webnovel

I Hate to Admit "But I Love You"

"Pag ba pag nagmahal ka handa ka rin masaktan?" Yan ang tanong ni Arianne sa kanyang sarili ng hindi sinasadyang ma inlove siya sa lalaking hindi naman siya mahal. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para makamtan ang kaligayahang hinahangad niya? Arianne Bakos/Rexon Xander Madrigal

xihuan · Fantasy
Not enough ratings
10 Chs

Chapter 10

"Hello Rian! Napatawag ka? May masama bang nangyari?" Si Nicole na nasa kabilang linya.

"Nics, alam na niya! Alam na niya na siya ang ama nito?" Sabi niya sa kaibigan.

"So, ano ang sinabi niya?"

"Sabi niya na magkasama daw naming aalagaan ang bata! Anong ibig sabihin non Nics?" Naguguluhang turan niya sa kaibigan.

"Alam mo, ang ibig sabihin non eh pananagutan niya ang bata! Yun yun!" Sabi ni Nicole sa kabilang linya.

"Pero diba nga ikakasal na siya. Ayoko na makasira ito sa kanila. Kaya ko naman buhayin ang magiging anak namin!" Pahayag niya sa kaibigan.

"Rian! Listen...para sa bata iyan. At siya ang ama ng batang yan. Ano man ang gawin niya karapatan niya yan kasi siya ang ama, alright? Kung susuportahan niya ang bata...nasa sa kanya iyon at walang pakialam ang mapapangasawa niya doon!" Saad ng kaibigan.

"Huwag ka na ngang mag isip ng kung ano ano pa diyan. Ang importante ay alam niya at wala siyang balak takbuhan ang bata. Kung paano niya ihahandle yon, ay siya lang ang nakakaalam okay?" Sabi nito sa kanya.

"Ano nalang iisipin ng mga tao Nics sa akin?"

"Huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba, okay? Sige na magpahinga kana at huwag ka magpapagod!" Sabi ng kaibigan bago tuluyang ibinaba ang tawag.

Napabuntong hininga si Arianne. Ang mahalaga ngayon ay ang baby niya. Kung paano man niya pakikitunguhan ang ama ng anak niya. Bahala na. Sa loob loob ng dalaga.

****

Abala ngayon si Arianne sa kanyang ginagawa sa opisina ng magsidatingan ang mga kasamahan. Magtatatlong buwan narin ang ipinagbubuntis niya. Alam na ng mga ito na alam na ni Rex ang tungkol sa bata. Sila palang ang nakakaalam dahil as much as possible ayaw niyang maging issue ang pagbubuntis niya. Hindi pa naman masyado halata ang umbok noon pero halata mo na nagkatimbang na si Arianne. Pero seksi parin itong magbuntis. Sinabihan na siya ni Rex na magresign na s apagtatrabaho dahil makakasama sa baby kapag napagod siya pero nagmatigas siya. Umandar kasi ang katigasan ng ulo niya pagka minsan.

"Hi Rian! Anong lunch mo? Ano na naman ang pinadala sayo rito ni fafa Rex?"Kinikilig na usisa ni John sa kanya.

Biglang lumapit doon sila Anne at Olive sa supot na nakapatong sa may mesa.

"Wow! Ang sasarap naman ng pagkain mo ngayon Rian! Sana all laging dinadalhan!" Parinig ni Anne sa kanila.

"Rian! Kelan pala ang next check up mo?" Usisa ni Olive sa kanya.

"Bukas may appointment ako sa doctor bukas. Sabado naman bulas so may time ako!" Si Arianne na hinihilot saglit ang kanyang batok.

"Sasamahan kaba ni Nicole bukas?" Si Olive. Nakilala narin nila si Nicole at naging close narin nila ito.

"Oo susunduin daw ako mga 8am!" Si Arianne ulit.

"Okay!"

Naging abala na naman ang lahat sa opisinang iyon buong maghapon. Sabay sabay na silang lumabas ng opisina. Habang nasa naglalakad sa hallway ay may tumawag kay Arianne.

"Ms. Bakos!". Si Brian na palapit sa kanya.

"Yes Brian!"

"Pinapasabi ni Mr. Madrigal na sasabay daw kayo sa kanya sa sasakyan!" Si Brian ulit.

Wala siyang nagawa kundi magpa alam sa mga kasamahan. At mabilis naman silang tumango dahil alam na nila ang sitwasyon.

"Bye Eian! Enjoy!!" Si John at si Anne na animo sinisilihan sa kilig. Nagpa cute pa si Anne kay Brian.

"Sige, mag ingat kayo!" Paalam niya sa mga ito.

"Ikaw din mag ingat ka, baka mamaya matusok kana naman...ay este matisod pala!" Tumatawang sambit ng baklang si John.

Pinandilatan niya ito ng mata. Yumuko nalang siya para ikuble ang kahihiyan.

"This way Ms. Bakos!". Sabi niya nito kay Arianne.

"Arianne nalang!". Parang napaka pormal naman kung Ms. Bakos pa.

"Alright, Arianne!". Aniya na nangingiti.

Maya maya ay narating na nila ang parking lot na pinagparadahan ng kotse nito. Agad na lumabas si Rex at gumawi sa Driver's seat.

"See you tomorrow Brian!" Paalam ng binata kay Brian.

"Bye Sir, Arianne!". Paalam nito sa kanila.

"Get in!" Utos ng binata sa kanya.

Agad naman siyang pumasok sa shotgun seat. Nilagyan siya ng seatbelt ng binata. Halos hindi siya makahinga ng lumapat ang kamay nito sa katawan niya. Parang may mga bolta boltaheng kuryente ang nagsitakbuhan.

"Where are we going?" Hindi nakatiis na usisa niya dito.

"Am driving you off!" Seryosong saad nito sa kanya.

Hindi na nagsalita pa si Arianne. Tinutok nalang niya ang paningin sa labas.

"When are you going to see the doctor?" Ilang sandali pa ay untag sa kanya ng binata.

"Tomorrow, may appointment ako sa doctor at susunduin ako ni Nicole before 8am!" Pahayag niya sa binata na nakatutok parin ang mga mata sa pagmamaneho. Ang pogi talaga niya, hindi nakapagtatakang marami ang nahumaling sa binata. Sa loob loob ng dalaga at pilit na iniiwas ang mga mata rito.

"I'll go with you tomorrow..tell Nicole that I will accompany you tomorrow.!" Yun lang tiningnan siya sa mukha.

"Wala kabang gagawin bulas, baka maka abala sa trabaho mo!" Pagdadahilan niya. Kaya naman niya kasi kung tutuusin.

"This is important compared to those!" Yun lang at tumahimik na ulit ito.

Walang nagawa si Arianne kundi ang etext nalang si Nicole at pinaliwanag dito ang dahilan. Mabilis naman nagreply si Nicole at sumang ayon.

Pagkarating sa tapat ng inoopahang apartment at mabilis na lumabas si Arianne at nagpasalamat sa binata. Dali dali siyang naglakad at hindi na nilingon ang binata. Bubuksan na sana  niya ang pinto ng apartment ng may magsalita sa likuran niya.

"Can I come in?" Nagulat siya sa nagsalita. Paglingon niya ay ang binata pala.

"Akala ko nakaalis kana! Sige pasok ka?" Alanganing sabi ng dalaga.

Niluwagan niya ang pagkakabulas ng pinto. Maya maya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakikita sa glass window.

"Dito kana maghapunan at magluluto lang ako!" Sabi ng dalaga sa binata. Tango lang ang sinagot nito.

Mabilis na pumasok si Arianne sa kwarto at nagpalit ng damit. Pagkalabas ay nakita niya ang binata na tumitingin sa kanyang mga display doon sa sala.

"Where are your parents, by the way?" Usisa ng binata.

"There gone a long time ago! Aksidente sa barko ang kinamatay nila!" Paliwanag ni Arianne habang kumukuha ng mga kakailanganin sa pagluluto.

"Oh, sorry to hear that!" Si Rex na ngayon ay nakalapit na pala sa kanya.

"Ano ang gusto mong ulam?" Tanong niya sa binata.

"Adobo kung okay lang, paborito ko kasi ang adobo!" Suhestiyon ng binata.

"Sige, magluluto ako ng adobo at ginisang pakbit!" Saad ng dalaga.

Ngumiti ang binata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ng dalaga ng masilayan ang mga ngiti nito.

"Gusto mo tulungan na kita?" Tanong ng binata na nakatayo lang sa tabi niya.

"Marunong kabang maghiwa ng baboy?" Sambit ng dalaga kapagkuwan.

"Sure!" Yun lang at agad na tumalima ang binata.

Si Arianne naman ay nagsaing muna ng kanin sa rice cooker pagkatapos ay hinugasan ang mga gulay na gagawin niyang pakbit. Uunahin na muna niyang lutuin ang gulay habang hindi pa tapod ang binata sa paghiwa. Maya maya ay natapos na niya rin. Magkatulong nilang niluto iyo.

Habang kumakain ay wala parin silang imikan. Pamaya maya ay tumitingin siya sa binata.

"Kumusta ang adobo?" Tanong niya kapagkuwan.

"It's great! The best of all the best!" Pagyayabang nito habang nakangiti.

"Sus! Nambola kapa!" Natatawa ring saad niya rito.

"Of course not! Ang sarap talaga ng pagkaluto. Ito na ang pinakamasarap na adobo na natikaman ko. Mas lalo ko hahanap hanapin ito!" Makahulugang turan ng binata habang bago sumubo.

Nang matapod kumain ay sabay nilang niligpit ang mga pinagkainan.

"Paano ka makakauwi kung ganyang hindi tumitigil ang ulan? Dito ka nalang magpalipas ng gabi!" Saad niya sa binata.

"Sigurado ka? Doon nalang ako sa sala kung sakali, okay lang naman!" Sambit ng binata rito.

"Oo..tsaka parang walang balak na tumigil yang ulan ngayon!" Si Arianne sa binata.

"Okay!"

*******_*****