webnovel

Special Chapter 1

"What's the matter?" pagpuna sa akin ni Isle. I chuckled. Since when she had the guts to ask about others than me?

"Hindi mo narinig?" sambit ko na lang. Akala ko ay hindi na siya magtatanong pa.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga 'yon. Kaya pala parang nakita ko na siya.

Is it a coincidence?

"Magtatanong ba ako kung narinig ko?" mas lalo akong natuwa sa reaksyon niya. Kunot na kunot ang noo, animo'y ginising mula sa pagkakatulog. Badtrip.

Biruin ko nga. "Mukhang may tatapat na sa'yo." hindi nga ako nagkamali. Mas lalo pang bumusangot ang mukha niya, inirapan pa ako. Kunwari akong nagtaka sa kaniyang inasal bago pinalitan ng tawa.

" 'Wag kang mag-alala, alam kong mas magaling ka sa kaniya," pero tinabig niya ang kamay kong pumisil sa kaniyang pisngi. Badtrip nga siya, pambihira.

I thought, it's just a coincidence.

But surprisingly, I noticed how he differently stare at Isle.

"Can you please stop meddling with her? How much do you want, huh?"

Napipikon na ako. Akala niya hindi ko napapansin? Sinasamantala niya ang pagkakataong galit sa akin si Isle para lalong mas mapalapit.

"Magkano ang kaya mo?" tanong niya, nanghahamon.

"I'll pay you ten thousand. Get your ass off from her." I uttered out of annoyance.

" 'Yan lang? Todo na?" ngisi niya. Hindi ako makapaniwala.

"Ano bang gusto mo, ha?!" sigaw ko habang kinukwelyuhan siya. Nakakapuno na.

"I can pay you back ten times higher than your price." walang kahirap-hirap niyang natanggal ang kamay ko mula sa kaniya.

May lakas din naman pala ang isang 'to. Mukha lang palang lampa.

"Binabalaan kita. Hindi mo kilala ang binabantayan mo." balik kong panghahamon. He knows nothing about her parents and what they can do once na malaman nila ang ginagawa niya. Pero syempre bago pa man makarating sa kanila, pababagsakin ko na siya.

"Para namang kilala mo."

And after that, I decided. I need to make things up with her before it's too late.

That guy is ridiculously suspicious. He's persistent. Fuck that guy! I won't let any of his strands lay on Isle. Not on her.

As soon as we got better, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.

We spent our time with each other, again, as before. In their house, in school, in random places.

Kahit na parang may ipinagbago sa ikinikilos niya. O guni-guni ko lang? Nahahawa na ba ako sa pagiging OA niya minsan?

Gusto kong tanungin kung bakit, kung may problema ba, pero tinatawanan niya lang ako at sinasabihang paranoid.

Pero ang lalaking 'yon, ayaw talagang tumigil. Konti na lang. Isa pang lapit.

I remembered again. Sa library.

"Joke lang, señorito. Eto na oh, nagpapalambing lang 'yan." Napanguso ako nang tumama ang burger sa mukha ko saktong pagtawag niya. Akala ko pa naman! May kadugtong palang, 'Say ah!' Mamamatay na yata ako sa mga paasang the moves ng babaeng 'to.

"Hala! Ayan, bakit ka kasi lumilingon bigla-bigla!" ako pa ang sinisi? Dali-dali niya itong pinunasan at nilinis. Kasalanan ko palang ma-excite dahil akala ko iki-kiss niya na ako sa pisngi? Ang babaeng 'to. Sayang. Kung nagkataon, swak paglingon. Hohoho. Kaso, burger. Burger!

Pinanliitan ko siya ng mga mata, kunwari'y naiinis. "Nakakatawa 'yon?" inis kong tanong. Pero ang babae, hindi man lang natakot, tinawanan pa ako!

Akala mo ikaw lang marunong mang trip? Tingnan lang natin kung makatawa ka.

Eh kung gawin ko kaya...hohoho.

"Oh, sa'yo na, nahiya ako, eh." Nanlaki ang mga mata niya nang lagpasan ko ang ipinipilit niya na namang isubo na burger. Nakangisi akong waging-wagi sa mga kalokohang naiisip.

Sorry, nag-iba na pala taste ko.

Dire-diretso ang pag-abante ko papunta sa kaniya hanggang sa bigo akong makaganti. Pakiramdam ko ay may kung ano na namang gumapang sa dibdib. Lagi na lang, bakit ba hindi ko maituloy-tuloy?

I always wanted to do that, kiss her, kahit saglit lang, kahit dampi lang...ulit. Nakalimutan ko na kasi ang pakiramdam.

My face fell between her shoulder and jaw.

Tikom lang ang bibig ko pero nakakailang mura na ako sa isip. Hindi naman niya maririnig hindi ba? Kahit isa lang.

Nakngina!

Hindi ko na talaga kaya. 'Yong dibdib ko, parang sasabog. Ang lapit niya, sobra. Amoy na amoy ko ang napakapamilya niyang amoy. Nanununot sa kabisado nang ilong.

The idea of her skin unto mine drives me crazy.

Mas lalo pang sumabog ang kawalanghiyaan sa katawan ko nang tuluyang umakap ang mga daliri ko sa kaniya. Saktong-sakto.

Pakiramdam ko, totoo talaga ang cloud nine, pero walang anghel na umaawit. Puro caterpillars at butterflies na katulad ng sa.tiyan ko.

Nababading na ba ako? Talaga naman. Ganito ba ang epekto ng isang Mimesis Isle sa akin?

Nakakaadik. Nakakabaliw. Ayoko nang lumayo. Ayokong tumigil.

"Yuri..." then her voice. That voice that always wake me up in the morning. Sayang at alarm lang. Sa susunod, totoong siya na ang itatabi ko. Hohoho.

"Sshh" I mumbled. "Magchacharge lang ako, ilang araw ding low battery eh." sana naman, kahit ngayon lang, tablahin ang kamanhidan niya sa katawan.

Sana kahit ngayon lang, tanungin niya naman kung bakit at anong dahilan. Sana, para sana madali na lang.

Pero anakngina. Nakadalawa pa. Dale ako nito, buti na lang at 'di niya alam.

Hindi siya kumilos, hindi rin nagsalita. Tanging bawat pagsinghap at buga niya lang ng hangin ang bumubuhay sa akin, gustong-gusto kong sinasabayan. Pakiramdam ko, sa ganoong paraan, iisa na lang kami, ng hanging ihinihinga at tibok na nararamdaman.

Kung pwede lang.

Halos sabay kaming napapitlag sa ingay sa kabilang aisle.

"Psh, istorbo naman." singhal ko.

Patayo na siya nang hilahin ko pabalik. Bakit ba pagdating sa lalaking 'yon lagi siyang kung hindi magtatanong ay mag-uusisa?

At bakit sa lahat ng pagkakataon nakikisalo ang transferee na 'yon?

"Ano na naman 'to Yuri?" she asked, innocently. Kapipintahan ng oagkairita sa ginawa kong pagtakip sa mga mata niya.

"Hide and seek?" pinilit kong magpatawa. Hindi niya dapat malaman.

Taragis kasi na mascot boy, sa lahat ng pagkakataon bakit ngayon pa? Sa lahat ng babae, bakit si Isle pa?

Kahit sana ibigay ko na 'yong si Kindle para wala nang pagselosan ang señorita ko. Ahem, pagselosan? Parang ang sarap sa ears, hohoho.

Nang makaalis ang tukmol ay marahan kong iniharap ang babaeng 'to sa akin.

Just by looking at her, I know whom I want to spend the rest of my life with. And that makes me feel fear with the thought of one day, she'll be happier with someone else. I can't imagine. I don't even want to think.

"Isle, promise me." The future ahead of us is and still unsure. But I will do my utmost to protect my girl from being stolen from me.

"Promise me, you'll wait." Madamot ako. And I can't afford to see my property being in other territory.

Isang tango niya lamang ay nawala ang kaba sa dibdib ko. Hindi ako dapat matakot. Wala akong daoat ikabahala.

Matapos lang ang lintik na kontrata na 'yon, pwede ko na siyang tanungin.

Don't worry Isle, I'll end this in quickest silent way. Just...just wait for me until then.

Ayaw niya talagang tumigil. Hindi niya tantanan si Isle. Hindi malinaw kung anong kailangan niya, pero alam ko, nakikita ko sa mga ikinikilos niya. Meron siyang pakay.

But I won't let him. He won't get what's already mine.

All Rights Reserved

alleurophile