webnovel

I Hate to Admit "But I Love You"

"Pag ba pag nagmahal ka handa ka rin masaktan?" Yan ang tanong ni Arianne sa kanyang sarili ng hindi sinasadyang ma inlove siya sa lalaking hindi naman siya mahal. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para makamtan ang kaligayahang hinahangad niya? Arianne Bakos/Rexon Xander Madrigal

xihuan · Fantasi
Peringkat tidak cukup
10 Chs

Chapter 9

Abala si Rex sa kanyang opisina. Mabuti nalang at nagkaroon na siya ng time sa trabaho. Kaaalis lang din ni Monica kanina. Gustong magpasama sa gaganaping auction mamayang 4pm. Pero dahil nga sa busy siya ay hindi siya makakasama. Napailing nalang si Rex.

Nasagi sa isip niya si Arianne. Simula ng may mangyari sa kanila ng dalaga ay hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataon na makapag usap. Gusto niyang magpaliwanag dito. Ayaw niyang isipin na sinasamantala niya ang kahinaan nito. To think na ito ang nakauna sa kanya. Namimiss niya ang dalaga. Hindi niya maintindihan sa tuwing kasama niya si Monica iniisip niya na sana si Arianne ang kasama niya. Napabuntong hininga nalang si Rex sa isiping iyon, ng biglang mag ring ang kanyang cellphone na nasa table. Agad niyang kinuha at sinagot ang tawag.

"Yes, Brian?" Sagot niya sa kabilang linya.

"Ahm Mr. Madrigal! Nakita ko si Ms. Bakos kanina na umalis na at napag alaman ko na pupunta daw siya sa pharmacy dahil may bibilhin. Kung ano ang bibilhin niya ay hindi ko alam Sir. Tinawag ko lang sa inyo para alam niyo." Ani Brian kay Rex.

"Okay, thanks Brian!"

"Ah Sir, hindi man sa pakikialam pero parang napapansin ko kasing pumapayat yata si Ms. Bakos!" dagdag pa ni Brian kay Rex.

"Ganoon ba? Sige Brian salamat sa impormasyon! Ah siya nga pala pwede bang kunin mo ang eksaktong address ng inuupahan ni Ms. Bakos?". Yun lang at binaba na niya ang tawag. Nabalik na naman sa pag iisip ang binata.

"Okay Sir!"

*******

Hindi niya maintindihan pero hindi mawaglit waglit sa isip niya ang dalaga. Alam niyang mali dahil ikakasal siya sa anak ng kasosyo ng kanilang kompanya. Pero hindi naman niya mahal ito...kumbaga para sa business lang ang lahat. Napabuntong hininga nalang si Rex sa mga nangyayari.

Maya maya ay may tumawag. Si Brian.

"Ah Sir, nakuha ko na ang address ni Ms. Bakos. Iforward ko nalang sa inyo sa text!" Sabi ng nasa kanilang linya.

"Oh siya sige Brian, salamat ulit!"

Maya maya lang ay narinig na niya may nag pop up sa screen ng kanyang phone. Malamang galing kay Brian iyon. Tinigil niya ang pagsusulat para kunin ang kanyang cellphone. Tama nga siya from Brian ang text at senend na niya ang address na hiningi niya.

Mabilis siyang nag ayos ng kanyang opisina at dali daling tinungo ang kanyang nakaparadang sasakyan.

*****

Katatapos lang ni Arianne maligo ng mapagpasyahang pumunta sa kusina para uminum ng gatas para sa kanila ng baby niya. Hindi na siya nagluto kasi nag take out nalang siya kanina pagka galing sa phatmacy ay dumiretso siya sa kalapit na drive thru at doon nag order ng burger at fries para sa kanyang hapunan. Masyadong pagod na siya para magluto.

Dinala niya ang gatas sa sala at kasama ang mga pinamili niyang pagkain sa labas. Ewan ba niya pero ngayon gusto niya dito sa sala kumain noon habang nanunuod ng balita.

Agad niyang naubos ang pinamiling pagkain sa labas. Uminum muna siya ng gatas bago nilagay ang mga basura ng pinamili niya sa basurahan. Ahad din siyang bumalik sa sala para tapusin ang pinapanuod. Saktong pagkahawak niya sa sofa ay nakaramdam siya ng hilo.

"Ahhhhh!"

Napasapo siya sa kanyang ulo dahil patindi ng patindi ang hilong nararamdaman niya. Halos magdilim na ang paningin niya at anumang oras ay matutumba siya.

******

Agad na pinaharurot ni Rex ang kanyang sasakyan. Pupuntahan niya ngayon ang address na binigay sa kanya ni Brian. Umabot din ng 20 minutes bago niya marating ang eksaktong address. Kumatok siya pero walang sumasagot at nagbubukas. Pero may narinig siyang bulas na tv. Kumatok ulit siya pero wala paring nagbubukas ng pinto. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng sigaw sa loob.

Dali dali niyang tinadyakan ang pintuan at tuluyang nasira ito. Nang mabuksan ang pinto ay bumungad sa kanya ang anyo ng dalaga. Anumang oras ay matutumba ito sa sahig. Inilang hakbang niya ang dalaga. At bago pa bumagsak ang katawan ng dalaga sa sahig ay nasapo na ito ng binata.

"Rian! Baby wake up!" Ani Rex habang tinapik tapik ang walang malay na dalaga.

Dinala niya ito sa kama. Maya maya ay kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan.

"Drae! Come to this address. I need to you to check someone!. Hurry!!" Natatarantang utos ng binata sa kausap.

Lumipas ang mahigit dalawampung minuto ay nakarating ang taong tinawagan niya.

"Anong nangyari?" Tanong ni Drae.

"I don't know, bigla nalang siyang nahimatay!" Saad niya dito.

Eneksamin ni Drae ang dalaga. Si Drae ay family doctor ng mga Madrigal. Ilang sandali pa ay natapos na niya ito at may sinulat sa kanyang folder.

"Anong lagay niya?!" Tanong niya kay Drae.

"Ayos naman siya! Kailangan lang niya ng pahinga dahil baka na stress at hindi kaya ng katawan niya at dala ng paglilihi niya.!" Saad ng doctor.

"What??? Naglilihi? Buntis si Arianne?" Hindi makapaniwalanh tanong ni Rex sa kay Drae.

"Yes Mr. Madrigal. She is 4 weeks pregnant.!" Sabi ng doctor.

Napasapo sa ulo niya ang binata. Posible kayang siya ang ama ng pinagbubuntis ng dalaga. Dahil siya ang nakauna dito. Hindi niya mawari pero masaya siya sa isiping nagdadalangtao ang dalaga at siya ang ama nito.

"Sige salamat Brian!" Sabi nito sa doctor bago isinara ang pinto.

******

Nagising si Arianne na masakit ang kanyang ulo at parang naduduwal siya.

Bababa na sana siya ng kama ng may mga kamay na humawak sa kanya.Sa gulat niya ay napasigaw siya.

"Hey! It's me!" Ani Rex sa kanya. At napatingin siya rito.

"Bakit na.ndito ka? Paano kang nakapasok dito?" Tanong niya na medyo naguguluhan parin.

"Narinig kitang sumigaw at Nawalan ka ng malay kagabi! Buti nalang at dumating ako. Sinira ko nalang ang pinto mo para makapasok!" Paliwanag ng binata sa kanya.

Hindi siya makatingin ng deretso sa binata. Pinilit niyang iiwas ang kanyang mga mata pero hinawakan ng binata ang mukha niya at tinitigan siya.

"Tell me Arianne ako ang ama ng pinagbubuntis mo, right?" Paninigirado nito sa kanya.

"Paano mo nalang buntis ako?" Balik tanong niya sa binata sabay tayo para pumunta ng banyo.

"Just answer me, dammit!!" Si Rex na hinwakan bigla ang braso niya na bakatiimbagang.

"Eh ano naman ngayon kung ikaw ang ama niya? Bakit may magbabago ba? Ikakasal kana at hindi na mababago yun. Tsaka kaya kung buhayin ang anak ng mag isa.!" Yun lang at naglakad papunta sa banyo. Pero bago pa niya naisara ang pinto niyon ay nagsalita si Rex.

"We will take care of the baby. At don't you ever try to run away from me Rian! I will ever find you no matter what!" Sabi nito at tuluyan na niyang isinara ang pinto.

Naghilamos siya at ginawa niya ang mga morning routines niya. Papasok pa siya ngayon. Kaya nagmamadali siya sa pagkilos. 20 minutes din siyang nagtagal sa banyo bago lumabas. Nagulat siya ng makita parin doon ang binata. Sadyang hinahantay talaga siya.

"Why you are still here?" Tanong niya rito.

"You don't need to go to work today. Stay here and take a rest. I will come later and check on you!" Saad nito sa kanya kapagkuwan.

"P.e.ro....!"

"No more buts! Just do what i say!" Andon na naman ang mala tigre nitong tingin.

Walang nagawa si Arianne kundi ang sumunod sa binata. Maya maya pa ay umalis na ito at siya ay naiwang nakatanga sa mga nangyayari.

******_***********