CHAPTER EIGHT
NAKATINGIN si Cathy sa bulaklak na nasa harapan niya. Pang-ilang bulaklak na ba iyon na bigay sa kanya ni Dennis. Araw-araw ay nakakatanggap siya noon mula sa binata. Nang minsan niyang tinanong kung bakit siya nito binibigyan ay sinagot lang siya nito na dahil sa especial siya dito. At dahil doon ay mas naguguluhan siya sa sinasabi nito.
Napakurap si Cathy ng marinig ang ringtone ng kanyang cell phone. Kinuha niya iyon sa lagayan at sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello." Sagot niya.
"Tita Cathy, hello po." Isang masayang boses ang narinig niya mula sa kabilang linya.
Napangiti siya ng marinig ang matinis na boses ng isang boses lalaki.
"Hello, handsome boy. Napatawag yata ang cute na bata."
"Tita Cathy, nasa flower shop po kayo?"
"Yes baby. Bakit mo naman natanong?"
Tumawa lang ang bata. Lalong lumapad ang ngiti sa labi niya dahil sa tawang iyon. Napakaganda talaga ng tawa ng batang ito. Hindi niya alam kung kanino ba ito nagmana ng kasiglahan. Siguro ay sa ama nito walang ginawa kung hindi ang asarin siya.
"Tita, look at me."
"Ha!!!" nagtaka siya sa tinuran nito. "Anong sinasabi mo, baby?"
"Tita, tingin ka po sa labas ng shop niyo."
Napatingin siya sa labas ng shop niya. At doon niya nakita ang isang bata na kumakaway sa kanya. May kasama itong dalawang matanda. Napangiti siya. Gumanti siya ng kaway sa bata.
"Hello there, Handsome baby. Bakit hindi ka pumasok sa shop ko at bigyan ako ng isang mahigpit na hug?"
Hindi na sumagot ang bata. Nakita niyang binigay nito ang hawak na phone sa isang lalaki at mabilis na tumakbo papasok ng shop niya. Umalis naman siya sa kinatatayuan at sinalubong ang bata.
"Tita Cathy, I miss you po." Sabi ng bata ng mayakap siya.
"I miss you too, Baby Jay." Ganti niya.
"Mukhang namiss mo ang paborito mong Tita?" narinig niyang sabi ng isang lalaki.
Umayos siya ng tayo at tumingin sa lalaking ngayon ay nakatingin sa kanya.
"Kamusta na BJ?" tanong niya.
Inakbayan nito ang babaeng kasama. "Ito, masaya sa piling ng babaeng mahal na mahal ko."
Nakita niyang namula ang mukha ng babaeng kasama nito. Hindi niya napigilan na tumawa. Ang cute talaga pagmasdan ni Lily o mas kilala niya bilang Lea Liza.
"Kailan ang balik mo ng ---" natigil siya sa pagtatanong ng may humila sa kanyang damit. Napatingin siya doon at nakita si Jay ang humihila sa damit niya. Dumapa ito bilang pagsasabing gusto nitong magpakandong sa kanya. Agad naman niyang sinunod ang bata.
"Baka pagkatapos ng kasal namin ni Lily." Sagot ni Billy Joe.
Billy Joe McGary was one of his friends back in U.S. Sabay silang bumalik ng Pilipinas. Umuwi ito para hawakan ang negosyo ng Tito Percy nito. Ang alam niya ay tuluyan na nitong ipinagbili ang mall ng Tito Percy nito sa mga Madrigal at ngayon ay nakatuon na lang ang atensyon sa negosyo ng pamilya nito. BJ is well-known composer in U.S, maliban doon ay may-ari din ito ng kilalang recording studio at kilalang magazine company sa U.S. Hindi niya nga alam kung bakit nanatili ito ng Pilipinas pagkatapos ipagbili sa mga Madrigal ang mall. Ngayon ay alam na niya kung bakit.
"Hi Lily." Bati niya sa babaeng kasama nito.
"Hi Cathy. Kamusta ka na?"
Ngumiti sa kanya si Lily. "Okay lang naman ako. Ikaw?"
"Okay lang din naman. Busy ka pa rin sa shop me?" tanong nito.
Umiling siya. "Wala kaming event ngayong buwan kaya hindi kami ganoon kabusy."
"Tita Cathy, you are not busy? Can you come with us?"
Napatingin siya kay Jay. Anak ni Billy Joe si Jay sa dati nitong fiancé. Malapit ang bata kay Billy Joe kaysa sa ina nito kaya mas madalas ang bata sa ama nito. Naging malapit siya sa bata dahil madalas itong pumupunta sa bahay niya kapag nandito sa bansa. Sa U.S. pa rin kasi ang bata nag-aaral at magulang ni BJ ang kasama nito doon.
"Why baby? Where are we going?"
"Kakain sana kami sa paborito nitong restaurant. Kung hindi ka busy, samahan mo sana kaming kumain." Si BJ na ang sumagot sa tanong niya.
Ngumiti siya at tumungo. Hinarap niya si Jay at pinisil sa pisngi. "Magpapaalam lang si Tita Cathy sa mga staff niya. Okay lang ba, baby?"
Lumiwanag ang mukha ng bata at agad na tumungo. Kinuha ni BJ sa mga braso niya si Jay. Hinarap niya naman si Ary na siyang bantay ng mga sandaling iyon dahil late si Wilma. Nagpaalam siya na aalis muna at babalik din agad.
Sa isang Korean restaurant sila pumasok. Mahilig kasi sa kimchi at gigimbap si Jay na ipinagtaka niya noong una. Malapit sa glass window sila umupo. Katabi niya si Jay habang kaharap naman niya ang magkasintahan. Hindi talaga magkakaila na mahal na mahal ni BJ si Lily sa uri ng pag-aasikaso nito sa dalaga. Ito kasi ang kumukuha ng pagkain na ilalagay sa plato ni Lily.
"Kamusta na pala si Mary Ann?" tanong ni BJ.
Napaangat siya ng tingin ng marinig ang pangalan ng kanyang anak. "Okay naman siya sa Australia."
"Sinabi sa akin ni Jhay Rain ang nangyari sa iyo noong isang araw. Buti naman at nakulong na ang hayop na iyon." May bahid ng galit ang boses nito.
Halos lahat ng kaibigan niya ay alam ang tungkol kay Marko. Isa si BJ sa malalapit niyang kaibigan. Noong minsan siyang napahamak ng dahil kay Marko ay isa ito sa nagbigay ng pabuya para lang mahanap ang lalaki. Hindi nga makapangyarihan ang pamilya ni BJ dito sa Pilipinas ngunit pagdating sa U.S ay isa ito sa mayamang pamilya.
"Uuwi bukas si LJ para personal na hawakan ang kaso."
"Ganoon ba. Sasama ba si Mary Ann?"
Umiling siya. "Sa katapusan ng semistral niya pa. Busy pa siya ngayon sa pag-aaral at trabaho niya."
"Napakaswerte mo talaga sa ampon mong iyan."
Napangiti siya dahil sa sinabi nito. Iilan lang ang nagsabi sa kanya noon. Madalas siyang makarinig sa ibang tao na naging masalimuot ang buhay niya dahil sa anak. Kapahamakan lang ang hatid nito sa kanya ngunit hindi na lang niya iyon pinansin. Sino ba sila para husgahan ang naging buhay niya simula ng ampunin niya si Mary Ann?
"Maswerte naman talaga ako sa anak kong iyon." Umangat siya ng tingin. "Bj, wag mo na sanang tawaging Mary Ann ang anak ko. Silina, iyan na ang pangalan niya ngayon."
Akala niya ay ikasasama ni BJ ang sinabi niya ngunit ngumiti lang ito. "Pasensya na. Hindi talaga ako sanay na tawagin siya sa bago niyang pangalan."
"Ilang taon ko na siyang anak tapos hindi ka pa rin sanay."
"Alam mo naman itong si BJ, Cathy. Tingnan mo nga hanggang ngayon Lily pa rin ang tawag niya sa akin. Pati tuloy ikaw ganoon din ang tawag sa akin."
Tumawa siya sa sinabi ng nobya nito. Lea Liza ang buong pangalan nito at madalas na tawag ng lahat dito ay Liza pero hanggang ngayon ay Lily pa rin ang tawag ni BJ. Nakita niyang namula ang mukha ni Bj sa sinabi ng nobya nito. Humarap ito kay Lily at hinawakan sa pisngi.
"Alam mo naman kung bakit Lily pa rin ang tawag ko sa iyo."
Tinabig ni Lily ang kamay ni BJ na nakahawak sa pisngi nito. "Iwan ko sa iyo, BJ."
Mahina siyang tumawa sa nakitang eksena.
"Maiba ako, Cathy. Kailan mo ba kami ipakilala sa boyfriend mo?"
Bigla siyang nanigas sa kina-uupuan. Bakit iyon ang lagi niyang naririnig na tanong ng mga taong nakapaligid sa kanya? Masyado na ba siyang matanda para tanungin siya ng ganoon.
"Oo nga, Cathy. Si LJ na unahan ka pa niya. Ang alam ko ikakasal na siya."
Napakamot siya ng ulo sa sinabi ni BJ. Para siyang ginigisa ng magkasintahan. "A..ano... kasi..." hindi niya alam kung paano ba sasagutin ang tanong ng mga ito. Bakit ba kasi hanggang ngayon ay wala siyang nobyo?
Well, may nanliligaw ba sa kanya para maging nobyo niya? Wala, di ba?
"Maybe, next meet up niya may maipakilala na siya sa inyo."
Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang sinabi ng lalaking bagong dating. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Anong ginagawa niya doon? Napatingin siya sa lalaking ngayon ay nakangiting nakatingin sa magnobyong kasama niya. Hindi maitago ang gulat sa mukha ni Lily at BJ habang nakatingin kay Dennis.
"Hi! Dennis Renzo Madrigal, Cathy's friend..." tumingin sa kanya si Dennis at kumindat. "...and soon to be boyfriend."
Muntik na siyang malaglag sa kina-uupuan pagkatapos ng sinabi ni Dennis.
"HEY! CATHY." Tawag ni Dennis sa kanya.
Hindi niya pinansin ang binata at patuloy lang sa paglalakad. Nagulat talaga siya sa sinabi nito kina BJ at Lily. Umiyak tuloy si Jay dahil sa sinabi nito. Lagi kasing sinasabi ni Jay na paglaki nito ay pakakasalan siya. Nakipag-away pa si Dennis kay Jay dahilan para mabilis matapos ang lunch nilang apat. Sobrang naiinis siya kay Dennis dahil pinatulan pa nito ang bata. Hindi niya alam kung ano bang pumasok sa isip nito at pina-iyak pa si Jay. Umiiyak pa rin si Jay ng umalis sila ni Dennis.
Natigil siya sa paglalakad ng hawakan ni Dennis ang kanyang braso. Naiinis na nilingon niya ang binata.
"ANO?" galit niyang sigaw.
Naiinis talaga siya kaya hindi niya maitago dito ang galit. Bakit naman niya itatago gayong ito ang may kasalanan?
"I'm sorry."
Natigilan siya bigla. Ito ang unang beses na humingi ito ng tawad dahil sa ginawa. Nakita niya ang senseridad sa mga mata nito kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Bakit ang bilis humingi ng tawad ni Dennis habang siya ay hindi iyon magawa? Nais niyang ipaalam sa binata ang tungkol sa pagkatao niya ngunit may pumipigil sa kanya. Sa buong buhay niya ngayon lang siya natakot. Natatakot siya sa galit na maaring ipakita sa kanya ni Dennis. Sigurado siyang kamumuhian siya nito.
"I'm sorry kung pina-iyak ko ang bata. I'm sorry if I acted childish a while ago. Hindi ko lang mapigilan ang nararamdaman ko. Para--"
"Kalimutan mo na iyon. Babalik na ako sa trabaho ko." Putol niya sa ibang sasabihin nito.
Akala niya ay hindi siya susundan ni Dennis ngunit naramdaman niya ang presensya nito na nakasunod sa kanya. Hindi na lang niya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad. Nang pumasok siya ng flower shop ay agad niyang sininyasan si Wilma na wag siyang batiin. Umupo siya sa may cashier area at hindi na pinansin si Dennis na nasa pinto ng flower shop at nakamasid sa kanya.
"Good afternoon, sir. May kailangan po kayo?" tanong ni Wilma kay Dennis.
Nakuha naman ng staff niya ang atensyon nito. Pumasok ito ng shop niya at agad na pinuntahan ang mga pulang rosas na nakadisplay. Kumuha ito ng isang pulang rosas at isang puting rosas. Ibinigay nito iyon kay Wilma.
"Ito lang po ba sir?"
"Yes." Tumingin sa kanya si Dennis bago muling ibinalik ang atensyon kay Wilma. "Pakibigay kay Cathy pagkatapos." Kumuha ito ng pera sa wallet.
Sumulyap muna sa kanya si Dennis bago nito nilisan ang shop niya. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Napabunting hininga na lang siya habang sinusundan ng tingin ang binata.
"Anong nangyari doon?" tanong ni Ary na lumapit sa kanya.
Umiwas siya ng tingin at itinuon ang sarili sa report na nasa mesa niya. May harang ang mesang iyon kaya hindi kita ang mga papeles na nakalagay.
"Wala." Sagot niya.
"Nag-away ba kayo?"
Hindi siya sumagot. Lumapit sa kanila si Wilma at inilapag ang mga rosas na binili ni Dennis. "Para po daw sa inyo, Ma'am Cathy."
Pinakatitigan niya ang bulaklak. Nakaramdam siya ng munting kirot sa puso niya habang pinagmamasdan iyon. Mabigat ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi pala madaling magalit sa taong nilalaman ng kanyang puso. Natigilan siya dahil sa naisip. Nilalaman ng kanyang puso? Agad siyang napa-iling sa tinatakbo ng kayang isipan. Hindi ito maari. Hindi pwedeng mahulog ang loob niya sa binata. Walang mabuting maibubunga ang nararamdaman niya. Masasaktan lang siya sa huli kapag lumago ang nararamdaman niyang ito kay Dennis. Kailangan niyang layuan ang binata para sa ikabubuti niya. Hindi lang iyon, kailangan niyang layuan ang binata dahil kapag nalaman nito ang totoong pagkato niya ay siguradong isusumpa siya nito. Kailangan niya iligtas ang puso niya hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman sa binata. Muling kumirot ang puso niya.
Kakayanin niya ba na malayo kay Dennis gayong nasasanay na siya sa pasensya nito? Anong aawin niya ngayon?
NATIGIL SA PAGLABAS ng kanyang shop si Cathy ng makitang nakatayo doon si Dennis. Ilang linggo na nga ba siyang hindi pumapasok sa flower shop niya dahil sa iniiwasan niya ang binata? Sa bahay muna siya nagtrabaho simula ng malaman niya ang nararamdaman kay Dennis. Sinabi ni Ary sa kanya na araw-araw pumupunta si Dennis sa shop niya at hinahanap siya. Sinabi niya kay Ary na sabihin kay Dennis na nagresign siya. Kaya naman nagulat siya ng makita ang binata sa harap niya ngayon. Agad siyang nag-iwas ng tingin at mabilis na naglakad para iwasan ang binata. Pababa na siya ng eskelator ng may malaking kamay na humawak sa kanyang braso. Sisinghalan na sana niya ang pangahas ng makita ang seryusong mukha ni Dennis. Pero mas tama yatang sabihin na madilim nitong mukha.
"Dennis, hi! Nariyan ka pala." Sabi niya sa binata.
Isang nakakalukong ngiti ang sumilay sa labi ng binata. Wari bang nang iinsulto ito sa uri ng ngiti sa kanya. "Ya! It's me. Nagmamadali ka ba?"
Hinarap niya ang binata at pilit na kumawala sa hawak nito ngunit mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. "Ano? May pupuntahan pa kasi ako. Pwede mo bang bitawan ang braso ko?"
"Saan ka pupunta?"
"A-ano..." nag-iwas siya ng tingin. Paano niya ba lulusutan ang binata ng hindi nito napapansin ang pagsisinungaling niya?
"Can you give me some of your time? May sasabihin lang ako sa iyo."
Natigilan siya ng may nahimigan siyang lungkot sa boses nito. Napatingin siya sa mukha nito. Doon niya nakita ang lungkot sa mga mata ng binata. Hindi lang iyon ang nakita niya, napansin din niya ang pangungulila. Bigla ay nanlambot ang puso niya. Nasasaktan ang puso niya kapag nakikitang ganoon si Dennis. The last time she saw him like that was the time he introduce her to his mother who already pass away. Wala sa sariling tumungo siya.
Lumiwanag ang mukha ni Dennis dahil sa sagot niya. Agad siya nitong hinila papunta sa parking area. Naging sunod-sunuran naman siya sa binata. Walang nabuong pag-uusap sa kanilang dalawang hanggang sa narating nila ang bahay ni Dennis sa Antipolo. Kagaya ng unang punta niya doon ay walang tao siyang nakita.
Sa malawak na swimming pool siya dinala ni Dennis. Habang nakatingin sa malawak na pool ay tumatakbo ang isip ni Cathy. Anong gagawin niya ngayon? Sasabihin na ba niya ang totoo sa binata. Paano kung magalit ito sa kanya? Naguguluhan siya ng mga sandaling iyon.
Napatingin si Cathy sa harapan niya ng may naglapag ng isang tray na may lamang juice at cake.
"Kain ka muna." Nakangiting sabi ni Dennis bago umupo sa upuang kaharap niya.
Kiming ngumiti siya sa binata bago nagsalin ng juice sa dalawang baso. Ibinigay niya ang isang baso kay Dennis. Sinuklian naman siya ng isang ngiti ni Dennis. Agad siyang nag-iwas ng tingin dito.
"Akala ko talaga hindi ka na babalik sa shop na iyon dahil sa nalaman kong nagresign ka na."
Napatingin siyang muli dito. "Ano..." napalunok siya. Sasabihin na ba niya ang totoo dito?
"Nakilala ko ang totoong may-ari kahapon at sinabi kong papasukin ka na. Sinabi ko din sa kanya na kung anuman ang ginawa mong pagkakamali ay bigyan ka pa ng isang pagkakataon. Akala ko talaga ay hindi ka niya pagbibigyan. Buti naman at pinabalik ka niya."
"Totoong may-ari?" salubong ang kilay na tanong niya.
Ngumiti si Dennis. "Oo. Akalain mo, kilala ko pala ang totoong may-ari ng shop na pinagtatrabahuhan mo. Leo John Dela Costa is the real owner of Fia Flowery Shop."
Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang pangalan ng bunsong kapatid. Kung ganoon ay nakilala nito kahapon si LJ. Binundol ng kakaibang kaba ang dibdib niya. Bakit wala yatang sinabi sa kanya ang kapatid niya? Hindi man lang ito tumawag sa kanya kagabi at sinabing nakausap nito si Dennis. Kahit ang mga staff niya ay walang sinabi kanina ng pumunta siya. Sinabi na ba ni LJ na siya ang totoong may-ari ng Fia Flowery Shop? Pero hindi ba at sinabi ni Dennis ay si LJ ang totoong may-ari ng flower shop niya. Ano ba talaga ang nangyari kahapon? Bakit iba na naman ang alam na may-ari ni Dennis? This is getting worst. Mukhang madadamay pa ang kapatid niya na walang alam sa kasinungalingang ginawa niya. Anong gagawin niya ngayon?
"Ahhh!" tumungo siya. "Nakilala mo na pala si Sir LJ. Siya nga ang nagsabi sa akin na bumalik na sa trabaho. Salamat ha!"
Nais niyang pagalitan ang sarili. Mas inilaglag niya ang sarili sa putikan. Paano niya pa ngayon maitatama ang pagkakamali? Pasimple siyang napangiwi ng maramdaman ang pagkurot niya sa sarili.
Ngumiti si Dennis. "Iyon lang naman ang tanging na isip ko para matulungan ka. Buti na lang talaga at mabait siya. Ngayong magiging magka business partner na ang mga Madrigal at Dela Costa, hindi na mahirap paki-usapan ang mga Dela Costa."
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?"
Nakita niyang natigilan si Dennis. Umiwas ito ng tingin. "W-wala."
Hindi siya umimik. Pinakatitigan niya si Dennis. Bakit pakiramdam niya ay may tinatago sa kanya ang binata? Tumikhim si Dennis at sumeryuso ang mukha.
"I'm sorry about what happen weeks ago. Hindi ko naman gusto na magalit ka sa akin." Yumuko si Dennis. "Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko."
"Dennis... Anong sinasabi mo?"
"Pumunta ako ng shop para sana yayain kang kumain pero pagdating ko ang sabi nila ay lumabas ka daw kasama ng kaibigan mo. Hindi nila alam kung saan kayo pupunta kaya sinuyod ko lahat ng restaurant ng mall. Doon kita nakitang kausap ang mag-asawang iyon. Narinig kong tinanong ka nila tungkol sa pagnonobyo. Aaminin ko, nainis ako sa naging sagot mo." Nakita niyang napakuyom si Dennis. Para nitong sinariwa ang nangyari noong nakaraang linggo. "Hindi ko talaga nagustuhan ang sagot mo sa kanila."
"Bakit hindi mo nagustuhan? Totoo naman ang sinabi ko sa kanila. Wala naman talaga akong nobyo na ipa---"
"Pero nililigawan kita." Sigaw ni Dennis na ikinalaki ng kanyang mga mata.
"Ni-Nililigawan mo ako?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Bakit hindi ba halata? Hindi ba kapag nagbigay ang isang lalaki ng bulaklak sa isang babae ay panliligaw na iyon?"
"Pero hindi ka nagsasabi. Hindi naman ako nanghuhula." Depensa niya sa binata.
Hindi naman talaga niya alam na nanliligaw ito. Hindi niya alam na ang pagbibigay nito ng bulaklak ay nanliligaw na pala ito.
Umiwas ng tingin si Dennis at napakamot ng batok. "Kaya naman pala. Akala ko pa naman ay malinaw na sa iyo ang lahat. Kaya nga kita dinala sa puntod ni Mommy ay dahil sa nais kong malaman niya na ikaw ang babaeng nais kong maging nobya pero hindi mo pala talaga nakuha. Pati din pala ang ibig sabihin ko ng pagdala ko sa iyo dito ay hindi mo din nakuha. Ang manhid mo naman, Cathy."
Tumaas ang kulay niya sa narinig niya. Manhid? Siya manhid? Siya pa ngayon ang sinabihang manhid gayong ito ang hindi nagsasabi. Kung sinabi sana nito ay makukuha din agad niya.
"Excuse me, Mr. Madrigal. Kung sakaliman na mapansin ko na nanliligaw ka at tinanong kita ay baka sabihin mong isa akong feelingera. May bibig ka para sabihin sa akin na nanliligaw ka pala. Hindi iyong ang torpe mo para hindi sabihin sa akin na gusto mo pala ako." Mataray niyang sabi dito.
Nanlaki ang mga mata ni Dennis. "Ako? Torpe?"
"Bakit hindi ba?"
Nakita niyang napanganga si Dennis dahil sa sinabi niya. Tumayo pa ito sa kinauupuan at na napahawak sa baywang. Para itong hindi makapaniwala na sinabi niyang torpe ito. Serve him right. Akala ba nito hindi siya marunong gumanti. Tinaasan niya ito ng kilay at pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib.
Nakita niyang napatingin sa kanya si Dennis. At ilang sandaling nakipagsukatan ng tingin sa kanya. Bigla siyang nagtaka ng unti-unti itong lumapit sa kanya. Napasandal siya sa upuan ng nilapit nito ang mukha sa kanya. Halos magkadikit na ang kanilang mga ilong sa sobrang lapit ng mukha nito. Napigil niya ang paghinga dahil sa ginawa nito. Ang mga mata niya ay halos magkaduling na sa kakatitig sa mga mata nito. Ngunit wala na yatang may nakakagulat sa biglang naging galaw ni Dennis.
Sinakop nito ang naka-awang niyang labi. Nanlaki ang mga mata niya sa binata. Hindi siya makagalaw sa kina-uupuan. Nasa ganoon siyang sitwasyon ng ilang minuto hanggang sa kusang gumalaw ang mga labi niya at tinugon ang nakakahilong halik ni Dennis. Halos tumigil sa pag-inog ang mundo niya ng malasap ang tamis ng pagtugon niya sa mga halik nito. Inilagay niya ang mga braso sa leeg ni Dennis. Wala ng pag-alinlangan sa puso niya ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ni Cathy ay nakalutang siya at tanging nais niya lang ay ang mga labi ni Dennis.
Tumigil lang sa paghalik si Dennis ng wala na silang hangin na nalalasap. At sa paglayo ng mga labi ni Dennis tatlong kataga ang lumabas sa labi nito na halos nagpatigil sa pagtibok ng puso niya.
"I love you, Cathy. Would you be my girl?"