webnovel

MY POOR PRINCESS (TAGALOG)

My Poor Princess written by Hanjmie Sofia Fe Cathylyn Dela Costa is the sole owner of Fia Flowery Shop and one of the heir of DL Enterprises Inc.. Sofia dreams to meet her prince, who will love her by who she was. And then, she meets Dennis Renzo Madrigal, a guy who insulted her and thought that she is a simple sales lady at her flower shop. Pero isang pangyayari ang nagpalapit sa kanila. They become friends until Dennis court her and she realizes, she is falling-in-love with Dennis. But is there a chance for a forever if she found out that Dennis is engaged and soon-to-be-married with another girl? Not just another girl but her older sister. (c) 2020

HanjMie · perkotaan
Peringkat tidak cukup
13 Chs

CHAPTER ELEVEN

ILANG BESES na nagpa-ikot-ikot si Cathy sa kwartong iyon. Hindi niya alam kung nasaan siya ng mga sandaling iyon. Nagising na lang siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kanya. Hindi lang iyon, wala siyang damit ng magising siya at tanging kumot lang ang nakabalot sa kanya. Sinubukan din niyang hanapin ang kanyang gamit ngunit wala siyang nakita. Kaya ang ginawa niya ay naghanap ng masusuot sa bathroom. May nakita naman siyang roba kaya iyon ang sinuot niya.

Naalala niya ang huling nangyari bago siya nagising sa lugar na iyon. Alam niyang nasa safe siyang lugar dahil si Mary Ann ang huli niyang kasama ngunit nagtataka siya kung bakit iyon ginawa ng anak. Sinubukan niya din bukasan ang pinto ng kwarto ngunit nakalock iyon. Mukhang sa labas ang lock ng kwartong iyon.

Natigil siya sa kakaikot ng bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaking ilang linggo na niyang hindi nakikita.

"Ikaw?" gulat na gulat niyang tanong.

Isang ngiti ang gumuhit sa labi nito. Pumasok ito at agad din isinara ang pinto. Naglakad papalapit sa kanya si Dennis na may hawak na isang tray na may pagkain. Huminto si Dennis sa coffee table na naruruon at inilapag ang hawak na tray. Ano bang nangyayari? Bakit kasama niya ng mga sandaling iyon si Dennis.

"Anong ibig sabihin nito? Bakit ikaw ang kasama ko? Nasaan ang anak ko?" sunod sunod niyang tanong.

Hindi sinagot ni Dennis ang mga tanong niya, bugkos ay lumapit ito sa kanya. May ningning ang mga mata nitong nakatingin sa kanya si Dennis. Agad nitong hinawakan ang kanyang pisngi ngunit malakas na tinabig niya iyon. Inilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang tagiliran at tinaasan ng kilay ang binata. Humakbang naman ng paatras si Dennis. Nasa mga mata pa rin nito ang naglalarong ningning, wala na siyang maaninag na galit doon.

"Wala ka bang balak sagutin ang mga tanong ko?"

Lumapit muli sa kanya si Dennis. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang epekto nito sa kanyang puso kahit pa nga sinaktan siya nito. Iniharang niya ang kanyang kamay sa pagitan nila. Ayaw niyang gumawa ng hakbang si Dennis na magiging dahilan para makalimot siya sa kanyang totoong sitwasyon.

"Don't ever try to come close to me." may bahid ng pagbabanta ang boses niya.

Kailangan niyang labanan ang nararamdaman dito. Hindi siya pwede maging marupok pagdating dito. Tumawa si Dennis na ipinagtaka niya. Hinawakna nito ang kanyang kamay na pumipigil dito. Hihilahin na sana niya ang kamay ngunit agad na humigpit ang pagkakahawak doon ni Dennis. Lumapit ulit sa kanya si Dennis. Pigil ang hininga na tumitig siya sa mga mata nito.

"Are you hungry?" tanong ni Dennis.

Nagsalubong ang mga kilay niya sa tanong ni Dennis. Pinagluluko ba siya ng binata? Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.

"Wala akong panahon sa kalukuhan mo. Kung wala kang balak na sagutin ang tanong ko, ang mabuti pa ay hayan mo akong makaalis sa lugar na ito." Malakas na hinatak niya ang kamay na hawak nito.

Tinalikuran niya ang binata at naglakad pabalik sa kama.

"Nasaan ang mga gamit ko? Gusto ko ng umuwi at may flight pa kami pabalik ng Australia ng anak ko. Sabihin mo sa akin kung nasaan ang mga ga---"

"I'm sorry."

Natigil siya paglalakad ng marinig ang dalawang salitang iyon. Naramdaman niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. Dalawang salita lang at mukhang matitibag na naman ang pader na ginawa niya nitong mga huling linggo. Naikuyom niya ang mga kamao at pilit na pinapaalala sa sarili ang mga sinabi ni Dennis noong huling pagkikita nila.

"Sorry? Para saan?"

Narinig niyang malakas at malalim na huminga si Dennis.

"I'm sorry kung nasaktan kita sa mga sinabi ko noong huling pagkikita natin. Alam kong malaki ang pagkakamali ko sa iyo, Cathy. Hinusgahan kita ng basta-basta. Hindi ko pinakinggan ang mga dahilan mo. Masyado akong nagpabulag sa galit na nararamdaman ko. Sobra mo kasing tinapakan ang ego ko. Noong gabi ng engagement, masyado akong nagulat ng malaman ko na isa kang Dela Costa. Paano ba naman, ang babaeng nais kong protektahan at alayan ng lahat ng meron ako ay isa palang mayaman? Hindi ko akalain na nagawa mo akong hawakan sa leeg at paikutin sa isang kasinungalingan." May bahid ng sakit ang boses ni Dennis.

Hindi siya umimik. Muli siyang inatake ng guilt. Oo may kasalanan siya sa binata at hindi naman niya iyon matatanggi. May karapatan magalit sa kanya si Dennis.

"Lalo pang nadagdagan ang galit ko sa iyo ng malaman kong may anak ka. How could you hide such a big thing to me? Pakiramdam ko ay nadaya mo ako. Galit na galit ako sa iyo pero mas nagalit ako sa sarili ko dahil sa kabila ng lahat ng ginawa mo sa akin ay naririto ka pa rin sa puso ko. Ikaw pa rin ang babaeng nilalaman nito. Mahal pa rin kita. Gusto pa rin kita makasama hanggang sa huling bu---"

"Stop!!!" sigaw niya. Unti-unting dumaloy ang mga luha niya. "Stop saying those words to me. Wag kang magsinungaling sa akin, Dennis. Hindi ba ang sabi mo ay isa lang akong malaking hamon para sa iyo. Nakaka-challege lang ang isang tulad ko sa ego mo at hindi mo naman talaga ako minahal. So please! Stop saying you love me. Hindi pa ba sapat sa iyo na saktan mo na ako at ipamukha sa akin na hindi mo ako mahal. You broke me with those words, Dennis. Kaya nakiki-usap ako, stop saying y---"

Isang malakas na bisig ang yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. "I'm sorry. I'm so sorry, Cathy. I was just mad at you kaya ko nasabi ang mga iyon pero buong buhay ko, sa iyo lang ako nabaliw ng ganito. Aaminin ko galit pa rin ako sa iyo noong nakaraang araw at balak ko talagang pakasalan ang Ate mo to despite you. Iyon kasi ang naisip kong paraan para makaganti sa panluluko mo sa akin pero ng sabihin ni LJ na aalis ka ng bansa at sa Australia ka na mamumuhay kasama ang anak mo ay natakot ako."

Bigla siyang humarap dito ng marinig ang huling sinabi nito. "You talk to my brother."

Tumungo si Dennis. "Five days ago, I went to your office to say sorry for saying those words to you. Alam kong nagkamali ako kaya nais ko sanang kausapin ka pero wala pa rin akong balak na umurong sa kasal dahil doon nakasalalay ang kompanya namin. Hindi ikaw ang naabutan ko sa opisina mo kung hindi ang kapatid mo. Sinabi niya sa akin na siya na ang hahawak ng DL Group of Companies at ikaw nga ay lilipad papuntang Australia. Tapos sinabi nga nito ang balak mong mag-settle doon."

"Kung ganon ay alam mong aalis ako ng bansa." Hindi makapaniwalang sabi niya.

Tumungo si Dennis. "Dahil sa sinabing iyon ni LJ doon ko na realize na hindi ko kayang mawala ka sa akin. Ang raming scenario pumasok sa isip ko kapag tuluyan kang umalis ng bansa at maging malayo sa akin. Ma-isip ko lang na malayo ka sa akin ay halos mabaliw na ako, paano pa kaya kong tuluyan kang mapunta sa iba? Baka ipasok na ako sa mental ni Daddy. Kaya naman isinantabi ko ang galit at takot ko, nilapitan ko si Mary Ann."

"L-Lumapit ka sa anak ko?" nanlaki ang mga mata niya sa mga sinasabi nito.

Hinubad ni Dennis ang suot nitong t-shirt at napasinghap siya ng makita ang bandage na nakalagay sa katawan nito. Nahuhulaan na niya kung anong nangyari sa binata. Buti ang buhay pa ito ng mga sandaling iyon. Isang tawa ang narinig niya mula sa binata na nagpatingin sa kanya sa mukha nito.

"She really doesn't miss her target. Maswerte ako dahil kasama ko ng mga sandaling iyon si Jacob at LJ. Napigilan nila si Mary Ann na patayin ako pero kung sakali man na mapatay ako ng anak mo ay hindi ako nagsisisi dahil ipinaglaban ko ang pag-ibig ko sa iyo. Tama lang naman itong ginawa sa akin ni Mary Ann, kabayaran sa ginawa kong pananakit sa iyo."

"Oh My God!!!" Hinawakan niya ang binata.

Hindi siya makapaniwala na nagawa nitong isakripesyo ang sarili para lang makuha ang kapatawaran ng anak niya. Muling pumatak ang mga luha niya. Bakit ba ang sweet ni Dennis? Bakit ba ganoon ang binata pagdating sa kanya? Ano bang ginawa niya para mahalin siya ng ganoon ng isang tulad nito?

"Gaano kalalim ang sugat mo?" tanong niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

"Hindi naman ganoon kalalim. Sinadya talaga ni Mary Ann na daplisan ako ng bala para malaman ko daw kung sino ang makakabangga ko kapag sinaktan ulit kita. Ang tapang talaga ng anak mong iyon. Pinapahanga ako ng anak mo."

Umangat siya ng tingin. Hindi maitatanggi ng mga mata ni Dennis ang paghanga nito sa anak niya. Ngumiti siya.

"And I'm very proud of her. Pero hindi ka dapat niya sinaktan." Muli niyang sinuri ang sugat ng binata.

"Pero wala ang sakit na nararamdaman ko sa nararamdaman mo noong sinabi ko ang mga salitang iyon sa iyo, Cathy. Physical pain is different from emotional pain. Itong sugat ko, hihilum at gagaling pero hindi ang sakit na ibinigay ko sa puso mo."

Muling umangat ang tingin niya. Nagtagpo ang mga tingin nila ni Dennis. "Dennis..."

"I'm sorry. I'm so sorry, Cathy. Sana mapatawad mo ako sa mga sinabi ko sa iyo. Please, patawarin mo ako."

Napahikbi siya sa sinabi ng binata. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha sa pisngi niya. Niyakap niya ang binata ng mahigpit. How could she deserve a man like him? Paano siya magagalit sa binata kung ganito kasaya ang puso niya?

Lahat ng sinabi nito ay humaplos sa puso niya. Ang sakit na nararamdaman kanina ay napalitan ng kasiyahan. Siya na yata ang pinakamasayang babae ng mga sandaling iyon. Hindi lang kapatawaran ni Dennis ang nakuha niya kung hindi pati na din ang pagmamahal nito. Alam niyang hindi isang laro ang ginagawa ng binata dahil hindi nito isasakripisyo ang buhay nito para lang makuha ang kapatawaran ng anak niya at siya.

"I love you so much, Dennis. I don't hate you. Hindi ko magawang magalit sa iyo."

Naramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap sa kanya ng binata. Lalo siyang naiyak sa ginawa nito.

"I love you, Cathy. Mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka sa buhay ko."

Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang mga katagang sinabi ng binata. Nasa ganoon silang posisyon ni Dennis ng ilang minuto bago siya marahang pinakawalan ng binata at inilayo ang katawan rito. Hinawakan ang kanyang pisngi. Ipinikit niya ang mga mata at hinalikan ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

"Patawarin mo din sana ako sa mga ginawang kong pagsisinungaling sa iyo, Dennis. Alam..."

Hindi na niya natapos ang iba pang sasabihin ng hinalikan ni Dennis ang kanyang mga labi. Malalim ang halik na iginawad niya. Napangiti siya at gumanti ng halik sa binata. Wala na yatang mas sasaya sa kanya ng mga sandaling iyon. Inilagay niya ang mga braso sa leeg ng binata at mas pinalalim pa ang halik na kanilang pinagsasaluhan. She loves this man and she can give everything to him. He owns everything of her, her heart, her body and her soul. Alam ni Cathy na hindi niya pagsisihan ang gagawin at mga gagawin palang na desisyon.

"ANO NGA pala ang plano mo ngayon?" tanong ni Cathy kay Dennis habang nilalaro ang laylayan ng damit nito.

Nakahiga sila sa kamang dalawa. Pagkatapos nilang kumain kanina ay humiga sila ni Dennis. Tahimik lang silang dalawa ni Dennis. Nakaunan siya sa binata habang pinaglalaruan nito ang kanyang buhok.

"What do you mean?" balik tanong ni Dennis.

"I mean, hindi ba at ikakasal kana sa Ate Cathness ko. Anong balak mo ngayon?"

Tumigil si Dennis sa paghawak sa buhok niya. Hinawakan nito ang baywang niya at ihiniga ng maayos bago kumababaw sa kanya. Napatitig naman siya sa mukha ng binata. May naglalarong ngiti sa labi nito. Bumaba ang mukha nito at hahalikan sana siya ng umiwas siya. Tumama ang labi nito sa kanyang pisngi. Narinig niyang tumawa si Dennis. Pinisil din nito ang magkabilang baywang niya.

"Alam mo ba kung nasaan tayo ngayon, Cathy?"

Inilayo ni Dennis ang mukha sa kanya. Napatingin naman siya sa binata. Hindi pa rin nawawala sa mukha nito ang kasayahan.

"Nasaan nga ba tayo, Dennis?" ngayon niya lang naisip kung nasaan nga ba sila.

"We are here in Tagaytay. Pagkatapos ng ginawang pagtatangka ni Marko ay tinurukan ka ni Mary Ann ng pampatulog. Kasama namin si Jacob na dinala ka dito. Well, this entire plan is made by your lovely daughter. Mabuti daw na masulo kita para mas makapag-usap tayo ng maayos. Nasa vacation house tayo ni Jacob dito sa Tagaytay at babalik lang tayo ng Metro Manila pagkalipas ng isang buwan."

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang sinabi ni Dennis. Kun ganoon ay kagagawan pala ng anak niya ang lahat.

"Iyong kay Marko---"

"It's not part of the plan pero nakahanda naman talaga ang mga tauhan ng O.Z. Noong nakaraan ay may nahanap na ebidensya si Jacob laban kay Marko pero masyado daw magaling magtago ang hayop na iyon. Kaya kinausap ako ni Jacob na baguhin ang plano. Ang unang plano kasi ay dadalhin ka ni Mary Ann sa bahay ko sa Antipolo pagkatapos kang paamuyin ng pampatulog pero naki-usap si Jacob na kung mamaari ay baguhin."

"Kung ganoon ay may hinala si Jacob na balak ni Marko na atakehin kami habang papunta ng airport."

"He's not sure. Kung sakaling hindi magpakita si Marko ay ang balak namin sa airport ka na tuturukan ng pampatulog at dalhin dito sa Tagaytay."

"Oww!!!" napahawak siya sa kanyang mga labi. Kung ganoon ay planado pala talaga ang lahat. Kaya naman pala mabilis umaksyon si Jacob ng atakehin sila ni Marko. Kaya pala kalmado lang ang anak niya at sinabi nitong may darating ng tulong.

"Your daughter is amazing. Paano mo nga pala nakilala siya?" bumalik si Dennis sa pagkakahiga.

"Araw ng pag-uwi ng Ate Cathness ko mula Australia. Hindi sinasadyang makita namin si Mary Ann na pilit pinapasok ni Marko sa isang bar. Sa galit ko ay nilapitan ko sila at niligtas ang anak ko. Dad called the police kaya tumakas ng gabing iyon si Marko. Marko once kidnap me and Mary Ann. Buti na lang at na iligtas kami ni Jacob. Naging daan na rin iyon para tuluyan kong maampon si Mary Ann. I change her entire name and send her to Australia." Kwento niya. Hindi niya mapigilan na ngumiti habang nagkwekwento kay Dennis. She is very proud of what she did.

"You change her entire name?"

Tumingin siya kay Dennis at tumungo. "Yes. My daughter new name is Maria Silina Annie Dela Costa."

Napangiti si Dennis ng marinig ang buong pangalan ng anak niya. "That's very long name. Buti at matanda na si Mary Ann ng ampunin mo kaya hindi na siya mahirapan isulat ang pangalan niya. Pero sana wag ganyan kahaba ang maging pangalan ng anak natin."

Bigla siya nanigas sa kinahihigaan ng marinig ang sinabi ni Dennis. Magging anak nila? Tama ba ang narinig niya? Is he thinking of having a child with her?

"What did you said?" gulat pa rin na tanong niya.

Ngumiti naman si Dennis at hinawakan ang tungki ng kanyang ilong. "Ang sabi ko, wag sana ganoon kahaba ang pangalan ng magiging anak natin. Please, Cathy, maawa ka sa magiging anak natin. Baka dumating ang araw na sisi---"

"You're thinking about having a child with me." naiiyak niyang tanong dito.

Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Dennis. Yumakap ito sa kanya ng mahigpit. "Bakit? Ayaw mo bang magka-anak tayo? Ayaw mo bang makasal sa akin?"

Binundol ng malakas na kaba si Cathy sa huling tanong ni Dennis. Ito na ba iyon? Is he asking for marriage? Totoo ba talagang tinatanong siya ni Dennis tungkol sa kasal?

Natigilan siya ng kumawala sa pagkakayakap sa kanya si Dennis at humiga ng maayos. Inilagay nito ang isang braso sa mga mata nito. Umungol si Dennis na ipinagtaka niya. May mali bas a mga sinabi nito.

"Everything is ruin." Narinig niyang sabi nito.

"What do you mean?" nagtatakang tanong niya.

Inalis ni Dennis ang braso nito at tumingin sa kanya. "Everything!" sagot nito at tumayo. Naglakad ito papunta sa isang pinto at binukasan iyon. Pumasok sa loob si Dennis. Napabangon naman siya at tumayo. Pupuntahan na sana niya si Dennis ng lumabas ito doon.

"May problema ba, Dennis?"

Hindi sumagot ang binata. Lumapit lang ito sa kanya. Isang hakbang ang iniwang pagitan ni Dennis. Huminga ito ng malalim. Nagtataka naman siya sa kinikilos ng binata. Nagbago na ba ang desisyon nito. Ayaw na ba nitong makasal sa kanya? Tinitigan niya sa mga mata anhg binata. Wala naman siyang nakikitang emosyon na ayaw na nito.

"It's supposed to be in a romantic place and well plan event but who cares. All I need is you to set my plan." Sabi ni Dennis at unti-unting lumuhod sa harap niya.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa ginawa ng binata. At mula sa likuran nito ay may inilabas itong isang maliit na kahon. Napahawak siya sa mga labi ng bukasn ni Dennis ang kahon na iyon. It's a ring with a sapphire stone in the middle. Hindi kalakihan ang bato ngunit kay ganda ng pagkakagawa.

"Sofia Fe Cathylyn Alonzo Dela Costa, gusto mo bang baguhin ko ang huling pangalan mo? Gusto mo bang maging isang Madrigal? Papayag ka bang palitan natin ang huling pangalan ng anak mong si Mary Ann." Dennis gets the ring in the box. "Well you be Mrs. Dennis Renzo Madrigal?"

Dumaloy ang mga luha niya sa pisngi. Hindi niya inaasahan ang ginawa ng binata. Hindi din iyon ang pinapangarap niyang marriage proposal pero ano ngayon? Hindi ba mas importante pa rin ang makasal silang dalawa ni Dennis. Para kanya wala na yatang mas romantic sa ginawa ng binata.

"Oh! Dennis. Yes! I will marry you. Handa kong tanggapin ang pagiging Mrs. Dennis Renzo Madrigal. Handa na akong maging asawa mo."

Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Dennis at agad nitong isinuot ang singsing sa kanyang daliri. Niyakap siya ni Dennis ng mahigpit at inikot. Gumanti naman siya ng mahigpit na yakap sa binata. This is it. She will be a Madrigal soon. Sa wakas hawak na niya ang kanyang happy ever after.

Ibinaba siya ni Dennis pagkatapos siya nitong iikot. Hinawakan ni Dennis ang kanyang pisngi habang titig na titig sa kanyang mukha. Puno ng pagsuyo at pagmamahal nitong hinaplos ang kanyang pisngi. Ngumiti siya sa binata. Kung sakali man na may makakita sa kanila ni Dennis ng mga sandaling iyon ay siguradong masasabing mahal na mahal nila ang isa't isa. Dennis eyes with full of love and admiration.

"I love you so much, Cathy. You're all I need in this world."

"I love you too, Dennis. Thank you for coming to my life, for loving me dispute of everything I did, for coming back to me and for forgiving me. You are always be my one true love."

Ngumiti si Dennis at sinakop ang kanyang mga labi. Napangiti na din siya at tinugon ang halik nito. Sa wakas na ayos na din lahat sa buhay niya. Sa wakas ay masasabi na rin niya na meron siyang happy ever after. Take that Sancho, she also have her own destiny.

Tama nga ang sabi ni Mary Ann. Love is more powerful that anything. Love has it own way to erase the pain. Now! Her life will fill with happiness and joy. Sa wakas, nasa kanya na ang taong bumuo ng buhay niya. Love.... True love finds forgiveness and well to start all over again.

She finally have her own version of happily every after.

_____END__________