webnovel

Chapter 14

"No need." pagmamatigas ko, pang-ilan na nga, 'di na mabilang.

"Geh, bahala ka, susundan pa rin naman kita." napapikit ako sa sobrang inis. Bukod sa katotohanang sinusundan niya ako'y ang paraan niya ng paghalakhak ay parang sa mga super villain ng mga cartoons. Nakakabwisit.

"Pwede ba?!--"

"Pwede naman."

At ang kalokohan at nakakaimbyerna niyang kakulitan ay times 100 ng kay Yuri. Kanina pa pilit nang pilit. Ano ako, lumpo para ihatid? Siya ba si Yuri?

"Isang hakbang mo pa, makakatikim ka na talaga." pero tila walang silbi ang mga pagbabanta ko. Hindi yata ako nakakatakot.

Sa inis at pagkapuno ay hinayaan ko na lamang siyang sumunod. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang angas mo. Pagkababa at pagkalabas ay nagulat ako nang bigla niyang higitin, hindi pa man nakarerehistro'y tumalima lamang nang napagtantong kinakaladkad niya na ako.

"Wtf?" singhal ko. Tawa naman siya ng tawa.

"Wtf too?" saka na naman bumulalas.

"Kaya kong umuwi mag-isa, pwede ba?" napupuno na ako.

"Pwede naman, ang kaso'y kung kagustuhan ko lang, baka itinulak pa kita. Utos ni Yllona, aangal ka?" ngumisi na naman siya. Huminga ako ng ilang beses, pilit pinakakalma ang sarili. Nang humupa ang tensyon ay nang-aasar ko siyang nginitian.

"Bakit hindi?" saktong tatalikod na ako'y bigla niya na naman akong hinila, muntikan pa akong mawala sa balanse ngunit salamat sa kaniya, sa loob ako ng kotse um-landing. Anak ng! Sinapo ko ang balakang na tumama sa marahas niyang pagtulak. Akmang palabas nang i-lock niya ang mga pinto.

"You lose." saka namayani ang mala-demonyo niyang tawa. Agad niyang pinaandar ang sasakyan kaya't wala na akong nagawa pa. Gustong-gusto ko siyang saktan habang nagmamaneho, ang kaso'y baka sabay kaming matigok, kaya't sobra ang pagpipigil ko sa nakaiinsulto niyang tingin at ngisi, panay pa ang sulyap sa reaksyon ko sa salamin. Mamamatay yata ako sa kunsimisyon sa isang 'to. 

Hindi na ako nagsalita, ayoko nang mapikon. Hindi rin naman siya makadugtong dahil hindi tinatapunan ng paki. Maya-maya'y pinuno ng katahimikan ang pagitan namin.

"Stay away from Yvan." buntong hininga niya. Sa una ay hindi ko pa maintindihan kung ako ba ang kinakausap at kaniyang inuutusan, ngunit napagtanto nang muling tagpuin ng kaniyang mga mata ang akin sa rear mirror. Seryoso, na tila sa isang kurap ay nagbago ang kaniyang pakikitungo. Sinong niloko niya?

"May saltik ka ba? Modus operandi? Budol-budol? O baka 'yong mga nauusong prank?" sinubukan kong magtaray, ngunit hindi gumana.

"You don't know what trouble you are causing to both of you. So please---"

"Kung pangangaralan mo lang din ako at uutusan, baka kahit ibaba mo na lang ako kung saan."

Sinong mag-aakalang masunurin nga siya? Pinababa nga ako. Halos magwala ako sa galit ngunit siya ay tila tuwang-tuwa, wiling-wili.

"Basta, iwasan mo na siya." pinal niyang usal, saglit na nagseryoso hanggang sa nakakaloko na namang tumawa paalis.

Sa isip-isip ko'y ilang beses na siyang nabugbog ng mura. Ano na naman bang problema niya at biglang lilitaw para lang sabihin ang mga katagang 'yon? Pasasakayin, tapos ay ililigaw na parang pusa? Hindi pa mahulaan kung bakit iba-iba at pabago-bago ang hulog. Isa ngang living animal.

Pero ang kapal lang. 'Yong taong ni-peperwisyo ko nga hindi nagrereklamo, tapos siya, kung makapag-utos, daig pa nagpapasahod.

Baka nakakalimutan niya, kakambal lang siya!

Ikalma mo ang sarili mo Isle, isang ligaw na animal lang 'yon.

Ilang araw na naman ang lumipas, wala pa ring pinagbago sa mood ko, lumala pa nga yata. Parang gusto ko na lang ma-comatose na rin bigla, mas may pahinga pa. Sana pwede ding hindi na lang ako magising, isang araw. Nakakaumay na kasi.

"Ms. Samonte, please---"

"Wala ako sa mood."

"Aba'y bastos 'to ah? Hindi pa nga---"

"Tss."

Tumatakbo na tila laruan ang oras, walang pakialam sa kahit na anong bagay, na tanging iniisip ay buhay niya, buhay siya, umiikot, umaandar, paulit-ulit, bagaman ang mga pangyayari sa kaniyang paligid ay hindi.

"Night," awtomatikong nagising ang diwa ko nang matunugan ang mala-anghel na tinig na 'yon.

Timing, pag-abot ng paningin ko'y siyang abot niya rin ng isang sobre sa Levithan na 'yon. Sa una'y tinitigan lamang niya ito ngunit tinanggap din kalaunan. Papakipot pa, gusto din naman.

Literal na malandi. Pagkatapos kay Yuri, sa iba naman didikit? Aba'y isa ka ngang buhay na alamat. Alamat ng makating higad.

"Sana, pagbigyan mo." dagdag niya pa. Nagpapa-cute, as if naman. Gustong-gusto kong matawa ngunit ayaw paawat at pakabog ng inis ko sa malanding higad na 'yon. Nagawa pang magmakaawa? Pagbigyan? Ew. Ganiyan na siya kababaw?!

Nginisihan ko lamang ang dalawa nang makasalubong ng tingin. Kapwa sila gulat na sadyang hindi inaasahan ang presensya ko.

Wala naman kayong dapat ikatakot, ano pa bang pwedeng itago? Nangisi ako sa naisip saka sila iniwang nakamaang. Nakailang ulit pa akong napailing, hindi makapaniwala.

Bakit ba lagi ko na lang napapansin ang kasalanan ng mundo? Hindi ba pwedeng maging bulag at bingi na lang? Pakiramdam ko, ako ang nagkakasala para sa kanila. Haha, parang ang linis ko naman.

Sa halip na masama ang mood na pumunta ng ospital, ay nagpalipas muna ako ng init ng ulo sa loob ng mall.

"Black forest and cookies 'n cream," usal ko. Alam ko, baka dala lang rin ng gutom. Naupo muna ako sa tabi para sumubo, ngunit napasapo nang mapagtanto ang isang bagay.

"Isa pa nga ulit n'ong in-order ko." pagkabayad ay ngali-ngali akong napatakbo. Baka matunaw, hindi niya matikman habang masarap pa.

"Aray!" muntikan na akong mapamura nang kamuntikan na ring tumilapon ang hawak ko, mabuti at nahabol ko nang hablot. Kung nagkatao'y sa'kin bubuhos ang mga laman nito, mabuti talaga't napaayos agad ang aking pagkakabalanse.

Sinamaan ko ng tingin ang walang hiya na hindi tumitingin sa daan, alam na ngang may nagmamadali, haharang pa. Kung bakit ba naman pinuno ng mangmang ang mundo. Tsk.

Nang rumehistro ang sitwasyo'y agad gumuhit ang ngisi sa aking mga labi. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, mukhang mahilig talagang makipaglaro.

"Ikaw, sinusundan mo ba ako?" taas kilay kong untag. Nanatili siyang tahimik, nakatayo't nakamasid. Humakbang ako palapit ngunit hindi talaga siya nagpatinag, ni-hindi gumalaw o nagpasindak. Mas lalo akong naasar. Inilapit ko pa ang mukha para makita ang nasa loob mula sa mga mata nito, laking gulat ko nang lumapit rin ito, bigla-bigla, kamuntikan pa akong tumihaya.

Ngayo'y magkadikit na ang mga mukha namin, sadyang nakasuot lamang siya ng mascot na parang teddy bear, ngunit sa pagkakataong ito'y naging daan ito upang tuluyan ko nang maaninag ang kaniyang mga mata.

Eh? Bakit parang pamilyar?

Napahilig pa ang ulo ko nang umatras siya't saka ako nilagpasan.

Mabilis kong hinigit ang braso niya at saka ang ulo ng kaniyang suot.

"Le..Levithan?" luwang-luwa na mga mata kong sambit. Maski siya'y bahagyang nagulat, bakas sa madalas blangko niyang mukha.

Dala na rin siguro ng gulat, kung kaya't marahas niyang inagaw ang braso at ibinalik sa pagkakasuot ang ulo nito. Sa isang kurap ay bigla na rin lang siyang nawala.

Sinubukan ko pa siyang hagilapin at sundan, ngunit tuluyan na nga siyang nawala sa'king paningin. Namalikmata lang ba ako? O 'yong epal na bida-bida, na kung umakto ay akala mo kung sinong magaling sa klase namin, ang talagang nakita ko?

Tinunghayan ko pa ang dala-dala at ang lugar kaninang pinagbanggan namin. Impossible.

Pinilit kong iwaglit ang nangyari mula sa isipan. Siya nga ba 'yon? Eh paano kung hindi? Eh ano ba kasing pakialam ko kung siya nga?

Napahilamos ako't napasabunot nang wala sa sarili. Bakit ba pati 'yon pinoproblema ko na rin? Earth to you, Isle?

Napapikit ako sa inis. Siya nga talaga 'yon! Ano ba, tama na, pwede? Argh! At ang mas nakakainis ay ang reyalidad na tunaw na ang dala-dala kong ice cream. Ano nang lasa nito? Tinunaw na---yuck. Ayoko nang isipin.

Pero, teka. Kung siya nga 'yon, e 'di, siya rin 'yong tumulong sa'king pagtaguan si Yuri? Siya rin 'yong iniwanan ko ng ice cream? Si Levithan?! 'Yong kaklase kong epal na bida-bida?! Wth?!

"Nooo!" napapahiya akong napatakip ng bibig sa biglang paghuhumentaryo. May ilan ngang napatingin pa sa gulat. Ano nang nangyayari sa'yo Isle?

Argh!

Dapat, ikwento ko 'to at malaman ni Yuri. Nakakahiya! Nyemas na 'yan. Kung hindi ba naman pinaglihi ako sa kamalasan, eh malamang may balat akong hindi ko nadidiskubre.

Paano ko na haharapin ang lalaking 'yon? Malamang sa malamang eh lihim na pala niya akong pinagtatawanan! Ano ba naman kasing kaeng-engan meron ako?! At saka sa dinami-dami eh, bakit siya pa?!

"Yu-wow?" maang ko.

"Mimesis."

"Mimesis? Ha! Mimesis your ass." matindi na pag-irap ang inani niya mula sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Ang kapal mo naman? Kanina lang sa iba ka nakikipagharutan dahil lang wala si Yuri, tapos ngayon? Just wow. Sino ka at anong karapatan mong pumunta dito? Saan ka nakakakuha ng hindi maubusang kalyo sa mukha?!" brutal na kung brutal.

"Ano...kasi...let me---"

"Explain?! Explain what?" nangingigil ako makita ang painosente niyang mukha. 'Yan, 'yang plastikada niyang retokadang mukha ang minsang nag-um-epal sa amin ni Yuri, tapos hindi pa nadala? Gusto yata hindi lang kamay ang mahampas, eh.

"Mimesis, please..." pagmamakaawa niya, ang galing din umarte, award winning, most convincing! Pwes, 'di niya ako maloloko! Kung napapaikot niya kokote ng mga lalaking hinaharot-harot niya, eh malas niya lang at si Yuri pa natipuhan niya. Ngayong wala nang aawat, makakatikim na talaga siya sa akin!

"Labas."

"Mimesis naman?"

"Sabi ko lumabas ka! Naiintindihan mo ba? O sadyang mahina 'yang ulo mo? May utak ka nga ba o talagang kulang ka sa pang-intindi?!" kuyom na kuyom ang aking mga kamao sa inis at galit. Nakakatuwa naman talagang araw 'to, siksik, liglig at naguumapaw sa pang-iinis.

"P-pero---"

"Ayaw mo talaga ng maayos na pakiusap? Pwes, pagbibigyan kita. Kung dati 'di ka makatikim dahil nagpapaawa effect ka sa lalaking 'to, sorry ka ngayon at walang magtatanggol sa'yo!"

Gigil ko siyang hinila, nagpupumiglas pa nga pero ano nga bang laban niya sa lakas ko? Una, kulang yata 'to sa kain at napakapayat at maputla, pangalawa ay may pa-hinhin effect pa. Edi siya na ang babae at ako ang hindi!

"Diyan ka! 'Wag na 'wag ko lang talagang makikita ulit 'yang nakakakulo ng dugo mong pagmumukha dahil matatauhan ka talaga kung gaano ka kalandi!" singhal ko. Siguro ay sa kaniya ko naibunton lahat ng galit at inis kung kaya't hindi na ako napa-preno. Sorry, pwera sadya.

Akmang papasok na nang hawakan niya ang braso ko, sa inis at pagkabigla'y naitulak ko siya. At talaga naman, may paghandusay pa sa hallway, galing umarte, nakakapang-mura.

Ang daming pang nagtitinginan, nagbubulungan. Ngunit hangal lang ang magtangkang umawat. At talaga naman, ang sasama pa ng tingin sa akin. Edi wow, ako na ang kontrabida!

"How many times do I need to tell you that whenever I'm here, 'wag na 'wag kayong magpapakita?" halos sabay kaming napalingon ng ipokrita sa pumagitna sa amin. Si Yllona na naman. Bakit ba ang daming epal sa buhay ko?

"But--" napatigil ang babaita nang tapunan siya ng nakamamatay na titig ng panganay na Javier. Napangisi ako sa isip. Ha! Know your place, bitch!

Nagpatiuna itong pumasok, samantalang nanatiling nakayukong nakaupo sa sahig ang feeling damsel in distress, napairap tuloy ako. Yuck? Walang sasagip sa'yo!

"Ano pang itinitingin-tingin niyo? Kulang pa sa aliw? Eto oh, baka marunong din mag-pole dancing." singhal ko saka pumasok. Agad din naman silang nagsi-alisan. Bakit? Ayaw nila sa GRO?

Saktong pag-angat ko ng tingi'y isang malutong na pagsampal ang inabot ko. Namamanhid, nag-iinit, hindi ko malaman kung dahil ba sa lakas ng pagtama no'n o sadyang 'di lang ako sanay nang tinatamaan.

Nangingisi ko siyang muling hinarap saka sinalag ang muli na namang sampal na sana'y la-landing sa akin.

"Sino ka at anong karapatan mong saktan ako?" taas na taas ang aking kilay sa panggigigil, gayundin ang madiin at may panginginig na paghawak ko sa kaniyang pala-pulsuhan. Nagmamatapang.

"Hindi ba't ako dapat ang magtanong sa'yo niyan? Sino ka at anong karapatan mong angkinin at bakuran ang kapatid ko?" pagkakadiin niya sa dalawang huling salita, pinantayan ang aking nang-uuyam na ngisi, maging ang pagtaas ng kilay.

Ako lang naman ang kaibigan niya. Ha. Kaibigan. Ano nga bang laban ko sa mismong kadugo ng taong ipinaglalaban ko? Mas tanga pa pala ako sa inaasahan.

"O? Nanahimik ka? Na-realize mo na bang--"

"Kaya kong lumabas nang may kusa. Hindi mo kailangang manakit, kung ayaw mong sa'yo bumalik." padabog kong ibinagsak ang kamay niya saka tumungo sa kinaroroonan ni Yuri bago pabulong na nagpaalam.

"Señorito, alis na muna ako. Babalik ako bukas ng umaga. Hintayin mo ako ah? Saka eto oh,  medyo tunaw na, pero alam kong kakainin mo pa rin. Favorite mo kaya 'to!" saglit ako napabuntonghininga bago mariin na napapikit. Ang hirap, sobrang hirap ng ganitong sitwasyon. "I miss you." sabay nag-iwan ng halik sa kaniyang noo.

Napabalikwas ako sa marahas na paghigit ni Yllona sa braso ko.

"Bitch--?!" isang malawak na ngiti ang isinukli ko sa kaniya matapos na namang salagin ang akma niyang pananampal. Nakakailan ka na ha?

"Sabi naman sa'yo, meron akong kusa. Matuto kang rumespeto at maghintay." saka isinampal sa pagmumukha ang kamay niyang ipadadapo sana sa akin.

Naiwan siyang nakatulala habang nananatiling nakasapo sa pisngi.

Serves you, bitchest!

"Mimesis---"

"Ano? Gusto mo ring makatikim?" saka siya nilagpasan.

"Everything is for your sake. Sana maintindihan mo." pahabol niya pa.

Hindi ko na siya hinarap, my mid finger did. Salute bitch.

All Rights Reserved

alleurophile