webnovel

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
24 Chs

Chapter 1.13

Ramdam ni Evor ang kakaibang sigla ng katawan niya. Isang patunay ng pag-unlad niya.

Ngayong mayroon na siyang isa pang summon beast ay nangangahulugan ring nadagdagan ang sarili niyang lakas.

Mula sa hindi kalayuan ay narinig niya ang kakaibang ingay ng mga nilalang na alam niyang mga kapwa niya mag-aaral.

Isang higanteng bagay ang natanaw niyang pinagtitinginan ng mga estudyante.

Isang Giant Fire Wild Rose. Isang rare fire-type flower ito na maituturing na sustansya para sa mga element-type na mga summons.

Hindi makalapit ang mga ito dahil tila mayroong kinatatakutan ang mga ito.

Dito napagtanto ni Evor na mayroon palang dambuhalang bantay ang nasabing Giant Fire Wild Rose.

Mula sa tila umaapoy na bulaklak ay mayroong dambuhalang summons.

Two-headed Fire Snake!

Hindi na nagtaka si Evor dito. Ramdam ni Evor na malapit ng umunlad muli ang nasabing unang summoned beast niya na Fire Fox.

Kailangan niyang subukan na lumapit dito.

Ramdam ni Wong Ming na halos lahat ng mga kapwa niya mag-aaral ay gusto ring puntahan ang kinaroroonan ng Giant Fire Wild Rose.

Mayroong purong fire element energy ito na makakatulong sa fire fox summon beast niya.

Hindi nag-alinlangan na lumapit si Evor patungo sa kinaroroonan ng nasabing pambihirang kayamanan.

Nakita na lamang ni Evor ang sarili niyang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa Giant Fire Wild Rose.

Maya-maya pa ay pumasok siya sa loob ng nagbabagang apoy ng Giant Fire Wild Rose.

Mabilis niyang ibinato sa hindi kalayuan ng Giant Fire Wild Rose ang summoner's ball niya na Fire Fox.

Isang bilog na Magic Circle ang natunghayan ni Evor sa malaking bulaklak na ito.

Dito niya napagtanto na pawang ilusyon lamang ang nakikita ng mga nasa labas.

Tama siya ng hinala. Giant Fire Wild Rose created those illusions.

Mabilis na napagtanto ni Evor na isang lupa ang tinatapakan niya.

Buti na lamang at hindi na siya naaapektuhan ng ilusyon na ito.

Mula sa hindi kalayuan ay kitang-kita niya ang hindi mabilang na mga kapwa niya mag-aaral na tila wala sa sarili at nakakulong pa rin sa ilusyong gawa ng lugar na ito.

Mabilis na naglakad si Evor sa natatanaw niyang liwanag mula sa malayo.

Nakalutang sa ere ang tila pulang bagay.

Habang papalapit ng papalapit si Evor ay napapansin niyang lumalaki ng lumalaki ito.

Umiinit din ng umiinit ang kapaligiran niya.

Ramdam niyang protektado pa rin siya ng nakakapasong init mula sa liwanag na iyon.

Nang makalapit na siya ay napatigil siya nang mapagtantong nasa dulo na siya ng malaking bangin.

Mula sa ilalim ng tila banging ito ay mayroong dambuhalang uri ng rosas. Ito na nga ang totoong kaanyuan ng Giant Fire Wild Rose.

Giant Fire, ito ang na-accumulate na enerhiya na siyang bunga ng cultivation ng Wild Rose na ito.

Isang Auxiliary Summon ngunit bibihira lamang ang ganitong klaseng Plant Summon.

It was dormant summon at wala itong silbi sa pakikipaglaban. Ngunit ang Giant Fire na nakikita niya sa ere ay ito ang gusto ng lahat na makamit.

Napakapuro nito at pansin ni Evor na naging kulay dilaw na ito na sobrang tingkad. Malamang ay mahigit isang daang taon na itong naririto.

Tamang-tama ito upang magsilbing source of energy ng Fire Fox niya.

Naniniwala si Evor na maaari ng makapagbreakthrough ang Summon Beasts niya na Fire Fox sa Human form evolution nito.

AWOOOOOO!

Umalulong ng napakalakas ang Fire Fox ni Evor at nagbago ang kaanyuan nito na tila naging malaking lobo hanggang sa naging triple ang laki nito na siyang huling bahagi ng evolusyon nito sa kasalukuyan.

WOOO! WOOO! WOOO!

Kasabay rin nito ang paghigop ng maraming enerhiya ng Fire Fox ni Evor.

Kahit si Evor ay namamanghang tiningnan ang paghigop ng Fire Fox mula sa malaking bunganga ito na nakabuka.

Dalawampong minuto na ang nakalilipas at tila nasa huling bahagi na ng pagbreakthrough ang Fire Fox ni Evor.

Ngunit sa hindi kalayuan ay nakita ni Evor ang dalawang itim na itim na pigura.

Ramdam niyang mga kapwa niya mag-aaral ito ngunit kaibahan lamang ay hindi niya matukoy kung sino ito.

Nakasuot ang mga ito ng cloak at sa kakaibang kilos ng mga ito ay mukhang may hindi magandang gagawin ang mga ito.

Dito na naalala ni Evor na mukhang planado ang pagkilos ng mga ito. Animo'y nagmamatyag na kanina pa ang mga ito mula sa dilim.

WOOOSSHHHH! WOOOSSHHHH! WOOOSSHHHH!

Hawak-hawak na ni Evor ang mismong summoner tattoo niya kung saan si Zhaleh ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

Naalala niyang hindi niya makontrol ang lakas ng isang yun.

Bumakas ang pag-aalinlangan sa mukha niya nang mapagtantong ang bagong summon beast na Blue Sea Serpent ang ipanglalaban rito.

Wala siyang kakayahan na gamitin iyon. Hindi niya pa matantiya kung paano tawagin ang isang yun.

Papalapit na ang dalawang itim na mga pigura sa kinaroroonan ng Fire Fox niya.

Alam ni Evor na walang magandang maidudulot ang pagpigil ng pagbreakthrough ng summon niya.

Ikakamatay niya iyon pag nagkataon at ang pinakamalala ay ma-unbind ang iba pa niyang mga pagmamay-ari na mga summons.

Ito ang pinaka-kritikal na phase ng pagiging summoner niya.

Wala ng pagpipilian si Evor kundi ang gamitin ang Blue Sea Serpent at isantabi si Zhaleh na kayang kumontrol at magbago ng klima ng panahon.

Sigurado siyang kapag ginamit niya ito ay malulusaw ang Giant Fire dahil sa naglalakihang mga kidlat. Sensitibo pa naman sa tubig ang Giant Fire na ito. Only those thousand year old Giant Fire could withstand the lightning bolts and the change of weather.

Kinuha ni Evor ang summoner's ball niya sa mismong tattoo na sisidlan nito at inihagis ito sa ere.

Dito ay lumitaw ang kakaiba at nakakatakot na anyo ng Human form na Serpyenteng nilalang.

Bigla na lamang pumasok sa utak ni Evor ang kakaibang skill na tila tumatak talaga sa isipan niya.

Mabilis na ginamit ito ni Evor ng hindi na nag-iisip pa.

Magic Skill: Duplication!

Naiisip niya na kung ano'ng klaseng nilalang ang gusto niyang i-duplicate.

Mabilis na nagbago ang anyo ni Evor at naging kahawig niya ang mismong Blue Sea Serpent.

Ramdam ni Evor ang napakalakas na enerhiyang nananalaytay sa mismong katawan niya.

Yun lamang ay mayroong downside. He can just use half-power of Blue Sea Serpent ngunit nangangahulugan din na dodoble ang mana consumption nito na nasa katawan niya.

Naramdaman ni Wong Ming ang labis na pangamba.

Kung titingnang maigi ay parang tatlong Summons niya ang sabay-sabay na gagamitin niya.

Upang hindi masayang ang sakripisyo niyang ito ay mabilis niyang sinugod ang isang nilalang na papasugod sa kaniya at ang Blue Sea Serpent naman ang haharap sa isang naka-itim na cloak na nilalang.

Sisiguraduhin ni Evor na gagawin niya ang lahat upang hindi mauwi sa lahat ang mga sakripisyo niya.

Isa lang ang alam ni Evor, planado ang lahat ng ito at siya ang pangunahing target ng dalawang nilalang na nakasuot ng cloak nito.