webnovel

MY POOR PRINCESS (TAGALOG)

My Poor Princess written by Hanjmie Sofia Fe Cathylyn Dela Costa is the sole owner of Fia Flowery Shop and one of the heir of DL Enterprises Inc.. Sofia dreams to meet her prince, who will love her by who she was. And then, she meets Dennis Renzo Madrigal, a guy who insulted her and thought that she is a simple sales lady at her flower shop. Pero isang pangyayari ang nagpalapit sa kanila. They become friends until Dennis court her and she realizes, she is falling-in-love with Dennis. But is there a chance for a forever if she found out that Dennis is engaged and soon-to-be-married with another girl? Not just another girl but her older sister. (c) 2020

HanjMie · Urban
Not enough ratings
13 Chs

CHAPTER TEN

CHAPTER TEN

"MOMMY, ARE you okay?"

Boses ng anak ang nagpabalik sa malalim na inisip ni Cathy. Napatingin siya sa anak at nakita niya ang pagdaloy ng pag-aalala sa mukha nito. Nakita niyang iniangat nito ang isang kamay at marahang pinunasan ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Umiwas siya ng mukha sa anak at yumuko. Pinunasan niya ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

"I'm okay." Sabi niya. Pinakalma niya ang sarili bago muling itinaas ang mukha at dahil sa bigla niyang pagtingin ay nagtagpo ang mga mata nila ni Dennis.

Muli siyang nakaramdam ng sakit sa puso niya. Dumaloy muli ang mga luha niya ngunit agad niyang iniiwas ang tingin dito at mabilis ang lakad na pumasok sa loob ng bahay. Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng mga tao sa mesa na iyon. Nais niyang takasan ang taong dahilan ng pagdurog ng puso niya ng mga sandaling iyon.

Kung maari lang na takasan ang mga nangyayari ng mga sandaling iyon ay ginawa na niya. Bakit ba kasi naging ganoon ka komplekado ang buhay niya? Ano ba kasi ang nangyayari? Akala niya ay magiging maayos ang lahat ngayong siya na ang humawak ng kompanya.

Umupo siya sa mahabang sofa habang walang tigil sa pag-iyak. Hindi niya alam kung paano ba haharapin si Dennis pagkatapos ng lahat ng nalaman niya. Naglihim ito tungkol sa pagpapakasal nito sa Ate niya. Sigurado siyang alam nito ang totoo basi na din sa reaksyon nito kanina. Mukha siyang tanga kanina ng dahil hindi niya alam na ikakasal na pala ang taong mahal niya.

"Why are you crying?"

Nanigas sa kina-uupuan nito si Cathy ng marinig ang boses na iyon. Alam niya kung sino ang nagmamay-ari noon. Mabagal na lumingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kahit na alam na niya kung sino ang may-ari noon ay nagulat pa rin siya.

"D-Dennis..." napatayo siya.

Walang emosyon ang mga mata at mukha nito. Nakatayo ito sa may pinto. Naglakad ito palapit sa kanya.

"Bakit umiiyak ang isang magandang dilag na kagaya mo?"

Huminto si Dennis ilang metro ang layo sa kanya. Parang sinasakal ang puso niya dahil sa tono ng boses nito. Ang lamig ng boses nito at hindi siya sanay na ganoon ito.

"Dennis, let me explain." Unti-unti niyang hinakbang ang mga paa palapit dito ngunit umatras si Dennis palayo.

Natigilan naman siya sa ginawa ng binata.

"Explain what. Miss Sofia Fe Cathylyn Dela Costa."

Umiling siya. "I'm sorry. I'm sorry if I lie to you. Dennis, ako ito, I'm Sofia Cathy Alonzo. Hayaan mo naman akong pagpaliwanag sa iyo. I will---"

"Wala akong kakilalang Sofia Cathy Alonzo. If you excuse me."

Agad niyang hinabul si Dennis ng tinalikuran siya nito. Hinawakan niya ang binata sa braso nito. Muling pumatak ang mga luha niya. Dinudurog ng kalamigan nito ang puso niya.

"Patawaran mo ako sa pagsisinungaling ko sa iyo patungkol sa katauhan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko itinama ang pag-aakala mong isa akong mahirap. Noong una palang, alam ko na kapatid mo ang pakakalasan ng Ate Cathness ko. Hindi ko ninais na mapalapit sa iyo at mas lalong hindi ko plinano ang mahulog sa iyo. Akala ko noon ay hindi na masusundan ang pagkikita natin pero niligtas mo ako, at natakot na akong itama ang maling akala mo dahil alam kung magagalit ka. Sa buong buhay ko ngayon lang ako natakot na layuan ako ng isang tao. People come and go to my life but I don't care. Iniisip ko na iyon lang talaga siguro ang papel nila sa buhay ko pero pagdating sa iyon ay hindi ko kaya na malayo sa iyo. I tried to say away to you Dennis but I can't. Hindi ko kaya dahil mahal na mahal kita. Patawaran mo sana ako."

Tuluyan siyang napa-iyak ng malakas pagkatapos sabihin dito ang nilalaman ng puso niya. Wala naman reaksyon mula kay Dennis. Nakatayo lang ito at hindi gumagalaw ng ilang minuto. Nagulat siya ng nalakas nitong hinatak ang braso nito kung saan siya nakahawak. Narinig niya ang malalim nitong paghinga.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo?"

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa tanong nito. Umangat siya ng tingin at tinitigan ang likuran ni Dennis.

"D-Dennis..." basag ang boses na tawag niya dito.

Hinarap siya ni Dennis. Nasa mukha nito ang pait at galit sa kanya.

"I said, hindi kita kilala kaya wala akong paki-alam sa kung anuman ang sasabihin mo. Kung sa tingin mo ay mapapatawad ka ng taong ginawan mo ng masama." Isang ngisi ang gumuhit sa labi ni Dennis. "Pwes, nagkakamali ka. Pretend and lying is a crime. Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo. Pinagmukha mong tanga ang isang tao. Minahal ka ng totoo at iningatan ka ng buong puso tapos ito ang isusukli mo. A person like you doesn't deserve any forgiveness."

"Dennis, hindi ko naman---"

"I said stop. Ano ba sa sinabi ko ang hindi---"

"I love you. Alam kong galit ka. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa kong pagkakamali sa iyo pero wag mo naman gawin ito sa akin. Hayaan---"

"Hindi kita mahal." Putol ni Dennis sa iba pa niyang sinabi.

Parang may bombang sumabog sa harapan niya dahil sa sinabi ng binata. Napaupo siya sa carpet habang umiiling. Hindi totoo ang sinabi nito. Galit lang ito kaya nito sinabi iyon ngunit bakit sobrang nasasaktan ang puso niya. Bakit parang dinudurog ang puso at pagkatao niya? Masakit pala marinig mula dito na hindi siya nito mahal.

"Hindi toto ang sinabi mo. Sinabi mo noong huling pag---"

"I don't love you. Paano ko mamahalin ang isang tulad mo? Isang sinungaling at isang manluluko. Bakit Cathy, masaya bang paglaruan ako? Masaya bang ginawa mo akong isang tanga. Sabi mo nga, kilala mo ako noong una pa kaya alam mo kung gaano ako kayaman. Ang yabang ko pa ng dinala kita sa bahay ko dahil alam kong iyon ang unang pagkakataon mo na makatapak sa isang magarang bahay ngunit nagkamali ako. Ang girlfriend ko, mas mayaman pa pala sa akin. Isa pala siyang makapangyarihang babae kaysa sa akin. Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ng mga sandaling ito." Hinawakan ni Dennis ang kanyang magkabilang braso at mahigpit iyong hinawakan. "Isa akong malaking gago dahil hinayaan ko na maluko ako ng isang babaeng kagaya mo. Tama nga talaga ang sabi nila. Love makes you a blind person."

Malakas na tinulak siya ni Dennis dahilan para mapaupo siya sa sofa. Ang mga mata nito ay nag-aapoy sa galit habang nakatingin sa kanya. Yumuko ito at hinawakan siya sa baba gamit ang isang kamay. Naramdamn niya ang sakit sa pagbaon ng mga daliri nito sa balat niya. Wala siyang nakikitang pagmamahal sa mga mata ni Dennis ng mga sandaling iyon, tanging nakikita niya ay puot at galit. Hinawakan niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya.

"D-Dennis, n-nasasaktan ako." Mahina ang boses na sabi niya.

Instead of letting her go, he even tighten his grip to her.

"I hate you, Cathy. I hate everything about you."

"No! Hindi iyan totoo. Alam kong galit ka lang. Patawarin mo ako, Dennis. I do everything, just give me another chance. Don't marry my sister. Marry me instead."

Nakita niya ang pagguhit ng pagtataka sa mga mata nito ngunit agad din iyong naglaho. Napalitan muli iyon ng galit.

"Marry you? Why should I marry who lie to---"

"I'm now the President of DLGC. Ito naman ang gusto ng mga magulang natin hindi ba. Ang makasal ang isa sa mga anak nila para makapag-merge ang kompanya. We can makes thing right, Dennis. Mahal naman---"

Naputol ang iba niyang sasabihin ng bigla nalang siyang itapon pabalya ni Dennis. Nanlaki ang mga mata niya na nilingon si Dennis. Madilim ang mukha nito habang nakatingn sa kanya. Nakaramdam siya ng takot sa nakitang galit nito. May mali ba sa sinabi niya? Iyon naman ang dapat di ba? Their family will be reunite if they get married. Pareho silang ikakasal sa taong mahal nila?

"You think everything will be the same between us, Cathy. Are you really saying those words to me after what you did, after the lie and deceiving you did to me? I can't believe I fall to a woman like you." Tumalikod si Dennis ngunit napatda ito bigla.

Napatingin din siya sa tinitingnan nito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang anak na nakatayo sa pinto. Nakikita sa mukha nito ang pagtatataka. She is confused while looking at Dennis.

"What's happening here, Mom?" and there's another bomb explode.

Napatingin siya kay Dennis. Kitang-kita niya ang paninigas ng likuran nito. Alam niyang nagulat ito sa narinig. Agad siyang tumayo sa kinauupuan.

"What did you do to my mom?" may bahid na ng galit ang boses ni Mary Ann.

Hindi niya sinagot ang anak bugkos ay hinawakan niya sa braso nito si Dennis. Para naman natauhan si Dennis sa ginawa niya dahil nawala ang paninigas ng katawan nito. Nanginginig itong lumingon sa kanya at ubod lakas na pumiksi sa hawak niya.

"Mom? Did she just called you mom?"

"Dennis..." muli niya sana hahawakan ang binata ng umiwas ito.

Nakikita niya ang pandidiri sa mga mata nito. Nasaktan siya sa nakikitang reaksyon nito dahil siguradong iba ang iniisip nito patungkol sa kanya. Muli siyang nakaramdaman ng tarak ng matalim na bagay sa puso niya. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ng taong mahal patungkol sa anak niya.

"Don't... Don't ever tried to touch me." umatras si Dennis palayo sa kanya. Muli nitong sinulyapan ang anak niya. "She really looks like you. Hindi ako makapaniwala na anak mo pala siya. Buong akala ko kanina ay kapatid niyo siya."

"Dennis, let me explain."

"What will be your excuse this time? Anong kasinungalingan na naman ang sasabihin mo? You lied to me Cathy for so many times. Ang rami mong pagkakataon para itama ang mga mali kong akala pero kahit isang beses ay hindi ka nagtangka. And now..." tinuro nito si Mary Ann na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin. "You hide to me that you have a child. Na may anak ka pala. Akala mo ba hindi ko matatanggap kung sakaling malaman ko?"

Umiling siya.

"Tatanggapin ko naman ang lahat sa iyo kahit sino ka. Pero ito, hindi ko ito mapapalampas, Cathy. I almost did a crazy thing for you. Alam mo ba kung ano ang muntik kong isuko para sa iyo. Muntik ko ng isuko lahat ng meron ako dahil sa mahal kita. Buti at hindi ko nagawa. Isa sana akong dakilang tanga dahil nagpaluko ako sa isang sinungaling na tulad mo. Hindi pa huli para pakasalan ko ang Ate Cathness mo at kunin ang para talaga sa akin."

Tinalikuran siya ni Dennis at hahakbang na sana doon ng bigla niya itong niyakap mula sa likuran.

"I'm sorry. I'm so sorry. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, Dennis. Please! Hayaan mo akong makabawi sa iyo. Gagawin ko lahat para sa iyo wag mo lang pakasalan ang Ate Cathness ko. Ako na lang, Dennis. Ako na lang ang pakasalan mo. Ikaw lang naman din ang nais kong pakasalan. Nais kitang makasama hanggang sa huling hininga ko. Kailangan kita Dennis. Mahal na mahal kita. Ikaw lang---"

Isang malakas na tawa mula kay Dennis ang nagpatigil sa pagsasalita niya.

"Mahal mo ako? Paano ko paniniwalaan ang sinasabi mong pagmamahal kong ang alam kong pagkatao mo ang isang kasinungalingan? Lahat ng tungkol sa iyo ay isang kasinungalingan. Minahal ko ang Cathy na nakilala ko, hindi ang Cathy na kaharap ko ngayon. Kaya pakawalan mo ako." Hinawakan ni Dennis ang kanyang brasong nakayakap dito at inalis iyon.

Wala siyang nagawa kung hindi ang pakawalan ito. Pinakawalan niya ang binata. Wala na siyang nagawa kung hindi ang maupo sa carpet at umiyak. Iniyakan niya ang pagkadurog ng puso niya. Sobrang nasasaktan ang puso niya habang pinagmamasdan ang likuran ni Dennis na unti-unting lumalayo sa kanya. Sa ganoon lang ba talaga matatapos ang lahat sa kanila. Hindi ba talaga siya kayang patawarin ng binata? Ganoon ba kabigat ang ginawa niyang pagkakamali dito?

Nang makita niyang tumigil si Dennis ilang layo sa kanya ay nabuhayan siya ng loob. Tumayo siya sa tulong ng coffee table na nasa tabi niya.

"By the way, Cathy... You and I are officially over."

Muli siyang napaupo sa carpet ng marinig ang mga katagang iyon. She saw her world crumble because of what he said. Napahawak siya sa puso niya ng maramdaman ang ibang klase ng sakit. Para siyang pinapatay ng mga sandaling iyon. No!!! She is dying at that moment and while watching Dennis walking away from him, she knows, her life is finally over. Her life, heart, happiness and everything is gone. And it's all her fault.

"Dennis... Please come back..." tanging nasabi niya.

MAHINANG katok ang narinig ni Cathy mula sa labas ng kwarto niya. Ilang beses na ba niya narinig iyon mula kanina ngunit hindi niya pinansin. Nanatili siyang nakahiga at umiiyak. Buong buhay niya ngayon lang siya naging mahina. Pakiramdam niya ay wala ng saysay ang buhay niya.

Narinig niyang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at may malalaking hakbang na lumapit sa kanya. May naglapag ng tray sa coffee table na naruruon sa kwarto niya. Last week pa sila umuwi ng anak. Nang gabing din iyon ay umuwi sila ng anak sa bahay niya. Hindi na siya nakapagpaalam sa mga kapatid niya at ganoon din sa ama.

"Mom, hindi niyo na naman kinain itong iniwan ko kanina." May bahid ng lungkot ang boses ng kanyang anak.

Hindi niya pinansin ang anak. Nanatili siyang walang imik at walang kagalaw-galaw sa kinahihigaan. Wala siya sa mood para gumalaw o kahit na magsalita. She lost all her motivation and reason to continue. Ganoon pala talaga kasakit kapag iniwan ng taong minamahal. Hindi niya alam kung saan muli magsisimula. Kung ano ba talaga ang rason kung bakit siya nabubuhay sa mundo.

"Mom, how long you going to be like this?"

Naramdaman niya ang paggalaw ng kanyang kama tanda na may umupo sa kama. Narinig niya ang malakas na buntong hininga ni Mary Ann. Ito ang kasama niya ngayon sa bahay niya.

"Lolo, called me earlier. He keeps on asking when you are going to back to work. He also asks me what going on at you. Hindi ko alam ang isasagot kay Lolo, mom. You know I can't lie to him but I don't really know what happen between you and that man."

Ilang minutong hinintay ni Mary Ann ang kanyang sagot ngunit hindi niya talaga pinansin ang anak. Narinig niyang muli ang malakas na buntong hininga ng anak. Alam niyang nasasaktan na din ito sa nangyayari sa kanya. Ngayon lang siya nakita ng anak na ganoon kahina. Kung may tao man na ayaw niyang mahirapan dahil sa nangyayari sa kanya ay ang anak niya iyon. Sa lahat ng tao ay ito ang ayaw niyang nasasaktan. Napaka-importante nito sa kanya. Unti-unti siyang bumangon at hinarap ang anak.

Hindi makakaila sa mga mata ng anak niya na nalulungkot ito.

"I'm sorry, anak." Tanging nasabi niya.

"It's okay, mom. Maari mo bang sabihin sa akin kung bakit ka nagkakaganyan? Ano mo ba talaga iyong lalaking pakakasalan ni Tita Cathness?"

Malungkot siyang umiwas ng tingin sa anak. "E-ex-b-boyfriend ko siya. Nakilala ko siya ilang buwan na ang nakakaraan. Ang laki ng pagkakamali ko sa kanya anak. Hinayaan ko siyang isipin na isa akong mahirap na tao. Hindi ko itinama ang maling akala niya. Ang rami kong pagkakataon para itama ang mga pagkakamali ko ngunit na duwag ako. Natakot ako na mawala siya sa akin kapag nalaman niya na mayaman ako at isa akong Dela Costa. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay natakot akong iwan ng isang tao." Muling pumatak ang mga luha niya.

Hinawakan ni Mary Ann ang kanyang likuran at hinimas iyon.

"Nasaktan ko siya anak. Sinaktan ko ang taong minamahal ko. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagmahal ng ganito sa isang lalaki tapos anong ginawa ko. Sinaktan, at dinurog ko ang puso niya. Tama lang siguro ang lahat ng ito. Ngayon ay pinagbabayaran ko na ang consequences ng mga ginawa ko."

"Siguro nga mommy, sinaktan ka niya pero humingi ka naman ng patawad, Hindi ba sapat ang paghingi mo sa kanya ng kapatawaran? Nasasaktan ka din naman kagaya niya."

"Hindi ganoon kadali iyon, Mary Ann."

"Anong hindi ganoon kadali? Mom---"

"I don't want to talk about it anymore." Tumalikod siya dito. "Leave me alone for a while." Muli siyang nahiga sa kama niya.

Wala siyang narinig na ano mang salita mula sa anak. Nanatili ito sa loob ng kanyang kwarto ng ilang minuto. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang pag-alis nito sa kanyang upuan at mabagal nitong paglalakad. Narinig niyang pinihit nito ang pinto ng kanyang kwarto.

"Mom, I maybe young and don't know what you feel right now but one thing I know. Ayaw kong nakikita kang ganya. I love you and I hate seeing you like this. You are strong woman, mommy. Hindi ka dapat nagmumukmok dito. Hindi ba sabi mo sa akin noon. Hindi dapat huminto ang buhay ko dahil lang sa may ginawa akong mali noon. Dapat ay gumalaw ako para baguhin ang lahat sa buhay ko. Ikaw ang nagturo sa akin noon na dapat takpan ko ng magandang alaala ang mapait kong nakaraan. I own you everything I have and who I am right now that's why I'm hurting seeing you like this."

Pumatak ang mga luha niya pagkatapos marinig iyon sa anak. Tumagos sa puso niya ang mga sinabi nito. Si Mary Ann, hindi lang niya anak ito, ang anak niya din ang nagsisimbolo ng kanyang katapangan.

"And Mom. Let it go. If he truly loves you, he comes back because true loves seek forgiveness. Loves always win over hatred and pain. Always remember that mom."

Tuluyan na siyang iniwan ni Mary Ann. Iniwan siya nitong umiiyak doon. Ang mga sinabi ng kanyang anak ay humaplos at tumagos sa puso niya. May punto ang anak niya. Kapag mahal ka ng isang tao, kahit anong galit man iyon ay patatawarin ka. Kung talagang totoo ang pagmamahal sa kanya ni Dennis, patatawaran siya nito pero kailangan niyang gumalaw. Kailangan niyang patunayan kay Dennis ang pag-ibig dito. He doubt her loves because of the lie of her true identity, now, it's time to introduce her true self. Kailangan niyang ipakilala dito ang totoong siya.

MALALAKI ang mga hakbang ni Cathy habang naglalakad sa mahabang paselyo na iyon. Ngayong araw ang general meeting at iyon ang pangatlong meeting na wala siya pero hindi iyon mangyayari. Pagkatapos nilang mag-usap ng anak kahapon ay nagdesisyon siya na ayusin ang buhay niya. Hindi dapat siya magmukmuk. Kailangan niyang bawian ang dapat ay sa kanya. Kasama niya ang kanyang sekretarya na hindi maitago ang kaba.

Malakas niyang binuksan ang pinto ng conference room. Lahat ng tao doon ay natigilan ng makita siya. Pinatili naman niyang walang emosyon ang mga mata at inikot sa loob ng conference. Muntik na siyang mapahakbang paatras ng makita ang isang tao na nakaupo habang nakatitig sa kanya. Walang emosyon ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"Narito ka na pala, Hija. Akala namin ay matatagalan ka pa sa Australia." Narinig niyang sabi ng isa sa mga board of Directors.

Nagsalubong naman ang kilay niya dahil sa sinabi nito. Tumingin siya sa kanyang ama. Mukhang ito ang nagtahi ng kasinungalingang iyon para pagtakpan ang ilang linggo niyang pagkawala. Kung ganoon ay pinigilan pala ng ama ang mga Board of Directors. Tumikhim siya at naglakad sa gitna. Sininyasan niya ang isa sa mga staff nila na nagprepresent.

"Good morning to all of you. Sorry for missing for three weeks." Yumuko siya ng bahagya. "Can we proceed to our agenda for today?"

Muli siyang humarap sa manager na nagprepresent kanina. Naglakad naman siya sa upuan niya na nasa tabi ng kanyang ama. Walang emosyong itinuon niya ang atensyon sa nagsasalita hanggang sa tumayo si Dennis at nagpunta sa gitna. Umikot naman ang sekretarya nito ay may binigay sa mga taong naruruon.

"Magandang umaga sa inyo. Alam kong alam niyo na ikakasal na ako kay Cathness Dela Costa." Tumingin sa kanya si Dennis. Sinalubong naman niya ang mga tingin nito. "Nais ko sana kayong lahat ay imbintindahan sa kasal namin na magaganap sa susunod na buwan."

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig iyon. Hinablot niya ang ibinibigay na invintation letter at tiningnan ang araw ng kasal. Para naman gumuho ang mundo niya ng makita kung kailan iyon. Ang araw na pinili nito ay ang araw kung kailan idadaos sana nila ang pang-anim na monthsary nila. Naramdaman niyang muli ang pagkadurog ng puso niya. Galit niyang pinunit ang invintation letter na bigay nito. Tumayo siya at hinarap si Dennis na malamig na nakatingin sa kanya.

"Hindi ako makakapayag na ikasal ka sa ate ko." May diin na sabi niya sa binata. Wala siyang paki-alam kung marinig ng iba ang kanyang  sasabihin. She had enough.

"Cathy, ano bang sinasabi mo?" galit na tanong ng kanyang ama.

Hinarap niya ang ama. "Hindi ako makakapayag na ikasal ang nobyo ko sa ate ko." Sigaw niya.

Narinig niya ang malakas na singhap ng mga tao sa paligid. Alam niyang nagulat ang mga ito. Nakita niya din ang pagkagulat sa mukha ng kanyang ama.

"Yes, Dad. You heard it right. Dennis is my boyfriend. At hindi ko hahayaan na kunin niyo siya sa akin at ipakasal sa iba."

"Would you stop?"

Lahat sila ay napatingin kay Dennis. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Nakakuyom ang mga kamay nito.

"You are not my girlfriend anymore. Ex na lang kita, Cathy. Wala kang karapatan na magdesisyon para sa akin at mas lalong wala kang karapatan na paki-alaman ang buhay ko. I will marry your sister because it's my decision. Wala ka ng magagawa pa."

"Pero Dennis, hindi mo mahal ang Ate ko. Ako ang mahal mo." Pinilit niyang pigilan ang kanyang mga luha. Hindi niya pwedeng ipakita kay Dennis na mahina siya ng mga sandaling iyon.

"Mahal?" Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Dennis. "Alam mo ba kung ilang linggo ko din pinag-isapan kong mahal ba talaga kita? At may nakuha naman akong sagot sa ilang linggong iyon. I. DON'T. LOVE. YOU, CATHY." may diin ang bawat huling kataga na sinabi ni Dennis.

At habang naririnig ang mga katagang iyon ay unti-unti naman dinudurog ni Dennis ang puso at pagkatao niya. Sobrang sakit marinig mula dito na wala itong pag-ibig sa kanya. Naramdaman niyang pumatak ang kanyang mga luha. Tuluyan ng tinibag ni Dennis ang inipon niyang lakas para harapin ito. Hindi niya pala talaga kaya ang sakit kapag narinig muli dito ang mga salitang iyon.

"Siguro nga nasaktan ako sa ginawa mo pero hindi ang puso ko ang nasaktan mo kung hindi ang ego ko. At alam mo ba kung ano pa ang narealize ko. Hindi pala pagmamahal ang nararamdaman ko sa iyo kung hindi challenge. Ang tapang mo kasi at nahamon mo ang pagkatao ko. A simple sales lady knows how to hit my ego. Kaya siguro na challenge akong pa-ibigin ka at paamuhin. Hindi ko naman alam na mabilis ka palang paamuhin na parang aso."

Lalong nadurog ang puso niya dahil sa sinabi nito. Hearing those words coming from the man she loves really hit her hard. Pakiramdam niya ay dinurog nito hindi lang puso niya kung hindi pati narin ang pagkatao niya.

"Dennis, tumigil ka. Wala kang karapatan na insultuhin ang anak ko." Galit na sigaw ng kanyang ama.

Tumingin ito sa mga taong naruon na nakatingin sa kanya at alam niyang hinuhusgahan ang pagkatao niya. Wala siyang nagawa kung hindi ay yumuko ngunit muli siyang napaangat ng may narinig na malakas na kalabog, Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Dennis na nakaupo na sa sahig ng conference room.

"Isa kang malaking gago. Anong karapatan mo para insultuhin ang aking ina?" Galit na galit na sigaw ni Mary Ann. Nag-aapoy ang mga mata nito na nakatingin kay Dennis. "Umalis kang gago ka dito at wag ka ng magpapakita sa mommy ko. Baka makalimut ako sa sinumpaan kong tungkulin at mabaril itong gago ka."

Ngunit hindi natakot si Dennis sa banta ng kanyang anak. Pinunasan nito ang dugong dumaloy sa gilid ng labi nito gamit ang likod ng palad nito. Isang tawa ang ginawa ni Dennis at tumayo.

"Masakit ba ang katutuhanan. Alam mo kung anong klasing tao ang ina mo. You are the living proof of it."

Bumigat ang dibdib niya dahil sa sinabi nito. Napa-upo siya sa kanyang upuan habang nakatingin kay Dennis. Ngayon niya lang naisip, kilala ba niya ang lalaking nasa harap niya ng mga sandaling iyon. Bakit kay dali ditong insultuhin ang pagkatao niya? Bakit ang bilis nitong husgahan ang pagkatao niya?

Muling napasinghap ang mga tao ng inilabas ni Mary Ann ang baril nito mula sa likuran ng pantalon nito. Madilim na madilim ang mukha nito at alam niya, hindi ito natatakot na kalabitin ang gatilyo.

"Bawiin mo ang sinabi mo patungkol sa aking ina." Sigaw ng kanyang anak.

"Bakit ko babawiin ang---"

Napasigaw silang lahat ng kalabitin ni Mary Ann ang gatilyo. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa ginawa ng anak. Ngayon niya lang nakita itong ganoon. Mary Ann is very playful and joyful when she was with her. Hindi pa niya nakikita ang dangerous side nito. Tumingin siya kay Dennis. Nanlalaki ang mga mata nito. Wala itong tama ng baril.

"Umalis ka na dito dahil sa susunod na kalabit ko ay sisiguraduhin ko na tatamaan ka na talaga. At sasabihin ko sa iyo, I don't miss my target. Kaya kitang patayin ng hindi nakukulong."

Alam niyang hindi nagbibiro ang anak sa sinabi nito. Sa humahawak pa lang na organisasyon sa anak sinisigurado niyang hindi ito makukulong kahit na patayin nito si Dennis. Iyon din ang dahilan ni Marko kung bakit siya ang target nito. Dahil kapag nakuha siya nito ay siguradong hindi lalaban si Mary Ann dito. Hindi din kikilos ang organisasyong may hawak dito kung hindi hihingi ng tulong ang anak.

"May Ann, anak. Please!" Tumayo siya.

Tumingin sa kanya si Mary Ann ngunit agad ding ibinalik ang tingin kay Dennis.

"You still care for him after what he said. Mom, she insulted you twice. Hindi ko palalampasin ang pang-iinsultong ginawa niya sa taong nag-alaga, binihisan, pinag-aral at iningatan ako. Oo nga at hindi ako galing sa dugo't pawis mo, mommy pero hindi ko hahayaan na sinuman na insultuhin ka."

Nagsalubong ang kilay ni Dennis at napatingin sa kanya na puno ng katanungan ang mga tinign.

"Anong ibig niyang sabihin?"

Malungkot siyang yumuko. "Mary Ann is not my real daughter, I mean, she didn't come from my womb. I adapted her. Limang taon lang ang tanda ko sa kanya. Mukha lang siyang bata dahil sa height niya. Umalis ka na muna, Dennis dahil hindi talaga nagbibiro ang anak ko." Hinarap niya ang anak. "Mary Ann, let's go home. Put down your gun."

Agad naman sinunod ng anak niya ang kanyang utos at nilapitan siya. Itinago nito ang baril sa likurang pantalon nito. Hinawakan nito ang kanyang braso at hinarap ang Lolo nito.

"I'm sorry, Lolo. I lost my composure."

"It's okay, Silina. Take your mother home. I can take care of everything here."

Ngumiti ang anak niya sa Lolo nito bago siya hinarap. "Let's go mom." Hinila siya ni Mary Ann paalis doon.

Paglabas nila ng conference room ay muli niyang sinulyapan si Dennis na nakasunod ang tingin sa kanila ng anak. Nakikita niya pa rin sa mukha nito ang gulat. Mukhang hindi talaga nito inaasahan ang sinabi niya. Sino ba naman kasi ang mag-iisip na hindi niya anak si Mary Ann? Kahit saang angulo tingnan ay magkamukha silang dalawa. Ang buhok at mata lang talaga nito ang pinagkaiba.

Umiwas siya ng tingin. Ito na ba talaga ang katapusan ng relasyon nila ni Dennis? Siguro nga dahil wala naman pala talagang pag-ibig sa kanya ang binata. Siya lang pala ang nagmamahal sa kanilang dalawa. Sobrang sakit pala malaman na isang huwad na pag-ibig lang pala ang meron si Dennis sa kanya.

"SIGURADO ka na ba talaga, Cathy?" tanong ng Ate Cathness niya.

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Pang-ilang tanong na ba iyon ng Ate Cathness niya simula ng sinabi niyang sasama siya sa anak na uuwi ng Australia. Ngayon ngang araw ang flight nilang dalawa. Nakahanda na din lahat ng gamit niya at kahit mga tauhan ng kanyang ama. Nalaman niya noong isang araw na nakawala ng kulungan si Marko sa tulong ng pamilya nito kaya babalik muna ng Australia ang anak niya at naisipan niyang samahan ito. Well, Mary Ann convinces her to come with her. Para din naman daw sa kaligtasan niya. Pumayag na din siya dahil nais niyang makalimot sa sakit na idinulot ng pag-ibig.

"I'm sure, Ate. Kailangan ko lang masigurado ang kaligtasan ng anak ko. Hindi ako mapapalagay kung nandito siya sa Pilipinas. Mas mabuti kung nasa Australia siya, humingi na siya ng tulong sa organisasyong kinabibilangan niya at pumayag naman sila ngunit hindi ang organisasyon na nakabase dito sa Pilipinas. Mary Ann is not part of their jurisdiction and Marko's family is under investigation. Wala pang concrete evidence para mapakulong nila ang pamilya ni Marko at si Marko din."

Yumuko ang Ate niya. Hindi maitago ang lungkot sa mukha ng Ate Cathness niya. Hinawakan niya ito sa balikat. "Nakaready na din naman ang lahat. Si Jacob na ang bahala sa'yo. Sisiguraduhin nila ni LJ na makakatakas ka bago ang araw ng kasal niyo. Nakahanda na din ang plano kay Kuya Timmy. Sa ngayon hayaan mo muna si Daddy."

Umangat ng tingin ang Ate niya. "Salamat Cathy. Uuwi ka ba dito bago ang kasal. Dennis needs a bride at that day. Siguradong magkakagulo ang pamilya---"

"Alam natin na may lamat na ang relasyon ng Dela Costa at Madrigal dahil sa ginawa ni Dennis. Sa ginawa nito sa akin sa conference dalawang linggo na ang nakakaraan ay hindi siya mapapatawad ni Dad. Hindi lang siya makaatras sa planong kasal niyo dahil sa merge ng kompanya at Board of Derictors." Napahawak siya sa dibdib ng sumikip at may matalim na bagay na tumurok doon ng maalala ang nangyari noong huling pagkikita nila. "Dad wants me to settle to Australia with Mary Ann. Pwede naman daw si LJ na ang humawak ng DLGC dahil balak na nitong mag-stay sa Pilipinas kasama si Franchiska."

Hinawakan ng Ate Cathness niya ang kanyang buhok at marahan iyong hinimas. Alam niyang nakarehistro sa mukha niya ang lungkot at sakit. Sa loob ng ilang linggo ay hindi niya iyon pinapakita lalo na sa anak. Wala din bumabanggit ng pangalan ni Dennis sa loob ng bahay, lalo na kapag nasa paligid si Mary Ann. Galit na galit pa rin ito kay Dennis.

"Wala na ba talagang pag-asa na maging kayo ni Dennis. Nagka-usap kami kahapon at tinanong niya ako patungkol sa iyo. Hindi ko lang siya masagot dahil biglang dumating si Daddy at Mary Ann."

Ngumiti siya ng mapakla. May gumuhit na saya sa puso niya ngunit hindi iyon sapat para lubusan siyang sumaya. Naalala niya muli ang huling sinabi nito. Hindi siya minahal ng binata. She was just a challenge for him. Siguro ay na guilty ito o baka nais lang nito malaman kung gaano siya ka miserable ngayon.

"Mom, let's go."

Boses ng anak ang nagpabalik sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. Lumingon siya at nakita itong seryusong nakatingin sa kanila. Ngumiti siya sa anak at tumungo. Muli niyang hinarap ang Ate Cathness niya at niyakap.

"Good luck, Ate Cathness."

Lumapit na din sa kanila si Mary Ann. Yumakap din ito sa Ate niya at humalik sa pisngi.

"Mag-ingat ka lagi, Mary Ann. See you next month."

Sumulyap muna sa kanya ang anak bago muling nagsalita. "I'm sorry, Tita but we are not going home next month."

"Pero kasal ko iyon. Dapat nandoon kayo ng Mommy mo."

"Hindi ko na hahayaan ang lalaking iyon na saktan pa ang Mommy ko. I'm sorry."

"Mary Ann..." malungkot na tinitigan ni Ate Cathness si Mary Ann.

Tumingin sa kanya ang anak. "Hintayin na lang kita sa sasakyan, Mom." Naglakad na pabalik si Mary Ann.

Sinundan nila ng tingin ang anak. Hindi niya maiwasan na malungkot. Masyadong nasaktan ang anak niya dahil sa sinabi ni Dennis patungkol sa kanya. Iyon ang nais sana niyang iwasan na mangyari ngunit nangyari na. Mary Ann is very sensitive when it comes to her. Alam naman niya na hindi man-hater ang anak niya pero ayaw nitong makipaghalubilo sa ibang lalaki. She onces said that she can't trust any guy. 90 percent of male population only wants from a woman is sex. Boys love to fuck and that's what Mary Ann always thinks. Ngayon palang ay natatakot na siya na baka tumandang dalaga ang anak niya.

Tinapik ng Ate Cathness ang balikat niya. "Hayaan mo muna si Mary Ann. Pasasaan ba at lilipas din ang galit niya."

Tumungo siya at ngumiti. Muli niyang niyakap ang ate niya bago sumunod sa anak. Dalawang kotse ang nakasunod sa kanila habang tinatahak nila ang daan papunta sa airport. Nakahanda na ang private plane ni Maze na siyang pinahiram sa kanila. Buti na lang at available iyon. Ang alam niya kasi ay kakabalik lang nito mula sa China kasama ang asawa nito. Iyon din ang dahilan kaya ngayon lang nila naasikaso ang pag-alis nila ng bansa. Buti na lang talaga at maasahan niya ang kaibigan niyang iyon.

"Mom."

Natigilan siya ng magsalita ang anak. Tumingin siya dito. Nakatingin ito sa labas ng bintana ng kotse. Seryuso ang mukha nito. Wala siyang nababasang emosyon sa mukha nito.

"Ano iyon, anak?"

"Do you love him? Babalik ka ba dito para pigilan ang kasal niya kay Tita Cathness?"

Natigilan siya sa tanong ni Mary Ann. Tumingin sa kanya ang anak. Wala pa rin emosyon ang mukha at mata nito. Ngumiti siya sa anak at hinawakan ang kamay nito.

"Hindi ganoon kadali mawala ang isang pag-ibig, Mary Ann. Kahit gaano pa kasakit ang idinulot nitong sakit dito." itinuro niya ang kanyang puso. "Hindi mabubura noon ang katutuhanan na siya ang laman nito. Mahal ko siya anak kahit sobrang sakit ang ginawa niya."

Hindi umimik ang anak niya. Nanatili lang itong nakatitig sa kanyang mga mata. Wari bang binabasa nito ang nilalaman ng puso niya. Pinisil niya ang kamay nito.

"Ma-iintidihan mo din ako kapag nakilala mo na ang taong mamahalin mo. Kapag nagmahal ka na din, anak."

Magsasalita sana si Mary Ann ng biglang huminto ang kotseng sakay nila. Agad siyang napatingin sa driver ng ama.

"May problema ba tayo, Mang Kaloy?" tanong niya.

"Ma'am Cathy, may humarang po sa kotse ng mga tauhan ng Daddy niyo."

Napatingin siya sa unahan at nakita nga niya ang dalawang van na nakaharang sa unahan nila. Nanlaki ang mga mata niya ng bumukas ang dalawang van at nagpaulan ng bala sa unahang kotse. Napatili siya.

"Yumuko kayong lahat." Sigaw ni Mary Ann.

Agad niyang sinunod ang anak. Narinig niyang kumasa ito. Mukhang dala nito ang sarili nitong baril.

"Mang Kaloy, umatras kayo." Sigaw ni Mary Ann.

Sumilip siya ng bahagya. Nakita niyang nakababa na ang mga lalaking sakay ng dalawang van at may mga hawak na mahahabang baril ang mga ito. Binundol siya ng kaba ng makita si Marko. Kung ganoon ay nalaman agad nito ang plano nilang pag-alis ng bansa. Napamura siya ng wala sa oras. Ang bilis talaga ng pamilya nito. Gumalaw sila dahil alam ng mga ito na nasa bansa si Mary Ann.

"Mang Kaloy!!!" Sigaw ni Mary Ann.

Binuksan nito ang bintana ng kotse at pinaputukan sina Marko. Agad naman sumunod ang kasama nilang body guard. Nakita niyang may tinamaan ang anak niya. Agad na nakapagtago ang mga kasama ni Marko at gumanti ng baril. Hindi naman sila maka-alis sa pwesto dahil nasa likuran nila ang isa pang kotse ng body guard nila. Tumingin siya doon at nakita niyang tadtad na din iyon ng bala. May dalawang van din na nakaharang. Mukhang planado ang ginawang ito ni Marko.

Narinig niya napamura ang anak. Napatingn siya sa harapan ng biglang umungol ang body guard na kasama nila. Nakita niya ang dugong dumaloy sa braso nito. Mukhang tinamaan ito ng bala. Lalong nanlaki ang mga mata niya ng makita si Mang Kaloy na nakahawak sa tagiliran nito. Mukhang pati ito ay natamaan din.

"Useless!!!" sigaw ni Mary Ann at binato ang baril na hawak. Mukhang na-ubusan na ito ng bala.

Humarap sa kanya ang anak. "I already called a back up. We be safe, Mom."

Tumungo siya at hinawakan sa braso ang anak. "Alam ko. LJ and Jacob will save us like before."

Ngumiti ang anak at tumungo. Alam nito kung anong sinasabi niya. Two of them already have a tracking device inside there body. Pinalagay nila iyon noong huling beses silang kinidnap ni Marko. It's for her and Mary Ann safety. Muli siyang napatingin sa harapan. Nakita nila na unti-unting lumalapit ang mga tauhan ni Marko. Malapit na ang mga ito sa kanila ng bigla na lang may bumulagta isa sa mga ito. Nanlaki ang mga mata niya dahil talagang sa ulo ito tinamaan.

What's happening? Sino ang bumaril dito?

Agad naging alerto ang mga tauhan ni Marko at ganoon din ang lalaki. Mukhang hindi alam ng mga ito kung sino ang bumaril. Muli ay may isang bumaksak sa mga tauhan ni Marko. Tumakbo ang mga tauhan ni Marko at nagkanya-kanyang tago. Nabuhayan sila ng loob ni Mary Ann.

Kung sino man ang bumabaril sa mga tauhan ni Marko ay sigurado siyang kakampi nila. Nasagot ang mga tanong niya ng tumunog ang phone ni Mary Ann. Agad iyong sinagot ni Mary Ann.

"Yes!" Mary Ann put the phone into a loud speak.

"Hello there, Princess. Okay lang ba ang princesa ng mga Dela Costa?" tanong ng isang pamilyar na boses.

"I'm good, Kuya Jacob. Thanks for the help. It's that you?"

"Nope but it's one of my colleague. He is a very good sniper. Nasa likuran mo kami, princesa."

Sabay sila napatingin ni Mary Ann ng makarinig ng sunod sunod na putukan sa likuran nila. Nakita nila ang ilang mga Police na nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Marko. Napangiti sila. Mukhang handa din ang kaibigan ng kapatid niya.

"Akala ko ba hindi tutulong ang O.Z dahil labas ako sa jurisdiction nila?" tanong ni Mary Ann.

Pinayuko siya ng anak para hindi sila matamaan ng mga baril. Nakipagpalitan na kasi ng barilan ang mga tauhan ni Marko.

"I found Marko's illegal doing. You know me, princess. I dig grave for useless people. I come to you, princess." Nawala na si Jacob sa kabilang linya.

At ilang sandali pa ay bumukas ang pinto sa pwesto ng kanyang anak. At isang nakangiting lalaki ang nakita niya.

"Hello, my princess. Kamusta na ang princesa ng mga Dela Costa?"

"Hi Kuya Jacob. I'm fine. Thank you for saving me again." Isang matamis na ngiti ang isinukli ni Mary Ann.

"I will do anything for my baby sister." Inalalayan ni Jacob si Mary Ann na makalabas.

Nakita niyang mahigpit na niyakap ni Jacob si Mary Ann. Hindi niya mapigilan na hindi ngumiti. Maraming taong nais magprotekta sa minamahal niyang anak.

Sumulyap sa kanya ang anak pagkatapos nitong yakapin ang Kuya Jacob nito. Inalalayan siya ni Jacob na makababa sa kotse. Agad niyang iniikot ang mga mata sa paligid. Blood and died body everywhere. Talagang nanlaban ang mga tauhan ni Marko. Napasinghap siya ng makita ang isang katawan hindi kalayuan sa kanila.

"Wala ng gugulo sa iyo, my princess." Narinig niyang sabi ni Jacob.

Napatungo siya sa sinabi ni Jacob. Lumandas ang mga luha niya. Sa wakas nakalaya na din ang anak niya. Sa wakas ay tapos na ang pagtatago nito sa lalaking nais itong saktan. Pumatak ang mga luha niya sa ka-alaman na wala na ang lalaking nais saktan ang minamahal niyang anak. Marko's died body lying in cold cement. Kitang-kita ang tama nito malapit sa puso. Finally, they are free.

Lumingon siya sa anak at niyakap ito. Sobrang saya niya ng mga sandaling iyon. Makakahinga na siya ng maluwag sa wakas. Gumanti ng yakap sa kanya ang anak.

"I love you mommy."

"I love---" hindi niya na matapos ang sasabihin ng may naramdaman siyang parang may tumusok sa likuran niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa anak. Isang matamis na ngiti ang nakasilay sa labi ng anak niya.

"I hate Marko for ruing my plan but I still gonna do it. Sleep tight, mommy."

Iyon ang mga huling narinig niya bago tuluyan nawalan ng malay-tao.

Anong nangyayari?