niyo?" sinalubong niya ang tingin ng ama.
Narinig niya ang malakas na singhap ng mga taong naruruon. May narinig din siyang bulungan sa mga ito. That's right, walang ibang taong hahawak sa kompanya nila kung hindi isang Dela Costa. Hindi siya makakapayag na isang Madrigal ang hahawak noon.
Ngumisi siya sa ama. Nalaman niya sa Ate Cathness niya na balak ng ama nila na ipahawak kay Lorenzo ang kompany kapag nakasal ang Ate niya sa huli. At hindi niya iyon hahayaan na mangyari. Hindi siya makakapayag na ang pamilya Madrigal ang hahawak sa kompanya na itinayo ng kanilang ninuno. May sarili silang negosyo tapos kompanya nila ang pakiki-alaman ng mga ito. Pagkatapos noon ay pahihirapan nila ang nobyo niya na hawakan ang dalawang negosyo nila. Napaka-unfair naman yata noon sa parte ni Dennis.
"Sigurado ka ba, Cathy?" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang ama.
"Yes, Dad!" Humakbang siya palapit sa ama. Sumulyap siya sa ama ni Dennis na naruroon sa loob at mataman na nakatingin sa kanilang mag-ama. Humarap muli siya sa ama. "I will handle DL Group of Companies. Ito na ang tamang oras para hawakan ko ang negosyo ng pamilya." Tumingin siya sa ama ni Dennis at binigyan ito ng matamis na ngiti. "Dapat isang Dela Costa lang ang hahawak ng kompanya."
This is it. Wala na talagang atrasan ang paghawak niya sa kompanya ng ama.
NAKATINGIN si Cathy sa malawak na hardin sa bahay ng kanyang ama. Ngayong araw ang engagement party ng Ate Cathness at ni Lorenzo. At alam niya ngayong araw din ay malalaman ni Dennis ang totoo niyang pagkatao. Nais niya sanang ipaalam sa binata ang tungkol sa totoo niyang pagkatao bago ang araw na iyon ngunit hindi sila nabigyan ng pagkakataon. Agad kasi siyang tinuruan ng ama ng tunkol sa negosyo at nitong huling araw ay lagi ng busy si Dennis. Kapag sinasabi niyang magkita sila ay sinasabi nito na abala ito sa negosyo ng pamilya. Akala niya ay magiging maluwag si Dennis pagkatapos ng ginawa niya ngunit mas naging busy pa ang binata.
"Ang layo yata ng tingin mo, Mommy."
Napalingon siya ng marinig ang boses na iyon. Agad na lumiwanag ang mundo niya ng makita ang anak na nakatayo sa may pintuan ng kwarto niya. Ngumiti siya at nilapitan ang anak.
"Hello, my baby. Anong oras ka dumating?" hinawakan niya ito sa kamay at gihiya papasok ng kwarto.
Isinara niya ang pinto. Agad niyang niyakap ang anak. Hindi niya akalain na kasama niya ito ng mga sandaling iyon. Ilang buwan na ba niyang hindi nakakasama ang anak. Sobrang tagal na din. Gumanti naman ng yakap si Mary Ann. Kagaya niya ay mahigpit din ang yakap nito.
"I miss you, mom."
"I miss you too, baby." Kumalas siya sa pagkakayakap sa anak at hinawakan ito sa pisngi.
Pinagmasdan niyang mabuti ang anak. Mas lalo itong gumanda at naging matured. Napansin din niya ang magandang mga mata nito. Napakagat siya ng labi ng may naalala sa mga mata nito. Bakit nakikita niya ang mga mata ni Dennis dito?
"Something wrong, Mom?" mukhang napansin ni Mary Ann ang pagbabago ng emosyon sa kanyang mga mukha.
"Wala." Pinisil niya ang pisngi nito. "Gusto ko lang talaga kabisaduhin ang mukha mo dahil siguradong matagal bago kita ulit makita."
Ngumiti si Mary Ann. "Mom, I staying here for one month. Saka na ako babalik ng Australia kapag mag-enrollment na. At saka, gusto kong makasama ka ng matalaga. Nakakulong na din naman si Marko kaya safe na umuwi ako."
Tumungo siya sa anak at giniya ito papunta sa teresa. Nakita nila ang mga tao na abala sa paghahanda para mamaya.
"Talagang tuloy na tuloy na ang kasal ni Tita Cathness." Malungkot na turan ng anak.
Hindi siya nagsalita. Bumalik sa isipan niya ang maaring mangyari mamaya. Hindi pwedeng hindi sila magkita ni Dennis. Anong gagawin niya kapag tuluyan na nitong malaman na anak mayaman pala siya? Sabi niya noon ay handa na siyang tanggapin ang consequences ng mga ginawa niya pero ngunit ng mga sandaling iyon ay nagdadalawang isip pa rin siya. Nang mga sandaling iyon ay nasasaktan na agad ang puso niya.
"You spacing out again, mom."
Napakurap siya ng pumitik ang anak sa harap niya. Napatingin siya dito.
"May sinasabi ka ba?"
"May problema ka ba, Mommy? You seem distracted."
Umiling siya sa anak. Ayaw niyang malaman nito ang problema niya. Saka na siguro kapag naayos na niya. Kung ipakilala man niya si Mary Ann kay Dennis, sana ay iyong nasa maayos na relasyon na sila. Iyong walang halong pagpapanggap sa parte niya. Gusto niyang makilala ni Mary Ann si Dennis bilang taong minahal niya, hindi iyon may galit sa kanya ang binata. Ayaw niyang maging pangit ang tingin ng anak sa lalaking minamahal.
"Wala ito anak. Marami lang trabaho sa opisina."
Narinig niyang napabuntong hininga ang anak. "Nagulat talaga ako ng sinabi ni Tito LJ na pumayag ka ng hawakan ang kompanya. Sa ugali mo, mommy, hindi ikaw ang tipo na susuko kay Lolo."
Napatingin siya sa anak. "I just realize. Ayaw ko palang mapunta sa iba ang pamamahala ng negosyo ng pamilya. Dapat Dela Costa pa rin ang humawak ng DLGC at wala ng iba."
Hindi sumagot ang anak. Sumandal na lang ito sa railing ng teresa. Kagaya niya ay pinagmasdan nito ang mga taong nag-aayos sa labas.
Pagkatapos nilang magmeryenda ng anak sa labas at makipagkwentuhan ay natulog muna ang kanyang anak. May jetlag pa daw ito. Gusto lang talaga siya nitong makita at maka-usap kaya talagang inuna siyang hinanap pagkadating nito galing airport. Mary Ann really treats her like her real mother. Kaya nga siguro nahihirapan siyang mapalayo dito. Kaya nga kapag may pagkakataon ay lumilipad talaga siya papuntang Australia. Kung hindi siguro nakatakas si Marko noon sa kulungan at nakilala si Dennis ay muli siyang lumipad papunta ng Australia at manatili doon hanggang sa matapos ang semestral nito. Gustong-gusto niya kasi ang mga bonding moment nila ng anak. Para siyang may isa pangkapatid na babae sa katauhan ni Mary Ann. Tinuturing niya din na best friend ang anak.
Sumapit ang oras ng party. Naririnig niya mula sa kanyang kwarto ang mga musical instrument na pinapatugtog. Hindi niya nakita ang Ate Cathness niya ng buong araw. Walang pinapahintulutan ang ama niya na pumasok sa kwarto ng Ate niya. Kailangan daw maghanda ng Ate niya para mamaya.
Natigil sa paglalagay ng lip stick si Cathy ng may kumatok. Bumukas ang pinto at sumilip ang anak niya.
"Okay na po kayo, mommy?" tanong nito.
Ngumiti siya sa anak. "Magbibihis na ako. Bumaba ka na at siguradong hinahanap ka na ng Lolo Carlo mo."
"Okay." Isasara na sana ni Mary Ann ang pinto ng muli itong sumilip. "I see you later, Mom. You look amazing. Love you."
Napa-iling na lang siya ng tuluyang sumara ang pinto ng kanyang kwarto. Napatingin siya sa salamin na nasa harap niya. Kinakabahan siya ng mga sandaling iyon. Kahit takpan pa niya ng make up ang mukha, hindi maitatago sa kanyang mga mata ang takot at pangamba. Kung maari lang sana na hindi na siya bumaba at pumunta ng party ay gagawin niya ngunit sigurado siya na hahanapin siya ng ama. Iyon din kasi ang pagkakataon na ipapakilala siya bilang bagong President eng DL Group of Companies. Huminga siya ng malalim at muling naglagay ng lipstick sa labi. Kinapalan niya ang suot na pulang lipsticks, nais niyang itago ang pamumutla niya ng mga sandaling iyon.
Pagkatapos magbihis ay pinagmasdan ni Cathy ang sarili sa salamin. Isang baby blue off shoulder dress na hanggang paa ang suot niya. Masyadong pansin ang cleavage niya sa suot at agaw pansin din ang maputi niyang leg sa kaliwang bahagi dahil sa slit ng gown niya. White three inches high heels naman ang isinuot niya sa paa. Nakalugay din ang itim at maalon niyang buhok. Kung makikita siya ng sinuman ng mga sandaling iyon. Hindi nila aakalain na siya ang Cathy na kilala ng mga ito. Malayong malayo kasi ang suot niya sa araw-araw niyang suot.
Huminga siya ng malalim at lumabas ng kwarto niya at tinahak niya ang pinto na papunta sa likurang bahagi ng bahay. Nang pumasok siya sa harden ay halos lahat ng tao ay napatingin sa kanya. Kitang-kita niya ang paghanga ng mga ito. Iniikot niya ang paningin. Hinanap niya ang ama sa mga taong naruruon. Agad naman niyang nakita ang ama na kausap ang ilan sa mga investor ng kompanya.
"Good evening, Dad." Bati niya sa ama.
Lahat ng ka-usap ng kanyang ama ay napatingin sa kanya. Ngumiti ang kanyang ama ng makita siya.
"Buti at bumaba ka na, Hija." Muli nitong hinarap ang mga kausap. "Nais kong ipakilala sa inyo ang pangalawang anak ko. Sofia Fe Cathylyn Dela Costa. Siya na ngayon ang humahawak ng DL Group of Companies."
"Good evening." Magalang siyang yumuko sa mga ito at sa pagtaas niya ng tingin ay nakasalubong niya ang isang pares ng nagtatakang mga mata.
Napahakbang siya ng bahagya. Hindi akalain na ganoon kaaga niya makikita si Dennis sa party na iyon. Naramdaman niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Napalunok siya at pilit na kinakalma ang sarili. Hindi siya pwedeng magpahalata sa harap ng mga tao na kilala niya ang binata.
"May isa ka pa palang magandang anak, Carlo. Ikinagagalak kitang makilala, hija." Inilahat ng isang lalaki ang kamay nito sa harap niya na kumuha ng kanyang atensyon.
Napatingin siya dito at tinanggap ang kamay nito. "Ganoon din po ako."
Isa-isang nagpakilala ang mga kaharap niya. Lahat sila ay mga business magnet sa bansa. Napalunok siya ng si Dennis na ang hinarap niya para magpakilala sa kanya.
"Dennis Renzo Madrigal." Inilahad ni Dennis ang kamay nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Alam niyang nakilala siya ng binata ngunit hindi ito nagsasalita. Mukhang kagaya niya ay ayaw din nitong gumawa ng eksena. Tinanggap niya ang kamay nitong nakalahad sa harap niya. Muntik ng bumigay ang tuhod niya ng maramdaman ang marahang pagpisil ni Dennis sa palad niya. Agad niyang ibinawi ang kamay dito at nag-iwas ng tingin. Nararamdaman niya ang mainit nitong tingin na halos tumagos sa pagkatao niya.
"Hindi ka yata namin madalas nakikita sa mga pagtitipon ng mga Dela Costa, hija?" tanong ni Paolo, ito ang may-ari ng Panda Corporation, kilala sa food industry dahil sa pagsusupply ng tinapay sa merkado.
"Hindi kasi mahilig ang anak kong ito sa mga ganitong pagtitipon. Nagkataon lang talaga na engagement ng Ate niya kaya siya nandito." Ang ama niya ang sumagot.
"Kung ganoon ay anong pinagkakaabalahan ng isang magandang binibining kagaya mo?"
Napansin niya ang kakaibang tingin ni Paolo sa kanya. Hindi nagkakalayo ang edad ng binata sa kay Dennis, iyon ang sinusugurado niya ngunit kung sa antas ng mukha at tindig, mas nakakalamang si Dennis dito. Hindi niya type ang lalaki kaya baliwala sa kanya ang mga tingin nito.
"I'm professional photographer and florist. May-ari din ako ng isang flower shop. At ngayon nga ay ako na ang hahawak ng DLCG." Hinarap niya ang lalaki at tinaasan ng kilay.
"What a talented woman you are."
"Ang sabi mo may-ari ka ng isang flower shop. Anong pangalan ng shop mo?"
Lahat sila ay napatingin kay Dennis na siyang nagtanong. Binundol ng kaba ang puso niya dahil sa tanong nito. Napakuyom siya. Alam niyang may gusto itong kompermahin sa tanong nito. Nais niyang ihakbang ang mga paa palayo doon. Hindi na niya kayang tingnan ang walang emosyong mukha ni Dennis. Unti-unti na kasing nauubos ang tapang na inipon niya. Ilang sandali na lang at tatakbo na siya paalis doon. Kung mamaari lang na hawakan niya si Dennis at hatakin kung saan para kausapin habang may natitira pa siyang lakas ay ginawa na niya ngunit hindi niya iyon pwedeng gawin. Gagawa siya ng eksena at siguradong malalaman ng ama niya ang ginawa niyang panluluko sa binata.
"Sofia owns Fia Flowery Shop, Dennis. Mag-isa niya iyong itinayo at pinamahalaan." May himig ng pagmamalaki na sabi ng kanyang ama.
Nakita niyang gumalaw ang labi ni Dennis. Mukhang nakuha na nito ang sagot na nais nito. Tumingin ito sa kanyang ama. "Really? Ang alam ko kasi ay ang anak mong lalaki ang may-ari noon."
"Si LJ?" nagsalubong ang kilay ng kanyang ama. "LJ is a lawyer at wala iyong hilig sa bulaklak. Sofia here is the one who loves flower. Namana niya iyon sa Lola niya. Ang alam ko---" natigil sa pagsasalita ang ama niya ng lumapit dito ang sekretary nito at bumulong.
Umayos ng tao ang ama niya pagkatapos itong bulungan ng sekretarya nito. "Let's start the party." Kay Dennis ito nakatingin ng sinabi nito ang mga salitang iyon.
Agad naman umupo sa mga assign seat ang mga naruruon ng magsalita ang emcee. Lumapit sa kanya si Paolo na ikinagulat niya.
"I will assist you, my lady." Isang nakakaakit na ngiti ang ibinigay sa kanya ng lalaki.
Bago pa niya matanggihan ang binata ay may lalaki ng humawak sa braso niya. Napatingin siya sa kaliwang bahagi niya at napangiti ng makita ang gwapong mukha ng kapatid. Hindi nito kasama ang nobya. Nagpa-iwan kasi sa Australia si Franchiska na alam nilang nagluluksa pa rin dahil sa pagkawala ng anak.
"I'm her partner. Let's go, Ate." Inalalayan na siya ni LJ sa assign seat nila.
Nakita niya ang anak na naruruon at kausap ang Ate Cathness niya. Kasama nila sa table na iyon ang ama ni Dennis at ganoon din sa binata. Sa tabi ng anak siya umupo. Lahat ng pamilya Dela Costa at Madrigal ay naroroon sa mesang iyon. Katabi ng ama niya si Ate Cathness, napapagitnaan ito ng kanyang anak at ama. Ngumiti siya sa anak ng tuluyang makalapit at hinalikan ito sa pisngi. Buti na lang talaga at hindi na nagsalita ang anak dahil kapag tinawag siya nito ay siguradong mahihirapan siyang magpaliwanag kay Dennis. Sa buong durasyon ng dinner ay iniwasan niyang mapatingin kay Dennis na alam niyang nakatingin sa kanya. Nararamdaman niya ang mga mainit nitong tingin sa kanya. Natigil lang iyon ng tinawag ng emcee ang kanyang ama para umakyat sa gitna ng stage.
Napatingin silang lahat sa kanyang ama. Isang magandang ngiti ang sumilay sa labi ng kanyang ama.
"Good evening to everyone. Alam kong alam niyo kung para saan ang party na ito pero hindi namin sinabi kung sino sa mga anak ko ang malapit ng ikasal." Tumingin sa gawi nila ang ama. Naikuyom niya ang mga kamay.
"Ladies and gentlemen, I'm happy to announce that one of my princesses is getting married to one of the Madrigal boys. Let me introduce you my daughter, Cathness Fia Dela Costa and her soon to be husband, Dennis Renzo Madrigal."
Parang may sumabog na bomba sa harap niya ng marinig ang pangalan ng kasintahan. Nabitin sa ere ang kamay niya na sana ay papalakpak sa sinabi ng ama. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan. Parang sinasakal ang puso niya ng mga sandaling iyon. At ng makitang inalalayan ni Dennis ang Ate Cathness niya na umakyat ng stage ay gumuho ng tuluyan ang mundo niya. Ramdam niya ang pagkabasag ng kanyang puso. Her heart is bleeding. Sobrang sakit ng puso niya, ang pakiramdam na may bumabaon na patalim sa puso niya, iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Dumaloy ang masagang luha niya sa kanyang pisngi habang nakatingin sa lalaking minamahal na nagsusuot ng singsing sa kanyang Ate. Wala na siyang paki-alam kung makita siya ng mga tao sa ganoong sitwasyon. Nasasaktan siya dahil ang lalaking minamahal ay tuluyan ng mapupunta sa iba at Ate Cathness niya pa.
Paanong nangyaring si Dennis ang pakakasalan ng Ate Cathness niya? Bakit ganito ang nangyayari ng mga sandaling iyon?
Tuluyang nadurog ang puso niya ng halikan ni Dennis ang Ate Cathness niya sa labi.