webnovel

MY POOR PRINCESS (TAGALOG)

My Poor Princess written by Hanjmie Sofia Fe Cathylyn Dela Costa is the sole owner of Fia Flowery Shop and one of the heir of DL Enterprises Inc.. Sofia dreams to meet her prince, who will love her by who she was. And then, she meets Dennis Renzo Madrigal, a guy who insulted her and thought that she is a simple sales lady at her flower shop. Pero isang pangyayari ang nagpalapit sa kanila. They become friends until Dennis court her and she realizes, she is falling-in-love with Dennis. But is there a chance for a forever if she found out that Dennis is engaged and soon-to-be-married with another girl? Not just another girl but her older sister. (c) 2020

HanjMie · Urban
Not enough ratings
13 Chs

SPECIAL CHAPTER

MARY ANN looking at the picture and data's in her laptop. Nasa isang restaurant siya ng mga sandaling iyon. Balak niyang makipagkita kay Kuya Jacob niya. Ma ibibigay daw itong bagong assignment sa kanya. Kuya Jacob is now her superior. One year ago, she decided to come home. Gusto niya kasing makasama ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Matagal na din naman siyang pinapaki-usapan ng kanyang ina na umuwi.

Nang magtapos siya dalawang taon na ang nakakaraan ay nagdesisyon siyang manatili sa Australia dahil sa trabaho. Ilang beses siyang ikumbinsi ng kanyang ina na umuwi ngunit parati siyang tumatanggi lalo na at may mahalaga siyang misyon. Nang matapos niya ang misyon na iyon ay saka lang siya nagdesisyon na umuwi ng Pilipinas. Sa ngayon ay nagtatrabaho siya sa O.Z na nakabase dito sa Pilipinas habang pinag-aaralan ang pasikot-sikot sa negosyo ng pamilya Dela Costa. Oo nga pala, her name is now Maria Silina Anne Dela Costa-Madrigal. Nang makasal ang kanyang ina kay Daddy Dennis ay agad na pinalitan nito ang apelyido niya.

Hindi niya akalain na magiging malapit siya sa ama. Noong una ay galit na galit siya dito ngunit ng sabihin ng ina na mahal na mahal nito ang kanyang ama ay tinggap niya at pinag-aralan na tanggapin ito. Ginawa naman ni Daddy Dennis ang lahat para makuha ang loob niya at matanggap ito bilang ama niya. Sa ngayon ay maayos ang samahan nilang mag-ama. Sobrang strikto nito pagdating sa kanilang magkakapatid. Kaya sa edad na Twenty-Two ay wala pa rin siyang nobyo. Lahat ng tumatangkang manligaw sa kanya ay hindi nakakalusot sa kanyang Daddy Dennis. Maliban dito ay nariyan din si Tito LJ at Kuya Jacob na tinatakot ang bawat magtangkang magparamdam sa kanya.

Natigil siya sa ginagawa ng may umupo sa harapang upuan niya. Isang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Kuya Jacob.

"Hello, Mary Ann. I'm sorry if I keep you waiting. Ayaw akong pakawalan ni Sandy Jane." Paliwanag ni Kuya Jacob. Ang anak nitong panganay at two years old ang sinasabi nitong Sandy Jane.

Halos sabay nagpakasal ang Mommy niya at si Kuya Jacob. Natatawa nga siya dahil sinabi niyang tatakasan ito ng babaeng pakakasalan nito. Kuya Jacob and Ate Sandy was been ten years long term relationship before they decided to step to next level. She was happy for her brother.

"It's okay. What do you want to drink?" tanong niya at isinara ang laptop.

"I order for myself." Tinawag nito ang waiter na agad naming lumapit. "I want dark coffee. Please!" sabi nito.

"Right away sir." Tumalikod na ang waiter.

"So, what do you want from me, Kuya? What kind of mission are you giving me?" tanong niya dito.

"You meet my sister, right?"

"Not yet. Why? Pababantayan mo ba siya sa akin?" tanong niya.

"No! Ex ng kapatid ko ay may kakambal. He's father contacted me to avail my service at dahil kilala ako ng kamabal hindi ko pwedeng bantayan si RJ. Kaya naisip kita, Halos hindi nagkakalayo ang edad niyo. It will be an easy mission for you." May inilapag itong isang brown envelope sa mesa.

Kinuha niya iyon at binuksan. Isang lalaki na kulay abo ang mga mata ang tumambad sa kanya pero ang mas naka-agaw ng pansin sa kanya ay ang mga labi nito. He has the most kissable lips she ever saw.

"He will be my mission?"

"Yes. May death treat siya. Hindi alam ng pamilya niya kung sino ang nagtatangka sa buhay niya dahil ayaw magsalita ng binata. Ang pinaghihinalaan ng kanyang ama ay ang mga kalaban nito sa politika."

"Paano naman nito nasabi?" sinuri niya ang ibang impormasyon nakasulat sa mga papel na hawak niya kung saan lahat ay tungkol sa binata.

"Him and his twin brother, BJ, was kidnap when they where seven years old. Kidnap for ransom pero nalaman nila na ang may gawa noon ay ang kalaban ng ama nila. Mr. Thomas Ryan James Montemayor is the currently Governor of Isabela at marami siyang kalaban doon dahil sa maayos nitong pamamalakad at pagkuntra nito sa illegal na druga. Maliban doon ay Mayor din ang anak at kakambal ni RJ."

Tumungo siya. Kung ganoon ay ang main priority niya ay ang kaligtasan ng binata habang inaalam kung sino talaga ang nagtatangka sa buhay nito. Muli niyang pinakatitigan ang larawan ng binata. Wala siyang makitang kapintasan sa mukha nito.

"May gusto lang ako ipaalala sa iyo, Mary Ann."

Napatingin siya kay Kuya Jacob. Seryuso itong nakatingin sa kanya. "What is it?"

"Don't fall in-love to him."

Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ng kuya Jacob niya. "Why?"

"It is because he will break your heart. He is a player."

Tumaas ang isang sulok ng labi niya at sumandal sa upuan. "Kuya Jacob, kilala mo ako. I don't play if I'm in a mission. So don't worry. He's not my type anyway."

Muli niyang tinitigan ang larawan.

'Well, see you soon, Mr. Thomas Renzo James Montemayor.'