webnovel

Chapter 13

"Ms. Samonte!"

"Y-yes?" tila nagbalik ang isip ko sa ulirat. Ilang beses pang napapikit bago sinalubong ang nakamamatay na titig ng propesor sa harapan. Nariyan na naman ang mga bulungan, ngunit tila malabo ang mga 'yong pansinin ng aking pandinig buhat ng samu't saring isipin.

Nagising na kaya siya?

"How many times do I need to call your name just for you to respond?"

'Yong parents niya, bumisita kaya ulit?

"You've been acting like that for days, and the thing is you're getting worse." napasinghal ako. Paulit-ulit lang rin siya ng litanya.

Yuri, hindi mo ba ako pipigilan? Kating-kati na akong manampal at managot ng teacher.

"Now, if you can't get yourself back to your senses, you are free to leave this classroom." madiin at may bahid ng pagbabanta ang paraan pa ng kaniyang pagkakasabi. Tamad akong napaikot ng mata, nagkuyom ng mga kamay.

Ilang araw na pala. Pero bakit parang ang tagal? Bakit ang tagal mo namang bumalik Yuri? Batid kong may pilit na ngiting sumilay sa 'king labi. Pinigilang bumuka ang mga ito. He wouldn't be happy knowing that I am doing terrible things, again.

Inayos ko ang mga gamit na sadyang nagsilbing display lamang, hindi man lamang nagamit o nagalaw. Akmang palabas na nang umentrada na naman ang propesor.

"Seriously? Wow. I can't believe you Ms. Samonte." nang-insulto pa. "Do you think you can bring back Mr. Javier by acting like that?" nakaririndi ang paraan ng kaniyang pang-uuyam. Para akong hinahamon. Matinding paglunok ang pagpigil na ginawa ko kasabay ng mabigat na paghinga, subalit hindi ko talaga kayang magpaka-santa. I just realized.

"What do you know? What else and better can you say? May iba ka pa bang isusumbat? Baka may nakatago ka pang bala, pakiputok na para isahan na lang." Nakakapagod. Nakakainis. Nakakabwiset. Nakakaimbyerna.

Gustong-gusto ko nang magwala at manakit pero nakakapanghina. Gustong-gusto kong sumigaw pero nawawalan ako ng lakas. Bakit ngayon pa? Ano bang alam nila?

"Fine. Get out!"

Tiim-bagang ko siyang tinalikuran bago pabagsak na lumabas. Ang hirap pala kapag nasanay silang lagi kang nakikita, kapag sa'yo laging nakatutok ang atensyon at spotlight, kasi konting pagkakamali mo lang, sisitahin, may magbago lang, napupuna.

But do they even care how I feel? Did they even dare to ask? Nag-abala ba silang alamin ang reyalidad sa likod ng maskara? Kilala at pinilit ba naman nila akong kilalanin? No. Never.

Because the only one I knew who really cares for me is there, lying unconscious. Tapos kung makapanghusga sila daig pa nagluwal sa aking wala rin namang pakialam. Daig pa pamilyang dapat kumukupkop at umaaruga sa akin at dumadamay, na simula't sapul ay hindi ko naramdaman. Spell wow? Just fucking bull shit.

Napakagagaling lang talaga ng tao. Kapag may kailangan, magaling, isang araw magigising ka na lang nang dinadaan-daanan dahil wala ka nang silbi. What a life.

I wanna cry every moment and then but tears seem like to hate me even more. Tila nakikipabagay sa pagod at sawang-sawa ko nang pakiramdam. May mood swings din, eepal lang kapag ginusto.

Gusto ko silang sigawan lahat at ipakita kung gaano na ako kasawa at kapagod sa sitwasyon na paulit-ulit ko na lang din iniinda. Sana sila rin, nagsasawa na.

"Tsk." padabog akong pumasok ng ospital.

Parang nakikipaglokohan din sa akin ang oras, bumabagal, ngayon naman hindi mamalayan, tapos ay babagal na namang uli. Paulit-ulit.

"Kailan ka ba kasi magigising Yuri?" words suddenly spilled out. Unti-unti nag-init ang kaninang tila tuyong-tuyo na sulok na mga mata, nakikisabay pa ang bumibilis na paghinga at nanakbong kabog ng dibdib, parang cycle na lang din, ngunit kataka-takang hindi ako masanay. My world is at the edge of collapsing again, like how I used to react every time I enter this room.

"Ayaw mo 'kong nakikitang umiiyak 'di ba? Naiinis ka tuwing nagkakaganito ako. Pero bakit ngayon, hinahayaan mo? Galit ka ba sa'kin? Nagtatampo? May ginawa na naman ba ako Yuri? Gumising ka naman na, please. Magising ka lang, I'll promise to be better girl." I tried to force a smile but ended up smirking.

"Why not? Because you know that I am just promising and keep on breaking those? Haha. I'm sorry. But I would surely do it, this time. Just please, please wake up."

Sana ako na lang. Bakit kailangang siya pa? Bakit hindi na lang ako?

Ano bang kasalanan ang nagawa ko para magdusa lahat ng taong malapit sa'kin? Bilang na bilang na nga lang, mawawala pa. Kabayaran na ba 'to ng kasahulan ng ugali ko? Pero pwede namang sa'kin, diretso, bakit nandadamay pa ng iba? And the worst thing is, sa mga taong pinahahalagahan ko pa.

"Isle, kumain ka muna." my eyes slowly opened. I woke up realizing that I am resting beside him while helding his hands. Again.

"Hindi po ako gutom." though I knew my face was filled with emptiness, I can't help.

"Ilang beses ka nang nalilipasan, pumapasok ka pa ba, Isle? Nakakatulog ka pa ba ng maayos?" hindi ko kayang tagpuin ang mga mata niya. Nakakatakot, na baka oras na tumingin ako'y lalo akong maging mahina sa isiping totoo ang mga sinasabi niya. Ayokong tanggapin, na okay lang lahat, lilipas din. Dahil alam naming pareho ang totoo.

"Isle," napakislot ako sa pagdampi ng kaniyang palad sa'king balikat. "Tingnan mo ang sarili mo, ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Yuri kapag nalaman niyang nagkakaganiyan ka?" alam kong nag-aalala lang si Nanay, pero 'di ko mapigilan ang pamumuo ng galit at inis sa dibdib ko. Alam kong wala siyang kasalanan, o maski ako, o sinuman. Pero hindi ko mapigilan. Gusto kong magalit sa lahat.

"What do you want me to do? Smile? Laugh? Act like everything's alright and nothing happened? Like wtf? Paano 'yon? Knowing that, Yuri, Yuri my one and only family is almost dying unconsciously here?" marahas akong napasinghap sa nagbabadya na namang balde-balde ng luha.

"Isle..."

"Hindi niyo kasi alam. Hindi ba? Wala kasi kayo sa posisyon ko. Wala kayo sa kinatatayuan ko kaya napakadali lang para sa inyo sabihing okay lang, magiging okay din ang lahat. Madali lang para sa inyong makakain at makatulog ng maayos. Pero ako? Nasaan ang konsensya ko para gawin ang lahat ng 'yon kung may isang tao na nagdudusa dahil sa akin? Hindi nakakakain at hindi pa rin nagigising?" hindi ko na napigilan. Tuluyan na akong napaluha kasabay ng pagbitiw ng masasakit na namang mga salita. Walang preno, ayaw magpapigil. Thinking that it is the only way to get rid of this freaking feeling.

But just as I thought as it is, I failed. Mas lalo lamang bumigat ang pakiramdam ko sa paglisan ng presensya ni Nanay.

I didn't meant to. No. I meant, but I wasn't thinking. I am too insensitive. Ano na namang ginawa ko, Yuri?

Wala na naman akong nagawa kun'di kamuhian ang sarili ko. Kung bakit pa ba naman kasi ako humihinga pa kung ganito lang rin naman. Puro pasakit na lang yata ang dadanasin ko. Hindi uso ang saya. Puro lungkot at pagdurusa na lang. Nakakatuwa.

Warm tone of the sun reflected my pair of mirror orbs, welling the emotions I almost forgot. It somehow feels like comforting yet hurting at the same time as it became my reminding reality. Just...until when?

I bid goodbye unto him for a while, leaving a kiss upon his forehead. My body feels like automated, working beyond my consciousness, ordered by someone else. I feel lifeless, heartbeats mechanized, null of anything, mind programmed, filled with nothing.

Bumati ang presko at malamig na hangin, kasalungat ng maligamgam na kulay at init ng araw.

Everything in this world seems like an irony. Probably, it is to maintain balance and continuous harmony, ecological balance, parang yin at yang, ika nga nila. Napangiti ako, pilit.

We may not notice, but we use to appreciate things because of their contraries. Warmth in cold weather, freshness in hot summer. Silence in chaotic world, noise in deafening void. Everything from island of nothing, lack in every excess.

We always wish something we forgot to what it feels like, tapos ay babalik na naman sa isa, tapos sa isa uli. Paulit-ulit lang. Pero hindi pare-pareho, hindi din naman lahat nagkakaiba-iba. Depende pa rin sa tao, kung paano nakikita at pinahahalagahan ang mga bagay na meron siya. And that when we'll realize, our happiness, satisfaction.

Masyado na ba talaga akong nakaasa? Na kahit emosyon ko nakapende na sa iilang tao? Mali ba 'yon? Sa paanong paraan? Kaya ba tinutubos na sa akin? Tama ba? O baka naman, ibabalik din siya? O baka hindi na? Tulad ng iba.

Muli na namang lumandas ang luha sa tila sagana sa dilig na 'king mga pisngi. Pinupuno na kung anu-anong tanong at ideya ang isip ngunit naglalaho lang rin sa kawalan, tila bapor, bumababa ang tubig, naiiwan ang bigat sa dibdib, habang ang hangin ay humahalo at itinatangay ng iba pang kapwa hangin. Tapos ay aagos na parang luha, kapag hindi na kaya dalhin, kapag magaan na'y mag-iipon na namang muli.

Ang bilis na naman ng oras. Saktong pamaalam ng liwanag ay siyang pagtalikod ko nang may pilit na namang mga ngiti.

Kailangang maging masaya, hindi pwedeng manghina. Walang panahon para magluksa. Magawan nga ng kalokohan, baka sakaling magising.

"Hoy Yu--"

"Yow, Isle."

Kapwa kami natigilan. Ngunit kalauna'y nagbati rin ng nang-uuyam na mga ngisi.

"Kanina ka pa?" untag ko upang basagin ang nakabibinging titigan.

"Hmm, medyo. Ikaw?" balik tanong niya, kasabay ng mabilisang pagsipat sa kabuuhan ko ay ang pag-angat ng kaniyang kilay.

"Napadaan lang." ngiwi ko. Lulusot kaya?

Tahimik siyang napasinghal, sarkastiko, saka tumawang tila nawiwili.

"Ah, napadaan." Ngumisi saka tila nagseryoso. "Balita ko, nagpapabaya ka? Hindi ka raw nag-aayos nang mga nakaraan? Parang hindi ikaw." gumuhit nang mas malawak ang nakagigigil na ngisi sa kaniyang labi. "Hindi naman siguro dahil kay Yvan 'yon?" Parang gusto kong manapak?

"Kailan ka pa nagkaroon ng interes?" pinipigilan ang sariling makapagsalita ng kung ano.

"Hmm, bakit naman ako magkakainteres?" bumalanse siya ng tayo, kung kaya't ang kaniyang pababa kong tingin ay pinapantayan na ang kaniyang tangkad. They almost look alike. From their color, hair, eyes, nose, almost everything about them, but never their character.

Isang tinginan ko palang, alam kong siya o si Yuri ang kaharap at kausap ko. Paano'y awtomatikong kumukulo ang dugo ko sa kaniya.

"It's so you, Yohan. As arrogant as before." pakikipagtagisan ko ng ngisi. Nagawa pa niyang humalakhak.

"And you're not? Oh c'mmon little girl, do you think your good girl now? Having Yuri as your, how can we call this? Bodyguard? Nah. Sidekick? Nah. Ahh...almost boyfriend material?" another sarcastic laugh.

Kasabay ng malutong na mura ay ang pag-landing ng kamao ko sa nakakainsulto niyang pagmumukha. Kahihiyan na kamukha niya si Yuri, nakakainsulto sa part ni Yuri, ako na nagsasabi.

Mukha naman siyang nabigla dahil tumalim ang kaniyang paningin sa akin habang sinasapo ang mukha.

"Tumatapang na rin. Pero kahit anong pilit at ilusyon mo, ang kuting ay hindi magiging tigre." siyang hakbang niya papalapit sa akin.

Hindi ako nagpatinag, ni hindi kumilos o kumurap. Sinalubong ang kaniyang titig.

"Bakit, nasisindak ka na ba?" pang-aasar ko. Mas lalong nag-igting ang kaniyang panga. Marahas na hinablot ang panga ko ngunit 'di ako uminda.

"Sinong tinakot mo?" hindi pa man tuluyang nakakalapit ang mukha niya sa aki'y sinalubong na ito ng kamaong nanggigigil, isa pang sapak sa muntikan niyang pagkabalanse upang tulungang makatayo, sabay higit sa kamay niya at binaliktad ito. Ngayo'y impit siyang dumadaing habang nakatalikod na nakaluhod sa aking harapan.

"Bakit, natatakot ka na ba?" Saka hinila ang brasong nakabaliktad. Nangibabaw ang palahaw niya habang pilit na nagpupumiglas.

"What do you think you're doing?" sa pagkabigla'y nasipa ko pa palayo si Yohan.

So-rry.

"Yllona." wala sa sarili kong usal.

"Ano ba 'yan, ngayon pa lang ako makakaganti eh!" bugnot naman na dabog ni Yohan.

Kapwa kami tinaasan ng kilay sabay irap. "Get out."

"What?!" nagkatinginan pa kami sa pagkakasabay.

"Bingi ba kayo o gusto niyong ako kumaladkad sa inyo palabas?" kung mataray ako, ano pa ang panganay na Javier?

Ilang beses pa akong nagprotesta ngunit ngayo'y nangibabaw ang lakas ni Yohan.

"Ang pangit mo, 'wag kang gumaniyan." saka tinawanan ang mukha kong nakabusangot, saktong pagkalabas.

Pasampal pa lang ako'y nakapitik na siya. Argh!

"Yohan!"

"O ba't? Ganiyan mo ako ka-miss?" saka talagang nakakainis na ngumisi. Nakakabwisit! He reminds me of Yuri! But of course he's not. Never!

All Rights Reserved

alleurophile