webnovel

I Hate to Admit "But I Love You"

"Pag ba pag nagmahal ka handa ka rin masaktan?" Yan ang tanong ni Arianne sa kanyang sarili ng hindi sinasadyang ma inlove siya sa lalaking hindi naman siya mahal. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para makamtan ang kaligayahang hinahangad niya? Arianne Bakos/Rexon Xander Madrigal

xihuan · Fantasy
Not enough ratings
10 Chs

Chapter 8

...Congratulations Ms. Bakos! You are 4 weeks pregnant!!!

Yun lang ang nag sink in sa utak ni Arianne sa mga oras na iyon. May buhay na pumipintig na sa kanyang sinapupunan. Magiging ina na siya pagkalipas ng ilang buwan.

"Congrats Rian!!Magiging mommy kana!" Sambit ng tatlo sabay yakap sa kanya.

"Thank you!".Pasalamat niya sa mga kaibigan.

Binigyan siya ng doctor sa mga dapat bilhin para sa kanila ng baby at para malakas ang kapit ni baby. Pinayuhan din siya ng doctor na huwag masyado gagawa ng mga mabibigat na bagay na makaka apekto ito sa bata. Marami pa ang sinabi ng doctor sa kanya sa mga dapat hindi dapat gawin sa kanyang pagbubuntis.

Nang makalabas ng ospital ay sinamahan muna siya ng mga kasamahan na makasakay ng taxi pauwi bago ang mga ito umalis. Habang lulan ng taxi ay tenext niya si Nicole. 

From: Arianne

"Hi Nics! Where are you right now?"

Maya maya ay nakarecieve siya agad ng mensahe galing sa kaibigan.

From: Nicole

"I'm on my way home na."

From: Arianne

"Alright, be safe but can you come here for a minute?"

From: Nicole

"Sure I will be right there!"

Yun lang at agad na ibinaba ni Arianne ang kanyang phone. Papasok na si Arianne sa kanyang apartment ng may makita siyang bungkos ng flower sa labas mismo ng kanyang pintuan. Nagtaka siya kung sino ang nagbigay noon sa kanya. Mabilis niyang kinuha ito at pumasok na sa loob. Agad niyang nilagay sa table sa sala ang bulaklak at nagtungo muna sa kanyang kwarto para makapag palit.

Pagkatapos magbihis ay nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig. Saktong ibabalik na sana niya ang pinaglagyanan ng tubig sa ref ng biglang umikot ang kanyang paningin. Buti nalang at nakakapit siya sa dulo ng mesa. Sakto namang bumukas ang pintuan ng apartment at iniluwa noon si Nicole.

"Ian! What's wrong?" Agad na tumakbo si Nicole ng makita ang posisyon ni Arianne na nakahandusay sa haligi ng mesa at sapo sapo ang kanyang ulo.

Agad niyang dinaluhan ang dalaga na makaupo sa sala. Nang mahimasmasan ay tinanong niya ulit ito.

"Anong nangyayari sayo huh, Yan?" may pag aalalang tanong parin ng kaibigan niya.

"Ni..cs! I have something to say!" Yun lang ang tanging nasambit niya sa kaibigan. Nagtatakang napatingin sa kanya ang kaibigan.

"Don't tell me that you are going to die na and that you have a very serious disease!" medyo naguguluhang tanong ng kaibigan.

"Yes, this is serious Nics!". Turan ng dalaga.

"What!? Are you really going to die?" Medyo histerical nitong turan sa dalaga.

"That is not what I mean, ano kaba! Can you place listen to me first before you react?" Tanong niya sa kaibigan. May pagka overacting din kasi itong kaibigan niya minsan.

"Then what is it? Tell me na!"

"I'M PREGANANT..." Yun lang at biglang napatahimik si Nicole.

"Ah what?" Hindi parin makapaniwalang tanong nito.

"Nics, I am 4 weeks pregnant!". ulit niya sa di makapaniwalang kaibigan. Na shock itong masyado. Maya maya ay nahimasmasan din ito.

"With whom?" tanong nito kapagkuwan.

"With my boss!". 

"With who?" ulit na naman nito. Sobra sobra na talaga ang reaksiyon nito.

"Nicole, I am pregnant with my boss! This is my boss child!". Paliwanag niya sa kaibigan.

"Paanong nangyari na nabuntis ka eh hindi naman kayo magkarelasyon?" Saad nito sa kanya.

Hanggang sa ikinuwento na niya kung saan nagsimula ang lahat. Ang unti unting namumuong puwang sa puso niya para sa binata. At ang sa nalalapit nitong kasal. At ang wala namang nararamdaman sa kanya ang kanyang amo, dahil isang aksidente lang ang nangyari. Lahat iyon kinuwento niya sa kaibigan. Habang sinasabi iyon ay hindi niya maiwasan na tumulo ang kanyang mga luha. Pero hindi niya pinagsisihan ang nangyari, lalo na ngayong may buhay na blessing sa kanya. 

"Paano yang trabaho mo kung ganyang ang kalagayan mo?" tanong ni Nicole sa kanya.

"Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari!" nalilitong saad niya.

"Paano kung malaman niya ang kalagayan mo? Anong gagawin mo?" Ulit nito sa kanya.

"Hindi pa naman halata sa ngayon ang tiyan ko! Pag lumaki na konti ay magreresign ako.!" Yun lang ang tugon niya sa kaibigan.

Bigla siyang niyakap ni Nicole. Awang awa ito sa kalagayan ng kaibigan. Maya maya ay nagpaalam narin si Nicole sa kanya.

"Make sure to contact me if anything happens, alright?" Biglang sabi ng kaibigan bago ito tuluyang umalis. Tango lang ang naging sagot niya dito.

******

"Rian! Good morning!"...bati ni John sa kanya pagkapasok kinabukasan.

"Good morning din, ayos lang naman!" sagot niya sa bakla.

"Oh eto dinalhan kita ng prutas para mamaya kung magutom ka". Si Olive.

"Ito naman ang akin para sa inaanak ko!" Sabat ni Anne.

"Pssst! May makarinig sa inyo!" Saway niya dito. Bigla namang napatakip ng bibig si Anne.

"Ay sorry! Nakalimutan ko!" sabi nito sabay tawa.

Napuno na naman nag tawanan at kalukuhan ang opisinang iyon na siyang nagbibigay din ng lakas para sila magtrabaho ng maayos. Kahit gaano sila kabusy sa kani-kanilang mga trabaho ay hindi parin maisawasan sa opisinang iyon ang mga tawanan nila. 

Yun ang naging kagandahan kapag feel mo ang trabaho mo at mahal mo ang trabaho mo. Kahit gaano pa iyan kahirap magiging masaya ka parin. Hindi yung nagtatrabaho ka lang dahil kailangan.

Mabilis lumipas ang oras at hindi nila namalayan na tanghali na naman. Sabay sabay na silang naglakad papunta sa cafe kung saan sila naglalunch ng lahat sila ay napatingin sa entrance ng building. Mabilis ang tahip ng dibdib ng dalaga ng makita ang bulto ng lalaking namimiss niya na naglalakad. Bigla sanang napawi ang lungkot na nararamdaman niya kung hindi lang nahagip ng kanyang paningin ang kasama nitong naglalakad.

Iiwas na sana siya ng tingin ng hindi sinasadyang magtama ang mga mata nila ng binata. Hindi niya maintindihan pero parang may ibig sabihin ang mga titig ng binata sa kanya. 

"Tara na Rian!" Aya sa kanya ng mga kaibigan ng matanaw nilang papasok na sa elevator ang binata kasama ang finacee nito.

"Nakita namin yon! Nararamdaman namin kung ano ang nararamdaman mo friend!" Si John na may pag aalala sa itsura nito.

"Ang isipin mo ngayon ang kapakanan ng baby mo!". Si Olive sabay akay nito sa kanya. Ngiti lang ang naging tugon niya sa mga ito.

Masaya silang kumakain ng tanghalian at misnan pang nakalimutan ni Arianne ang isipin ang lalaking nagpapatibok ng sobra sobra sa kanyang puso. Ang ama ng kanyang magiging anak. Bigla siyang napahimas sa kanyang impis pang tiyan.

Magana ang kanyang pagkain. At hindi din siya nahilo simula pa kaninang umaga. Umaayon siguro ang pregnancy hormones niya na kailangan nilang maging matatag ni baby. Ang baby niya na kokompleto sa buong pagkatao niya.

Inabala nalang ni Arianne ang kanyang sarili sa maghapon. Pasado alas singko na ng mapagpasyahan niyang umuwi na. Nag impake siya ng kanyang mga gamit para sa pag alis. Nadaanan pa niya sa hallway ang Personal Assistant ng binata, Si Brian.

"Hi! Arianne! Pauwi kana ba?" Tanong ni Brian sa kanya. Minsan narin niya itong nakausap at masaya itong kausap. 

"Oo eh, kasi dadaan pa ako sa pharmacy. May kailangan lang bilhin". Sagot ng dalaga.

"Ah sige!

"Sige mauna na ako!" Yun lang at dali dali siyang naglakad palabas.

Nauna ng nagsiuwian ang kanyang mga kaibigan dahil may mga sari sarili din itong mga lakad. Hindi na siya nakasabay kanina sa mga ito dahil may tinatapos na naman siya as usual. Bumili siyang mga vitamins para sa kanila ni baby at iba pang neresita ng doctor sa kanya.

************